Skip to playerSkip to main content
- Rockslide, na-hulicam malapit sa Kennon Road 


- Senior citizen, sinaksak ng nanloob sa kanilang bahay 


- Ilang bahay at tulay sa mindanao, winasak ng baha 


- Ilang bahagi ng Metro Manila, binaha 


- Big time oil price hike, nakaamba ulit sa susunod na linggo 


- Nagbebenta umano ng pekeng alak, arestado 


- Motorsiklo, nahulog sa sapa; angkas, patay 


- Janet Napoles at dati niyang empleyado, guilty sa graft at malversation


- ICYMI: Nang-water cannon na naman! 


- 12.5% panibagong taripa, ipapataw ng US sa produkto mula sa Pilipinas 


- PSC, makikipag-ugnayan sa NBI na mag-iimbestiga sa komiteng nag-organisa ng 2019 SEA Games 


- Encantadia x Taskforce Firewall 


- LED Travel Info Board, nagpapakita ng ETA sa iba't ibang destinasyon sa EDSA 


- 2 lalaki na na-hulicam na nagnakaw ng bakal mula sa truck habang traffic, arestado 

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02I'm on it!
00:05Oh my God!
00:20Bago ngayong gabi, naglaglagan ang mga bato sa gilid ng bundok malapit sa Cannon Road sa Tuba, Benguet.
00:27Kasunod yan ang malalakas na ulang dala ng habagat na pinalakas ng bagyong tiapo.
00:32Sa Montalban, Rizal, isang bahay ang nawasak matapos mabagsakan ng bato.
00:36Ilang residente ang nasugatan.
00:39Ang ilan pang lugar sa bansa na naapektuhan ng bagyo, abangan mamaya.
00:47Sugatan ang isang senior citizen sa Kaloocan matapos saksakinang nanloob sa kanyang bahay.
00:52Tinaghanap pa ang sospek.
00:54May report si Marizo Man.
00:58Nagkalat ang mga gamit at halaman at bakas ang mga tilamsik ng dugo.
01:03Puro po dugo. Dugo ang dugoan. Magulo po yung bahay. Maraming dugo sa lapag.
01:10Ang nag-iisang nakatira sa bahay na babaeng senior citizen na datnang nakalupay-pay ng mga pamangkin sa garahe.
01:17Timing na timing pagkakita nila sa kapatid ko, ayan na rin yung patrol car.
01:23Madalian pong isinakay. Ang kapatid kong na biktima isinakay.
01:30Dahil yung mga pulis po sila ang naghatid na sa hospital.
01:35Pasado las 9 ng gabi nitong linggo, nang sinira ng isang lalaki ang pintuan at pinasok ang bahay.
01:42Walang awa niyang pinagsasaksak ang 67 na taong gulang na babae.
01:47Hindi pa malinawan ang yari pero ayon sa kapatid ng biktima, nakatawag pa ito.
01:52Nakatawag siya sa landline doon sa bahay ng kapatid ko.
01:56Yun ang salita na hindi halos maintindihan.
02:00Papuntahan ako dito. Dalawang ulit daw po inulit. Papuntahan ako dito.
02:06Hinala ng pamilya pag nanakaw ang motibo sa krimen.
02:10May nakita rin flashlight at kutsilyo sa crime scene na hindi pag-aari ng biktima.
02:14Bukod sa mga saksak, may mga bugbog din sa mukha, mata, ulo at bibig ang biktima.
02:20Hindi ko sasabihin na mayroong may galit sa kanya kasi napakabait po niya.
02:26Matapos po makapaglinis at tingnan kung anong mga nawawala,
02:31e, cellphone po at saka pera doon sa handbag niya.
02:38Yung nakaano po niyang pera is 25k po.
02:43Suspect ngayon ay isang construction worker sa katabing construction site.
02:47Na-retrieve yung cellphone a few hours.
02:52Cellphone ng kapatid niyo?
02:53Oo. Na-retrieve po ng mga polis.
02:56So maybe doon sila nagkaroon ng lead sa person of interest.
03:03Sumuko ka na. Napakabait ng taong sinaktan mo.
03:08Patuloy ang pag-recover ng biktima sa ospital.
03:10Ang mga embestigador naman, may leads na raw.
03:13At patuloy ang manhunt operation sa suspect na nananatiling at large.
03:17Napaka-sakit dahil ito trauma po sa pamilya, hindi lang sa kanya.
03:24Maris Omali, GMA News.
03:26Kabi-kabilang baha sa Mindanao at kabisayaan ang namerwisyo,
03:30bunsod ng pinagsamang epekto ng bagyong quiapo at habagan.
03:34Ilang tulay ang nasira at may mga bahay na gumuho at inanod ng ilo.
03:38May report si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
03:48Unti-unting gumuho ang lupa hanggang sa tuluyan ng bumigay
03:51at nahulog sa sapa ang bahay na ito sa Maasim, Saranggani.
04:09Isang bahay rin ang nilamon ng ilog sa bayan ng Dlan.
04:15Maging tipak ng semento.
04:18Pati puno ng niyog, hagip sa ragasa ng tubig.
04:23Sa barangay Kiyogam, isang kalsada ang winasak ng baha.
04:29Hinambalos naman ng malalaking alon sa dagat ang ilang bangka sa bayan ng Maitum.
04:34Sa bayan ng Malapatan, isang hanging bridge ang winasiwas ng mga debris na inanod ng umapaw na ilog.
04:41Umaasa ang mga residente ng maayos agad ito ng LGU.
04:46Isang hanging bridge rin ang nasira dahil sa matinding ring ragasa ng ilog sa barangay Gasi sa bayan ng Kiyamba.
04:59Nasiraan din ang barangay ng konkretong tulay.
05:02Sa barangay Katubaw, napilitan ng lumikas ang mga residente dahil sa pag-apaw ng ilog.
05:10Hindi naman alintana ng isang lalaki ang ragasa ng ilog sa General Santos City.
05:16Tila chill pa siya ng una, pero nang subukang tumawid, ay mabilis siyang tinangay ng tubig.
05:22Ligtas naman siyang nakaahon.
05:25Rumagasa rin ang ilog sa barangay Labangal.
05:28Hinampas ng tubig ang mataas na flood control dike bago ito umapaw at umabot sa ilang bahay sa lugar.
05:35Abot baywang naman ang baha sa Lambayong Sultan Kudarat.
05:39Sa bahay na ito, tinitiis na lang ng isang pamilya ang kanilang papag, na halos malubog na rin sa baha.
05:46Buwis-buhay naman ang rescue operation sa ilang residente sa bayan ng Palimbang.
05:50Ayon sa MDRRMO, anim na barangay ang nalubog sa baha simula pa nitong Merkoles.
05:55Ilang motorista rin ang stranded dahil sa mga pagguho gaya sa bahaging ito ng Tibolis, South Cotabato.
06:02Sa Malabang Lanao del Sur, ang Maladi Bridge, winasak na ng umapaw na ilog.
06:08Bukod sa Mindanao, apektado rin ang habagat na pinalalakas ng Bagyong Quiapo ang malaking bahagi ng Visayas.
06:14Bumaha sa ilang lugar sa Gimaras at Antique.
06:18Pati sa Bayawa Negros Oriental, kung saan isa ang nasawi.
06:23Pinasog din ang baha ang ilang bahay at establishmento sa Iloilo City.
06:27Direkta namang naapektuhan ng bagyo ang ilang bahagi ng Northern at Central Luzon, kabilang ang Ilocos Norte.
06:33At Aurora, ramdam din ang masamang panahon sa Kalayan, Cagayan, bago pa man maglandfall ang bagyo.
06:40Mula sa GMA Regional TV, Efren Mamak, GMA News.
06:45Binahari ng ilang bahagi ng Metro Manila matapos makaranas ng malakas na ulan kagabi hanggang kaninang madaling araw.
06:52May report si Gabriel Gonzalez.
06:58Perwisyo ang idinulot ng tuloy-tuloy at malakas sa ulan nitong umaga.
07:02Binaha ang bahagi ng El Guinto Street sa likod ng Philippine Women's University.
07:06At Taft Avenue sa tapat naman ang Philippine Christian University.
07:10Nahirapan tuloy dumaan ang ibang sasakyan.
07:15Sa Taft Avenue mula kay Rino Avenue hanggang Kalaw Street, gutter deep naman ang baha.
07:22Halos hanggang tuhod naman ang tubig sa kanto ng Taft Avenue at Pedro Hill Street.
07:30May gutter deep ding baha sa Rizal Avenue sa Kaloocan.
07:36Sa Montilupa City, malakas na ulan at kidlat ang naranasan ng mga motorista.
07:45Kagabi, pahirapan ang pag-uwi ng mga motorista na naabutan ng baha sa Espanyol Boulevard sa Maynila.
07:51Ang ilang motor, kinailangan nang itulak.
07:54Gabriel Gonzalez, GMA News.
08:04Nagbabadya ulit ang malakihang taas presyo sa petrolyo sa susunod na linggo.
08:08Pusibling tumaas ng halos 6 na piso hanggang halos 7 piso ang kada litro ng diesel.
08:14Hanggang halos 6 na piso naman ang pusibling itaas sa presyo ng gasolina.
08:19Bata ito sa apat na araw na trading kaya pusibling pang magkaroon ng pagbabago ayon sa Oil Industry Source.
08:27Samantala, taob ang modus ng isang lalaki na ginawang refillable ang mga bote ng mamahaling alak.
08:33Ang ipinapalit, peke o mas mura.
08:36The report si John Consulta, exclusive.
08:41Sa parking area na ito sa Maykawayan, Bulacan, na corner ng National Bureau of Investigation o NBI Bulacan South District
08:48Office,
08:49ang target na nanaloko o mano.
08:51Dumulog sa amin ang isang kumpanya ng bebenta o gumagawa ng mamahaling alak.
08:58Ayon sa kanila, ay may mga individual na nagbebenta at namimeket na kanilang produkto.
09:05Modus ng suspect ang pagpapalit sa laman ng mga bote ng mamahaling alak ng mas murang alak bago i-benta
09:12sa mga kliyente.
09:13Kombiskado mga bote ng alak na kapag binenta ay abot sa halagang 200,000 pesos.
09:18Kinumpis ka rin ang sasakyang ginagamit sa modus.
09:21Kakasuan namin sila ng violation of RA 8295, otherwise known as the intellectual property code of the Philippines.
09:32Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng suspect.
09:35John Consulta, GMA News.
09:39Isaang patay matapos mahulog ang sinasakyang motorsiklo sa Sapa sa Bacara, Ilocos Norte.
09:45Ayon sa pulisya, dumiretsyo sa pakurbang bahagi ng kalsada ang motor hanggang mahulog.
09:50Dead on arrival sa ospital ang angkas.
09:53Sugweta naman ang nagmamaneho ng motor.
09:55Pusibling nakainom daw ang dalawa.
10:00Isang truck naman ang nahulog sa ilog sa Damulog, Bukidnon.
10:05Tatlo ang sugatan, kabilang ang isang minordiyadan.
10:07Sa imbisigasyon ng pulisya, nawalan umanaw ng kontrol ng driver dahil madulas ang kalsada.
10:15Pinatulang guilty sa kasong graft at malversation of public funds through falsification of public documents
10:20ang negosyanteng si Janet Lim na polis at dati niyang tauhan.
10:24Kaugnaya ng ghost projects gamit ang 50 milyong pisong pondo ng Department of Agrary Reform o DAR noong 2011.
10:31Sa kasong graft, sinintensyaan si Napoles ang 12 to 15 years para sa bawat isa sa 10 counts o aabot
10:39sa 120 to 150 years na pagkakakulong.
10:43May multa rin siyang 5 milyon pesos.
10:46Sa malversation, 17 to 20 years for each 10 counts o aabot sa 170 to 200 years na pagkakakulong.
10:55May multa rin siyang 5 milyong piso.
10:57Hanggang 57 years sa pagkakakulong naman ang hatos sa tauhan niyang si Evelyn DeLeon
11:03na hinatulang guilty sa 3 counts ng graft at 3 counts ng malversation.
11:08Si dating DAR Undersecretary Jerry Paktura naman not guilty sa kasong graft.
11:14Pero guilty sa 10 counts ng malversation.
11:17Sinintensyaan siya ng hanggang 190 years na pagkakakulong.
11:215 milyon pesos din ang kanyang multa.
11:23Bukod dyan, pinababalik din ng Korte kay Napoles ang nalustay na 50 milyon pesos na government funds
11:30kasama ang 6% interest.
11:3315 milyon naman na may 6% interest ang pinagbabayad kay Pakturan.
11:38Samantala, ipina-archive muna ng Sandigan Bayan ang kaso ng tatlong kapwa akusado nila na Polis
11:44na nananatiling at large.
11:51Tatlong barko ng Pilipinas na maghahatid ng tulong sa mga Pilipinong mangingis na sa Baho de Masinlok
11:57muling binomba ng tubig ng China Coast Guard.
12:00Kahapon lang ng umaga, nang bombahan din ang tubig ng Chinese Coast Guard ang BRP dato dumangsil.
12:05Wala mang nasaktan, delikado, at hindi umano-profesyonal ang ginawa ng mga barko ng China
12:11kaya pinalaga ng Philippine Coast Guard.
12:15Manila Water at Maynilad Customers, posibling makaranas ng mahinang water pressure.
12:20Dahil yan sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa Anggat Dam
12:24na pangunahing pinagkukuna ng tubig gripo ng Metro Manila.
12:28Ayon sa Manila Water, kung may mawawalan man ng tubig,
12:32posibling dahil sa maintenance work at walang kinalaman sa mababang level ng Anggat.
12:38Unang bugso ng umento sa minimum wage sa Metro Manila, ipatutupad na bukas.
12:446 na pisong dagdag yan base sa NCR wage order.
12:47Sa January 20, 2027 naman, ipatutupad ang ikalawang installment na 25 pesos.
12:54Katumbas yan ang kabuoang 85 pesos na wage hike.
12:58Bea Pinlak, GMA News.
13:01Papatawan ng Amerika ng panibagong 12.5% na taripa
13:05ang mga inaangkat nilang produkto mula sa Pilipinas.
13:09Nabiguraw kasi ang Pilipinas sa pagpapatupad ng mga hakbang
13:12para pigilan ang mga produktong gawa ng forced labor.
13:15Base yan sa anunsyo ng Office of the United States Trade Representative
13:19kasunod ng ilang buwang investigasyon.
13:22Ayon kay Philippine Ambassador to the United States, Jose Manuel Romualdez,
13:26muli silang makikipag-negosasyon sa Amerika.
13:29Makikipag-ugnayan din daw sa Amerika si DTI Secretary Cristina Roque.
13:34Bibingin din daw ng ahensya na merong maikpit na patakaraan ng Pilipinas
13:38laban sa forced labor, alinsunod sa International Labor Organizations Conventions.
13:44Ang palasyo naman, sinabing ginagalang nila ang desisyon ng Amerika
13:48pero giniit na may strong policy ang bansa laban sa forced labor.
13:53Nag-abiso din daw sila sa Amerika na may pinirmahang Joint Administrative Order
13:57para sa isang mekanismo para mapigil ang importasyon na gawa sa forced labor.
14:04Makikipag-ugnayan daw ang Philippine Sports Commission sa NBI na mag-iimbisaga
14:08sa kumiting nag-organisa sa 2019 Southeast Asian Games.
14:13Ayon sa OIC Executive Director nito,
14:15pinatanggap nila ang hakbang ng NBI, lalo't may kinalaman daw ito sa public funds.
14:21Kasalukuyang nasa New York naman ang representative o ang presidente
14:24ng Philippine Olympic Committee na si Bambol Tolentino
14:27at magsasalita raw kapag nakabalik na ng bansa.
14:32Sinusubukan pa na yung makuhang panig ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee
14:36of Fisco.
14:39Bago ngayong gabi, lumakas bilang severe tropical storm ang Bagyong Quiapo
14:43habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.
14:47Nakataas ang signal number 2 sa Batanes at western portion ng Babuyan Islands.
14:52Signal number 1 naman sa natitirang bahagi ng Cagayan,
14:55northern portion ng Isabela, pati sa Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province,
15:01Ilocos Norte at northern at central portions ng Ilocos Sur.
15:05Sa 11pm bulitin ng pag-asa, huling namataan ng bagyo,
15:08140 kilometers west-northwest ng Kalayan, Cagayan.
15:12Pusibling bukas ng umaga ay makalalabasan ng par ang Bagyong Quiapo.
15:16Pusibling mas tumakas pa ito bilang typhoon bukas
15:19at sunod na maglilanfo sa southern mainland China.
15:29Sina Sangre Amihan, ang mulawin na si Pagaspas at iba pang mga taga-encantadya.
15:37Oops, huwag malin lang.
15:39Undercover mission lang yan ng Team Firewolf.
15:43Si Agent Isa, Kylie Padilla, may special touch sa stunt.
15:47Yung isang stunt ngayon, dilipad siyang ganun.
15:50Ako din yun eh.
15:52Ang funny lang isipin na si Isa, magdadamit as amin.
15:56Si Agent Leila, Cheska Fausto,
16:00nagkostyum naman bilang si Sangre Flamara.
16:03Si JJ, Buboy Villar Cosplay, si Wantuk.
16:07Krimens sa online games at social media na target ang kabataan ang kanilang lalabanan.
16:12Hindi lang aksyon, kundi puwersa rin ng kilig
16:16ang hatid ng tambalan ni Nakairi Padilla at Luis Sontiveros.
16:20Mas pinainit pa ang chemistry nila nang sinagot ni Luis ang ilang hot seat questions.
16:26Love our career.
16:31Love!
16:32Viral ang ship ng dalawa online.
16:37You're my favorite songcasts, kumasa sa autograph trend.
16:42Pero nagkaungkata ng past dahil baby pics pala nila ang kanilang i-autograph.
16:48Alam!
16:50Alam!
16:50Ang ilang puha to!
16:52Si Caprice Cayetano ni-reveal na mahilig mag-lipstick,
16:55kaya halos lahat ng baby pics niya, kikay.
16:59Oh!
17:00Sabahin ng lola ko to.
17:01Si Heath Ornalis naman, cute sa kanyang chubby face at spoiled daw sa kanyang lola.
17:08Katrina Son, Jimmy News.
17:14Sinipat ng dalawang nalaking yan ang karga ng truck habang traffic sa Felix Avenue sa Cainta Rizal.
17:20Tatlong piraso ng bakal ang tinangay nila.
17:23Naaresto sila kalaunan.
17:24Ayon sa pulisya, ibinenta ng mga sospek ang mga bakal para may pantaya sa sugal.
17:30Hindi na ito itinanggi ng mga sospek.
17:32Nasa kusudiya na sila ng pulisya at maaharap sa asunto.
17:38Tila magkakaroon ng bagong kasangga ang mga mandirigma este motorista sa EDSA.
17:43May mga inilagay roong gabay sa paglalakbay.
17:47Yan ang Travel Information Board ng MMDA sa kahabaan ng EDSA Northbound.
17:52Nakapaskil dyan ang estimated time of arrival sa iba't ibang destinasyon.
17:56Nasa test stage pa ang info board at wala pa sa EDSA Southbound.
18:00Pero hilit ng ilang motorista, kung pagpapagaan at pagpapabilis namang ng biyahe ang usapan,
18:07sana rao unahin muna ang problema sa traffic.
18:13At yan ang mga balitang dapat yung malaman.
18:16Ito ang GMA News.
18:17Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
18:20Noon at ngayon, serbisyong totoo.
18:22Ako po si Atom Raulio at ito ang State of the Nation.
18:30Ako po si Atom Raulio at ito ang mga balitang.
Comments

Recommended