- 2 days ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- Pickup truck na nawalan ng preno, bumagsak sa bahay sa bangin; driver, sugatan
- Malaking bato, bumagsak sa bahay; ina, nasawi sa pagprotekta sa 2 anak
- Sen. Alan Peter Cayetano, nananatiling senate president
- Sen. Padilla, wala raw alam sa kinaroroonan ni Sen. Dela Rosa
- Sen. Estrada, EX-DPWH Sec. Bonoan at iba pa, pinakakasuhan kaugnay sa flood control scandal
- Dating pulis at tiyuhing may alitan, nagbarilan; tiyuhin patay
- Malacañang: 'Di kumbinsido si PBBM na inatake ang Senado
- Task Force Firewall stars Kylie at Miguel, nag-rappel bilang paghahanda sa serye
- Paglalagay ng pagkain sa freezer para tumagal ang shelf life, nauuso
- Pagsingit ng mga host sa konteserang may birit pa pala, kinaaliwan
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Malaking bato, bumagsak sa bahay; ina, nasawi sa pagprotekta sa 2 anak
- Sen. Alan Peter Cayetano, nananatiling senate president
- Sen. Padilla, wala raw alam sa kinaroroonan ni Sen. Dela Rosa
- Sen. Estrada, EX-DPWH Sec. Bonoan at iba pa, pinakakasuhan kaugnay sa flood control scandal
- Dating pulis at tiyuhing may alitan, nagbarilan; tiyuhin patay
- Malacañang: 'Di kumbinsido si PBBM na inatake ang Senado
- Task Force Firewall stars Kylie at Miguel, nag-rappel bilang paghahanda sa serye
- Paglalagay ng pagkain sa freezer para tumagal ang shelf life, nauuso
- Pagsingit ng mga host sa konteserang may birit pa pala, kinaaliwan
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04Isang bahay na nasa Banginang Kalsada sa Lawag, Ilocos Norte, ang nabagsakan ng pickup truck.
00:11Pumalya ang preno nito batay sa investigasyon, sugatan ng driver.
00:15Walang nasaktan sa mga nakatera sa bahay.
00:18Nakuha na ang pickup truck at inaalam ang halaga ng pinsala.
00:23Sa Tuba Benguet, nasira ang harapan ng isang sasakyan matapos mabagsakan ng malaking tipak ng bato sa Cannon Road.
00:31Ligtas ang driver. Walang ibang nasaktan.
00:36Kabayanihan sa Traheja.
00:38Isang nanay sa Rizalang nagbuwis ng buhay para maprotektahan ang dalawa sa mga anak niya matapos mabagsakan ang kanilang bahay
00:46ng malaking tipak ng bato.
00:47May report si Rafi Tima.
00:52Kahit katamtaman ng buhos ng ulan umaga kahapon, naging madulas sa bundok na ito sa Rodriguez Rizal kung saan may
00:58malalaking tipak ng bato sa taas.
01:00Dito nagmula ang batong kumitil sa isang ilaw ng tahanan sa Sicho Makopoy, Barangay Mascap.
01:05Sa laki ng batong bumagsak sa bahay ng isang pamilya, butas ang kanilang sala at wasak ang mga aparador at
01:11divider.
01:11Mula sa gilid ng matarik na bundok na ito, bumulusok yung malaking tipak ng bato at tumama dito mismo sa
01:18sala ng bahay ng pamilya Ramos.
01:21Dito na kahiga yung mga bata, yung dalawang bata at naitulak para sila ng kanilang ina papunta dito sa gilid
01:30kaya hindi sila tinamaan.
01:31Pero dahil sa ginawang yun ng ina, yung nanay, yung napuruhan at dito na siya tinamaan, makikita pa yung dugo
01:38rito hanggang sa dumiretso yung bato dito sa labas ng bahay at tumigil dito sa pader ng kanilang kapitbahay.
01:48Matindi ang tama sa paa at katawan ng bayan ng ina na si Rizal. Dead on arrival siya sa ospital.
01:54May mga sugat naman pero nakauwi na ang dalawa sa limang anak na kanyang sinagib.
01:58Yung narinig din ni mama na sumisigaw sa dito, ginilid niya kami dalawa tapos pabalikan sila ate. Paglabas niya na
02:05gulo nga siya ng bato.
02:07So nailigtas muna kayo?
02:08Opo.
02:09Narinig pa raw ng ina ng biktima ang sigaw ng anak.
02:12Dalawang beses siya nagsigaw. Yun lang, ang pakarinig ko sa musis niya, wala na. Yun pala, ano na siya? Wala
02:21na talaga.
02:21Nasa trabaho noon ang kanilang padre di pamilya. Hirap pa rin siya mapasok ngayon ang kanilang bahay.
02:27Hindi nga namin alam kung saan kami ditira o kasi binawal na rin ang DNR po.
02:32Pinalilikas muna ng barangay ang mga nakatira sa lugar habang hindi pa nakikita at na-assess ng DNR ang mga
02:37bato sa taas ng bundok na posibleng dumausdos.
02:40Sa ngayon po, delikado talaga. Kaya sa ganitong oras po lalo sa gabi, wala po sila dito.
02:47Rafi Tima, GMA News.
02:50Taliwas sa umugong na kudita na naman, nagsesyon ng Senado na si Alan Peter Cayetano pa rin ang Senate President.
02:57Pero umarib na sa minorya ang dalawang independent na senador.
03:01Muri rin nag-convene ng Senado bilang impeachment court sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
03:07Pero report si Sandra Aguinaldo.
03:11Yesterday, someone sent me that the shortest serving Senate President served for 13 days.
03:24So hindi ko alam kung matatalo ko yung 13 days o kung 7-8 days lang po tayo.
03:30Tanggap daw ni Sen. Alan Peter Cayetano kung siya ang may pinakamaigsing Senate Presidency.
03:36Pero hindi raw siya magbibitiw dahil sa putukan sa Senado noong Merkules.
03:42Doon sa nagsasabing take responsibility, kayo pumasok dito, kayo na marili.
03:47Tapos kami pagre-resignin nyo.
03:49During my watch, hindi nyo natibag ang Senado.
03:53Now, if I remain or kung papalitan ako, sana hindi matibag ang Senado.
03:59Sa sesyon ngayon ng Senado, hindi napalitan si Cayetano.
04:03Pero anya, may mga senador na kinakausap daw para pumaligtad.
04:08Wala siyang pinangalanan.
04:10Ang sigurado tumawid na sa minorya, sina Senador MIG Zubiri at JV Ejercito
04:16na nag-abstain sa butuhan para sa Senate President noong isang linggo.
04:21Kaya labing isa na ang Senate minority sa pamumuno ni Tito Soto.
04:26Solid 13 pa rin ang majority, kabilang si Senador Ronald Bato de la Rosa na absent sa sesyon.
04:33Tinawagan ako na aking mga kasamahan na kailangan andito ako sa Senado para sa butuhan.
04:39Tungkol saan daw yung butuhan?
04:41Change of leadership ng Senado.
04:43Pwede humalaman sino tumawag po sa inyo?
04:45Si Senator Alan Cayetano.
04:47I will do impartial justice according to the Constitution and the laws of the Philippines.
04:52Dalawang-puntatlo ang present ng mga senador kanina nang nag-convene sila bilang impeachment court
04:58sa ikalawang pagkakataon para litisin si Vice President Sara Duterte.
05:05Ipinatawag na ng impeachment court si VP Sara at pinasasagot siya sa Lovedon 10 calendar days.
05:11She is directed to appear before the session hall of the Senate of the Philippines upon notice.
05:17The sergeant at arms is directed to serve the written summons on Vice President Sara Duterte
05:24along with a copy of the articles of impeachment.
05:26Sabi ng defense team ng Vice, susunod sila at maghahain ng angkop na tugon.
05:32Di na raw muna sila magsasalita pa bilang paggalang sa proseso.
05:37Five calendar days naman ang binigay sa prosecution para magkomento sa magiging tugon ni Duterte.
05:44Kapag nakasagot na ang lahat, itatakda na ang pre-trial.
05:48Dahil tuloy pa rin ang regular na trabaho ng mga senador,
05:51aayusin daw ni Cayetano ang magiging schedule.
05:54Ang labing isang miyembro ng House Prosecution Team
05:58naghahain ng formal entry of appearance sa impeachment court.
06:02Si Kabataan Rep. Renie Coe ang magiging isa sa mga tagapagsalita ng prosekusyon.
06:08Aasahan natin na dadalhin natin yung boses ng kabataan na nananawagan para sa justisya.
06:14Sabi ni Bicol Saro Rep. Terry Redon,
06:17sunod nilang iaanunsyo ang kanila magiging impeachment manager.
06:21Si House Justice Committee Chair Jervil Luistro naman daw ang posibleng maging lead prosecutor.
06:28Sandra Aguinaldo, GMA News.
06:31Isa sa mga nanumpang Sen. Judge sa impeachment court kanina si Sen. Robin Padilla.
06:37Ngayon, siya muling nakita matapos ang mga ulat na siya ang kasamang umalis noong Huwebes ni Sen. Bato De La
06:43Rosa.
06:44Hindi daw alam ni Padilla kung nasaan si De La Rosa,
06:46pero tiyak daw niyang nasa bansa lamang ito.
06:52Hindi gagawin ni Padilla. Mahal niya ang Pilipinas.
06:56Totoko ba, sir, na nasa Davao siya?
06:58Ngayon? Nakung hindi ko alam.
07:00Sir, can you pati ko?
07:03Wala akong idea.
07:05Huling nakita si De La Rosa sa Senado matapos ang putukan noong Merkules.
07:10Batay sa official report sa embesigasyon ng mga pangyayari na ibinigay sa GMA News,
07:16sumakay si De La Rosa sa isang SUV na minamaneho ni Padilla badlang alas dos imedya ng madaling araw noong
07:22Huwebes.
07:23Dahil sa nangyari, itinuturing ng NBI si Padilla na person of interest sa pag-alis ni De La Rosa.
07:30Sa panayam ng 24 oras, inamin ni Padilla na kanya ang puting SUV na nakuna ng GMA News na palabas
07:38ng Senado noong mga oras na iyon.
07:40Hindi sinagot ni Padilla kung magkasama sila ni De La Rosa na umalis ng Senado,
07:45pero tatlong araw daw siyang sinamahan si De La Rosa sa opisina nito.
07:52Opo, sasakyan ko po yan.
07:53Akin po yan.
07:54Nakausap po ba kayo? Wala nang magkahiwalay kayo sa Senado noong Huwebes?
07:58Ay, hindi po.
08:00Ah, wala? May sinabi po kasi kayong...
08:03Ay, di, sabi niyo sigurado.
08:04Ah, hindi ko po.
08:05Ay, syempre naman, kayo naman ay tatanungin ko ng maayos.
08:08Diba? Kasi yan ang gustong malaman ng taong bayan eh.
08:11Sir, yan po naman yan, hindi lang ako.
08:14Ako po yung mihingi ng pasensa sa ating mga...
08:17Opo, yan po ang dahilan.
08:19Kaya kailangan po na doon muna po tayo maglahad sa formal na investigasyon.
08:25Kasi kung hindi naman po nila sinabi na tayo po ay person of interest,
08:29eh, malaya po tayong makakapagkwento sa inyo kung ano ang mga naganap.
08:33Wala po akong record ng pagsisinungaling.
08:36Ako po ay rumispeto sa batas ng Pilipinas.
08:43Nangangani niyo namang masampahan ng plunder o pandarambong si Sen. Gingoy Estrada.
08:48Kasama siya sa mga pinakakasuhan ng DOJ prosecutors kaugnay sa korupsyon sa flood control projects.
08:54May report si Joseph Moro.
08:56Kopya ng swore na kay David imbis na basahin niyo lang.
08:59Minsang biniro lamang na marked safe sa flood control scandal si Sen. Gingoy Estrada.
09:04Senador, meron ba?
09:05Ah, Mr. Your Honor, wala po.
09:11Oh, safe ka.
09:12Safe ka na.
09:13S-sigurado po.
09:16You know, I resent that statement, Mr. Che.
09:18I move that you strike off the record that you see.
09:22Kanyal mo naman, biro lang naman yun, eh. Wala yun, wala yun.
09:25Pero kalaunan, pinangalanan siya ni dating Bulacan First District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
09:30This is Senator Marcoleta.
10:00Direct bribery at corruption of public officials, kaugnay sa ilang manumalyang proyekto kontrabaha.
10:06Inirekomenda rin ang National Prosecution Service ng Department of Justice na ihabla si Tating Public Works and Highway Secretary Manuel
10:12Bonoan
10:13at iba pang DPWH officials si Sinabong Dinglasan, Dinriel Cesar Cortuna, Manny Bolusan at Arturo Gonzalez Jr.
10:21The DOJ panel concluded that there is an interconnected network of public officers who abused their official designations to manipulate
10:30project specifications, clear budgets, and rigged public bidding workflows.
10:35Lumabas sa investigasyon ng DOJ ang umunay kalakaran at 30% kickback sa mga proyekto, batay sa mga testimonya ng
10:43mga insider o umunay kasabwat.
10:45Lusot naman sa asunto si na Dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo at Dating DPWH District Engineers Gerard Opulencia at Henry
10:54Alcantara na pang mga state witness na.
10:56Their direct personal knowledge was found vital to unraveling the bid rigging scheme, maintaining their discharge from prosecution in exchange
11:06for their continuous vital testimonies.
11:09Hindi na rin pinakakasuhan si Yumaong Dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
11:14Isa sa ilalim ng ombudsman sa sarili nitong review ang mga rekomendasyon ng National Prosecution Service at pagkatapos pa lamang
11:21noon malalaman kung isasampa ang kaso sa Sandigan bayan.
11:25Si Sen. Estrada, kakausapin daw muna ang mga abogado bago magkomento.
11:30Anong plano mo ngayon?
11:32I'll have to talk to my lawyers.
11:34Hinihingyan pa namin ng reaksyon, sinabunuan at iba pang pinakakasuhan.
11:39Joseph Morong, Jemmy News.
11:42Sa kalabit ng gatilyo, tinapos ng magtiyuhin sa Patangas ang kanilang matagal ng alitan.
11:48Ang tiyuhin na patay ng pamangki na dating pulis.
11:51Ang hulikam na duwelo sa spot report ni Jun Veneracion.
11:58Nag-umpisa sa palitan ng masasakit na salita,
12:01hanggang nagpalitan ng bala ang dalawang lalaking ito noong biyernes sa Padre Garcia, Batangas.
12:07Dating pulis ang nakagray.
12:10Tiyuhin niya ang kaduelog nakapula.
12:12Bumagsak ang tiyuhin habang nakaupo ang dating pulis.
12:16Pareho silang duguan.
12:17Pero mas malala ang tama ng nakapula.
12:21Napasugod ang asawa at anak ng nakabarila ng dating pulis.
12:25Pareho silang na ospital.
12:27Pero dead on arrival ang syuhin.
12:29Critical ang lagay ng pamangkin.
12:31Yung ating pong retard pulis ay nakatamo po ng limang tama ng baril po.
12:36Isa po sa balikat.
12:38A dalawa po sa dibdib.
12:39Isa po dito sa tagiliran.
12:41Isa po sa bindi.
12:42Lisensyado ang 40 caliber pistol ng dating pulis na nagpakawala ng labing dalawang bala.
12:48Anim naman ang balang pinutok ng tiyuhin na inaalam pa kung may papeles ang baril.
12:52Ayon sa pulis siya, parehong nakainong mamagtsuhin na 2018 pa may alitan.
12:58Naniniwala naman silang self-defense ang ginawa ng dating pulis.
13:02Magkita po natin na una pong bumunot ng baril yung suspect.
13:07Mayroon pong sufficient provocation po na on the part of the suspect po natin.
13:13And yun po, lumaban na rin po yung ating victim to defend himself.
13:19Bagaman sa inisyal na assessment ng PNP ay self-defense ang ginawa ng dating pulis.
13:24Nasa desisyon pa rin daw ng pamilya nang napatay kung magsasampa sila ng kaso.
13:28Hihintayin daw muna ng pamilya na matapos ang libing.
13:31Bago sila mag-desisyon.
13:33June Veneracion, GMA News.
13:37Taliwas sa iginigiit ni Senate President Alan Peter Cayetano,
13:40hindi kumbinsido si Pangulong Bongbong Marcos na inatake ang Senado.
13:45It was only the statement made by Senator Alan Cayetano.
13:51So as far as we are concerned, as far as the government is concerned,
13:55Senate was never under attack.
13:58This is also the position of the President?
14:00Of course.
14:02Ayon sa palasyo, dismayado ang Pangulo na naglaho si Sen. Bato de la Rosa pagkatapos ng gulo.
14:08Hindi daw siya dapat hinayaang makaalis sa protective custody ng Senado.
14:13Hiniutos din ng Pangulo na hintayin ang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni de la Rosa bago siya arestuhin.
14:19Hamon ng palasyo kay de la Rosa, sumuko kung wala naman siyang kasalanan.
14:25Ang NBI volunteer driver namang hinuli dahil nagpapotok umano sa loob ng Senado,
14:31Pinalaya na matapos makapagpiansa.
14:34Pero ayon sa PNP, positibo siya sa nitrate particles na karaniwang nasa pulbura.
14:40Kung pagbabasihan naman ang videong nakuha ng GMA News,
14:43makikita ang NBI driver na nakaputing polo habang naglalakad sa 5th floor ng GSIS building sa kasagsaganang putukan.
14:52Kita raw na jacket at radyo lang ang ganyang dala at walang hawak na baril.
15:01Kylie Padilla at Miguel Tan Felix ipinasilip ang buwis-buhay na stunt rehearsal para sa Task Force Firewall.
15:09Matapang na nag-rappel mula 15th floor ang dalawang bida ng upcoming GMA Prime Action Crime Series.
15:17Tila nagpalakas ng core ang co-star nilang si Kailin Alcantara.
15:22Halos mahulog siya nang subukan for the first time ang bouldering.
15:27Mapapanood na ang paglaban nila sa cybercrime sa lunes, May 25.
15:34Sparkle stars and besties Shuvie Etrata at Ashley Ortega,
15:39lumahok sa Flores de Mayo sa Bulacan.
15:42Pobri Carampel, GMA News.
15:46Tipid na sa oras ng pagluluto, humahaba parawang shelf life ng mga pagkain kapag inilalagay sa freezer.
15:53Suportado yan ng ilang eksperto basta't maging maingat sa paghahanda nito.
15:57Alam niyan sa Tip Talk ni Katrina Son.
16:04Nilaga, kare-kare, pati tsamporado.
16:07Ang mga pagkain niyan hinahango at hinahandaan ng 34-year-old working mom na si Aizel Straight from the Freezer.
16:15Backup niya raw ang mga ito kung hindi makapagluto agad.
16:18So malaking help po siya in terms of sa time, sa budget, and even mental load ko.
16:25Big help din in making sure na nakakakain ng tama yung family ko.
16:30Isang taon niya na raw ginagawa tuwing day off, ang pag-prepare ng mga pagkain para i-freeze na natutuhan
16:36niya raw online.
16:38Maging kay Alvin Pablo, laking ginawa rin daw ang pag-freeze ng pagkain.
16:43When I moved out, na-realize ko na gosh, ang hirap pa lang mabuhay mag-isa like I have to
16:49cook for myself everyday.
16:51Madalas daw tumatagal ng hanggang tatlong buwan ang kanyang frozen meals.
16:55Ayon sa isang eksperto, sa pag-freeze ng mga niluto, mas marami raw ang nilalaang oras para sa sarili at
17:02pamilya, lalo na kung abala sa trabaho.
17:04Ang pag-meal prep ng ganito ay maganda dahil ito ay tipid at actually maganda rin at masustansya.
17:11Dahil ang mga pagkain na frozen, madalas hindi agad nasisira at nagde-degrade yung nutrition nito.
17:17Paalala ng eksperto, dapat maging maingat sa paghahanda nito.
17:21Dapat malinis ang kusina, malinis ang pag-prepare. Dapat airtight and freezer safe ang ating mga lalagyanan.
17:30I-check kung negative 18 degrees Celsius ang temperatura ng freezer.
17:34Sa ganitong lamig kasi, hindi na papanis ang pagkain at napipigilan ang pagdami ng mga mikrobyo.
17:41Pero kapag inalis na sa freezer at muling ininit ang pagkain, agad itong kainin at huwag nang ibalik sa freezer
17:47para hindi na masira.
17:49Katrina Son, GMA News.
17:57Di na tinag sa pagbirit ang isang kontesera sa isang pista sa Ragay, Camarines Sur.
18:02Kahit pa sa gitna ng performance niya, may naki-sing it.
18:07Wow!
18:09Marabi naman ka na talaga, Parker.
18:11Marabi ang kanyang own ratio, eh.
18:20Nang ibabanan niya ang mic at umatras, enter frame na tuloy ang mga host na pumuri at nagpasalamat sa kanya.
18:28Pero mali ang akalang na hit na niya ang high notes.
18:32Di pa pala siya tapos at mas bumilit pa.
18:35Mas dumagundong ang hiyawan at tawanan.
18:38Di man siya pinalad na manalo, siya naman ang siguradong nagpasaya sa kanilang pista.
Comments