Skip to playerSkip to main content
- Residential area, nasunog


- SUV, pinagbabaril; 'di bababa sa 4 sugatan sa operasyon ng PNP-AKG


- Sec. Remulla, nag-sorry sa lalaking tiniketan dahil topless habang naghahalo ng semento


- Pahayag ni Madriaga na kinailangan ni VP Sara ng tulong para makapasa sa law school, pinalagan


- Tugon sa alegasyon


- Papalikong rider, nasalpok ng isa pang motorsiklo


- Rob Sy, dinepensahan ang pamilya matapos ihabla ng pambu-bully umano sa kanilang anak


- Namumulang araw, nagpamangha nang masilayan sa Baguio


- Pagkikita ni Atom Araullo at kanyang look-alike, pinusuan





State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:04State of the Nation
00:12May bumubutok pa!
00:16Bago ngayong gabi, nagkasunog sa bahagi ng residential area sa barangay 121 sa Tondo, Maynila.
00:22Tumagal ng dalawang oras ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.
00:26Mabilis na kumalat ang apoy.
00:28Tumulong ang mga residente sa pag-aapula.
00:30Patuloy na ninaalam ang pinagmulan ng apoy.
00:36Isa pang bago ngayong gabi, humantong sa barila ng anti-kidnapping operation ng pulisya sa kahabaan ng Makapagal Bolivar sa
00:43Paranaque.
00:44Di bababa sa apat ang sugatan na paong mga sakay ng isang SUV.
00:48May live report si Jomer Apresto.
00:51Jomer.
00:52Atom, apat na katawang pinagbabarila habang nasa loob na isang SUV dito sa bahagi ng Makapagal Bolivar sa Paranaque City.
00:59Sa impormasyon na ibinigay sa GMA News ni NCRPO Chief Police Major General Anthony Abirin,
01:04kinumpirma niya na operasyon nito ng PNP anti-kidnapping group laban sa mga hindi pa pinapangalan ng suspect.
01:09Ayon sa mga saksi na ganapang insidente, pasado alas 7 ng gabi,
01:12apat na tao na lulan ng SUV ang tinamaan ng mga bala na agad isinugod sa ospital.
01:17Hindi pa malinaw sa ngayon ang kanilang pagkakakilanlan at ang kanilang kondisyon.
01:20Sa ngayon ay nakakordon pa ang apat na linya o lane nitong Makapagal Avenue kung saan naganap ang insidente
01:26habang nagpapatuloy ang investigasyon ng SOCO.
01:29Atong patuloy pa natin na sinisikap na makakuha ng karagdagang impormasyon.
01:33At sa ngayon ay hindi bababa sa 20 slag ng bala ang narecovered na sa quarantine.
01:38Nakausap natin yung ilang gasoline boys sa katapat na gasoline na binabanggit nila
01:42na gulat na lang sila at nagdapaan sa pangambangtamaan sila ng mga bala.
01:47Mataho rin daw kanina itong lugar.
01:48At ang binabanggit naman o naglabas na ng opisyal na pahayag ang Campo Krame.
01:53Base rito, kinumpirma nila na kasunod ng operasyon,
01:56matagumpay nilang nasagi pang isang 78 years old na biktima ng kidnapping.
01:59Pero habang isinasagaw ang rescue operation, nalaban umano ang mga sospek sa mga otoridad,
02:04kaya nauwi ito sa enkwentro.
02:06Naisugod raw sa ospital ang apat na sospek na lulan ng SUV,
02:09habang isang pulis din ang bahagyang nasugatan sa nangyari pero nasa maayos ng kondisyon.
02:13Binigyan din ang PNP na pangunahing layunin nila ang ligtas na pag-rescue sa biktima.
02:17Patuloy daw ang kanilang hot pursuit operation laban sa iba pang kasabuat.
02:21Inaalam pa natin sa ngayon ang detalye kaugnay sa biktima.
02:24Atom?
02:25Maraming salamat, Jomer Apresto.
