00:00Dinagsa ng mga mamimili ang Kadiwa Center sa Bureau of Animal Industries sa Visayas Avenue
00:05kung saan abot tayong bilihin ang hinahanap ng marami.
00:08Inang ulat ni J.M. Thompson.
00:12Buhay na buhay pa rin ang espiritu ng pagtutulungan nating mga Pilipino,
00:16lalo na sa panahon ng nararanasang pagsubok.
00:19Ang 73 anyos na si Jake Villamante.
00:22Alas dos pa lang ng madaling araw ay nakapila na sa Kadiwa Center sa Quezon City
00:27para lang makasiguro na aabot siya sa supply ng 20 pesos na bigas kada kilo.
00:32Last Thursday a week ago, dumating ako ng 6.45, 9.30 naubusan na ako eh.
00:39Sabi pa ng senior citizen, ang nabibili niyang bigas ay hindi lamang para sa kanya.
00:44Mahal ang bigas, so it's practical na bumili ka ng 20.
00:47And since nag-iisa lang naman ako, yung alatin ng 30 kilos a month,
00:53sinishare ko rin doon sa mga indigent na since I'm a missionary pastor.
00:56Tuloy-tuloy ang pagpapalawig ng Kadiwa ng Pangulo Program na may 627 na sa kasalukuyan.
01:03Layo nitong agarang masolusyonan ang tumataas na presyo ng ilang bilihin sa merkado.
01:09Dito sa Kadiwa Center sa Bureau of Animal Industry, Visayas Avenue, Deleman, Quezon City,
01:15walang patid ang pagpunta ng ilan nating mga kababayan para bumili sa Kadiwa Store.
01:20Si Salvador Valdez, laking pasasalamat sa programa.
01:24Malaking tulong daw ito sa gaya nilang kapos sa budget.
01:2720 pesos per kilo.
01:29So makakabili ka ng 3 kilo dito sa labas 1 kilo lang.
01:33So napakalaking diferensya, diba?
01:35Pero si Eduardo Barlaan, stroke survivor.
01:39Ang natitipid niya sa pagbili ng murang bigas ay inilalaan niya sa kanyang maintenance medicine.
01:44Kaya naman, pinipilit niyang makabili.
01:47Wala po akong kasama sa bahay, kaya ako lang mag-isang pumila rito.
01:52Nagpapatulong naman daw si Tatay Eduardo sa mga tao roon para maisakay ang kanyang biniling bigas sa kanyang tricycle.
01:59Samantala, pagdating sa loob, maayos naman ang proseso.
02:04Ine-encode ang bawat isa kung ilan pa ang available na kilo ng bigas kada tao.
02:09Ayon dito sa mga namimili, pinapayagan sila na makabili ng 5 hanggang 10 kilo ng bigas kada araw.
02:16Pero, limitado sa 30 kilos kada buwan ng isang tao para lahat ay makabili.
02:22Nagpapasalamat naman si Flory sa programang ito, pero meron siyang isang hiling.
02:27Sobrang saya po namin, sobrang tulong na ginawa sa atin ng ating gobyerno na makabili kami ng murang bigas na
02:34halagang 20 pesos.
02:35Sana naman sa susunod na pagkakataon na meron pa ito, sana naman po higit niyo pang gandahan para yung aming
02:47proseso.
02:48Nananatili namang sapat ang supply ng bigas na ibinibenta na nagkakahalaga ng 20 pesos kada kilo.
02:55Pagsisiguro yan ng National Food Authority o NFA.
02:59Tuloy-tuloy rin ngayong araw ang mga kadiwa store sa iba't ibang outlet sa Las Piñas City, Paranaque City, City
03:06of Manila at Valenzuela City.
03:08J.M. Thompson para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.
Comments