- 46 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, April 7, 2026
-Ph Statistics Authority: 4.1% inflation rate nitong March, pinakamabilis simula July 2024; transportasyon, may malaking ambag sa inflation
-70 litrong diesel ng isang nakaparadang truck, nasimot ng magnanakaw; driver ng kotseng tumabi sa truck, tinutugis
-Ikalimang round ng mega oil price hike, epektibo na ngayong araw
-DFA: Pinay, kabilang sa 4 na nasawi sa missile attack nitong April 5
-Ilang lugar sa bansa, posibleng makaranas ng danger level na heat index ngayong Martes
-Motorcycle rider, patay matapos bumangga sa kasalubong na bus
-Bahagi ng Bontoc-Tabuk National Road sa pagitan ng Brgy. Basao at Brgy. Bugnay, natabunan ng landslide
-Ilang panig ng Cebu, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol na aftershock ng magnitude 6.9 quake noong Sep. 30, 2025
-Bahay sa Brgy. Poblacion, nasunog
-Lalaki, nanloob sa isang residential building; mahigit P2.5M halaga ng luxury items, natangay
-Ph Statistics Authority: 4.1% inflation rate nitong Marso, pinakamabilis simula July 2024; transportasyon, may malaking ambag sa inflation
-INTERVIEW: DEPT. OF AGRICULTURE ASEC. GENEVIEVE GUEVARRA
-Mag-asawa, patay sa pamamaril dahil umano sa away sa lupa
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Ph Statistics Authority: 4.1% inflation rate nitong March, pinakamabilis simula July 2024; transportasyon, may malaking ambag sa inflation
-70 litrong diesel ng isang nakaparadang truck, nasimot ng magnanakaw; driver ng kotseng tumabi sa truck, tinutugis
-Ikalimang round ng mega oil price hike, epektibo na ngayong araw
-DFA: Pinay, kabilang sa 4 na nasawi sa missile attack nitong April 5
-Ilang lugar sa bansa, posibleng makaranas ng danger level na heat index ngayong Martes
-Motorcycle rider, patay matapos bumangga sa kasalubong na bus
-Bahagi ng Bontoc-Tabuk National Road sa pagitan ng Brgy. Basao at Brgy. Bugnay, natabunan ng landslide
-Ilang panig ng Cebu, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol na aftershock ng magnitude 6.9 quake noong Sep. 30, 2025
-Bahay sa Brgy. Poblacion, nasunog
-Lalaki, nanloob sa isang residential building; mahigit P2.5M halaga ng luxury items, natangay
-Ph Statistics Authority: 4.1% inflation rate nitong Marso, pinakamabilis simula July 2024; transportasyon, may malaking ambag sa inflation
-INTERVIEW: DEPT. OF AGRICULTURE ASEC. GENEVIEVE GUEVARRA
-Mag-asawa, patay sa pamamaril dahil umano sa away sa lupa
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang tanghali po!
00:02Oras na para sa mainit na balita!
00:23Mainit na balita, bumilis ang inflation o antas ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo.
00:29Sa bansa nito pong Marso.
00:31Kasunod yan ang sunod-sunod na mega all price hike matapos sumiklab ang gera sa Middle East.
00:36Ayon sa Philippine Statistics Authority, 4.1% ang inflation rate nitong Marso.
00:41Pinakamataas po yan na naitala mula July 2024.
00:46Mas mataas yan sa naitalang 2.4% noong Pebrero at 1.8% noong March 2025.
00:53Ayon sa PSA, may malaking ambagang sektor ng transportasyon sa pagbilis ng inflation nitong Marso.
00:59Bunsod na walang patid na pagmahal ng mga produktong petrolyo dulot ng krisis sa Middle East.
01:06Na biktima ng Sipsip Diesel Modus ang isang nakaparadang truck sa Quezon City.
01:12Nasimot po ang karga nitong 70 litro ng diesel na may halagang 10,000 piso.
01:19Balitang hatid ni James Agustin.
01:24Dumating ang isang kotse sa baging ito ng barangay Fairview sa Quezon City pasado hating gabi noong March 31.
01:30Tinabihan nito ang isang nakaparadang truck.
01:33Maya-maya pa makikita bumabang sakay ng kotse na tila aligaga at nagpabalik-balik sa likurang bahagi ng sasakyan.
01:39Tumagal na mahigit 20 minuto bago umalis ang kotse.
01:43Bandang alas 2 sa madaling araw na madiskubre na may-ari ng truck na sira ng takip ng gas tank
01:48nito.
01:49Gagamitin na sana nila noon ng truck papuntang Bulacan.
01:51Pag kapasok ang driver namin, siyempre tinart niya.
01:54Tapos naitan niya, empty na dun sa fuel gauge.
01:57Eh, imposible yan kasi kakatagas lang namin.
02:01So, nagtaas siya.
02:02So, chinect niya yung mismong tanki.
02:04Tapos dun niya nga nakita na yung truck mismo, yung takip ng tanki is as in sira, wasak.
02:12Natangay ang 70 litro ng diesel na nagkakalaga ng 10,000 piso.
02:17Nai-report na ang insidente sa pulisya.
02:19Basis sa imisigasyon, sinipsip ang kargang diesel ng truck.
02:23Gamit ang host papunta sa isang container na nasa likuran ng kotse.
02:27Bumuunan ang special investigation team ang QCPD para matukoy ang plate number ng kotse.
02:32Meron pa tayong tinatawag na back tracking and forward tracking operation
02:37ng pag-review ng mga CCTV puttages.
02:43Hihintayin natin kung saan sila uwi at saan sila huling pupunta.
02:47Ayon sa QCPD, dalawa hanggang tatlong tao ang sakay ng kotse.
02:52Sumuko na sila at ma-identify natin, mapapailan po natin ng appropriate complaint yan, yung mga suspect na yan.
03:01Umaasa naman na may-ari ng truck na mabilis na matutukoy ng mga otoridad ang nasa likod ng krimi.
03:06Pare-paras lang naman kami na-apekto ng pagtaas ng krudo.
03:11Kung baga lumalaban lang naman kami ng patas,
03:13then sana ang hinihingi ko lang, mag-step forward na siya.
03:18Humingi ng apology, tapos kung ano man yung damages,
03:21kagaya ng cup ko, pati yung nawala akong diesel, bayaran niya na lang.
03:26James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
03:34Epektibo na ngayong araw ang ikalimang linggong walang prenong Mega Oil Price Hike.
03:38E magkano na ba?
03:40Simula po ngayong araw, nasa 4 pesos and 90 centavos ang taas presyo sa kada litro ng gasolina ng petron.
03:4718 pesos and 80 centavos naman sa diesel, habang 8 pesos and 10 centavos sa kerosene.
03:53Ang shell, nasa 5 pesos and 90 centavos ang taas presyo sa kada litro ng gasolina,
03:5819 pesos and 80 centavos sa diesel, at 9 pesos and 10 centavos sa kerosene.
04:05Ang clean fuel naman, 4 pesos and 90 centavos ang taas presyo sa kada litro ng gasolina,
04:11habang 15 pesos sa diesel.
