00:00Sa paghupa ng ulan, dala ng habagat, ilang tulay ang nasira.
00:04Dahil dyan, kaya sa nagip ang 15 stranded na guro sa Oriental Mindoro.
00:09Nawasak na tulay rin sa Zambales ang nagdulot ng pagka-isolate ng isang libong pamilya roon,
00:15kabilang ang mga katutubo.
00:17May report si Vaughan Aquino.
00:21Halos bumigay na ang tulay na kawayang ito sa barangay Lisap, Bungabong Oriental Mindoro.
00:30Pero pinagtsatsagaan at maingat na itinawid dito ang 15 guro ng Naswak Elementary School, matapos ma-stranded.
00:38Sinira kasi na humaragas ang tubig ang tanging tulay sa lugar, nang manalasa ang habagat noong miyerkules.
00:45Kaya bumalik sila sa eskwelahan at doon na natili hanggang sa dumating ang rescue.
00:52Nasira rin ang isang tulay sa San Marcelino, Zambales.
00:55Isolated ang isang libong pamilya kabilang ang mga katutubo.
00:58Plano ng lokal na pamahalaan na magpagawa ng wooden footbridge para sa mga tao at temporary steelbridge para sa mga
01:06tricycle.
01:07Hindi na katulad noong dati na medyo mababa.
01:11Itataas na lang ngayon para magkaroon pa rin ng akses.
01:15Sa tala ng San Marcelino LGU, aabot sa 2.5 milyon pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa bayan.
01:22Mahigit 10 milyong piso naman ang halaga ng mga napinsalang bahay.
01:26Kabilang sa mga napinsala ang mga tirahang ito na lumubog ng matabuna ng lahar.
01:32Bukod sa pag-apaw ng ilog bunsod ng tatlong ninggong pagulan, dumaloy rin ang lahar mula sa mga pinatubo ng
01:39masira ang dike.
01:40Dahil sa malawakang pinsala, isinailalim na ang probinsya ng Zambales sa state of calamity.
01:46Animo'y nakatirik sa tubig ang mga bahay sa barangay may sulaw sa Kalumpit, Bulacan.
01:52Ang evacuation center, mararating lang gamit ang bangka.
01:56Kalbaryo na ng mga residente ang baha.
01:58Simula pa ng pumutok ang Mount Pinatubo noong 1991 at nagbara ang lahar sa daluyan ng tubig.
02:05Sa isang bahagi ng barangay na dati ng lubog sa baha, nangingitim na ang tubig.
02:10Ngayon, pati ang kabilang bahagi binahana rin dahil sa pag-apaw ng ilog.
02:15Gawin na siguro yun talagang dapat.
02:18Hindi na yung sinasabing substandard o ano pa man yung basta ilagay na nila sa standard talaga.
02:26Kasi kawawa naman kaming...
02:28May plano ng gawan ito ng panibagong dike at pagpapataas ng mga ripra para hindi umapaw ang Pampanga River.
02:34Ayon sa Bulacan PDRRMO, labing isang munisipalidad sa probinsya ang lubog pa rin sa baha.
02:41Isa pang epekto ng pagbaha ang dumaraming kaso ng leptospirosis.
02:45Sa National Kidney and Transplant Institute, nasa labing siyam ang leptospirosis cases.
02:51Sa San Lazaro Hospital naman, umabot na sa limampu ang inadmit dahil sa leptospirosis.
02:57Karamihan late kasi. So dapat marirecognize din ng mga tao kung paano ba ang simptomas.
03:04Pag na-expose ka, pakiramdaman mo na sarili mo. If you feel unwell, meron kang lagnat, sumakit yung muscles, sumakit
03:10yung joints mo.
03:12Kasi malala na pag nanilaw ka na. Malala na yun. Pag umihi ka ng medyo iba na ang kulay o
03:19kaya hindi ka umiihi, medyo malala na yun.
03:21Yun yung mga napupunta sa amin na severe cases na.
03:25Ang problema naman sa Dagupan City, alipo nga.
03:28Eh, hindi ako nakapagbuta. Mag-apon lang yun. Naguugas ng mayinit na tubig, tapos minimidyasan ko pag nagamutan na.
03:37May mga fungal elements po kasi na maaaring nandun po sa tubig baha at maaaring pong kumapit doon sa mga
03:44paan ng ating mga piktima.
03:46Yan po yung pinakagusto ng ating punjay, yung mamasa-masa at maruming environment.
03:51Von Aquino, GMA News.
Comments