00:00Inilabas na ng Philippine Statistics Authority ang datos ng inflation rate nitong Marso.
00:05Ayon sa PSA, sa kabila ng mababang presyo ng ilang bilihin gaya ng pagkain dagat,
00:11naiulat na ang inflation rate sa bansa nitong Marso.
00:14Bumilis ng higit 4% ayon sa Philippine Statistics Authority.
00:19Si Denise Osorio sa Sentro ng Balita.
00:23Todo higpit ng sinturon ang ating mga kababayan
00:26kahit na may bahagyang pagluwag sa presyo ng ilang pagkain nitong March 2026,
00:31ayon sa Philippine Statistics Authority.
00:33Ayon sa mga tindera ng isda tulad ni Elsa Almenario,
00:36kapansin-pansin ang pagbaba ng presyo ng kanilang benta nitong nakaraan,
00:40lalo na nitong Semana Santa.
00:42Mas mababa pa yung isda nung pumasok yung kira nila.
00:46Sa iba ang tumaas hindi ito eh.
00:48Hindi sa pagkain kahit gulay mababa rin eh.
00:51Ito bumaba talaga yung isda.
00:52Bumaba sa sa init ng panahon.
00:54Git pa ni Elsa, maswerte ang ating mga kababayan ngayon
00:57na bumaba ang presyo ng isda at mayaman pa ito sa protina.
01:00Ayon naman sa ating mga mamimili,
01:02ramdam ang pagbagsak ng presyo ng isda,
01:05lalo na at mas matas ito noong Pebrero,
01:07kung kaya't hinihikayat nila na itong tangkilikin sa ngayon.
01:10Yung sa pangaraw-ngaraw, isda po lahat na bibili natin.
01:13Isda, baka, mahal, baka.
01:16Kung kailangan talaga magtipid, tipid, tipid.
01:18Kung halimbayang ulam mo sa umaga,
01:21pwede mo pang ulamin sa gabi.
01:22Hanggang kinabukasan, pwede mo pang ulamin.
01:25Ganon.
01:25Kabilang sa mga nagtala ng mas mabagal na taonang pagtaas ng presyo,
01:29ang isda at iba pang seafood.
01:31Gayon din ang gatas, iba pang dairy products at itlog,
01:34pati na ang mga ready-made food products.
01:37Pero kahit may pagluwag sa ilang pagkain,
01:39bumilis pa rin sa 4.1% ang headline inflation
01:42o overall inflation ng Pilipinas mula sa 2.4% noong February.
01:46Isa sa mga dahilan nito ang mas mabilis na paggalaw
01:49ng mga presyong may kinalaman sa transportasyon,
01:52kuryente at iba pang fuel-related costs.
01:55Yung external naman kasi ito,
01:57we are importing it.
01:59So first, that depende yun sa world market prices
02:03and we are following it.
02:06Yung iba namang impact,
02:10syempre nakita na rin natin ito noong 2022, 2023
02:14na may mga direct and immediate effects
02:18sa iba pang mga commodity groups
02:21pag tumaas yung presyo ng gasolina, diesel.
02:25Ayon sa datos,
02:26malakas ang pag-angat sa transport index
02:29habang tumaas din ang galaw ng presyo sa housing,
02:32water, electricity, gas and other fuels.
02:35Sa food basket naman,
02:36hindi pantay-pantay yung naging takbo ng mga presyo.
02:39May ilang pagkain nagsimulang magpakita
02:41ng mas magandang direksyon,
02:43kabilang ang isda at iba pang seafood.
02:44Unang daylang dito kasi nag-open na yung ating fishing ban.
02:50So nagkaroon na tayo ng medyo mataas na production.
02:54Makikita natin doon ng contribution dito sa pagbaba ng presyo.
02:59So medyo pababa na siya,
03:01although yung level niya is quite high,
03:04but at least the direction is going down.
03:07Sa kabila nito,
03:08nananatiling ramdam ng mga mamimili
03:10ang bigat ng gastusin sa araw-araw,
03:12epekto ng mas mataas na presyo ng petrolyo sa pamasahe,
03:15kuryente at presyo ng iba pang bilihin
03:17sa mga susunod na buwan.
03:19Sa kabuoan,
03:19bumilis pa rin sa 4.1%
03:21ang overall inflation noong March 2026,
03:24pinakamataas mula noong July 2024
03:26na nasa 4.4%.
03:28Kasabay nito,
03:29patuloy rin nararamdaman
03:30ang bigat ng transport costs
03:32na pinakamataas na galaw
03:33mula pa noong January 2023.
03:36Denise Osorio,
03:37para sa Pambansang TV,
03:38sa Bagong Pilipinas.
Comments