Skip to playerSkip to main content
-PAGASA: LPA sa Pacific Ocean, posibleng maging bagyo at pumasok sa PAR

-Umapaw na ilog at sapa, nagpabaha sa Brgy. Manarapan/Ilang motorista, stranded sa baha

-Visayas Grid, isasailalim muli sa Yellow Alert mamayang hapon at gabi

-4 kabilang ang isang Brgy. Captain at pulis, patay sa pamamaril; 4 sugatan

-PHIVOLCS (as of 8am): 85 aftershocks ang naitala matapos ang magnitude 5.5 na lindol sa Surigao del Sur

-Mahigit P56M halaga ng shabu na itinago sa coffee bags, nasabat sa 2 Pinay mula sa Cambodia

-Aabot sa 129 na solar streetlight, natangay sa mga poste sa ilang barangay

-Fire truck na reresponde sana sa sunog, tumagilid; driver at fire volunteer, sugatan

-Sen. Dela Rosa, usap-usapang nasa New York sa Amerika, batay sa viral post

-Loan para sa pagpapa-install ng solar panels sa bahay, puwedeng i-avail ng SSS members simula Setyembre

-Heath Jornales, naka-bonding ang fans sa kanyang birthday celebration


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagpapaulan po nga ngayon sa ilang bahagi ng bansa ang trough o extension ang binabantayang low pressure area sa Pacific
00:06Ocean.
00:07Namaraad po yan ang pag-asa mahigit 1,000 km sila nga ng northeastern Mindanao.
00:12May medium chance itong maging bagyo at posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Biernes o Sabado.
00:20Apektado na ng trough ng LPA ang Palawan at Mindanao.
00:24Easterlies naman ang posibleng magpaulan sa Quezon Province at Bicol Region.
00:28Habang local thunderstorm ang aasahan sa iba pang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.
00:34Marami pa rin lugar ang makararanas ng matinding init at alimsangan.
00:39Posibleng pumalo sa danger level na 47 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan, Pangasinahan.
00:4646 degrees Celsius naman sa Apari at Tugigaraw sa Cagayan at sa Munoz, Nueva Ecija.
00:5145 degrees Celsius sa Echage Isabela, Baler at Kasiguran sa Aurora, Olongapo City, Kavita City, San Jose Occidental Mindoro at
01:02sa Puerto Princesa sa Palawan.
01:0544 degrees Celsius sa Baknotan La Union at 10 pang lugar.
01:1043 degrees Celsius ang posibleng heat index sa Pasay City at sa labing isang iba pang lugar sa bansa.
01:1542 degrees Celsius sa Kalayan, Cagayan at siyam na iba pang lugar.
01:20Extreme caution level na 41 degrees Celsius ang posibleng heat index dito po sa Quezon City at 10 pang lugar.
01:2840 degrees Celsius sa Tayamas, Quezon at sa labing dalawang iba pang lugar.
01:32Stay hydrated mga kapuso, iwasang magbilad sa arawan mula alas 9 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon at magdala
01:41po ng payong.
01:44Hindi pa man pumapasok sa Philippine Area of Responsibility,
01:48nagpaulan at nagpabahana sa ilang lugar sa Mindanao ang trough ng low pressure area.
01:53Balita natin ni EJ Gomez.
01:58Nagmistulang ilog ang kalsadang yan dahil sa pagragasan ng tubig sa barangay Maranapan sa Kapalawan sa Special Geographic Area
02:06ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
02:09Umapaw kasi ang ilang ilog at sapa dahil sa naranasang pagulan.
02:14Ang mga residente, nagtulong-tulong para maitawin ang ilang motorsiklong na lubog sa baha.
02:19Apektado rin ng maraming bahay pati ang mga taniman.
02:22Walang naiulat na sugatan o nasawi sa pagbaha.
02:28Stranded ang ilang motorista sa kalsadang yan sa Alamada, Cotabato dahil sa ragasan ng tubig
02:34mula sa overflow bridge sa barangay Paruwayan.
02:37Tanging malalaking sasakyan lang kasi ang kayang tumawid dyan.
02:40Ang ilan, pilit na sinuong ang baha para makauwi.
02:43Habang ang iba, naghanap naman ang alternatibong ruta.
02:47Dahil naman sa magdamag na pagulan, binaharin ang ilang lugar sa Kabakan, Cotabato,
02:53kasunod ng pag-apaw ng Pulanggi River.
