Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
BIR, nag-ikot sa business establishments sa Binondo, Maynila para inspeksyunin ang pagsunod nito sa tamang pagbabayad ng buwis | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inikot ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang mga business establishments sa Binondo sa Maynila upang tiyakin kung ang
00:07mga ito ba ay sumusunod sa mga kinakailangan dokumento at nagbabayad ng tamang buwis.
00:12Yan ang report ni Denise Osorio.
00:17Isang linggo pa lang matapos ang Lunar New Year, nag-ikot na ang Bureau of Internal Revenue sa ilang tindahan
00:23at tiyangge sa Binondo, Manila para kumustahin at gabayan ang mga negosyo sa tamang tax compliance.
00:28Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, bahagi ito ng National Simultaneous Chat Day ng Ahensya o Council Help Assist Taxpayers
00:37na sabay-sabay isinasagawa mula Luzon hanggang Mindanao.
00:41Layo nitong palakasin ang taxpayer education, lalo na para sa micro, small at medium enterprises o MSMEs na kadalasang wala
00:50pang sariling accountant o bookkeeper.
00:52Bagamat marami ng transaksyon ng BIR ang online, sinabi ng Commissioner na mahalaga pa rin ang personal na pagpunta sa
00:59mga establishmento.
01:00We see the value of occasional face-to-face interaction with our taxpayers.
01:06Hindi lamang para turuan sila, kundi para makita rin namin, personally kami sa BIR, yung rigors na pinagdadaanan nila sa
01:13pagnenegosyo nila.
01:15Tinignan ng BIR kung compliant ang mga negosyo sa basic requirements gaya ng Certificate of Registration, Authority to Print, Books
01:23of Accounts at tamang pag-i-issue ng sales invoice.
01:26Pero mayroong mga ilang tindahan na may kakulangan sa pag-display ng required notices, kabilang ang paalala sa customers na
01:31humingi ng resibo.
01:32At may mga kaso rin ng maling pag-encode sa journal, gaya ng pagsasama-sama ng entries sa dulo ng
01:38araw, imbis na hiwahiwalay kada invoice.
01:40Paalala ng BIR, obligado pa rin mag-issue ng sales invoice kahit hindi ito hinihingi ng customer.
01:47At dapat agad na maitala sa journal ang invoice number at amount para malinaw ang sales trail at iwas aberya
01:53sa compliance.
01:54Samantala, positibo naman ang pagtanggap ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. sa friendly visit ng
02:02BIR sa mga establishmento sa Binondo, lalo na kung mas nakatuon ito sa paggabay sa mga taxpayer.
02:08I think the commission is very friendly to the taxpayer. Taxpayer will be willing to pay more for the access.
02:19Giit ni Lim, obligado ang mga negosyong nagpaparenta sa mga establishment tulad ng mga mall ang mga government permit.
02:26At dahil ayon sa batas, dapat nakadisplay ang mga permit, kanya-kanyang style ang mga tindahan sa pagpapaskil.
02:33Meron sa taas ng pinto, ang iba naman sa kisame pa.
02:36Dagdag ng BIR, hindi lang ito pang isang linggong aktividad dahil regular na ginagawa ang ganitong engagement.
02:43Gusto rin ng ahensya na mabawasan ang takot ng mga negosyante sa paglapit sa BIR at mas mahikayat silang magtanong
02:51kung may hindi malinaw sa proseso.
02:53Huwag kayong malatakot na lumapit sa BIR, magtanong kayo at ia-assist namin ko.
02:58At yan din ang directive ko sa lahat ng mga regional directors natin, sa lahat ng mga revenue district officers
03:02natin.
03:03So palagi kong sinasabi sa mga taxpayers, hindi nyo po kalaban ang BIR, kakampin nyo po ang BIR, magtulong-tulungan
03:09po tayo.
03:10Ayon pa sa BIR, kapag rehistrado at tama ang pag-i-issue ng invoice, mas maayos na naitatala ang benta
03:16at mas lumalawak ang tax base ng gobyerno.
03:19Sa ngayon, nananatili sa 3.58 trillion pesos ang official collection target ng BIR para sa 2026, habang wala pang
03:27pinal na abiso sa anumang adjustment.
03:30Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended