00:00Patuloy ang pamahalaan sa pagtulong sa mga nakabalik na overseas Filipino workers mula sa Middle East.
00:06Kabilang narito ang isinagawang kumustahan session sa Davao City na layong tulungan ang repatriated OFWs na makabangon muli.
00:15Yan ang ulat ni Janessa Felix ng PTV Davao. Janessa?
00:21Audrey, mahigit 50 mga overseas Filipino workers o OFW dito sa Davao Region mula sa Middle East
00:28na tinulungan ang gobyerno makauwi sa Pilipinas ang lumahok ngayon dito sa kumustahan session na pinangunahan ng Department of Migrant
00:36Workers o DMW Davao Region.
00:41Bahagi ito ng mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga OFW mula sa Middle East
00:47para muling makabangon ngayong hindi pa natatapos ang sigalot doon.
00:51Katuwang ng DMW ang DSWD, DOH, DOLE at iba pang ahensyo ng gobyerno.
00:58Para matutukan ang pangangailangan ng mga OFW.
01:01Kabilang dito ang Job Replacement Assistance, Skill Training, Livelihood Assistance, Psychosocial Counseling, Medical Services, Legal Assistance at iba pa.
01:12Kung noon ay pre-employment at pre-deployment lang ang tulong na pinapaabot sa OFW.
01:18Ngayon ay kabilang nga ang Welfare Assistance mula sa abroad hanggang pag-uwi sa Pilipinas.
01:23Paraan ito upang masiguro na maproteksyonan ang karapatan ng bawat manggagawa.
01:29Audrey, ang ganitong programa ay hindi lamang responsibilidad ng isang ahensyo ng gobyerno gaya ng Department of Migrant Workers,
01:36kung hindi na lahat ng ahensyo ng gobyerno upang mapangalagaan ang karapatan ng mga overseas Filipino workers.
01:43Audrey,
01:46Maraming salamat, Janessa Felix.
Comments