Skip to playerSkip to main content
-Bagon sa rollercoaster na may 8 sakay, tumirik sa taas na 100 feet; lahat, nailigtas


-70 pamilya sa Brgy. Moonwalk, nasunugan; 20 pamilya, apektado matapos sumiklab ang sunog sa Brgy. 190


-Magkapatid, hinabol ng itak ng nakaalitan nilang lalaki


-Maitim na tubig, dumaloy sa beach patungong dagat


-Crimson Arradaza, nagtala ng bagong world record sa one-handed speed cubing event ng Ph Nat'l Speed Cubing Open 2026


-Taiwan government, tiniyak na hindi pababayaan ang mga Pinoy sakaling lumala ang hidwaan ng Taiwan at China


-Vietnamese president To Lam, nasa Pilipinas para sa 2-day state visit


-Danger level na heat index, posible pa ring maranasan sa ilang lugar


-INTERVIEW: PAGASA ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF CHRIS PEREZ


-Bontoc-Baguio Road, pansamantalang hindi madaanan dahil sa mga humambalang na lupa at bato


-DA at DTI, nag-inspeksyon sa mga palengke sa Metro Manila para matiyak na nasusunod ang P50/kg price cap sa imported na bigas


-AZ Martinez at Ralph De Leon, naghatid ng kilig at saya sa fan meet na inorganisa ng "AZRalph" fandom


-Kauna-unahang Santacruzan sa Croatia, idinaos ng mga Pinoy roon


-Paghagis sa regalong bouquet ng mister sa kanyang misis sa kanilang 42nd wedding anniversary, kinaaaliwan online


