00:00Tinututuhan ng Agriculture Department, katuwang ang ibang mga ahensya,
00:04ang pagbabantay ng presyo sa mga pangunahing pamilihan.
00:08Presyo ng ilang bilihin ngayong nagsimula na ang Holy Week,
00:12alamin sa sentro ng balita ni Denise Osorio.
00:17Nagsagawa ng Special Joint Price and Supply Monitoring ang Department of Agriculture
00:22kasama ang Department of Trade and Industry, Food Terminal Incorporated,
00:26at Philippine National Police upang mabantayan ang presyo at supply
00:31ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan.
00:33Kabilang sa mga binabantayan ang presyo ng bigas, gulay, isda, manok at baboy,
00:39kasabay ng pagtitiyak na walang labis na patong sa presyo
00:42sa kabila ng kasalukuyang krisis, dulot ng tensyon sa gitnang silangan.
00:47Ayon sa Department of Agriculture, bagamat may nakikitang pagtaas sa ilang produkto,
00:52hindi ito nangangahulugan na dapat doble rin agad ang itas sa pamilihan.
00:56Although nakikita natin may epekto talaga,
00:59pero hindi dapat otomatik na madudobla yung presyo
01:01kasi it's just a part, parte lang po yun na nga pagpuproduce natin.
01:05Sabi pa ng DA, hindi pagganap na nararamdaman sa ngayon
01:09ang buong epekto ng pagtaas ng presyo ng krudo
01:11dahil ang ilang ginagamit ng ating mga magsasaka
01:14ay nabili noong mga nakarang buwan pa.
01:17Inaasahan naman na makikita ang posibleng epekto nito
01:20pagkatapos ng darating na harvest season
01:23sa Mayo, Hunyo at Hulyo.
01:25Kaya nakafocus na rin ang mga ahensya sa paghahanda ng subsidy
01:29para sa mga farmer na pinaka-apektado ng dagdag-gastusin.
01:33Nilinaw din ng DA na ang paggalaw ng presyo ng gulay
01:36ay mas nakadepende pa rin sa demand at supply
01:39at hindi pa maituturing na direktang bunga
01:43ng pagsirit ng presyo ng petrolyo.
01:45Gusto natin sanang iparating sa ating mga kababayan na
01:48kung may makita po sila talaga na pang-aabuso
01:52o yung talagang mataas po talaga yung presyo
01:55e bukas naman po ang DA sa mga pwede po nilang isumbong sa amin.
02:00Sa kabila naman ng matatag na presyo ng ilang bilihin
02:03aminado ang ilang vendor na matumal pa rin ang bentahan
02:07ngayong linggo ng mahal na araw.
02:09May ilang mamimili naman na nagsabing swerte sila sa presyo ng isda
02:13dahil mas mura ito sa ngayon
02:15kabilang ang galunggong na nasa 50 piso kada isang tumpok
02:19at tilapia na nasa 100 piso kada tumpok.
02:22Pero ayon sa mga nagtitinda ng karne
02:24ramdam na ang pagtaas sa gastusin mula feeds hanggang transport cost
02:29na nagtutulak ng presyo sa kanilang bentahan.
02:32Ang liyempo na dating 350 kada kilo
02:35ngayon nasa 390 na
02:37pero kinakailangan pa rin ibigay ng mababa.
02:41Sa kabila nito, may mga vendor naman na pilit pinagkakasya ang presyo
02:46at dami ng produkto para hindi mapabayan ang mga suki
02:49lalo na ang mga may limitadong budget.
02:53Ede pagkayong kung gano'n na yung pera nila
02:55de tapatan natin ng gulay.
02:57Kung huwag yung pera nila, tatapatan natin
02:59para meron din silang makain, di ba?
03:02Gano'n lang yun.
03:03Ang mga hindi naman maibentang gulay
03:06dinidiskartehan na lang ng pagbenta
03:08tulad ng tinatawag na bahay kubo,
03:11mga pangchapsuy, pansahog, pangpakpet at iba pa.
03:15Tiniyak naman ng DA na patuloy na babantayan
03:17ang mga presyuhan sa merkado
03:19para mabantayan ang galaw ng presyo
03:21at maprotektahan ang mga mamimili
03:23sa harap ng mga posibleng dagdag gastusin
03:26sa mga susunod na buwan.
03:27Denise Osorio, para sa Pambansang TV,
03:30sa Bagong Pilipinas.
Comments