02:55Dagdag pa ang mga basurang bumara sa drainage canal.
02:58Nagpatupad na ng desilting at clearing operations ang lokal na pamahalaan sa mga lugar na apektado ng pagbaha.
03:07Gumuhu ang bahagi ng bundok na yan sa barangay Tinimbakan sa Banisilan, Cotabato.
03:12Isang dump truck ang muntik ng mahulog sa bangin dahil sa pagguho ng lupa.
03:17Nahila yan at naalis sa kalsada sa tulong ng kasunod na truck.
03:20Apektado naman ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa insidente.
03:24Nagsagawa na ng clearing operations ang lokal na pamahalaan.
03:28Walang naiulat na sugatan o nasawi sa insidente.
03:31Ayon sa pag-asa, ang naranasang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao
03:36ay dulot ng low-pressure area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
03:42EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
03:46Isa sa ilalim ulit sa yellow alert ang Visayas Grid mamayang hapon hanggang gabi.
03:52Ayon po sa National Grid Corporation of the Philippines,
03:55magsisimula po yan mamayang alas 4 ng hapon at tatagal hanggang alas 8 ng gabi.
04:00Ibig sabihin, manipis ang reserbang kuryente na posibleng magkulang sakaling magka-emergency.
04:06Ilan sa dahilan ng yellow alert ang mataas na demand sa kuryente
04:10na sinasabayan ang aberyasa coal plant sa Visayas.
04:13Samantala, inaasahang nasa normal conditions
04:16ang power supply sa Luzon at Mindanao ngayong lunes.
04:25Kabilang ang isang barangay kapitan at isang pulis sa apat na namatay
04:29sa pamamaril sa Santo Tomas, Isabela.
04:32Ayon sa inisyal na investigasyon, isang grupo ang biglang namaril
04:36sa mga biktiman na nuoy nagkakasiyahan sa pista ng barangay San Rafael, Abajo.
04:42Agad namang rumesponde ang pulis siya sa pamamaril.
04:44Apat na iba pa ang sugatan na dinala sa ospital.
04:48Kabilang po ang isang pulis at dalawang minor de edad.
04:51Nagpaabot ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan
04:54at inatasan ang pulis siya na imbesigahan ang barilan.
04:58Nakipag-ugnaya na ang lokal na pulis siya sa Isabela Provincial Forensic Unit
05:02para sa pagproseso sa crime scene at pangungulekta ng ebidensya.
05:0985 aftershocks na ang naitala matapos ang magnitude 5.5 na lindol sa Surigao del Sur.
05:15Ayon sa FIVOGS, naitala ang epicenter ng lindol kaninang pasado hating gabi
05:1924 kilometers northeast ng Bayabas, Surigao del Sur.
05:23Ramdam ang intensity for doon sa Tandag City,
05:26pati sa Clavera sa Surigao del Norte.
05:29Intensity 3 naman sa Kagwait at Lingig sa Surigao del Sur.
05:33Intensity 2 sa Bislig City, maging sa mga bayan naman
05:37ng Nabunturan o Compostela, Montevista at Mungkayo sa Davao de Oro.
05:42Pinaalerto ng FIVOGS sa mga residente sa posiblipang aftershocks.
05:49Arestado ang dalawang Pinay mula sa Kambodya
05:51dahil sa tangka umanong pagkuslit ng iligal na droga sa Pilipinas.
05:55Ayon sa Bureau of Immigration, nakatanggap sila ng impormasyon
05:59mula sa Drug Enforcement Administration ng Amerika
06:02noong April 22, ukol sa dalawang Pilipina.
06:06Sa ilang araw na monitoring sa Ninoy Aquino International Airport,
06:10naharang at naaresto ang mga suspect noong May 6.
06:13Nasabat sa kanila ang mahigit 8 kilo ng shabu
06:16na nakasilid sa mga coffee bag.
06:19Tinatayang nagkakahalagaya na mahigit 56 million pesos.
06:23Walang pahayag ang mga suspect.
06:28Huli ka ang mga lalaking niya na umaakyat sa pose ng ilaw sa barangay Bulong Westie sa Santa Barbara, Iloilo.
06:34Tinangay niya ang solar streetlight.
06:37Pagkababa niya, kinuha niya ang isa pang streetlight na natangay niya na sa isa pang poste.
06:43Pagkatapos niya, isa pang poste ang ninakawan niya.
06:46Ayon sa mga otoridad, tatlong barangay ang natangayan na mga solar streetlight.