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:03Sa taas na sandang talampakan, tumirik ang bagon na yan ng isang rollercoaster sa Texas, Amerika.
00:09Maingat ang bawat galaw ng mga rescuer para mayalis ang bawat rider sa nagkaberyang ride.
00:14Sa ulot ng local media, 8 ang sakay na nanginasabing bagon.
00:18Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
00:25Ito na ang mabibilis na balita sa bansa.
00:30Sumiklabag sunog sa isang residential area sa barangay Moonwalk sa Paranaque kahapon.
00:34Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumagal ng mahigit apat na oras.
00:41Labindalawang firetruck ang rumisponde para pulahin ang sunog.
00:44Walang naitalang sugatan o nasawi sa insidente.
00:48Nananatili sa evacuation center ang mga apektadong residente.
00:51Inaalam pa ang sanhinang apoy.
00:56Hindi naman bababa sa dalawampung pamilya ang apektado matapos sumiklab ang sunog sa barangay 190 sa pasay nitong Sabado.
01:03Ayon sa Bureau of Fire Protection, walang nasaktan o nasawi sa sunog.
01:07Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog bago maapula sa tulong ng tatlumpung truck ng bumbero at fire volunteers.
01:14Inaalam pa ang sanhinang apoy at halaga ng pinsala.
01:19Dahil sa umunay ang asaan sa kalsada sa kulungan ng bagsak ng dalawang sangkot sa gulo sa Maynila,
01:25ang insidente na huli kam sa balitang hatid ni Bea Pinlac.
01:32Pasado las 6 ng gabi nung Webes, dumating ang motorsiklong yan at tumigil sa gitna ng San Agustin Street sa
01:38barangay 540 Sampaloc, Maynila.
01:41Bumaba ang mga sakay ng motor na ayon sa barangay ay magkapatid.
01:45Ang driver na si Elias Gary, may kinuha sa compartment ng motor.
01:49Ano lang po siya, yung parang stick na matalas.
01:52Ya parang kahi lang po siya.
01:54Depensa ko lang po yung kasi once na dumaan kami doon, hindi po namin masasabi kung ano nangyayari.
01:59Naglakad sila papunta sa harap ng isang bahay at tila may nakasagutan mula sa loob.
02:05Maya-maya pa, tumakbo ang magkapatid.
02:08Hinahabol na pala sila ng nakaalitang si Elias Toño na isang chuper ng jeep na may bit-bit na itak.
02:14Bumunot ng, or kumuha siya ng parang patalim or weapon sa kanyang motor.
02:19Sinugod si jeepney driver, si jeepney driver naman, umatras, pumasok sa bahay, paglabas may dalang itak.
02:27Nang hindi mahabol ang magkapatid, pinagtataga ni Toño ang naiwang motorsiklo.
02:32Lumabas din ang kapatid ni Toño na may dalang pamalo.
02:35Ang magkapatid, tumakbo pa uwi.
02:38Pero bumalik sila kalaunan, may dala ng improvised na baril.
02:42Bumalik sila sa bahay din, kumuha na kaagad, tinatago nilang pen gun.
02:46Then nagpapotok sa area.
02:48Fortunately naman, wala namang tinamaan doon sa area.
02:51Pero still, mali pa rin kasi siyempre nagpapotok.
02:57Nag-create ng takot doon sa lugar.
03:00Rumesponde ang barangay at polis.
03:02Inaresto si Nagari at Toño.
03:04Base sa imbistigasyon, ang pinag-ugatan umano ng gulo.
03:09Ang pinagsimulan lang is yabangan lang, nakatitigil lang na hindi maayos.
03:14So, parang ang kainin talaga sa mananog.
03:19Ang asal lang sa kalsada.
03:20Parang kami ng alin ng konting salitag.
03:25Dahil po sa nahihirapan po sila pumasok sa kalye po namin.
03:29Ang pag-asaan ng pagpamilya mo, lahat gagawin mo.
03:33Reklamong malicious mischief at grave threats ang isinampalaban kay Toño.
03:37Illegal possession of firearms, indiscriminate discharge of firearms,
03:41at alarms and scandals naman ang kinakaharap na reklamo ni Gary.
03:44Pareho silang nakapiit ngayon sa Sampaloc Police Station.
03:47Hindi na sinampahan ang reklamo ang kapatid nila.
03:50Ang at-mari, sa alang-alang natin yung ating buhay at safety natin.
03:57Ang at-mari, huwag natin idahan sa init ng ulo.
04:00Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
04:05Dumaloy ang maitim at malaburak na tubig sa white sand at dumerecho sa dagat sa El Nido, Palawan.
04:11Puhu ang video niya ng isang guest sa isang hotel noong May 20.
