00:00Pinaigting pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng universal healthcare na malaking tulong sa lahat ng mga Pilipino.
00:07Titiyakin nito na mura at may akses ang publiko sa servisyong medikal at pangkalusugan.
00:12Si Denise Osorio sa report.
00:18Pinapalakas ng pamahalaan ang akses sa servisyong pangkalusugan mula sa mga pampublikong ospital hanggang sa supportang aabot sa komunidad.
00:27Sa Health Economics and Finance Program Forum ng Philippine Institute for Development Studies kahapon,
00:32binigyang diin ng mga pinuno at haligi sa kalusugan ang mga hakbang para tunay na maipatupad ang universal healthcare para sa lahat ng Pilipino.
00:40Binigyang diin ni Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Legaspi ang mga programang direktang nakikinabang ang publiko,
00:48lalo na sa pagpapamura at pagpapalawak ng akses sa pampublikong servisyong pangkalusugan.
00:53Sa ngayon, ang ating programa sa mga hospital, I'm talking about the government hospitals, is zero balance billing.
01:00Yung sabihin, pag pumasa ka sa pampublikong paggamutan, lalo na yung mga malalaking mga pampublikong paggamutan, wala kang babayaran.
01:10Wala nang binabayaran ng mga pasyente sa mga pampublikong ospital na isang malaking hakbang para sa mas malawak na akses ng ating mga kababayan sa kalusugan.
01:19Pinapalawak din ang programa ng pamahalaan para sa advanced treatments, kabilang ang mga surgery at cancer care, na halos libre para sa mga pasyente.
01:27Mas marami kami nabibigay ng mga high value treatment or high value care, very advanced surgery, advanced radiation oncology treatment, advanced oncology treatment, breast cancer and all,
01:42na libre na halos sa pasyente, yung mga Z packages. Yan ang malaking pagbabago in my 35 years in public health.
01:53Samantala, binibigay naman ng data-driven reforms ang mas matibay na suporta sa mga komunidad.
01:59Ipinaliwanag ni Kenneth Abante ng People's Budget Coalition na nagiging mas mahusay ang pagdedesisyon kapag malinaw at kongkreto ang impormasyon.
02:08Yung datos po kasi na ito, at in fact, isa po itong PIDS research sa mga magagandang paggamit ng data.
02:16Sa tingin po kasi namin, you know, a technical solution will not solve a political problem.
02:23At nasabi ko mga po kanina na yung mga datos, they're only as good as the community they empower.
02:30Dagdag ni Abante, kapag malinaw at transparent ang datos, mas mabilis makakakilos ang mga lokal na pamahalaan mula sa pagpaplano ng budget hanggang sa implementasyon ng mga programang pangkalusugan.
02:42Pangunayang elemento rin ang koordinasyon sa iba't ibang sektor para makabuo ng mas matatag na data ecosystem.
02:49Sa pamamagitan ng mas matibay na accountability, pagpapalakas ng mga komunidad, at pinalawak na programa ng pamahalaan,
02:57papalapit ang Pilipinas sa layuning makapaghatid ng mas mabuting serbisyong pangkalusugan para sa lahat pagdating ng 2030.
03:05Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.