02:28Hanggang saan nga ba pwedeng lumabas ng walang damit pang itaas?
02:32Yan ang tanong ng misis ng lalaking sinita at iniketan sa Mandaluyong
02:36kay DILG Secretary John Vic Rimulia
02:39nang puntaan sila ng kalihim para mag-sorry.
02:42Ang sagot ni Rimulia sa report ni June Veneracion.
02:57Pumalag si Norieta ng sitahin at tiketa nitong biyernes ang mister na si Johnny
03:01dahil walang damit pang itaas habang nagahalo ng simento sa labas ng kanilang bahay.
03:07Reklamo niya at ng iba pang mga residente o ay sahigpita mga otoridad.
03:13Aminado sa Interior Secretary John Vic Rimulia, mali ang nangyari.
03:17Kaya ngayong araw...
03:34Pero tanong ni Norieta kay Rimulia.
03:36Tanong ko lang, hanggang saan po talaga po pwedeng mag-topless?
03:40Basta nagkatrabaho, pwede.
03:43Pwede, pero yung mga tamba ay na mag-alabas lang dyan, mag-alabas na bawa.
03:49Pati po ba yung mga iskinita ngayon?
03:51Public naman talaga.
03:52Taguna naman po, hindi naman po nag-ma-expose.
03:56So yun ako yung pinaka-ano ngayon lahat.
03:58Basta sa labas, kahit mag-santo naman, mag-santo lang.
04:01So, kailangan po paglabas po talaga ng bahay, or paglabas lang po ng pintuan, kailangan.
04:07Sinagot ni Rimulya ang multang 500 pesos ni Johnny, na unang inabunohan ng kanilang barangay captain.
04:13Siya na rin daw ang bahala sa gastusin sa naantalang trabaho ni Johnny.
04:17Ano ba ang ginagawa mo dito? Ba't naglahala mo ng silento?
04:20Dato, seven times.
04:22Seven times ka? Maturapos na.
04:24Kung may kasalanan sa iyo, magkana para matapos yung times niya?
04:31Ako na magbibiging sa iyo yan.
04:33Humingi na rin ng dispensa ang barangay tanod na nanikit kay Johnny.
04:41Sa kabila ng kontrobersya, tuloy pa rin ang PNP sa pagpapatupad ng Safer Cities Initiative.
04:47Mula April 6, umabot na sa mahigit 72,000 ang mga nahuhuling violator ng iba't ibang city ordinance sa Metro
04:55Manila.
04:55Gaya ng paglabas ng bahay na walang suot na damit pang itaas at inuman sa kalye.
05:01Dapat maging compassionate at of course, we exercise common sense in the implementation of ordinances na...
05:11June Veneration, GMA News.
05:15Pinalagaan ni Vice President Sara Duterte ang aligasyon ni Ramil Madriaga na kinailangan niya ng tulong para makapasa sa law
05:22school.
05:24Pinasinungalingan naman ang malakan niya ng sinabi ni Madriaga na nagkaroon ng term sharing agreement ang Pangulo at ang BISI.
05:31May report si Ian Cruz.
05:35Sa impeachment proceedings kahapon, isa sa mga napag-usapan ang performance ni Vice President Sara Duterte noong nag-aaral pa
05:43sa San Sebastian College of Law.
05:46Ayon sa nagpakilalang dating niyang bagman na si Ramil Madriaga, na ikwento ito sa kanya noon ni Attorney Ryan Ray
05:53Kilala,
05:53na dating profesor daw ng BISI at former associate dean daw ng kolehyo.
05:59He shared with me that Sara was not particularly good in school, habitually rude and violent to other students.
06:07Hence, Attorney Ryan used his influence in San Sebastian College of Law to ensure that Sara received passing grades despite
06:16her poor academic performance.
06:18Well, Tanangbise, ang pahayag na ito ang pinaka-kinututulan niya sa lahat ng anya'y kasinungalingang ibinato sa kanya sa
06:26tinawag niyang mini-trial.