04:14Kitang humalo ang maitim na tubig sa malinaw na bahagi ng dagat.
04:18Ayon sa upload na ng video, nakita nilang rumaragas ang maitim na tubig sa ilalim ng tinutuloy nilang hotel ng
04:24medyo tumila ang ulan.
04:26Sabi ng chairman ng barangay, hindi galing sa hotel ang maitim na tubig kundi galing sa bundok.
04:31Lagi raw yan nangyayari kapag malakas ang ulan.
04:34Sinubukan ang GMA News kunin ang pahayag ng hotel, pero wala raw ang kanilang general manager na siyang otorizadong magbigay
04:41ng pahayag.
04:42Sinusubukan din ang GMA News kunin ang pahayag ang Department of Environment and Natural Resources, Department of Tourism at Lokal
04:49na Pamahalaan ng El Nido.
04:57History in the Making
04:58Ang isang Pinoy sa Philippine National Speedcubing Open 2026 sa Tagaytay City.
05:02Siya ang 15-anyos na si Crimson Arazad Aradaza ng Baguio City.
05:075.33 seconds ang kanyang nagawang world record sa first round ng 3x3x3 100-speedcubing event.
05:15Nabasag niya ang dating world record na 5.66 seconds na naitala noong Swiss Nationals 2024.
05:22Good job, Crimson!
05:26Pinangangambahang madamay ang nasa 200,000 Pilipino sa Taiwan sakaling lumala ang hidwaan ng Taiwan at China.
05:33Pagtitiyak naman ang Taiwanese government, may mga nakalatag silang hakbang para maging ligtas ang mga Pinoy roon.
05:39Ang mainit na balita hatid ni Jun Veneracion.
05:44Isa sa tatlong Pilipino na nagtatrabaho sa Wang Fang Hospital sa Taipei, Taiwan, si Dr. Annie Lee.
05:51Nakapangasawa na siya rito ng Taiwanese at meron ng dalawang anak sa tatlong dekadang paninirahan dito.
05:57Sa kabila ng pangamba sa tumitinding tensyon sa pagitan ng China at Taiwan,
06:01hindi raw sila nagpapa-apekto ng kanyang pamilya.
06:04Pero kung sakali, nakahanda raw silang mag-impake kapag lumala pa ang sitwasyon.
06:10Sa Tayano gobyerno ng Pilipinas, nasa 200,000 ang mga Pinoy na nasa Taiwan.
06:16Tiniyak ng Taiwanese government na hindi nila papabayaan ang mga Pinoy,
06:20na itinuturing nila na malaking bahagi ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
06:26Taiwan and the Philippines also have different consultative channels
06:30and this allows us to have deeper cooperation and discussions about disaster prevention
06:36and also disaster mitigation.
06:39To make sure that when there is an emergency or a conflict,
06:43everyone will know what to do to best protect themselves.
06:46This includes Filipinos in Taiwan as well.
06:51If unfortunately something really did happen,
06:54our government will do everything we can to help whether they're students, workers,
06:59or someone who married to Taiwan, we will try, we will do everything to ensure their safety
07:06and to assist if such actions is needed.
07:09Sa mga kalsada, sa mga establishment dito sa Taiwan,
07:13karaniwang makikita yung ganitong signage, air defense shelter,
07:17para maging guide ng mga tao kung saan sila dapat pumunta sa oras ng emergency.
07:22Bukod sa mga signage, meron ding website na pwedeng tignan.
07:27Dito makikita ang mga shelter at iba pang tips kung ano ang dapat gawin kapag nagkaroon ng kaguluhan,
07:33pati na rin ang sakuna.
07:35Kung sakaling mauwi sa gera ang gulo sa pagitan ng Taiwan at China,
07:39isa sa mga mahalagang papel na gagampanan ang mga medical personnel.
07:42Isa sa mga dekalibreng ospital sa Taiwan ang pinagtatrabaho ni Dr. Annie.
07:47Pagmamayari ito ng gobyerno, pero pinapatakbo ng pribadong sektor.
07:50AI-powered ang kanilang mga medical equipment.
07:53Moderno man, pero problema sa ospital ang kakulangan ng mga nurse.
07:57Bagay na nararanasan din daw ng ibang medical facility sa Taiwan.
08:01We can work together, nurse and many things.
08:04Ang kidalulungkot ni Dr. Annie,
08:06pwede naman daw sanang tumaas din ang kalidad ng mga public hospital sa Pilipinas.
08:10Ang problema, ang pondo, nauuwi lang sa bulsa.
08:13Siguro pag ang corrupt is less, mas gaganda ang Philippines.
