00:00Kumpara noong Martes Santo ng 2025, mas kakaunti ngayon ng mga biyahero sa Batangasport.
00:06Sa gitna ng mahal na petrolyo at as pasahe sa mga barko.
00:10May ilang kumpanya rin na nagbawas na ng biyahe, pero may solusyon naman daw ang Transportation Department.
00:16May report si Bama Legre.
00:20Bago sumakay sa Batangasport, pwede na ang online ticket reservation sa mga babiyahe ngayong Semana Santa.
00:27Paraan yan para iwas sa chance passengers at tiyak na makakasakay na.
00:30Ngayong Martes Santo, patuloy ang test run ng ORAS o Online Registration Assistance System sa Pantalan.
00:37Pero hati ang opinion ng mga pasahero.
00:40Ang ilan kasi hindi masyadong techy.
00:42Noong una, pumipila kami dito na matagal para lang magkaroon ng ticket at ngayon, ang bilis.
00:48Maganda din po siya na meron na pong advance.
00:51Pero ang ano po, paano po yung iba na, lalo po yung mga senior na hindi po kaya makapagal.
00:58Nahahasalan ako dati, pagpasok pa lang, daretsyo ka na.
01:00Ngayon, hindi na makakaabot kasi may ganyan pa.
01:04Ito yung mga pasahero na biyaheng Odyongan-Romblon.
01:07Halos fully booked ang paglalayag na ito dahil kapag online ang booking nito,
01:10isa na lang ang makukuha ninyo ngayong hapon.
01:13Gayon din ang mga biyaheng katiklan sa akla na dalawa na lang ang available slot.
01:17Marami ang biyaheng Mindoro tulad ng Abra de Ilog, Puerto Galera at Calapan.
01:24Kumpara noong nakaraang taon, mas kaunti ngayon ang biyahero sa Pantalan.
01:28Ayon sa pamunuan ng Batangas Port, aabot sa 27,000 na pasahero ang naitala noong Martes Santo noong 2025.
01:36Pero ngayon...
01:37As of kaninang kasing 12 noon, nakapagtala lang tayo ng mahigit na 7,000 na pasahero.
01:44Malaki ang ibinaba.
01:46Ayon sa Philippine Force Authority, ilan sa mga dahilan kung bakit nabawasan ng mga bumiyahe
01:51ang sunod-sunod na oil price hike at pagtaas ng pamasahe sa mga barko.
01:55Ang Maritime Industry Authority o Marina, inaprubahan na ang hanggang 30% na maximum increase sa pamasahe sa mga barko.
02:03Di pa inaanunsyo kung kailan yan efektibo.
02:05Pero dapat na alinsunod pa rin sa required rate adjustment na ilalabas ng marina kada linggo.
02:11Ayon naman sa Transportation Department, may mga kumpanya nagsasabi na sa kanila na magbabawas ng barko
02:17pero handa naman daw sila magbigay ng libreng sakay.
02:21Bam Alegre, GMA News.
Comments