06:28Tinawag pa niyang bar-flanker si Madriaga.
06:31Gitnang BISI, tinapos niya ang kanyang pag-aaral sa sarili niyang pagsisikap.
06:37Mas pinahalagahan daw niya ang pagkakaroon ng balansing buhay kaysa sa paghabol sa academic excellence.
06:44Kailanman ay hindi raw siya humingi ng espesyal na konsiderasyon sa sino mang profesor para sa kanyang grades dahil madali
06:51naman daw maabot ang bare minimum nito.
06:55Itinanggi rin ang BISI na nasangkot siya sa anumang reklamo ng kabastusan o karahasan laban sa kapwa estudyante.
07:03Sinusubukan pa naming makuha ang panig ni Atty. Kilala.
07:07Sabi naman ang abogado ni Madriaga, ang tawaging bar-flanker ang mga hindi nakapasa sa bar exams ay hindi angkop
07:14para sa sino mang abogado at lalong mas nakakabahala na nanggaling pa ito sa pangalawang pangulo.
07:20So what? We have so many successful lawyers na sumabit sa bar exam, diba? Pero hindi natin dapat binabanggit yung
07:30bar-flanker ka. Hindi sukatan ang pagkatao yan.
07:33Ang umunay term sharing ni ng Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte itinanggi naman ang malakanyang.
07:40Ang pangulo po, hindi po yan mga ngampanya para lang po ibigay ang posisyon kahit kanino. Nangako po siya na
07:49siya'y magtatrabaho para sa bayan at tatapusan ang termino.
07:54Kwento naman ni Sen. Aimee Marcos, May 2021 ay nag-usap na silang tatlo. Pero ang itinutulak na tumakpong pangulo
08:03ay si VP Sara.
08:05Ang sabi, Bongbong will file. He will file October 6 as instructed. Pero sana somebody will file as his VP
08:14kasi nakakatawa naman walang katandem.
08:17Yun ang pinapaliwanag ko kay VP Sara Mayora noon. Still hoping you will run and he will slide down to
08:24VP ASAP.
08:25Ewan, gano'n. Ngayon, ang sagot naman ni VP tulad ng sinabi niya sa media, naku, ang usapan namin ni
08:36PRRD, VP na siya sa PDP. Ako, mayor na.
08:42Bakit magte-term sharing? Pinipilit nga namin na yung buong term. Ang pagiging pangulo e para kay Inday.
08:50Makikihati pa siya. Saan namang kalokohan nang galing yun?
08:53Isa pa sa mga iprenesenta ni Madriaga sa pagginig ay ang ilang larawang nagpapatunay ng kanilang ugnayan ni Vice President
09:02Duterte.
09:03Gaya ng screenshot ng video conference kung saan kita sa likod ng bise ang isang painting na iniregalo umano ni
09:11Madriaga.
09:11Sabi pa ni Madriaga, gawa ng estudyante ang kanyang pinag-aral ang naturang painting, bagay na pinalagan ng artist na
09:20si Tanya Gaisano Lee.
09:23Git niya, siya ang nagregalo ng painting sa bise noong 2021.
09:27Ang naturang painting makikita sa post ng mga likha ni Lee noong 2021.
09:34Ibinahagi rin ito ni Duterte sa isang Facebook post noong 2021.
09:39Sinusubukan pa ng GMA News na makuhang panig ng kampo ni Madriaga.
09:43Ang sinabi naman ni Madriaga na pinamahagi sa loob ng 24 oras ang 125 milyon na confidential funds ng bise,
09:52hindi raw kapanipaniwala, sabi ng abogado ng bise.
09:56Wala siyang posisyon para malaman kung anong ginawa doon sa confidential funds.
10:03Walang katibayan na nagtatrabaho siya kay VP Sara, maliban sa mga picture at video noong kampanya pa,
10:13eh wala, wala po tayong mapupulot dyan.
10:15Sa paggulong ng impeachment laban sa kanya, nagpaalala ang bise na kung may aligasyon o mano
10:22ng panunuhol noong unang impeachment proceedings laban sa kanya,
10:27ganito rin daw ang nangyayari ngayon.
10:30Sagotya ni House Justice Committee Chair Jerville Luistro,
10:34inaasahan na nila ang mga ganitong reaksyon ng bise.
10:37Pero magpapatuloy daw ang kanilang proseso alinsunod sa mandatong ibinigay sa kanila ng konstitusyon.
10:44Ian Cruz, GMA News
10:48Itinanggi ni dating Ombudsman Samuel Martires ang aligasyon ni Ramil Madriaga
10:52na isa siya sa mga hinatiran nito ng pera
10:55sa utos si na dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
10:59Punto ni Martires, kung ang tingin ng publiko ay malapit sila ng dating Pangulo,
11:05bakit kailangan pang ipadaan sa ibang tao ang pera kung pwede naman itong idiretsyo sa kanya?
11:10Bakit din daw siya padadalahan ang pera ng bise gayong hindi naman sila personal na makakilala?
11:16Dagdag pa ni Martires, inconsistent ang mga sinabi ni Madriaga sa kanyang dating sinumpaang salaysay noong 2025.
11:28Patay ang isang estudyanting ang kas ng motoro sa Cebu matapos mabangganang nag-counterflow umanong ambulansya.
11:35Sa isang barangay naman sa Mangaldan, Pangasinan, magkahihulay na disgrasya ang nahulikang.
11:41May report si John Consulta.
11:45Habang binabaybay ng dalawang rider na ito ang bahagi ng National Highway sa barangay Malabago sa Mangaldan, Pangasinan, kagabi,
11:53nag-signal light pa kaliwa ang unahang rider.
11:56Pero bigla itong kumanan, kaya nasalpok ng nakasunod na motosiklo.
12:01Nagkausap na ang magkabilang panig.
12:04Kinaumagahan, isang nag-overtake na rider ang sumalpok sa palikunamang tricycle.
12:09Kabilang sasakay ng tricycle, ang isang sanggol na tatlong buwang gulang.
12:14Ligtas naman ang mga sangkot.
12:16Nagkaayos na rin ang rider at driver ng tricycle.
12:20Sa Cebu City naman, nakahandusay at wala ng buhay ang dalagitang ito sa Archbishop Reyes Avenue flyover.
12:29Matinding tama sa ulo ang tinamo ng labing walong taong gulang na estudyante na angkas ng kanyang kaklaseng kritikal naman
12:36ang lagay.
12:37Patungo sana sa paaralan ang dalawa.
12:39Pero nabangga na nag-counterflow ng ambulansya na maghahatid ng pasyente sa Cebu City Medical Center.
12:46Nagulungan pa nito ang babaeng angkas.
12:49Hawak na ng Traffic Enforcement Unit ang ambulance driver na sinusubukan pang makuha na ng pahayag.
12:54Tumaging humarap sa kamera ang pamilya ng mabitima na pinag-iisipan pa kung makikipag-areglo.
13:00Nagpaalala ang BFP Cebu City sa mga emergency vehicle drivers na iwasan ang pagka-counterflow maliban kung kinakailangan.
13:08Dapat daw itong gawin ng may iba yung pag-iingat.
13:12John Consulta, GMA News.
13:16Naglabas ng statement ang aktor na si Rob C. para defensa ng kanyang pamilya.
13:20Tug na yan ng isinampang kasong kriminal laban sa kanya at ang kanyang partner na si Quezon City Councilor Alfred
13:28Vargas at misis nitong si Yasmin.
13:31Sa social media page ni C, sinabi nitong umiiwasan na siya sa gulo.
13:35Pero hindi na daw siya mananahimik dahil sa patuloy na pang-aagrabyado sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak.
13:42Buong tapang daw nilang haharapin ang reklamo.
13:45Lalo't hindi daw totoo ang mga paratang at binirektad din daw ang naratibo.