08:18June Van Arashio, nagbabalita para sa GMA News.
08:22Nasa Pilipinas si Vietnamese President To Alam para sa dalawang araw na state visit.
08:27Dumating siya sa Bilymar Airbase kahapon kasama ang kanyang asawa.
08:30Ang pagbisita ni President To Alam ay kasabay ng ikalimampung anabersaryo
08:34ng diplomatic relations ng Pilipinas at Vietnam.
08:38Ayon sa Presidential Communications Office,
08:40Pag-uusapan nila ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa
08:45pagdating sa kalakal at investment, food security, depensa at siguridad, edukasyon at turismo.
08:53Samantala, kinasila naman ang pagbisita ni To Alam sa Senado ngayong araw.
09:00Mga kapuso, kahit na inuulan tayo,
09:02maging alerto pa rin sa matinding init at alinsangan ngayong lunes.
09:06Ayon sa pag-asa, posibleng pumalo sa danger level na 45 degrees Celsius ang heat index
09:11sa Baler at Kasiguran sa Aurora at sa Barongan Eastern Samar.
09:1544 degrees Celsius naman sa Infanta Quezon at Senatuan, Surigao del Sur.
09:2143 degrees Celsius sa Katbalogan Samar at sa Giwan Eastern Samar.
09:2642 degrees Celsius ang posibleng heat index sa Dagupan, Pangasinan at Siam na iba pang lugar sa bansa.
09:33Extreme Caution Level na 41 degrees Celsius ang posibleng heat index sa Pasay City,
09:37dito po sa Quezon City at sa 13 iba pang lugar.
09:4240 degrees Celsius naman sa Senat, Ilocosur at sa mahigit 20 iba pang lugar sa bansa.
09:48Mga kapuso, stay hydrated, magsuot ng komportabling damit,
09:52huwag magbilad sa arawan sa mga sandaling ito hanggang alas 4 ng hapon
09:56at gumamit ng payong o anumang panangga sa init.
10:01Update tayo sa laging ng panahon ngayong papalayo na sa bansa ang Bagyong Domeng.
10:05Kausapin natin si pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
10:09Magandang umaga at welcome sa Balitang Hali.
10:12Magandang umaga rin po sa Rafi at sa lahat po na ating mga taga-subaybay.
10:15Apo saan pong mga lugar inaasang uulanin kahit palabas na sa bansa ang Bagyong Domeng?
10:21Sa ngayon, Rafi, inaasahan natin yung mga pag-ulaan na dulot ng pip nag-iba yung mga bag,
10:25Chaucas Monsoon. Pusibling maranasan ngayong araw dito sa Metro Manila,
10:30sa Central Zone, Calabar Zone, Mimaropa, Bicol Region at maging sa Western Visayas.
10:35Kaya sa mga kababayan po natin na nakatira sa mga nabangit na lugar,
10:38maging alerto pa rin, mag-monitor ng mga localized thunderstorms
10:41o heavy rainfall advisory at maging alerto sa mga posibling pagbaha
10:45sa mga mababang lugar at pag-uon ng lupa sa mga lugar naman po
10:48na malapit sa paana ng gundo.
10:50Ano po yung mga magiging lagay ng panahon para sa alinggong ito?
10:55Well, sa ngayon, Rafi, inaasahan natin na
10:58bagamat tuloyan ang lalabas ng PIR itong Bagyong si Domeng,
11:02patuloy itong magpapaybayin ng habagat.
11:03Kaya may mga ilang lugar pa rin po na inaasahan natin
11:06makakaranas ng mga pag-ulan, lalong-lalong yung mga lalawigan
11:09sa kandurang bahagi nga ng Luzon sa mga susunod na araw.
11:12Yan po yung mga gaya ng lalawigan na Zambales,
11:14mga lalawigan dito sa Cordillera Administrative Region,
11:17at ilang mga lalawigan dito sa Ilocos Region
11:19sa mga susunod na araw po yan dahil sa pinatibayong habagat.
11:22Dito naman sa Metro Manila,
11:23asahan pa rin po natin yung mga pagbugsong-bugsong pag-ulan
11:26in the next 2 to 3 days.
11:28At kailan po posible magsimula yung panahon ng tag-ulan?
11:30Nagsimula na yung habagat season eh.
11:33Ano po yung mga tinitingnan yung parameters?
11:35Well, unang-unang, Rafi, tama ka dyan.
11:37Maaaring itong current habagat episode
11:39ay maging trigger ng pag-ulan dito sa ating bansa
11:43dahil kailangan muna natin mamonitor
11:45kumbaga almost 50%
11:47ng mga weather station natin sa western side na ating bansa
11:50ay kailangan makapagtala ng pag-ulan na more than 25mm.
11:54Yung prevailing na hangin
11:56o yung direction na hangin