04:14Samantalang ang jetty naman, magpapatupad ang price hike sa biyernes,
04:175 pesos and 40 centavos sa kada litro ng gasolina, habang 18 pesos and 60 centavos sa diesel.
04:25Ang taas presyo ay kasunod pa rin ng nagpapatuloy na gyera sa Middle East.
04:31Ayon naman sa Malacanang, ngayong araw nakatakdang magsumitin ng rekomendasyon
04:35ng Development Budget Coordination Committee kay Pangulong Bongbong Marcos
04:38kaugnay sa posibleng suspensyon o pagtapya sa fuel excise tax.
04:43Kasunod yan ang meeting ng Pangulo at ng DBCC nitong Holy Week.
04:47Sa ilalim ng RA-12316, may kapangyarihan ng Pangulo na pansamantalang bawasan o tanggalin
04:53ang fuel excise tax na nasa hanggang 6 pesos sa kada litro ng diesel
04:57at 10 pesos sa kada litro ng gasolina.
05:01Ayon kay Senate President Pro Temporal, Sen. Ping Lakson,
05:04sakaling suspindihin ang fuel excise tax,
05:06posibleng sa Hunyo pa maramdaman ang epekto nito.
05:15Pilipina po ang kabilang sa mga nasa WISA missile attack sa Haifa, Israel,
05:20nitong linggo.
05:21Ayon sa Department of Foreign Affairs,
05:23namatay ang Pinay kasunod ng pag-atake kasama ang kanyang asawang Israeli at mga Biyanan.
05:29Na ipagbigay alam na raw ito ng Philippine Embassy in Tel Aviv sa pamilya ng biktima.
05:35Nagpaabot na rin po daw sila ng tunong kabilang ang posibleng pag-repatriate sa kanyang katawan.
05:41Humihiling daw ng privacy ang pamilya ng Pilipina.
05:43Ayon sa local media ng Israel,
05:46mula sa Iran ang missile attack na tumama sa Haifa nitong linggo.
05:52Nakaamban na naman ang matinding init at alinsangan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes.
05:57Ayon sa pag-asa, posibleng pumalo sa danger level na 42 degrees Celsius ang heat index
06:02sa San Jose Oksidental Mindoro at sa Dumangas, Iloilo.
06:06Mataas ang chance ng tama ng heat stroke ang mga matagal na nakababad sa arawan.
06:1141 degrees Celsius naman ang posibleng heat index o damang init sa Katarman, Northern Samar,
06:16Katbalogan, Samar, Guiwan, Eastern Samar, Potabato City at sa Butuan, Agusan, Del Norte.
06:23Pusibleng namang umabot sa 40 degrees Celsius ang heat index sa 10 lugar sa bansa.
06:29Dito sa Metro Manila, maaaring umakyat hanggang 39 degrees Celsius ang heat index,
06:34particular na sa Pasay.
06:36Mababa pa rin ang tiyasa ng ulan sa halos buong bansa kasama ang Metro Manila.
06:40Kung ulanin man, pawang mga local thunderstorm ang mararanasan.
06:45Apektado mo din ang ridge ng high-pressure area ng Northern and Central Zone.
06:51Ito ang GMA Regional TV News!
06:56Patay ang isang motorcycle rider matapos sumalpok sa kasalubog na pampaseherong bus sa Tagkawayan, Quezon.
07:03Ayon sa puno siya, binabaybay ng motor at ng bus ang Quirino Highway sa barangay San Francisco.
07:10Bigla pong napunta sa linya ng bus ang motor.
07:13Sinubukan pa raw iwasan ang bus driver ang motorsiklo pero hindi kinaya dahil sa lapit ng distansya.
07:20Dead on arrival sa ospital ang rider.
07:22Sinubukan pa ang makuhanan ng pahayag ang kanyang mga kaanak.
07:26Nasa kustudiyan na na maotoridad ang bus driver na wala pang pahayag.
07:31Patuloy ang investigasyon.
07:35May mag-asawa namang sugatan matapos mahulog ang kanilang tricycle sa ilog sa barangay Santo Niño sa Hagonoy, Bulacan.
07:42Kwento ng misis, dumaan sila sa gilid ng ilog papuntang simbahan, ito pong Bienes Santo,
07:47nang may iwasang isa pang tricycle ang kanyang mister.
07:51Tumagilid ang kanilang sinasakyang tricycle.
07:54Hindi na raw nakontrol ng kanyang mister ang manibela at nahulong sila sa ilog.
07:59Agad naman silang tinulungan ng ilang residente at tricycle driver doon.
08:03Hindi naman malubhang nasaktan ang mga biktima.
08:06Wala rin pong ibang nadamay sa insidente.
08:10Natabu na ng landslide ang isang bahagi ng National Road sa Tinglayan, Kalinga.
08:15Kina po sa video ang mabagal na pagbaba ng lupa sa Bontok Tabuk,
08:20National Road sa pagitan ng Barangay Basaw at Barangay Bugnay.
08:25Maya-maya'y tuluyan ng gumuho ang lupa hanggang mapuno ang daanan.
08:29Napatakbo palayo ang mga tao.
08:32Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
08:34Dahil sa landslide, pansamantalang hindi nadaanan ng mga motorista ang bahaging yan ng Bontok Tabuk National Road,
08:42na isa po sa mga pangunahing kalsada roon.
08:45Patuloy ang clearing operations.
08:50Nianig ng magnitude 5.1 na lindol ang ilang bahagi ng Cebu kahapon.
08:53Ayon sa FIVOX, isa yan sa libu-libong aftershocks ng magnitude 6.9 na lindol noong September 30, 2025.
09:01Balitang hatid ni Nico Sereno ng GMA Regional TV.
09:08Sa gitna ng malakas na pagyanig, nagsitakbuhan ang mga tao palabas na isang convenience store sa Bogot, Cebu.
09:16Nagsitumbahan ang mga paninda sa isa pang tindahan.
09:21Napatakbo din ang mga mamimiling palabas ng tindahan ng ukay-ukay.
09:31Nabalot ng takot ang mga empleyado sa tindahan ito.
09:42Ngayon din ang mga residenteng ito na napatakbo nang tumama ang magnitude 5.1 na lindol.
09:53Nayugyog ang mga sasakyan.
09:59Ang mga estudyante na isang kolehyo, nagsilikas at napatakbo patungo sa open area.
10:05Gawas! Gawas! Gawas! Gawas! Gawas! Gawas!
10:09Pinalabas din ang mga pasyente sa ospital na ito.
10:12Ang iba, nasa mga hospital bed pa at nakaswero.
10:18Rumarampa naman ang kandidatang ito sa Miss Bugo 2026 nang tumama ang lindol.
10:24Ibinibida niya noon ang katatagan ng mga taga-bugo sa mga naranasang kalamidad.
10:30To rise, rebuild and shine after it passes.
10:35This is the spirit of servisyo sa Bugo.
10:39A community that serves...
10:42Alam!
10:46Tugay-tugay ko siya na humaan mga 10 seconds.
10:50Goro to siya kay paguna kay ni Nikwana siya, paguna kay ni Hinay siya.
10:55Hantod ka ni Paspasia.
10:57Wala na lang ipadayo na ilang sashing, sir. Ipuntol na lang nila.
11:01Ayon sa Feebox, tumama ang magnitude 5.1 na lindol, 3.22 ng hapon.
11:07Intensity 5 sa Bogos City at Medellin, Cebu.
11:11Ramdam din ang lindol sa iba pang bahagi ng Cebu at Leyte.
11:14Ayon kay Bogos City Mayor Maria Cielo Martinez,
11:17wala pa silang naitatalang matinding pinsala dahil sa lindol.
11:21Pero may nawalan daw ng malay.
11:23Patuloy rin ang pagkalap nila ng impormasyon.
11:26Ayon naman kay Cebu City Mayor Nestor Archival,
11:29wala rin silang naitalang major damage sa kanilang lugar dahil sa lindol.
11:34Inabisuhan din niya ang mga tao na kumalma,
11:37huwag magpanik at maging handa sa posibling aftershocks.
11:40Niko Sireno ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA News.
11:49Nabalot ng makapal na usok ang bahay na yan sa baragay Poblasyon Norte sa Rizal, Nueva Ecija.
11:54Maya-maya, nilamon na ng apoy ang buong bahay.
11:58Kita rin ang pagkislap ng kuryente roon.
12:00Sa ebisigasyon ng Bureau of Fire Protection, Rizal,
12:03gawa sa light materials ang bahay kaya mabilis kumalat ang apoy.
12:07Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
12:09Inaalam pang sa hihi at kabuwang halaga ng pinsala ng sunog.
12:16Arestado ang isang lalaki matapos tangayin
12:18ang mahigit 2 milyong pisong halaga ng luxury item sa isang bahay sa Maynila.
12:23Paliwanag ng suspect na buryong daw siya dahil sa away nila ng kanyang live-in partner,
12:28kaya siya nagnakaw.
12:30Balitang hatid ni Jomer Apresto.
12:36Sa pool sa CCTV ang isang lalaki habang bumababa mula sa gilid na isang residential building sa Santa Cruz, Maynila,
12:43madaling araw nitong Sabado de Gloria.
12:45Tangayin niya ang aabot sa 2.5 milyon pesos na halaga ng luxury items ng isang babaeng negosyante.
12:51Ayon sa pulis siya, nataon na nagbabakasyon sa ibang bansa ang pamilya at tangi mga kasambahay lang ang naiwan sa
12:57bahay.
12:57Lumabas sa investigasyon na tinakpan muna ng lalaki ang isa sa mga CCTV camera ng gusali
13:02sa pag-aakalang ito lang ang CCTV camera ng building.
13:06Sa ibang kuha ng CCTV, may kitang umakyat siya sa gilid ng gusali.
13:10Hindi niya alintana ang mga barbed wire.
13:16Dumaan din siya sa fire exit at sinira ang kandado para makapasok.
13:20Sa kuha namang ito, may kitang may takip ng bimpo sa mukha ang lalaki nang pumasok siya sa master bedroom.
13:29Hinalughog ng lalaki ang kwarto hanggang sa natagpuan niya ang mga alahas at saka tumakas.
13:34Hindi raw na malayan ang mga kasambahayang pagnanakaw dahil natutulog sila sa ibang palapag ng gusali.
13:39Pasado alas 7 na raw ng umaga, nang natuklasan ang biktima na pinasok pala sila ng akyat bahay.
13:58Makalipas lang ang ilang oras, natunto ng polisya sa kanyang bahay sa baragay 33 ang sospek.
14:11Ayon sa 32 anyos na sospek, naburyong lang siya. Matapos sila mag-away ng kanyang live-in partner, kaya nagawa
14:18niyang magnakaw.
14:19Humihingi siya ng paumanhin sa biktima.
14:21Nandaan na ko lang po, sir. Naburyo na rin po ako. Sana po mapatawad niyo po sa anak. Alam ko
14:26po, malaking avala po itong ginawa ko sa inyo.
14:29Na-inquest na ang sospek na sinampahan ang reklamong robbery in inhabited house. Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng
14:35biktima.
14:36Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMA News.
14:41Lampas sa projection ng Banko Sentral ng Pilipinas ang naitalang 4.1% inflation rate nitong Marso.
14:48May ulat on the spot si Bernadette Reyes.
14:51Bernadette?
14:55Grafi bumalis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at servisyo sa bansa, kaya naman naitala sa 4.1%
15:01ang inflation rate para sa buwan ng Marso.
15:04Gaya ng inaasahan ang mas mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, gaya ng diesel at gasolina,
15:11ang ilan sa mga pangunahin nag-ambag sa mas mataas na inflation rate.
15:1559.5% sa diesel, 27.3% naman sa gasolina.
15:20Dahil gumagamit ng petrolyo sa pagbiyahe ng mga pagkain, tumaas rin ang presyo ng bigas.
15:26Nag-ambag rin sa mas mataas na inflation, ang mataas na presyo ng kuryente at LPG.
15:30Mas mataas rin ang inflation para sa bottom 30% o yung pinakamahihirap sa bansa na nakapagtala ng 4.2
15:39% na inflation.
15:40Maging sa mga lugar sa labas na Metro Manila, diesel at gasolina rin ang pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation.
15:47Ang 4.1% na inflation rate ang pinakamataas mula noong July 2024 kung kailan naitala sa 4.4%
15:56ang inflation rate.
15:57Lampas din ito sa projection ng Banko Sentral ng Pilipinas na 3.1% hanggang 3.9% ang inflation
16:04rate nitong Marso.
16:06Sabi ng BSP, patuloy itong magbabantay sa mga nangyayari sa gitnang silangan at epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas.
16:13Pakinggan natin ang bahagi ng pahayag kanina ni Yusek Dennis Clermapa.
16:19Yung direction niya sa ngayon is that it will continue to increase.
16:25We hope that it will be shorter, depende sa development.
16:28Yung increase niya overall, malalaman natin doon sa report natin.
16:38Raffi, dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin, marami ang pumila dito sa Kadiwa Center sa Bureau of Animal
16:45Industry para bumili ng benteng bigas.
16:48Pero kaninang alas 8 na umaga ay humaba po ang pila dahil nagkasabay-sabay yung mga walk-ins at yung
16:54mga nagpa-online appointment.
16:56Payo ng Department of Agriculture ay gamitin yung kanilang appointment system para masiguro na meron silang mabibiling benteng bigas dahil
17:03limitado lamang ang kanilang mga ibinibentang benteng bigas kada araw.
17:08Dito sa Bureau of Animal Industry, bukas itong Kadiwa Center mula lunes hanggang biyernes, alas sa ista, umaga hanggang alas
17:15dos ng hapon.
17:16Raffi?
17:17Maraming salamat, Bernadette Reyes.
17:21Kaugnay naman po sa pagbibenta ng 20 piso kada kilong bigas at iba pang isyo.
17:26Mahaka pa na yan po natin si Department of Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevara.
17:31Magandang umaga po at welcome sa Balitang Hali.
17:35Magandang umaga po, Ma'am Connie, at sa inyong mga tagapakinig at tagapanood, magandang magandang banghali po sa ating lahat.
17:41Yes, Asik, nagkaroon ng isyo sa pila ng benteng bigas kahapon dahil po may online appointment na raw po pala.
17:49Kailan po nagsimula yung online appointment at papaano naman daw yung hindi maalam sa bagong teknolohya tulad po ng ilang
17:56seniors na nagalit nga ho, yung iba kahapon?
18:00Ma'am Connie, gusto ko lang pong bigyan sana ang konteksto kung bakit po kinailangan natin gumawa ng online appointment
18:08system.
18:08Kung maalala niyo po, nung kami po ay nagsisimula palang magbenta nitong P20 nitong nakaraang taon, yung bumibili po, lalo
18:16na po dito sa DA main office dito sa Quezon City,
18:20nasa 200 to 300 lang po kada araw.
18:23So hindi po natin masyadong kailangan pa ng pagkontrol ng pila.
18:28Nito pong pumasok ang March. Napansin po namin naging 500 na po kada araw.
18:34At ngayon nga po, isang libo na ang ginagawa nating cutoff.
18:38Although talaga pong medyo hirap po talaga tayo with the resources that we have.
18:436 a.m. to 2 p.m. lang po kasi ang ating oras ng bukas.
18:48Dahil nga po, marami po tayong kailangang iprepara bago po natin maibenta yung tag-10 kilo ng tag-20 sa
18:55ating mga kababayan.
18:56So kinailangan po natin dahil nakita po natin yung pila ay umaabot po.
19:00Yung mga tao pumipila as early as 7 p.m. ng gabi.
19:04Para lang po makabilisilda ng kinabukasan.
19:09So sabi po namin, kailangan po makontrol natin dahil hindi po natin sagot kasi.
19:20So ito pong appointment system, nag-announce po tayo sa ating last week po.
19:24Nag-announce po kami na meron kaming ipapa-implement sa mga pumipila na appointment system.
19:31Para pong pag kayo ay nag-appointment din sa NBI or kaya po sa passport, meron kayong oras na sasabihin
19:38na kayo ay pupunta.
19:39Para nga po maiwasan na po yung pagpila ng sobrang aga.
19:42Yun nga lang po nitong Monday nga po, alam naman natin galing po tayo sa napakahabang bakasyon dahil nag-huli
19:51week.
19:52Nagkaroon lang po tayo ng konting hindi pagkakaintindihan dahil po akala nila hindi na pwede yung ma-walk-in.
19:59Inalaw pa rin naman po natin yung mga walk-in.
20:01Yun nga lang po ay nilimitahan na natin dahil nga po gusto natin ay makita nila kung ano yung kagandahan
20:10nitong appointment system.
20:11Para nga po, mas madali po yung proseso para sa kanila.
20:15Hindi po nila kailangan mag-antay ng buong hapon.
20:18Opo, opo.
20:19Hapon para nilang pwede nila.
20:21Maganda naman po talaga na may appointment.
20:24Sabi nyo nga para hindi na rin sila mag-antay.
20:26Pero kung sakali nga po mag-walk-in, ilan po ba yung pagbibigyan lang?
20:30At papaano po natin i-address?
20:32Siguro na makascade sa lahat kahit sa mga seniors na hindi humaalam sa technology.
20:38Halimbawa, ito pong pagbibigay po natin itong benteng bigas.
20:42Yun nga po, Ma'am Connie, kanina tayo po ay nakipag-usap din doon sa ating mga nagmamando doon sa
20:49mga pila doon.
20:51Magdadagdag din ng pwede mag-walk-in at assist po natin sila kung paano po sila pwede mag-online.
20:57Dahil meron po tayong tao doon na kumakausap sa ating mga kasamahan doon at nagpadagdag na nga po tayo ng
21:05mga chairs para hindi po sila nakaharang din.
21:08Dahil nga po yung pinag-stay nila ay sidewalk po yun, public place po yan.
21:14Dapat hindi po tayo nakatambay o naka-nandun dahil nakaka-inclusive din po siya.
21:21Pero yun po, yung ginagawa po natin ngayon doon sa mga walk-in ay nag-aalaw pa rin po tayo
21:26ng walk-in ngayon.
21:29Pero bidibigyan pa rin po natin ang priority yung mga online appointment.
21:34At yun po, tinutulungan po natin sila para paano nila matutunan yung pag-online.
21:38Para po sa susunod eh, hindi na po sila mag-walk-in.
21:41Opo. Yung bang mga senior daw po pwedeng meron sa lang special lane, kumbaga para sa mga senior?
21:49Yung po yung patuloy na at pinag-aaralan kasi nga po, marami po talaga sa mga nakapila.
21:54Mapansin nyo po, kalagang mga senior po sila.
21:56Halos sa majority po ng nakapila ay mga senior.
22:00Yung iba naman po marunong naman pong mag-online.
22:03So nakita ko po naman kanina eh, tinatanong ko nga eh, marunong naman daw sila.
22:07Pero of course, meron pong mga iba na kailangan po assistance.
22:10Yun po yung pinagtatrabahoan po natin para makapag-provide po tayo ng assistance.
22:14Para po naman sa kanila yan eh.
22:16Para po mas madali na sa susunod po yung kanilang.
22:20Kamusta naman po ang supply ng presyo po ng bigas sa palengke?
22:24Nakikita po bang tataas din ang presyo nito kasunod po ng pagtaas ng presyo ng diesel at fertilizer?
22:30Yung pong sa bigas po meron po dahil nga po dun sa pagsabi nga po ng pangulo nung sa 50
22:36pesos po na price ceiling para po sa ma-imported na bigas.
22:41Nakikita po natin may pagbaba po tayo nakikita sa presyo ng imported na bigas.
22:47Although po yung sa iba, nakikita po natin meron pa rin slight increase.
22:52So yan po yung talagang tinitignan natin at pinomonitor talaga para po mag-comply.
22:58Dahil alam naman natin pag price ceiling, yan po ay may kaukulang parusa po yan pag sa hindi compliance.
23:04Sa local naman po, may nakikita rin po tayo mga 2-3% increase sa prevailing prices.
23:12And we're hoping sana na nga na, and of course, ang Department of Agriculture naman po ay naghahanda nga po
23:19for all possible contingencies and measures
23:22para po talagang ma-insure natin na hindi po ganun magiging mataas ang presyo, lalo na po sa mga pangunahing
23:29bilhin.
23:30Yung isa po sa mga nare-reklamo ng mga magsasaka, yung syempre yung sa fertilizer.
23:35Alam po natin, 13% ay nanggagaling po sa straight of hormones, kung saan sarado nga po ngayon.
23:41Pero ano po ba ang ating update doon at papaano po ba kaya ma-iibsan daw yung kanilang mataas na
23:48fertilizer
23:49para po sa ating tuloy-tuloy na produksyon para sa ating mga anihan po?