06:51Aabot daw ang bilang sa mahigit sandaan at may kabuang halagang mahigit 4.3 million pesos.
06:57Inaghanap ng suspect sa video at mga kasamahan niya.
07:01Ayon sa isang opisyal ng Department of Public Works and Highways, 4th District,
07:05magsasampa sila ng reklamong robbery laban sa mga suspect.
07:10Tumagilid ng isang fire truck na re-responde sana sa isang insidente ng sunog sa Pasig.
07:15Sugatan ng driver at kasama niyang fire volunteer.
07:18Balitang hatid ni EJ Gomez.
07:22Sa dash cam video na ito, binabaybay ng puting MPV ang East Bank Road sa Barangay Manggahan, Pasig City,
07:30pasado alas 11 ng umaga kahapon.
07:32Maya-maya, dinig ang sirena ng paparating na truck ng bumbero.
07:38Sa likod ko.
07:41Lumipat ng linya at gumilid ang sasakyang may dash cam.
07:44Ang puting sasakyan na natili sa linya kahit papalapit na ang fire truck.
07:49Ayon pa tumapin ang mga.
07:52Tumapin ka na.
07:57Ilang saglit pa, isang motorsiklo ang makikitang mabilis nag-overtake sa sasakyang may dash cam at natapat sa puting MPV.
08:05Dito na sila inabot ng truck ng bumbero.
08:08Sinubukan ng fire truck na lumusot sa pagitan ng puting MPV at motorsiklo,
08:13pero nawala na ito ng kontrol hanggang tumagilid sa kalsada.
08:17Ang motorsiklo at MPV, deretsyo lang ang takbo.
08:21Pagpunta ng mga tao namin doon, tumahob na yung fire truck.
08:26Ngayon nagtanong-tanong kami doon kung paano tumahob.
08:29Sabi ng mga konsyensyensyendo na may dalawang motor na iniwasan.
08:35Kaya pagkabigilong manubera ng fire truck, tumagilid na.
08:39May kargang tubig.
08:41Tumapon sa kalsada ang kargang tubig ng fire truck.
08:44Natunto ng GMA News ang 21-anyos na driver ng fire truck na residente ng Barangay de La Paz.
08:51Kwento niya, re-responde sana sila sa sunog sa pasig nang mangyari ang insidente.
08:55Malayo pa lang po kasi, rinig na po yung fire truck namin dahil maingay po, naka-full siren din ako.
09:01Ang assist ko po kasi doon sa SUVing puti na nasa unahan ko,
09:06ang una po kasi is mabilis siya.
09:09So ngayon po, nung papalapit po ako, bigla po siyang bumagal.
09:12So pinasok ko po siya doon sa pagitan nila, so pinagitnaan ko po sila.
09:16Ngayon po, nung nakalagpas po ako sa kanila, ayon po yung nawala na po ako ng kontrol.
09:23Nagtamo ng sugat at galos sa kanang kamay ang driver.
09:27Nagkabukol naman daw sa kaliwang tenga ang kasama nilang fire volunteer.
09:30Nagkatao po namin, yung windshield po is bigla na pong nag-collapse.
09:34Lumabas po kami sa windshield na ng sasakyan.
09:38Yung windshield na sira, yung bumper sa right side, tapos yung dalawang pinto di mabuksan.
09:43Tapos yung salamin sa passenger sa front, basag din.
09:47At saka yung bulb sa labasan ng pump, sira din.
09:51Pansamantala raw, hindi magagamit sa fire rescue operations ang naaksidenteng fire truck.
09:56Wala naman daw na damay sa insidente ayon sa barangay.
09:59May pakiusap ang mga fire volunteers sa mga motorista.
10:03Para din sa lahat na once naman may marinig kayong naka-emergency vehicles,
10:09pwede naman kayo mag-giveaway kahit dahan-dahan.
10:13Hanggat malayo pa, mag-giveaway na kayo.
10:15Para makarating din ang maayos yung emergency vehicle, ambulance or fire truck.
10:21EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
10:26Inalmahan ng kampo ni Sen. Bato de la Rosa ang sinabi ng NBI na siya ay armed and dangerous.
10:32Ang Bureau of Immigration sinabing walang silang record na nakalabas na ng bansa ang senador.
10:36Sa gitnayan ng viral post na nasa New York ang senador.
10:40Balita hatin ni Dano Tincunco.
10:45Naglaho ng parambula si Sen. Bato de la Rosa mula ng lisanin ng Senate Building noong May 14,
10:51ilang oras matapos makaputukan sa Senado.