13:50Nagugat ang reklamo sa pambubuli-umano ng anak ni C sa anak na mag-asawang Vargas sa mga swimming training
13:56session.
13:57Naharap si na C sa paglabag sa Special Protection on Children of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
14:06Wala pang bagong pahayag ang mag-asawang Vargas sa issue.
14:11Hindi lang ang langit ang namula sa paglubog ng araw sa Baguio City, nasilayan din ang red sun na nagpamaha
14:18sa mga nakakita.
14:20Ang paliwanag dyan ang pag-asa sa report ni Katrina Sor.
14:26Hindi na bago ang ganitong pamumula ng araw na mas nakikita lalo kapag palubog na ito o sunset.
14:32Si Marta Rosa Dizon, napansin matingkad ang pagkapula ng araw habang nakabakasyon siya sa Baguio noong lunes.
14:40Totoo po siya. It was taken a phone from the phone and then raw photos po siya straight from the
14:48camera. So it is really red.
14:50Tiniyak niyang makunan ito ng litrato.
14:53Di niya daw kasi ito nagawa noong nakita niya rin sa sagada ang mapulang araw.
14:57Napansin din daw niya ang may nasusunog na kakahuyan sa lugar.
15:01Ang awesome not to see it red but actually parang it is also alarming kasi sabi nga nila one of
15:07the causes of it for the colors to be like that are like pollution or dust, atmosphere.
15:14Ayon sa isang eksperto sa pag-asa, natural na pangyayari ang pagtingkad ng pulang araw at hindi dapat ikabahala.
15:21Pero Anya, ang ganitong fenomeno na indikasyon ng kung gaano karami ang mga particles sa atmosphere tulad ng usok, alikabok
15:30at polusyon na nakaapekto sa pagkalat ng liwanag.
15:33Ito po yung tinatawag po nating Riley Scattering. Ito po yung pag-disperse or yung pagkalat po ng liwanag sa
15:40hangin.
15:41Hazy din po yung image po natin and then more on cloudy din po. So yung clouds po is nag
15:47-a-act din as filter.
15:49Ayos lang mamangha sa tingkad ng araw. Basta, tiyakin ding huwag itong titignan ng matagal para hindi masira ang mga
15:57mata.
15:58Katrina Son, GMA News.
16:06Hindi lang mga campus journalists ang na-meet ko sa Ormoc City. May nakilala rin akong kalokalike di umano.
16:14Puso na yan sa report ni Marie Zumal.
16:20Goodness gracious, huwag kayong malito. Dahil when it matters, here's a molecule.
16:26Dalawang atoms together.
16:28Adrienne, ito.
16:29Adrienne, Atom, makakalapit o molecule.
16:33Siya si Adrienne Rebosto Justo. Ang lookalike di umano ng ating si Atom Araulio.
16:39Bino nga ng kanyang mga kasama, siya ang Itom Araulio ng Ormoc City.
16:43O sa kanilang wika, ay darker version ni Atom. Staff siya ng mayor's office ng lungsod.
16:49Mag-ingay!
16:53At dahil si Atom Araulio, ang keynote speaker ng 2026 National Schools Press Conference na ginanap doon,
16:59naging chance ito para ma-meet ni Adrienne si Atom.
17:05Mahiyain daw talaga itong si Adrienne, pero dati pang napapansin ng mga katrabaho at kaibigan ang kanyang pagkakahawig daw kay
17:12Atom.
17:13Pansin ng netizens, pareho sila ng charming eyes kapag nakangiti.
17:17Naparabang may Atom Multiverse.
17:20Mariz Umali, GMA News.
17:25Kalookalike nga. Yan po ang mga balita ang dapat niyong malaman.
17:29Ito ang GMA News. Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
17:33Noon at ngayon, serbisyong totoo.
17:35Ako po si Atom Araulio at ito ang State of the Nation.
Comments

Recommended