23:55Ma'am Connie, kung yun yung po nakikita ngayon, of course, sa panguna po na ating presidente,
24:01sa Presidente Bombong Marcos, nagkaroon po sila yung sa uplift nga po.
24:04Kasama din po yung Department of Agriculture at meron din po kami ngayon na risk,
24:09gumagad contingency committee ngayon, kung saan po pinag-tilitan po natin lahat ng datos,
24:16lahat po ng pwedeng measures para po ma-alleviate natin yung possible na,
24:23well, nakita na nga natin na may pagtaas na po talaga sa presyo ng fertilizer.
24:27At ngayon po, dinidiscuss talaga natin yung mga pwede nating maibigay na tulong at support,
24:33lalo-lalo na po sa ating mga magsasaka para po yung planting intention hindi po ma-epektuhan.
24:38Kasama na po dyan, of course, yung mga fuel subsidies, farm input,
24:43at mga ayuda po, lalo-lalo na po sa ating mga maliliit na farmers.
24:46Bilang alternatibo po, may mga isinusulong din ang UPLB na mga professors po doon
24:51na sana gamitin daw yung kanilang produkto na na-invento na local
24:56na po pwedeng ma-supply po sa atin.
24:58Open po ba ang DA dyan sa BioN?
25:01Ayaw, opo. Very much open po tayo.
25:04We need all the help we can get,
25:05kumbaga dahil po, of course, we're in an energy crisis.
25:08So, hindi po natin i-shun away or ipipigilan po lahat ng mga sugestion,
25:14lalo na po kung ito ay talaga nakakatulong po para tuloy-tuloy po,
25:19lalo na for the food security na kailangan po ng bansanan.
25:22Marami pong salamat sa inyo pong binigay sa aming oras at impormasyon, ma'am.
25:27Maraming salamat po.
25:29Yan po naman si Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevara.
25:33Patay sa pamamaril sa kalooka ng isang lalaki at kanyang misis
25:36dahil umano sa away sa lupa.
25:39Arestado ang suspect na iginit na nagkagawan daw sila ng baril ng mga biktima.
25:44Balitang hatid ni EJ Gomez.
25:48Dugo ang nakahandusay ang 45 taong gulang na lalaki at 50 taong gulang na asawa niya
25:54sa barangay 167 Liano Caloocan ng data ng mga otoridad hapon nitong linggo.
26:01Ayon sa pulisya, pinagbabarilang dalawa ng isang lalaking na kaaway nila dahil sa lupa.
26:07Nag-aaway-aaway po sila sa mga parcel ng lands po roon.
26:12Itong excess lot na to is mga rights land to.
26:17And yung suspect natin is, accordingly, is presidente ng homeowners association po.
26:23Parang gustong punin yung lupa ng mga biktima.
26:27At doon nga po sila nagkaroon ng sagutan at pinagbabaril niya po yung mag-asawa po.
26:33Bago yan, narinig sa CCTV ang ilang putok ng baril at sigawa ng mga tao sa lugar.
26:44Ilang saglit pa, kitang naglalakad ang gunman, hawak ang ginamit na baril.
26:50May kasama siyang dalawang babae at isang lalaki habang palayo sa crime scene.
26:55Ayon sa anak ng mga biktima, lasing umano ang gunman at saraw ay nanugod
27:00at nagsimula ng away sa kanilang lugar.
27:03Ilang beses din daw nagbanta ang sospek sa pamilya ng mga biktima.
27:08Nagbitaw po siya ng salitang, tama yan, bantayan niyo yung mga lote niyo, baka mawala.
27:13Doon na po nagsimula yung sagutan nila ng mother ko.
27:17Pinulit-ulit niya po yung pagpapuputok sa magulang ko.
27:20Naitumban niya na yung tatay ko eh.
27:23Pinagpuputokan din po kasi yung mother ko.
27:26Apakahayop po kasi ng ginawa niya.
27:29Hindi na po makatawin.
27:30Paka demonyo na po.
27:31Sinubukan pa raw awati ng isa sa mga nakasaksing kapitbahay ang pagtatalo
27:35bago mangyari ang malapitang pamamaril.
27:39Pero hindi po nakinig yung gunman.
27:41Ang ginawa po niyan, kinuha po niya yung barel
27:43tapos tinutok niya po agad sa leeg ng aking tiyuhin.
27:47Yung baba yung tinamahan po rito sa kabilang right ng dibdib.
27:52Ngayon, tumayo pa po yung biktima, binarel pa po ulit.
27:56Pinag-tulong ang buhati ng mga biktima.
28:06Sa follow-up operation ng Kaloocan Police,
28:09naaresto ang 64-anyos na sospek.
28:13Na-recover sa kanya ang .45 caliber pistol at ginamit ng potorsiklo sa pagtakas.
28:18Ayon sa sospek, kasama niya ang kanyang sekretary, kapatid na lalaki at asawa niya ng maganapang krimen.
28:26Mariing itinanggi ng sospek ang pamamaril.
28:30Nagkaagawan daw sila ng baril ng mga biktima.
28:32Hindi rin daw siya lasing at wala rin umano siyang inaagaw na lupa sa mga biktima.
28:38Hindi ko inaagaw yun dahil ako ang presidente nila.
28:41Sila itong benta ng benta ng rights.
28:43Yung tao nga yung baril sa bewang ko, nagagawang kami, nagagawang kaming ganun.
28:48Unang putok, tumamarang sa babae.
28:51Nga kalungkot mga isipin, talagang sobrang nagdaramdam ko rin dahil buhay mo yun, nawala.
28:57Sa custodial facility ng Kaloocan Police na Kadite ng sospek na nakaharap sa reklamong two counts of murder.
29:05EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
29:10Ilan pang personalidad ang ipinatatawag ng House Justice Committee para sa pagdinig nito sa impeachment complaints
29:16laban kay Vice President Sara Duterte.
29:19May ulat on the spot si Tina Pangaliban Perez.
29:21Tina?
29:22Kung ni pinasabpina ng House Committee on Justice, ang isang State Auditor ng Commission on Audit
29:28at ang Commissioner ng Bureau of Internal Revenue
29:31para sa hearing ng Komite sa April 14,
29:33kaugnay ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
29:37Sa subpinaad testificandum et luces tecum na ipinadala kay COA State Auditor 5,
29:44Atty. Gloria Camora,
29:46pinasusumite rin ang mga dokumentong isinumite sa COA
29:49ng Office of the Vice President at Department of Education
29:52kaugnay ng paggamit ng confidential funds.
29:55Kasama rito ang mga check and voucher transaction
29:58mula December 22 o 2022 hanggang July 2023,
30:04liquidation reports at sworn certification ng mga kaukulang opisyal.
30:08Magugunit ang kasama sa mga naungkat na dokumento ng Kamara
30:11noong 19th Congress,
30:13kaugnay sa confidential funds ang mga acknowledgement ni Steve
30:16na pinirmahan ng mga individual na walang birth, marriage, or death certificate
30:22gaya ni Mary Grace Piatol, Milky Sequoia, at Cocoy Villamin.