11:57ay dapat manggagaling sa west to southwest direction.
12:00And of course, dito sa Metro Manila
12:02kailangan may mga naitala rin tayong pag-ulan
12:032 or 3 out of the 4 monitoring stations natin.
12:07So we're looking at the possibility na
12:09either masatisfy ngayong karint habagat episode
12:12or possibly before the second half of June
12:15masatisfy na yung kriteria
12:17para nga makapagsimula tayong mag-declare ng pag-ulan.
12:19Pero sa ngayon po,
12:20yung mga pag-ulan natin ay maaaring short-lived.
12:23Alalahanin po natin dahil nating tandaan na
12:26baga man nakakaralan sa inyong mga pag-ulan
12:27ay magkakaroon po rin tayo ng mga
12:29ilang araw or maging linggo
12:31na makakaralan na mga panahon.
12:34Pwede nyo pong i-differentiate yung hanging habagat
12:37at yung tagulan?
12:38Dahil dati kasi,
12:39pag sinaming tagulan,
12:40yun na yung hanging habagat.
12:41Pero ngayon,
12:42meron ng simulan ng hanging habagat
12:44at magsisimula pa lamang yung tagulan.
12:46Pwede nyo bang i-differentiate itong dalawa?
12:48Well, magandang katanong nga po yan.
12:50Kasi karamihan po,
12:51ang panahon ng tagulan dito sa ating bansa
12:53ay natitrigger
12:54once na may bagyo nagpapaibay ng habagat.
12:57Ngayon, gaya nga nang nabanggit natin,
12:59kaya nga,
12:59binanggit natin na simula na yung panahon ng habagat dito,
13:02ngayon, titingnan naman natin
13:04kung yung mga pagulan na habagat
13:05na current episode natin nararanasan
13:08ay masasatisfy yung mga kondisyon
13:10na nabanggit natin kanina
13:11para tuloy na po natin
13:12e-deklara na panahon na nga
13:13ng tagulan dito sa ating bansa.
13:15Kasi, rapi,
13:16pwede magkaroon tayo ng pagulan
13:17sa nadulot ng habagat,
13:19pero kung hindi masasatisfy yung criteria,
13:21shortly blank kumbaga yung pagulan,
13:23ay hindi pa rin po natin totally
13:24masasabi na tagulan na nga
13:26dito sa ating bansa.
13:27At mahalaga po yung malaman
13:28ng mga kababayan natin
13:29dahil once na sinabi natin
13:31na panahon ng tagulan,
13:32yung mas magiging madalas na
13:34yung episode ng pagulan
13:35para po yung mga iba't-ibang sektor
13:36makapagtano,
13:37lalong-lalong sa agricultural sector.
13:39That is why,
13:40kailangan po natin ng monitoring
13:41at saka data
13:43na magpapatuloy nga
13:44na consistent na yung pagulan
13:45at para tuloy na natin masabi na
13:47simula na nga po
13:48ng tagulan dito sa ating bansa.
13:50At ilang bagyo po yung inasahan
13:52at nating papasok
13:52para sa buwan ng Hunyo?
13:55Sa buwan naman po ng Hunyo,
13:56isa ang ganda lang bagyo
13:57yung posibleng pumasok
13:59sa loob ng PAR
14:00or mag-develop sa loob mismo ng PAR
14:02at may tendency na pwedeng
14:03tumama na ating bansa
14:04or gumilid lamang
14:06sa mga karagatan nga
14:07dito sa silangang bahagi po
14:09na ating bansa.
14:11Okay, maraming salamat po
14:12sa oras na ibinahagi nyo
14:13sa Balitang Hali.
14:14Maraming salamat din po
14:15at magandang araw.
14:16Pag-asa Assistant Weather Services
14:18Chief, Chris Perez.
14:26Nagka-landslide sa National Road
14:27sa Barangay Napua
14:28sa Sabangan, Mountain Province.
14:31Kumambalang sa Bontok Baguio
14:32ang mga gumuhong lupa
14:33at bato mula sa bundok.
14:34Dahil dyan,
14:35pansamantalang hindi
14:36madaanan ang kalsada.
14:38Nagsasagawa na ng
14:39clearing operation
14:40ang DPWH.
14:42Inabisuhan na rin
14:43ang mga motorista
14:43na humanak muna
14:44ng alternatibong ruta.
14:52Para matiyak na nasusunod
14:53ang 50 pesos
14:54kada kilong price cap
14:55sa imported na bigas,
14:57nag-inspeksyon ng mga tauhan
14:58ng Department of Agriculture
14:59at Department of Trade and Industry
15:00sa Ilang Palengke.
15:02Sa limang stall ng bigas
15:04sa Nagorno,
15:05ay public market
15:06sa San Andres,
15:06Bukid, Maynila.
15:07Isa lang ang bukas
15:08ngayong lunes.
15:09Ayon sa Market Master
15:10ng Palengke,
15:11araw-araw namang bukas
15:12sa mga tindahan doon.
15:13Nagkataon lang daw
