00:00Masusing binabantayan ang pamahalaan ng presyo at supply ng mga pangunahing bilihin
00:04para protektahan ang mga mamimili laban sa posibleng pagtaas ng mga bilihin.
00:09Si Denise Osorio sa detalye.
00:15Nagsagawa ng Special Joint Price and Supply Monitoring ang Department of Agriculture
00:19kasama ang Department of Trade and Industry, Food Terminal Incorporated at Philippine National Police
00:25upang mabantayan ang presyo at supply ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan.
00:31Kabilang sa mga binabantayan ang presyo ng bigas, gulay, isda, manok at baboy
00:37kasabay ng pagtitiyak na walang labis na patong sa presyo sa kabila ng kasalukuyang krisis
00:42dulot ng tensyon sa gitnang silangan.
00:44Ayon sa Department of Agriculture, bagamat may nakikitang pagtaas sa ilang produkto
00:49hindi ito nangangahulugan na dapat doble rin agad ang itas na pamilihan.
00:53Although nakikita natin may epekto talaga pero hindi po dapat otomatik na madudobli ang presyo
00:58kasi it's just a part, parte lang po yun na nga pagpuproduce natin.
01:02Sabi pa ng DA, hindi pa ganap na nararamdaman sa ngayon ang buong epekto ng pagtaas ng presyo ng krudo
01:09dahil ang ilang ginagamit ng ating mga magsasaka ay nabili noong mga nakarang buwan pa.
01:14Inaasahan naman na makikita ang posibleng epekto nito pagkatapos ng darating na harvest season
01:20sa Mayo, Hunyo at Hulyo kaya nakafocus na rin ang mga ahensya sa paghanda ng subsidy
01:26para sa mga farmer na pinaka-apektado ng dagdag-gastusin.
01:30Nilinaw din ng DA na ang paggalaw ng presyo ng gulay ay mas nakadepende pa rin sa demand at supply
01:37at hindi pa maituturing na direktang bunga ng pagsirit ng presyo ng petrolyo.
01:43Gusto natin sanang iparating sa ating mga kababayan na kung may makita po sila talaga na pang-aabuso
01:50o yung talagang mataas po talaga yung presyo e bukas naman po ang DA sa mga pwede po nilang isumbong
01:57sa amin.
01:58Sa kabila naman ng matatag na presyo ng ilang bilihin,
02:01aminado ang ilang vendor na matumal pa rin ang bentahan ngayong linggo ng mahal na araw.
02:06May ilang mamimili naman na nagsabing swerte sila sa presyo ng isda dahil mas mura ito sa ngayon
02:12kabilang ang galunggong na nasa 50 piso kada isang tumpok at tilapia na nasa 100 piso kada tumpok.
02:20Pero ayon sa mga nagtitinda ng karne,
02:22lamdam na ang pagtaas sa gastusin mula feeds hanggang transport cost na nagtutulak ng presyo sa kanilang bentahan.
02:30Ang liyempo na dating 350 kada kilo, ngayon nasa 390 na.
02:35Pero kinakailangan pa rin ibigay ng mababa.
02:38Sa kabila nito, may mga vendor naman na pilit pinagkakasya ang presyo at dami ng produkto
02:44para hindi mapabayan ang mga suki, lalo na ang mga may limitadong budget.
03:00Ang mga hindi naman maibentang gulay, dinidiskartehan na lang ng pagbenta tulad ng tinatawag na bahay kubo,
03:08mga pangchapsuy, pansahog, pangpakpet at iba pa.
03:12Tiniyak naman ng DA na patuloy nababantayan ang mga presyuhan sa merkado
03:16para mabantayan ang galaw ng presyo at maprotektahan ang mga mamimili
03:21sa harap ng mga posideng dagdag gastusin sa mga susunod na buwan.
03:25Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments