00:00Nagsimula ng maningil ng mas mataas na toll ang North Luzon Expressway o NLEX.
00:05Nagpatuli naman ang diskwento sa mga nagbabiyahe ng agricultural products.
00:10Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:14Isang North Luzon Expressway o NLEX sa pangunahing highway na araw-araw na dinadaanan ng libon-libong motorista
00:20mula sa hilagang bahagi ng Luzon, papasok at palabas ng Metro Manila.
00:25Simula ngayong araw ipinatupad na ang dagdag sa singil ng toll fee dito sa NLEX.
00:306 pesos ang dagdag para sa Class 1 at may karagdagan pa itong 26 centavos kada kilometro nito.
00:38Sa makatuwid, kung babiyahe ako mula rito papuntang Mabalak at Pampanga,
00:43aabot ng 24 pesos ang dagdag sa singil ng toll fee.
00:47Sa social media post ng NLEX, ito ang ikalawa at huling branch ng periodic toll rate increase
00:52na oriinal na nakataknang ipatupad noong 2023.
00:56Ngunit ipinagpaliban at hinati sa dalawang bahagi para hindi gaanong makapekto sa mga motorista.
01:02Paliwanag ng NLEX, mahalaga ang periodic toll adjustments para matiyak ang ligtas,
01:08maayos at dekalidad na operasyon ng expressway
01:10at mapanatili ang pangmatagalang servisyo ng privately funded infrastructure.
01:15Dagdag pa ng NLEX, mananatili ang toll rebate program para sa mga sasakyang
01:20nagdadala ng produktong agrikultural na akredit ng Department of Agriculture
01:24bilang tulong sa food price stability at inflation control.
01:29Para sa Class 2 vehicles, 12 pesos ang pangunahing dagdag sa singil
01:33at 16 pesos naman sa Class 3 vehicles.
01:36Pero sa kabila nito, mas pipiliin pa rin ng ating mga kababayan
01:39na gamitin ang NLEX at magbayad ng toll para sa maginhawa at mabilis na pagbiyahe.
01:45Gaya na lamang ni Nakiko Salazar at J.B. Hernandez na kapwa NLEX user.
01:50Kasi mostly, ang gulay natin galing north, madalas.
01:55So malamang expect natin tataas ang domino effect na.
01:59Medyo masakit din sa bulsa, syempre, dagdag 6 pesos.
02:02Imbis na kinikita namin, di mababawasan pa.
02:07Si Rogelio Espiritu naman, halos 24,000 piso ang inilalaan kada buwan
02:12dahil sa bulakan ang kanilang tahanan.
02:14Para sa kanya, walang problema ang dagdag ng singil
02:18basta ang katumbas nito ay dekalidad na servisyo.
02:22Masaya in a sense na kung maibabalik sana yung 6 pesos sa mga motorista.
02:28Kahit 10, basta maibalik yung servisyo.
02:31So in short, wala akong problema dun sa pagtaas na 6 na piso
02:35kung talagang makatwiran to.
02:37Pero yung servisyo ang sinabi namin,
02:38yung kalsada na may lubak, yung expansion, buksan.
02:42Yung zipper lane, agahan din yung pagbubukas.
02:45Wag na hintayin tumawag pa kami sa hotline.
02:47Mabigat man na pasanin ito sa ibang motorista.
02:50Pero marami pa rin ang mananatiling tumatangkilik sa NLEX.
02:54Dadaan pa rin ako sa NLEX.
02:56Ang hirap sa mga service roads natin,
02:58makikisiksik tayo, ang hirap din.
03:01Ang sinasabi lang namin, proactive dapat sila.
03:03Talagang by God's grace sa biyaya ng Panginoon,
03:05magsusumikap pa rin ang Pinoy para yung 6 pesos na naidagdag
03:10ay kitain pa rin.
03:13Mula 2022 hanggang 2025,
03:15isinagawa ng NLEX ang ilang malalaking proyekto
03:18tulad ng Candaba 3rd Viaduct,
03:20SFEX Capacity Expansion,
03:23Road Raising sa San Simon,
03:24at mga pagpapabuti sa Ilaw, Tulay, Overpass,
03:28at Toll Plaza Systems.
03:30Kasama rin sa mga paparating na proyekto
03:32ang unang dalawang kilometrong bahagi ng NLEX C5 Northlink,
03:35na inaasaang makakatulong sa pagluwag
03:38ng matinding trapiko sa Mindanao Avenue.
03:41Denise Osorio, para sa Pambansang TV,
03:43sa Bagong Pilipinas.
Comments