15:15na may outing
15:16ang isa sa mga may-ari
15:17ng isa sa mga tindahan
15:18at posibleng naimbitahan
15:19ng iba
15:20kaya sarado.
15:21Araw-araw din daw
15:22ang monitoring
15:23ng price cap implementation doon.
15:25Babalikan ang mga saradong tindahan
15:27para mabantayan
15:27ang presya
15:28ng ibinibenta nilang bigas.
15:30Ayon sa DA,
15:31hindi pa sanda ang porsyento
15:32pero mataas na
15:33ang compliance
15:34sa price cap.
15:35Hanggang June 12,
15:37iira lang
15:3750 pesos per kilo
15:38ang price cap
15:39sa imported rice
15:40at pag-aaralan pa rao
15:42kung palalawigin ito.
15:48Full of kilig
15:49at saya
15:50ang inorganized na event
15:51ng fans
15:52para kina
15:52The Secrets of Hotel 88 stars
15:54AZ Martinez
15:55at Ralph De Leon.
15:59Mala wedding reception
16:01ng peg
16:02ng fan meet
16:03na dinaluhan mismo
16:05ni na AZ at Ralph.
16:06Ang ilang fans
16:07nag-outfit pa
16:08ala Sari
16:09na karakter ni AZ
16:11sa The Secrets of Hotel 88.
16:13Ilang sa highlights
16:14ng fan meet
16:14ang fireworks display
16:16at games.
16:17Isinare din ni na AZ at Ralph
16:19na marami pa rao
16:20dapat abangan
16:21sa The Secrets of Hotel 88
16:23kung saan sila napapanood
16:25as Sari and Martin.
16:27Thankful naman
16:27ang dalawa
16:28sa patuloy
16:29na suporta
16:30ng fans
16:30sa kanila.
16:42All out din
16:43ang energy
16:43ng fans
16:44na nakid dyan
16:45sa performances
16:46ni The Secrets of Hotel 88 star
16:48at PBB Celebrity Collab
16:50Edition Season 1
16:51Kapuso Big Winner
16:53Mika Salamangka
16:54sa kanyang album
16:55launch concert
16:56nitong weekend.
16:57Present dyan
16:58ang former co-housemate niyang
16:59si Clarice De Guzman
17:00na nakaduwet niya
17:02sa hitsong na Himala.
17:03Full support din dyan
17:05si na Josh Ford,
17:06Will Ashley
17:06at Cyril Manaba.
17:09Thankful naman si Mika
17:10na natupad
17:11ang kanilang pangako
17:12na susuportahan
17:14ang isa't isa
17:15sa loob man
17:16o labas
17:16ng bahay ni Kuya.
17:18Extra grateful din siya
17:19sa fans
17:20na mula Sparkle Ron
17:21ay all out
17:22ang love
17:23at support
17:23sa kanya.
17:28For the first time
17:30idinaos
17:30ang tradisyonal
17:31na Pinoy Santa Cruzan
17:33sa Croatia.
17:36Tampok dyan
17:37ang sagala
17:37na kumakatawan
17:38sa mga reyna
17:39mula sa luma
17:40at bagong tipan.
17:42Suot
17:42ang magagarang
17:43kasuotan
17:44dinaluhan niya
17:45ng maraming Pilipino
17:46na mula pa
17:47sa iba't-ibang
17:48bahagi ng Europe.
17:50Isang misa rin
17:51ang isinagawa
17:51sa St. Vincent de Paul Church.
17:54Ipinaliwala doon
17:55ang kahalagahan
17:56ng Santa Cruzan.
17:57Pagkapatunay raw ito
17:59nananatilig
17:59buhay
18:00ang pananampalataya
18:01at kultura
18:02ng mga Pilipino
18:03saan man naroon.
18:13Chocolates at bulakla
18:15yan ang kalimitang
18:16inereregalo
18:17tuwing Valentine's Day
18:17o di kay anniversary.
18:19Ang isangang misi
18:20sa Binian Laguna
18:21na pa
18:22catch my feeling
18:23sa rigala
18:24sa kanya
18:25ng kanyang mister.
18:31Galit ba yan?
18:33For the haggis
18:35kasi ng buke
18:35si tatay Jerry
18:36sa kanyang sweetheart
18:38sa paggiriwang
18:39ng kanilang
18:3942nd wedding anniversary.
18:42Kwento ni
18:43Hugh Scooper
18:43Jason Cano
18:44kinuhanan niya
18:45ng video
18:46ang ama
18:47ng makitang
18:47may bit-bit
18:48na bulaklat.
18:49Nagulat na lang
18:50daw sila
18:51at pinagkawanan
18:52ang malagaster
18:53na atake
18:54ni tatay.
18:55Eh hindi raw
18:55kasi talaga
18:56showy
18:56si tatay Jerry.
18:58At kahit madalas
18:59na asot po
18:59sa kanyang
19:00airmat at airpot
19:01eh mas nangingibabao pa rin
19:03ang kanilang pagmamahalan
19:04sa isa't isa.
19:06Ang mala buke tos
19:07na anniversary gift
19:08ni tatay Jerry
19:09may 14 million views
19:11na online.
19:12Tatay Jerry
19:13ikaw ay
19:14trending.
19:16Sweet pa rin naman.
19:18Medyo brutal na
19:19yung pagkasweet
19:20ni tatay.
19:20Sweet with a twist.
Comments

Recommended