30:27Sa subpinaad testificandum et luces tecum naman na ipinadala
30:31kay BIR Commissioner Atty. Charlito Martin Mendoza,
30:35pinasusumite rin sa kanya mga tax records ni VP Duterte,
30:39kanyang asawang si Atty. Manasas Carpio,
30:42at iba't ibang negosyo.
30:43Kabilang ditong annual income tax returns ni VP Duterte at ni Carpio
30:47mula 2007 hanggang 2025.
30:50Kabilang sa iba pang pinadala ng subpina ng komite
30:53para humarap sa April 14 hearing
30:55ay sina Ombudsman Jesus Crispin Remulia
30:58para sa mga sal-NMVC,
31:00Ramil Madriaga na nagpakilalang dating aid at bagman ng VC
31:03para sa kanyang affidavit,
31:05at si Atty. Cynthia Vinyas Pantonal
31:08na nagnotaryo ng affidavit ni Madriaga.
31:11Tony?
31:12Marami salamat, Tina Pangaliban Perez.
31:15Una na ipinatawag ng House Justice Committee
31:18si Ombudsman Jesus Crispin Remulia sa impeachment hearings
31:20laban kay Vice President Sara Duterte.
31:23Batay sa inyosyo na subpina ng komite para kay Remulia,
31:26pinapaharap siya sa komite sa April 14.
31:29Pinapadala sa kanya para isumiti ang certified true copies
31:32ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth
31:35at Sal-N ng VICE.
31:36Mula 2007 hanggang 2013 at 2016 hanggang 2022
31:40kung kailan na nilbihan siya bilang opisyal sa Davao City
31:43at mula 2022 hanggang 2025 kung kailan siya vice presidente.
31:49Hawak na ro'n ang bulsman ng subpina at sinabing handa silang tumugon dito.
31:55Ipinatatawag din ang komite si Ramiro Madriaga
31:57ang nagpakilalang security aide noon ng BICE
32:00at kanya umunong bagman mula July 2022 hanggang April 2023.
32:06Inatasan siyang dalhin ang kanyang affidavit na may pechang November 29, 2025
32:09at iba pang ebidensyang hawak niya laban sa BICE.
32:13Natanggap na ni Madriaga ang subpina.
32:16Kasalukuyan siyang nakakulong sa BGMP facility dahil sa kasong kidnapping.
32:20Dati nang itinanggi ng kampo ni Duterte na kakilala niya si Madriaga.
32:25Ipinatawag din ang komite sa April 14 ang abogado na nagdotaryo sa affidavit ni Madriaga.
32:36Abisala Encantadex! The long wait is over!
32:39Dahil malapit ng mapanood sa Encantadea Chronicle Sangre, si Bat Halumang Halia.
32:47Hindi ako nag-iisa hanggang gan.
32:50Yan ang patis sa closing credits ng episode kagabi.
32:54Sa upcoming fight kasi ni na Bat Halumang Kasyopea Solen Yusaf at Bat Halang Garagantong Rodriguez
33:00nagpahiwating si Kasyopea na may kasama siya sa kanyang laban
33:05nang mapatingin siya sa dalawang buwan na pinangangalagaan ni Halia.
33:11Nakumpirma ng Encantadex ang pagdating ni Halia sa series sa official Facebook page ng Sangre.
33:16Ni-reveal na si Miss Universe 2025 third runner-up at bagong kapuso Atisa Manalo ang gaganap bilang si Halia.
33:25Say naman ni Atisa, ready na siyang sumigaw na, Bat Halumang Halia?
33:31Encantadea! Ano kaya ang magiging papel niya sa digmaan sa Encantadea?
33:35Abangan mamayang 8pm sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras.
33:43Samantala, mas pinaigting ng DILG at PNP ang ilang ordinansa para sa kanilang Safer Cities Initiative.
33:49Kabilang po dyan ang curfew sa kabataan at panghuhuli sa mga nagiinuman sa kalye at mga walang damit na pangitaas.
33:57Sa off-land galugad sa Quezon City, halos siyam na po ang nasita dahil po sa mga paglabag na yan.
34:04Balitang hatid ni James Agustin.
34:10Sinuyod na mga pulis sa mga kalsada at eskinita sa barangay Gulod sa Novaliches, Quezon City,
34:15sa ikinasan nilang off-lang galugad mag-alas 11 kagabi.
34:19Inabutan ang ilang minority-edad na nasa kalsada pa, kahit curfew na.
34:23Inimbitahan sila at kanilang mga magulang sa barangay hall.
34:26Sinita naman ang tatlong naglalakad na minority-edad na napag-alamang dayo lang sa lugar.
34:31Residente sila ng Las Piñas at Caloocan.
34:33Sabi ng isang minority-edad, pa-uwi na sila matapos dalawin ang kaibigan.
34:42Mga ipag-ugnayan ng mga social workers sa kanilang mga magulang.
34:46Labing siya mga minority-edad na nahuli lumabag sa curfew,
34:49kabilang ang tatlong anak ng babaeng ito.
34:51Kung naglamay po ako sa baba po, na hindi ko alam, maket pala sila po.
34:56Pero pinag-sasabi?
34:57Oo, sanabihan ko pag gabi na umuwi na kayo sa bahay.
35:00Sabi ko sa kanila, ayaw makinig eh, magtigas yung mga ulo.
35:04Limang lalaki naman ang walang damit pang itaas habang ang isa inaaktuang umiinom sa pampublikong lugar.
35:10Naginom po ako, pakita po ako, kaso nasa aktuan po ako.
35:14Ano ba ang okasyon?
35:15Wala naman po, ano lang, pampantok lang po sa'yo.
35:19Nagsagawa rin ng Oplang Galugad ang Lalooma Police sa barangay Apolonyo Samson at barangay Manresa.
35:25Labing tatlong lalaki ang naaktuang walang damit pang itaas.
35:28Pitong minority-edad ang lumabag sa curfew.
35:31Tatlong put-apat naman ang naitalang may paglabag sa Batas Trapico.
35:35Sa Cubao, may ilang lalaki rin ang nahuli dahil walang damit pang itaas.
35:39Sa kabuan, 87 ang natikitan sa iba't ibang lugar sa lungsod.
35:43Dati na nagsasagawa ng Oplang Galugad ang QCPD.
35:46Masihigpitan lang ito kasunod ng utos ng DILG na paigtingin ang pagpapatupad ng curfew sa mga minorde-edad.
35:53Bawal na rin ang mga nagiinuman sa mga kalsada,
35:56mga walang damit pang itaas at ang vividyoke paglampas ng alas 10 ng gabi.
36:00Paigtingin po natin ang ating police visibility,
36:05especially during night time, nandyan po yung alam namin kung saan yung crime-prone areas.
36:11Kung pwede po sana makipag-cooperate kayo.
36:13Naginagawa naman na po ito, but by this time, mas marami po tayong personnel yung dinibot.