10:53Sabi ni Sen. Robin Padilla bumaba si de la Rosa sa Makati at doon sinundo siya ng kanyang sasakyan.
10:59May nagbabiral na post ngayon ng grupong nagpapakilala mga taga-suporta
11:02ni Vice President Sara Duterte sa New York at nagsasabing na roon umano si de la Rosa.
11:07Pero ayon sa Bureau of Immigration, wala silang namomonitor na nakalabas ng bansa si de la Rosa.
11:12Patuloy na nakaalerto ang mga tauhan ng BI ngayong nasa Immigration Lookout Bulletin Order ang senador.
11:18Doon sa ating mga International Courts of Entry and Exit, wala po tayong recently recorded na biyahe po na.
11:27Yung actual na nakita niyo siya halimbawa sa isang airport, kailangan ninyo siyang i-hold doon?
11:33We have to seek the confirmation with the relevant government agencies.
11:39Sabi ng isa pang abogado ni de la Rosa na si Atty. Israelito Toriyon, wala na siyang contact kay de
11:44la Rosa.
11:45After that, no contact anymore. But I am in constant contact with the members of the family. Always.
11:53Almost every hour, nag-communicate kami.
11:56Itinuturing ng NBI na armed and dangerous si de la Rosa, bagay na inalmahan ang kanyang abogado.
12:02Itinanggihan ang isa panyang abogadong si Atty. Jimmy Bondoc.
12:05Ang NBI anya ang gumagamit ng armado mga tauhan para ipatupad ang arrest warrant na hindi pa napoproseso ng isang
12:12local court.
12:13Giit pa ng abogado ni de la Rosa, hindi pa dapat ipatupad ang arrest warrant kahit ibinasura ng Korte Suprema
12:18ang hiling nilang temporary restraining order laban dito.
12:21Dana Tinkongkong nagbabalita para sa GMA News.
12:26Simula po sa Setiembre, maaaring mag-loan ang mga kwalifikadong miyembro ng Social Security System na gustong magpa-install ng
12:33solar panels sa kanilang mga bahay.
12:35Ayon sa SSS, sandaang libong tahanan ang gusto nitong suportahan sa Energy Sustainability Loan Program pagdating ng 2028.
12:44Maaaring daw mag-apply ang mga miyembrong may mandatory provident fund account o yung mga regula na naguhulog sa SSS
12:52na kumikita ng 20,000 pesos o mahigit kada buwan.
12:55Inulunsad ng SSS ang Energy Sustainability Loan Program sa gitna ng napakataas na presyo ng kuryente, munsod ng gyera sa
13:04Middle East.
13:11May kanyang-kanyang birthday celebration sa sparkle stars na sina Jessica Villarubin, Anthony Constantino at Heath Hornales.
13:19Paano kaya sila nag-celebrate ng kanilang extra special day? Alamin ang latest hatid ni Athena Imperiano.
13:30Isang birthday celebration ang inihanda ng fans ni Your My Favorite Song lead actor Heath Hornales.
13:37Game na nakipag-bonding si Heath sa kanyang supporters.
13:41Thank you po sa lahat ng support na binibigay niya po sa akin.
13:45Kahit ano po, makulit-kulit po ako, mahiyain. Sinusupport niya pa rin po ako. So I'm really thankful na you
13:50guys are still there.
13:52MVP sa basketball? Most valuable din sa puso ng mga batang cancer patient.
13:59Pinili kasi ni Anthony Constantino na mag-celebrate ng kanyang 24th birthday sa isang temporary shelter sa pediatric cancer patients.
14:07And I just wanted to give light to the kids that are fighting a battle every single day.
14:15And I really just wanted to make them feel seen and recognized of course because they really are true warriors.
14:23Uuwi si Anthony sa Los Angeles to celebrate with his family.
14:27Si The Clash Season 3 Grand Champion Jessica Villarubin idinaan sa pagbirit ang kanyang 30th birthday celebration.
14:35As a champion singer, may gustong ma-achieve si Jessica.
14:47Bukod sa wish sa career, may gusto rin daw siyang matupad para sa kanyang pamilya bilang isang breadwinner.
14:54Isa sa wish ko na makapag-travel kami abroad kasama yung family ko.
14:58Athena Imperial nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended