Skip to playerSkip to main content
- SUV na sinasakyan ng mag-ina, nahulog sa bangin


- Panibagong round ng mega oil price hike, pasakit sa mga motorista


- DFA, makikipagdayalogo sa IRAN para makadaan sa Strait of Hormuz ang mga barko pa-Pilipinas


- Ilang uuwi ng probinsya, nasa mga bus terminal na


- Online Registration Assistance System (ORAS), patuloy ang test run


- Kotse, nagliyab matapos mag-short circuit


- Discounted o libreng sakay, target ipatupad sa April 15


- Mga asong sobra ang timbang o obese, dumarami ayon sa mga eksperto


- Half-day WFH, ipatutupad sa mga empleyado ng gobyerno bukas, April 1


- Cast ng "Task Force: Firewall," dibdiban ang paghahanda para sa serye


- Mga imaginador at encarnador, nagbibigay-buhay at emosyon sa mga imahen



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Transcript
00:04State of the Nation
00:14Bumagsak sa Sapa ang kocheng yan matapos mahulog sa 16 na talampakang bangin sa Cebu City.
00:20Sakay nito ang isang ginang at anak nito na 11 taong gulang.
00:24Ayon sa mga residente, hirap makaahon sa mataas na lugarang sasakyan kaya umatras.
00:30Pero nagtuloy-tuloy kaya dumiretsyo sa bangin. Digtas na ang mag-ina.
00:37Hanggang 20 pesos kada kilo ang itinaas ng presyo ng LPG bukas.
00:43Tumagdag yan sa pasakit ng ikaapat na round ng Mega Oil Price Hike ngayong Martes Santo.
00:48May report si Rafi Tima.
00:529,000 pesos. Ganyan kamahal ang binayaran ng isang pickup driver ng magpagas matapos lumabuo uli ang presyo ng petrolyo.
01:00Ang truck driver naman si Arnold, 6,300 pesos.
01:04Pero ang nakikarga lang, 48 liters.
01:07Oh, Diyos ko.
01:08Malayong malayo sa 77 liters na naipapakarga noon sa halagang 8,000 pesos.
01:1348, 48 na nga lang ha. Ang kwentada ko nga yan, kung hindi pa siya nilagtasa sa 50-55 yan
01:18eh.
01:19Nadagdaga na hanggang mahigit 12 pesos per liter ang diesel ngayong araw.
01:23Hanggang 2 pesos and 50 centavos per liter naman sa gasolina.
01:26At hanggang 2 pesos sa kerosene.
01:30Inaabangan kung sususpindi ng excise tax sa langis para maibsan ang pasakit na Mega Oil Price Hike sa mga motorista.
01:3610 piso kada litro ang ipinatong nabuhi sa gasolina.
01:406 piso kada litro naman ang excise tax sa diesel.
01:43Ayon sa Energy Department, posibleng sa April 12 o 13 pa pwedeng magamit ng Pangulo
01:47ang emergency powers na magsuspindi o magtapyas ng oil excise tax.
01:52Pagtitiyak naman ng DOE, naiwasan na ng bansa ang krisis sa supply ng langis.
01:56DOE has been hard at work in order for us to avoid going into crisis mode.
02:02And I think we're not reaching that as of the report, based on the report today.
02:07Because we have in fact increased the supply and stabilized the supply.
02:14Mula sa 45 araw, naging pang 51 araw na raw ang average na imbentaryo ng langis sa bansa.
02:20Pero ang LPG, pang 34 araw na lang ang supply.
02:24At naganun siya ang ilang kumpanya ng LPG na taas presyo simula bukas.
02:28Yung shipping cost, yan po talaga ang nagpataas ng presyo.
02:32Plus of course, itong contract price or yung international market price.
02:37Ang direction po naman ng Department of Energy sa amin, bumili lang ng bumili kahit anong presyo.
02:42Ang ilang pangunahing bilihin naman, inasa ang walang taas presyo hanggang April 15.
02:47Pero pagsapit ng April 16, posibleng magmahal na ang ilan.
02:50Ayon sa Department of Trade and Industry at Malacanang.
02:53Definitely, we can expect some price increase but not for all.
02:57Kasi nag-usap po kami ng mga manufacturers.
03:00There's no need to panic, there's no need to hoard kasi marami po tayong supply.
03:04May mga pagkakatoon po talaga na hindi natin kakayanin pigilan dahil sa nangyayaring sigalot sa Middle East.
03:10Pero lahat po ng pwedeng gawin ng ahensya ng gobyerno ay gagawin po.
03:16Hindi pa masabi ngayon kung magkano at alin sa mga ito.
03:19Nauna na rin ang nagtaas ng presyo ang mga sangkap sa paggawa ng kakanin na patokpaman din tuwing Semana Santa.
03:25Ang isang piraso ng nyog na may kasamang pagpapakayod ng laman,
03:29dating 25 to 35 pesos lang, pero ngayon, aabot na ng 50 pesos.
03:34Rafi Tima, GMA News.
03:38Alinsunod sa utos ng Pangulo, makikipagdayalogo ang Department of Foreign Affairs sa Iran
03:42para ligtas sa makadaan sa Strait of Hormuz, ang mga barkong maghahatid ng langis sa Pilipinas.
03:48Ayon sa Malacanang, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Tess Lazaro na posibing bukas o sa susunod na linggo ay kausapin
03:56niya ang ambassador ng Iran.
03:57Tiniyak ng kalihim na maayos ang relasyon ng Pilipinas at Iran.
04:02Pinadaan na ng Iran ang tatlong bagko ng China matapos magungnayan ang dalawang bansa ayon sa Chinese Foreign Ministry.
04:08Pero ang Kuwait flag vessel na Al-Salmi inatake at sinunog ng Iran.
04:13Bago yan, inanunsyo rin ang Pakistani government na pinayagan ng Iran na padaani ng kanilang mga barko.
04:24Inagaan na raw umuwi ng ilang biyaheng probinsya para marami pa rin silang nakasabay sa bus terminal.
04:30Ang ilang dati ng mga nag-aarikilanang sasakyan mula sa airport, nag-bus na din para mas praktikal.
04:37Mula sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, may live report si Katrina Son.
04:41Katrina?
04:46Atom, kapansin-pansin na ang pagdami ng mga pasaherong nagsisiuwian sa kanilang mga probinsya dito sa PITX.
04:52Kanya-kanya rin rin sila ng diskarte para makaiwas sa anumang abala.
05:00Bit-bit ang kanilang mga bagat pa sa lubo.
05:03Maagang naglungo sa PITX ang ilang pasaherong uuwi sa kanilang probinsya
05:07para makaiwas sa siksigan at posibleng mahabang pila sa mga susunod na araw.
05:13Si Sandy Fajardo nga at ang kanyang anak.
05:16Alas sa ispa lang ng gabi, nandito na sa PITX,
05:19kahit alas 10 pa ng gabi ang kanilang biyahe.
05:22March 29 pa raw siya nag-book ng kanilang tiket.
05:25Hinabul ko rin kasi apat naro lang yung day off ko.
05:29Babalik ulit para makabawin naman sa pamilya.
05:32Para naman umanong na bunutan ng tiniksidang tandas
05:36nang makakuha siya at ang kanyang anak ng tiket pa uwi sa Atimonang Quezon.
05:41Pagdating daw kasi nila sa naia mula Los Angeles, California sa Amerika,
05:45lumerecho na agad sila sa PITX.
05:48Dahil maalang gasolina, sabi ng husband ko is 100 something ang per liter daw.
05:57Kaya ay wag na lang daw siya.
05:58Sabi ko wag na lang.
06:00Ayaw ko na lang magpasundo.
06:02Kasi iwas trapiko and then magastos din.
06:07Sobra.
06:08Naga ang magkapatid na si Narina at Dorothy.
06:11Dati daw kasi ay nag-aarkila sila ng sasakyan.
06:14Para makaiwas din sa traffic.
06:19Ngayon pa lang ako makakasubok ng ganito, biyahe.
06:23Malaki na ang arki lang ngayon.
06:25Ang mahal na ng arki lang ngayon.
06:28Mabilis naman ang usad ng mga pila rito sa PITX.
06:31May mga personnel din mula sa iba't ibang mga ahensya
06:34ang nakaalalay sa mga pasahero.
06:37Bukod sa PITX, dumarami na rin ang mga nagsisiubihan sa iba't ibang bus terminal.
06:43Sa Naiyan naman, nag-alangan man dahil may crisis sa Middle East,
06:47ay tinuloy pa rin ang pamilya Amor mula Southern Leyte
06:50ang magbakasyon sa Thailand.
06:52Nangihinayang kasi sila sa nabook nilang 18,000 pesos na roundtrip ticket noong nakaraang taon.
06:59Nagdadalawang isip na po, eh kaso nakabook na kasi.
07:02At minsan lang po at it's our first international flights.
07:04Nangamba, baka maglakad na kami pa o, eh.
07:08Kasi yung gaas, taas na taas kadaaraw.
07:12Mula bukas hanggang April 15, lalo pang magmamahal ang pamasahe
07:16dahil sa pagtaas ng fuel surcharge.
07:19Simula rin bukas, babawasan nang hanggang kalahati
07:21ang sinisingil na passenger service charge.
07:24At ang sinisingil nila sa mga airline na landing at take-off fees.
07:28Tiniyak naman ng mga airline na may sapat silang jet fuel
07:31kaya tuloy ang mga flight.
07:47Samantala, inaabisuhan ang mga pasahero na angim na airlines
07:50ang nalipat sa Terminal 3.
07:52Isang airline naman ang nalipat sa Terminal 1.
07:55Kaya i-verify muna ang inyong terminal assignment
07:58bago pumunta sa airport.
08:00Kung sa naia, 1.3 milyon na mga pasahero
08:02ang inaasahang na biyahe ngayong Semana Santa.
08:05Sa mga paliparan sa probinsya,
08:07aabot naman ang mahigit kalahating milyon
08:09ang mga pasahero.
08:10Bahagyang mas mataas kumpara sa parehong panahon
08:13noong 2025.
08:22Atom, mass of 9pm ay umabot na sa mayigit 160,000
08:27ang mga pasahero na nagpunta ngayong araw dito sa PITX.
08:31Paalala rin sa mga babiyahe rito ngayon
08:33na mas mabuti kung maaga kayong makakapunta
08:35sa mga bus terminal para makaiwas sa anumang aberya.
08:39Atom?
08:39Maraming salamat, Katrina Sohn.
08:45Isang kotse sa Kawayan City, Isabela,
08:48ang biglang nagliyap.
08:50Naapula rin ito agad at walang nasaktan.
08:52Ayon sa Bureau of Fire Protection,
08:54short circuit ang mitya ng apoy.
08:58Sa Quezon City naman,
09:00halos mawasak ang isang truck sa Mindanao Avenue
09:02na nawalan umano ng preno.
09:05Idiniretsyo ng driver ang truck sa poste.
09:07Digtas naman ang driver.
09:09Agad nagsasagawan ang clearing operations,
09:11matapos kumalat ang karga nitong buhangin
09:14at tumagas ang laman nitong diesel.
09:17At para ligtas ang inyong biyahe,
09:20lalo ngayong Semana Santa,
09:21tandaan ng Babette Gloves.
09:23Hiyaking nasa kondisyon ang baterya ng inyong sasakyan,
09:26pati ng air o air pressure o hangin ng gulong,
09:30brakes o preno,
09:32engine o makina,
09:33at tire o kondisyon ng gulong.
09:35Isama na rin ang gas,
09:38light o ilaw,
09:39oil o langis sa makina,
09:41water o tubig ng sasakyan,
09:43at ang self o ang mismong driver.
09:48Kumpara noong Martes Santo ng 2025,
09:52mas kakaunti ngayon ng mga biyahero sa Batangasport.
09:55Sa gitna ng mahal na petrolyo
09:56at taas pasahe sa mga barko.
09:58May ilang kumpanya rin na nagbawas na ng biyahe,
10:01pero may solusyon naman daw ang Transportation Department.
10:04May report si Bama Legre.
10:09Bago sumakay sa Batangasport,
10:11pwede na ang online ticket reservation
10:13sa mga babiyahe ngayong Semana Santa.
10:15Paraan yan para iwas sa chance passengers
10:17at tiyak na makakasakay na.
10:19Ngayong Martes Santo,
10:20patuloy ang test run ng oras
10:22o online registration assistance system sa pantalan.
10:26Pero hati ang opinion ng mga pasahero.
10:28Ang ilan kasi hindi masyadong teki.
10:31Noong una,
10:32pumipila kami dito na matagal
10:34para lang magkaroon ng ticket
10:35at ngayon,
10:36ang bilis.
10:37Maganda din po siya na
10:38meron na pong advance,
10:40pero ang ano po,
10:41paano po yung iba na,
10:42lalo po yung mga senior
10:44na hindi po kaya makapagal.
10:46Nahahasalan ako.
10:47Dati, pagpasok pa lang,
10:49daratso ka na.
10:49Ngayon,
10:50hindi na makakaabot
10:51kasi may ganyan pa.
10:52Ito yung mga pasahero
10:53na biyaheng Odyongan Romblon.
10:55Halos fully booked
10:56ang paglalayag na ito
10:57dahil kapag online ang booking nito,
10:59isa na lang ang makukuha ninyo.
11:00Ngayong hapon.
11:02Gayon din,
11:03ang mga biyaheng katiklan sa akla
11:04na dalawa na lang
11:05ang available slot.
11:06Marami ang biyaheng Mindoro
11:08tulad ng Abra de Ilog,
11:10Puerto Galera,
11:10at Calapan.
11:12Kumpara noong nakaraang taon,
11:14mas kaunti ngayon
11:15ang biyahero sa pantalan.
11:16Ayon sa pamunuan
11:17ng Batangasport,
11:18aabot sa 27,000 na pasahero
11:21ang naitala
11:21noong Martes Santo
11:22noong 2025.
11:24Pero ngayon,
11:25As of kaninang kasing 12 noon,
11:29nakapagtala lang tayo
11:30ng mahigit na 7,000 na pasahero.
11:33Malaki ang ibinaba.
11:35Ayon sa Philippine Force Authority,
11:37ilan sa mga dahilan
11:38kung bakit nabawasan
11:39ng mga bumiyahe
11:39ang sunod-sunod na oil price hike
11:41at pagtaas ng pamasahe
11:43sa mga barko.
11:44Ang Maritime Industry Authority
11:46o Marina,
11:47inaprubahan na ang hanggang
11:4830% na maximum increase
11:50sa pamasahe
11:51sa mga barko.
11:52Di pa inaanunsyo
11:53kung kailan yan epektibo.
11:54Pero dapat na alinsunod pa rin
11:56sa required rate adjustment
11:57na ilalabas ng marina
11:58kada linggo.
12:00Ayon naman sa
12:01Transportation Department,
12:02may mga kumpanya
12:03nagsasabi na sa kanila
12:04na magbabawas ng barko
12:05pero handa naman daw
12:07sila magbigay
12:07ng libreng sakay.
12:10Bam Alegre,
12:10GMA News.
12:12Sa mga commuter target
12:14na ipatupad
12:16ng Transportation Department
12:17ang libreng sakay
12:18o discounted na pamasahe
12:20sa April 15.
12:21Yan ay sakaling
12:22marilis na
12:23ang nasa isang
12:24bilyong pisong pondo
12:25na hinihiling ng
12:26kagawaraan
12:27para sa service contracting
12:28o yung pangongontrata
12:29ng goberno
12:30sa mga pampublikong
12:31sasakyan
12:32kaya makikinabang din
12:33ang mga
12:34PUV driver
12:35at operator.
12:36Samantala,
12:37binuksan na ngayong araw
12:38ang huling 4 km bahagi
12:40ng Central Luzon
12:42Link Expressway
12:43kaya mapababilis na
12:44ang biyahe
12:45mula at
12:45Lactiflex
12:46exit
12:47papuntang
12:47Kabanatuan City.
12:48At habang
12:49naghahanapan ng
12:50kontraktor
12:51na mag-ooperate
12:52ng
12:54CLLX
12:55libre raw muna ito
12:56na magagamit
12:58ayon kay Pangulong
12:59Bongbong Marcos.
13:02Tulad sa tao,
13:04may banta rin
13:05sa kalusugan
13:05ng mga alagang aso
13:06ang pagiging obese
13:08o sobra sa timbang.
13:09Alamin sa report
13:10ni Katrina Son.
13:14Madalas kagiliwan
13:16ang mga asong
13:17mataba
13:17pero
13:18hindi lahat
13:19dapat katuwaan
13:20dahil sa likod nito
13:22may banta rin
13:23sa kanilang kalusugan.
13:25Ang tatlong taong
13:26golden retriever
13:27na si Summer
13:28malakas humilik
13:31at
13:32madalas
13:33ayaw maglakad.
13:35Sa unang tingin
13:36mukhang
13:36masayahin
13:37ang alaga
13:38pero
13:38obese na pala
13:40kung maituturing
13:41dahil lagpas na
13:42sa 35 kg
13:43na ideal weight
13:44sa ganitong breed.
13:45Hindi napansin ma'am
13:46kasi sabi naman
13:48isakto lang
13:49yung katawan niya
13:50pero nung
13:50na-check na namin
13:51kay doc
13:52ang laki na pala
13:53ng timbang niya po.
13:54Doon na nalaman
13:55yung mga sakit
13:56na may sakit siya
13:58sa liver
13:59tapos
13:59na high blood siya
14:01yun kailangan
14:02niya mag-diet.
14:03Si Tinay Amparado
14:04naman
14:05sinisiguro na ilalakad
14:06ang alaga
14:07araw-araw.
14:08Labing dalawang
14:09taong bulag
14:09na raw kasi
14:10ito
14:10at hirap na
14:11ang mga buto
14:12dahil sa katabaan.
14:13May hina siya talaga
14:14maglakad
14:14pag madami pagkain.
14:16Kunti lang
14:17ginabigyan
14:17ang pagkain namin.
14:18Para naman
14:19maging healthy
14:20at iwas sa anumang sakit
14:21tamang pakain lang
14:22si Maricel
14:23sa alagang si Tiger
14:24bukod pa raw ito
14:25sa araw-araw
14:26na pag-eersisyo.
14:28Para maging healthy po
14:30para hindi po
14:31tumaba masyado
14:32tas para
14:34gumanda po
14:35yung paglaki nila.
14:36Ayon sa mga eksperto
14:38dumarami na ngayon
14:39ang mga aso
14:40na sobra sa timbang
14:41o obese.
14:42Isang tahimik
14:43pero seryosong kondisyon.
14:45Kaya naman
14:46sa vet hospital na ito
14:47isa sa mga tinututukan nila
14:49ang timbang
14:50ng mga aso
14:50at pusa.
14:51Technically
14:52kung ano'y kinakain natin
14:54binibigay din po
14:55natin sa mga pets
14:56natin.
14:57So kapag ganito ma'am
14:59nagiging kadalasan po
15:01yung nagiging obese
15:02yung mga pets natin.
15:03Kapag napapansing
15:04bumibigat ng alaga
15:05malaki raw
15:06ang may tutulong
15:07ng paglalakad
15:08at mga low-fat food.
15:10May tinatawag na rin
15:11ngayong hydrotherapy.
15:13Kung baga po
15:13mapasok siya
15:14as physical therapy po
15:15talaga
15:16para sa mga
15:16alaga nating hayo.
15:17Ang asong sobra
15:19sa timbang
15:20prone daw
15:21sa iba't-ibang sakit
15:22gaya ng diabetes,
15:24problema sa puso,
15:25pato sa iba't-ibang
15:26bahagi ng katawan
15:27at hirap sa paghinga
15:29at pananakit
15:30ng kasukasuan.
15:31Ang tunay nga raw
15:32na pagmamahal
15:33sa alaga
15:33hindi nasusukat
15:35sa dami
15:35ng ibinibigay
15:36na pagkain
15:37kundi sa haba
15:39at kalidad
15:39ng kanilang buhay.
15:41Katrina Son,
15:43GMA News.
15:44Inanunsyo ng palasyo
15:46na half day lang
15:47ang trabaho bukas
15:48ng mga empleyado
15:49ng gobyerno.
15:50Alas 8 yan
15:51ang umaga
15:51hanggang alas 12
15:52ng tanghali
15:53at work from home
15:54na rin
15:54ang trabaho.
15:55Hindi kasama riyan
15:56ang mga hensyang
15:57nagbibigay ng
15:58essential services
15:58o mahalagang
16:00serbisyo.
16:01Nakadepende naman
16:02sa mga pribadong
16:03kumpanya
16:03kung magpapatupad
16:04ng parehong setup
16:05o magsususpin din
16:07ng pasok.
16:11Kylie Padilla
16:12ibinida ang
16:13fighting skills,
16:14martial arts
16:15hanggang sa paghahawak
16:16ng baril at patali
16:17sa video
16:18ng kanyang training
16:18para sa upcoming
16:19Kapuso Action Series
16:21na Task Force Firewall.
16:25Kasabay niyang
16:26nagahanda si Jack Roberto
16:28na nag-tactical
16:29and practical
16:29shooting training
16:30kasama si
16:31na Miguel Tan Felix,
16:32Buboy Villar
16:33at Kailin Alcantara.
16:38May sarili
16:39ding paghahanda
16:39si Kailin
16:40para mas
16:41ma-develop
16:41ang strength
16:42and endurance
16:43gaya ng
16:44pag-akit niya
16:44sa mahagpulag.
16:46Aubrey Carambelle,
16:47GMA News.
16:49Tuwing Semana Santa,
16:51muling nabubuhay
16:52ang mga tradisyon
16:53ng mga Katolikong
16:54Pilipino.
16:54Sa Taralak at Bampanga,
16:56may mga gumagawa
16:57ng obra
16:57na humuhubog
16:59sa debosyon.
17:00Kilalaning sila
17:00sa report na ito.
17:05Bawat pukpok
17:06ng pait,
17:08may mukha
17:09ng debosyon
17:09na unti-unting
17:10nabubuo.
17:11Sa loob ng dalawang araw,
17:13ang imahin
17:13ni Jesus
17:14na uhubog
17:15ng 29 anyos
17:16na si Jimuel.
17:17Minana niya
17:18sa ama at lolo
17:18ang kanilang
17:19pagiging imahinador.
17:20Silang umuukit,
17:22nagdidesenyo
17:23at nagpipinta
17:24ng mga imahin.
17:25Isa raw si Jimuel
17:26sa mga pinakabatang
17:27imahinador
17:28sa Bakulor,
17:29Pampanga.
17:30Yung mga
17:30puhon po na
17:32ginagawa namin,
17:34panatako na rin eh.
17:35Naging batang
17:36ama rin siya
17:36sa edad na labing-anim.
17:38Ngunit ang murang
17:39karanasan
17:39bilang haligi
17:40ng tahanan,
17:41naging inspirasyon
17:42at pundasyon
17:43ng kanyang sining
17:44ng debosyon.
17:45Naisip ko,
17:46anong ibubuhay ko
17:47sa pamilya ko
17:48kung di naman ako
17:49nakapagtapos
17:50ng pag-aaral.
17:52Kaya yun na lang
17:52ko yung pinokos ko.
17:54Sa isang buwan,
17:55kaya niyang makalilok
17:56ng apat hanggang limang
17:57santo
17:58at bawat isa.
17:59Realistiko,
18:00lalo na
18:01ang mga mata
18:01at bibig,
18:03animoy,
18:03buhay.
18:04Pinag-aralan ko talaga
18:05sa mata
18:06kung paano
18:07magubuhay
18:08kasi sa mata talaga
18:09makita yung emosyon eh,
18:11kahit sa tao din eh.
18:12Nang mag-viral ang kanyang
18:13obrang dolor,
18:15hinanap-hanap ng ilang
18:16simbahan at kolektor
18:17sa loob at rabas
18:18ng bansa
18:18ang kanyang mga gawa.
18:20Simula 50,000 piso
18:21ang pinakamaliit.
18:23Ang mas detalyado
18:24at buong imahen
18:24mula
18:25180,000
18:27hanggang
18:28250,000
18:29piso
18:29dahil sa kanyang
18:30sipag at syaga.
18:32Ang nooy maliit
18:32na talir niyang
18:33lona at plywood,
18:34isa ng ganap
18:35na workshop
18:36sa Concepcion Tarlac.
18:38Ang 17-anyos
18:39na si John Andrew
18:40abala sa pagpinta ng mukha
18:41at balat ng mga imahen
18:43o inkarnador.
18:47Kaiba sa hilig
18:48ng mga kabataang
18:49gaya niya
18:49noong isang taon
18:50lang siya nagsimula
18:51at sa loob
18:52ng maigsing panahon
18:53ang kanyang talento
18:54umabong.
18:56Baon rin niya
18:56ang maagang pagkamulat
18:58sa buhay simbahan.
18:59Grade 4 po.
19:00Pinasok po ako
19:00maging sakristant.
19:01Noong bata rin po ako,
19:03mailig po ako sa arts.
19:04So, yung pagpasok ko po
19:06ng simbahan,
19:07sabi ko,
19:08nakakita po ako
19:09ng mga poon.
19:10Bakit hindi ko po
19:11i-apply
19:11yung arts
19:13sa paggawa po
19:13ng poon?
19:14Depende sa laki at detalye,
19:16umaabot ng apat na oras
19:18ang pagpinta niya.
19:19Mula sa simpleng kulay,
19:21unti-unting
19:21nabibigang buhay
19:22ang ekspresyon.
19:23Sa bawat hagod
19:24ng pintura,
19:25kumikita si John Andrew
19:27kada buwan
19:27ng 20,000 piso
19:29pataas.
19:30Malaking tunong daw
19:31sa kanyang pag-aaral
19:32mula sa pagiging
19:33inkarnador
19:34hanggang daw ni John Andrew
19:35na matuto
19:36para maging eskultor.
19:42At yan ang mga balita
19:43ang dapat niyong malaman.
19:45Ito ang GMA News.
19:47Walang kinikilingan,
19:48walang pinoprotektahan.
19:49Noon at ngayon,
19:51serbisyong totoo.
19:52Ako po si Atom Raulio
19:53at ito ang State of the Nation.
Comments

Recommended