36:20Inisuhan ng ordinance violation resita mga nahuli.
36:23May multa ring saan libo hanggang limang libong piso, depende sa ordinansang nila ba.
36:28James Agusti, nagbabalita para sa GMA News.
36:32Nasa Vietnam ang negosyanteng si Charlie Atong Ang ayon sa Reporter of the Interior and Local Government.
36:37Yan daw ang huli impormasyong nakuhan ng DILG ayon kay Sekretary John Vic Rimulla sa kanyang panayam sa Super Radio
36:43DZBB.
36:45Nahaharap si Atong Ang sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention,
36:51kaugnay sa pagkawala ng mga sabongero.
36:53Ayon kay Rimulla, nakaalis na ng bansa si Ang bago pa man mailabas ang warang so pares laban sa kanya.
36:59Dumahan daw noon sa backdoor sa Mindanao si Ang, papuntang Malaysia.
37:06Gumagawa kami ng diplomatic efforts para kusapin yung counterparts namin doon.
37:10Para tignan yung mga immigration records, sila kundang doon talaga.
37:16Ito ang GMA Regional TV News.
37:23Sugata ng tatlong tao matapos magkagulo ang dalawang grupo sa isang ilog sa Kalinog, Iloilo.
37:35Base sa investigasyon ng pulisya, lasing o mano ang mga sangkot ng magkainitan habang nagbabakasyon sa Malagumpit River sa barangay
37:43Kahigon.
37:45Tinaga ng isang lalaki ang isa pang lalaki dahilan para barilin ang isang membro ng Citizen Armed Forces sa Geographical
37:51Unit ang tumaga.
37:53Nadamay pa ang isang barangay kagawad na balaksanang umawat sa gulo.
37:57Isinugod sila sa ospital at nasa ligtas ng kalagayan.
38:01Matagal na ang alitan ng tinitinang dahilan ng pulisya na sanhin ang gulo.
38:05Sumuko rin kalaunan ang namaril na membro ng CAF group.
38:09Wala siyang pahayag.
38:10Mahaharap ang mga sangkot sa reklamong frustrated homicide.
38:17Kaugnay naman sa impormasyong nasa Vietnam, ang negosyanteng si Atong Ang at ang pagpapaiting sa implementasyon ng ilang ordinansa,
38:24makakaparean natin si Interior Secretary John Vick Rimulya.
38:27Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
38:31Magandang umaga. Magandang umaga, Rafi. Magandang umaga sa lahat.
38:34Paunahin na po natin yung pagtuntun nyo kay Atong Ang.
38:36Kumusta po yung pakikipagugnay ng DILG para maaresto na po siya?
38:41Well, through back channel, bine-verify muna namin kung ando doon talaga siya.
38:44Kasi intelligence report pa lang ang daba dating.
38:47But we will know pretty soon kung ando doon na.
38:50And if he is, we will apply for extradition for him.
38:54Itong intel report po yun na ito, galing po ba sa ibang bansa?
38:57O sariling nakuha po natin sa ating mga intel sources dito sa Pilipinas?
39:03Siyempre, with cooperation of other individuals.
39:07The law enforcement community is a big one.
39:09So, we always share information.
39:11So, in this case, may nag-share the information sa amin.
39:14But we still have to verify kung totoo.
39:16Kung totoo man po, gaano po kaganda yung relasyon natin with Malaysia
39:20para ma-exceled agad kapag may mga ganitong kaso?
39:23Si, Vietnam.
39:24Ah, Vietnam.
39:25Yes po, Vietnam.
39:25The President is very close.
39:27The President is very close there, Prime Minister.
39:29Matalig na magkaibigan yan.
39:31So, kung ma-verify talaga, pwede natin maupitahan na.
39:36At tungkol naman po sa Safer Cities Initiative, may ilang grupo na nagsabi na anti-poor
39:41at posibleng magamit daw bilang para ng pag-aabuso ng mga naso otoridad yung implementation po nito.
39:45Ano pong masasabi nyo rito?
39:48Paano magiging anti-poor yan?
39:50It applies to everyone.
39:51Kahit anako nga, 17.
39:52Bawal na rin lumabas eh.
39:54Diba?
39:54It applies to everyone.
39:56Ang bawal lang talaga.
39:58Pwede naman silang maglakbay kasama magulang, pero hindi pwede mag-isang palaboy-laboy sa kalye.
40:03Bawal na rin ang inuman sa kalye.
40:05Yung sa lansaka, naglalatag ng mesa ron, tapos maglalabas ng inumin nila.
40:10Eh, bawal na rin yun.
40:11Kasi, alam mo, number one source of harassment yan eh.
40:14At saka, number one source of basagulo.
40:16So, ayan.
40:18Talagang i-implementan namin.
40:19Bawal na talaga yan.
40:20Pwede naman sa lubat ng bahiya nila eh.
40:21Wala po yung problema doon.
40:22Pwede sila mag-inuman doon.
40:24Diba?
40:24Pero wag na sa kalye.
40:26Public space yan.
40:27Meron mo ba mga exemption?
40:28Kasi may mga nagpapaalam sa barangay?
40:32Pan-siesta, usually pinapayagan yan.
40:36Kasi one day of one day in a year lang naman yan eh.
40:39But otherwise, pinapayagan talaga yan.
40:41Sa ilalang po ng batas, ano po yung basihan dito?
40:44Kasi alam natin, may mga ordinalsa.
40:46Yung kada munisipyo, kada munisipalidad.
40:49On a national scope, paano nyo po ito implement?
40:52At anong batas ang gagamitin?
40:53Well, nakabe muna din circular, nakabe sa lahat ng mga LGUs.
40:57Encouraging them to draft the following ordinances.
41:01Pinatay niyan sa Quezon City, Makati.
41:04Yung mga dito sa NCR, meron na lahat yan.
41:06So, ini-encourage na namin lahat ng mga LGUs na itayo na rin ito.
41:12So, idadaan din pa rin po ito sa mga LGUs?
41:15Oh, siyempre.
41:17May hirap kung dadan pa tayo ng national law.
41:19Ang dami pa debate niya ng LGU.
41:21Sanggunian lang pwede na.
41:23Mapunta naman po tayo sa mataas na presyo ng krudo.
41:25Sakali mang tumindi pa yung epekto ng taas presyo ng produktong petrolyo,
41:28ano po ang mga mekanismo na gagawin ng DILG para makatulong sa mga mapupuruhang sektor?
41:35Actually, dapat nato nyo dyan ng DOE at saka DTI.
41:39Sina talaga ang lead para dyan.
41:40In our case, binabawal lang namin yung mga malalaki mga seminar na nag-out of town tabi yung mga local
41:46officials natin.
41:47Katulad last week, may nag-apply ng team building pero cruise ship sa Thailand.
41:53Mapuntang Malaysia.
41:55Sobra naman yun, di ba?
41:56Hindi na pwedeng ganun.
41:57So, yung mga ganyan, yung waste of government resources, inaalagaan namin sa local government.
42:01Pero otherwise, DTI at DOE ang in-charge yan.
42:05Itong pagtitipid po na utos ng DILG, mananatili po ba ito kahit nawala na yung krisis?
42:10Kasi, yun nga, nabanggit nyo, cruise eh.
42:12Yung kanilang in-applyan.
42:13Oo nga, dipindi nga, di ba?
42:16Vero nag-cruise pa.
42:17Di ba?
42:18Using government funds, ha?
42:20Kaya matindi talaga eh.
42:22Team building daw nila.
42:23So, hindi na namin tinayagay yung mga ganyan.
42:25Bawal talaga yan.
42:26Okay, maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
42:30You're welcome.
42:30Yan po si Interior Secretary John Vic Rimulia.
42:39Tinanggyan ng Iran ang isinusulong ng ceasefire o tigil putukan sa pagitan nito at ng Amerika at Israel.
42:44Ayon sa Iran, dapat ay tuluyang tapusin na ang gyera.
42:48Dapat din daw magkaroon ng protokol para sa ligtas na pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz,
42:53pagalis ng sanctions o mga parusa,
42:55at pagkakaroon ng reconstruction.
42:58Pakistan ang mediator sa isinusulong ng 45-day ceasefire.
43:01Ayon sa isang source ng Reuters,
43:03kausap ng Army Chief ng Pakistan,
43:05si na U.S. Vice President J.D. Vance,
43:08Special Envoy Steve Witkoff,
43:09at Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi.
43:12Sa ilalim ng panukala,
43:13magiging epektibo agad ang tigil putukan at bubuksan muli ang Strait of Hormuz.
43:18Susundan niya ng 15 hanggang 20 araw na negosasyon.
43:22Wala pang tugon ang Amerika sa pagtanggi ng Iran sa ceasefire,
43:25pero sinabi ni U.S. President Donald Trump na kayang i-take out ang Iran sa loob ng isang gabi.
43:31Nangako rin siyang sisirain ang mga mahalagang infrastructure ng Iran,
43:35gaya ng power plants at tulay.
43:47Tumaas po ng 10 piso ang kada kilo ng kandeng baboy sa Marikina Public Market.
43:52Ang pork casim ay nasa P350 pesos per kilo.
43:55Ang yen po naman, P400 pesos per kilo.
43:58Bunsod po ang taas presyo ng tumaas na transportation cost at mega oil price hikes.
44:03Sabi po ng nagtitinda, dapat ay P20 pesos hanggang P30 pesos per kilo ang itataas nila.
44:09Pero inakuna nila ang bahagi niyan para hindi raw mabibgatan ang kanilang mga customer.
44:16Batay sa latest DA price monitoring sa ilang palengke sa Metro Manila,
44:20naglalaro ang presyo ng pork casim mula P210 pesos hanggang P280 pesos per kilo.
44:26Habang nasa P320 pesos naman, hanggang P450 pesos ang per kilo ng liyempo.
44:38Nag-uwi po ng 22 gintong medalya ang mga Filipino powerlifter mula sa 2026 East and Southeast Asia Classic Powerlifting
44:48and Bench Press Championships na idinaos po sa China.
44:52Labing dalawang atleta ng Pilipinas ang sumabak sa torneo.
44:56Nag-uwi rin sila ng 10 silver, 4 na bronze medals at 3 special awards.
45:01Nakapag-ukit pa ng dalawang bagong national records ang Pinoy team.
45:06Dahil sa winning streak, kumpiyansa ang grupo na magiging masigla at matagumpay ang kanilang pagsabak naman sa Asian Junior Championships
45:14sa Mayo.
45:18Buwaya, buwaya.
45:22Naispatan itong Sabado ang isang buwaya sa ilalim ng isang stilt house sa Barangay Buwan sa Panglimang Sugala, Tawi-Tawi.
45:29E kinatakot yan ang mga residenteng nakakita sa buwaya.
45:32Maya-maya, umalis din ang buwaya.
45:34Ayon sa video uploader, high tide noon ang makita ang buwaya.
45:38Hinala nila na target nito ang mga manok sa bahay.
45:41Sabi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, marami talagang buwaya sa lugar kaya pinag-iingat ang mga residente.
45:49I-report din daw kung may nakitang buwaya ngunit huwag itong saktan o patayin.
45:54Bawal ang panalakit at pagpatay sa buwaya sa ilalim ng Wildlife Resources and Conservation and Protection Act at maikaw kulang
46:01parusa.
46:03Ito ang GMA Regional TV News.
46:08Patay ang isang padre de familia matapos barilin sa kanilang bahay sa barangay Mileb sa Raja Buwayan, Maguindanao del Sur.
46:16Sugata naman ang kanyang asawa at isang taong gulang na anak na dinalarin sa ospital.
46:21Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril kahapon ng madaling araw.
46:25Bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng mga sospek mula sa labas ng kanilang bahay.
46:31Agad tumakas ang mga sospek. Patuloy ang imbisigasyon.
46:40Ready na si PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuza's second big placer, Heath Hornales, sa kanyang upcoming fan meet
46:48sa April 19.
46:50Ano nga ba ang dapat i-expect ng kanyang fans?
46:55Other than me singing po or mag-banding po with all the fans and thank them po, meron din po
47:02akong super amazing big announcement po doon.
47:05Kaya hope to see you guys there.
47:07Kaya naman abangan daw yan sa Heath Wave The Ultimate Fan Jam April 19, 7pm sa DSM North EDSA Sky
47:15Dome.
47:16Looking forward din si Heath na makawork si kapuso big placer Caprice Cayetano.
47:21Natanong din siya kung kumusta ang kanyang pagbabalik sa acting.
47:25Napanood na kasi kagabi si Heath sa episode ng GMA Prime Action Series na Never Say Die.
47:31Gumaganap siya na si Keith na nakababatang kapatid ni Raheel Biria as Peter.
47:40Fun and enjoy ko po yung set. It was really magaan po and para nakaka-refresh yung pumakabalik sa acting.
47:50Muling gumawa ng kasaysayan ng Manned Mission sa buwan ng NASA na Artemis II.
47:54Bukod kasi na ito ang tao na ulaang Manned Mission ng Mayarika matapos ang mahigit limampung taon,
47:59na-break nito ang record para sa pinakamalayong distansya ng tao mula sa daigdi.
48:04Ang dating record na set ng Apollo 13 noong 1970.
48:08Ngayon, na-break ito ng Artemis II sa distansyang mahigit 406,000 kilometers
48:13o mahigit 6,600 kilometers na mas malayo mula sa record noon.
48:18Sa pagpapatuloy ng 10-day mission ng NASA roon,
48:21pinangalanan ng apat na astronaut ang iyong ilang crater sa buwan.
48:25Inaasaan itong matatapos sa April 10.
48:30At yan po ang maiinit na balita ngayong tanghali.
48:33Ako po si Connie Sison.
48:34Rafi Tima po.
48:35Kasama niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
48:37Ito ang GMA News.
48:38Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
48:40Noon at ngayon, serbisyong totoo.
48:43Walang kinikilingan, walang pinoportleen.
48:49You
Comments