Skip to playerSkip to main content
  • 15 hours ago
Mga Muslim, nagkakaisang isinasagawa ang pag-aayuno, pananalangin at pagdidisiplina sa sarili tuwing Ramadhan | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita nitong Webes, nagsimula na ang tradisyonal na Ramadan ng mga kapatid nating musti.
00:05Ito'y nagsinsirbi nilang pag-aayuno, taimtim na pananalangin at pag-indisiplina.
00:09Pero ano pa nga ba ang iba nitong kahulugan at kung bakit nila ito ginagawa?
00:13Yun ang hatid sa atin sa report ni Denise Osorio.
00:19Malaking adjustment para sa negosyanteng si Mia ang dala ng Ramadan.
00:23Tindera ng pagkain si Mia at nag-a-adjust siya ng preparation time sa pagluluto ng pagkain
00:28para makasabay sa pangangailangan ng mga nag-aayuno.
00:31Ang pinagtataiba kasi sa umaga nakakabenta ka na pag hindi Ramadan.
00:37Sa Ramadan naman kasi mga tanghali na bago ka makabenta.
00:40Ang dating alas 3 ng umaga na schedule ng pagluluto,
00:44ngayon ay alas 12 o alauna ng hapon na siya nagsisimulang magluto.
00:48At habang inaasikaso ang negosyo, tuloy naman ang pangkaraniwang pang-araw-araw na gawain ni Mia kahit Ramadan.
00:54Pagod, siyempre. Araw-araw ka gumagawa ng mga pagkain.
01:01Kaya napapagod ka talaga. Pero okay lang, at least makabenta.
01:06Pero hindi lang sa negosyo nakikita ang diwa ng Ramadan.
01:09Kung si Mia sa negosyo nag-a-adjust, si Umaysa naman na bilang kabataan,
01:13mas malaking adjustment ang ginagawa.
01:15Isa si Umaysa sa mga nagsisimula palang masanay sa pag-aayuno ngayong Ramadan.
01:20Kailangan kasi namin mag-fasting para masanay.
01:25Tapos paglaki namin, pwede namin para alam na rin namin paglaki namin na kapag Ramadan, magpa-fasting ka.
01:35Sa ganitong unang karanasan, kahit pa may pasok sa school, hindi na lang niya iniisip ang pagkain.
01:41Pero sa una, tunay na mahirap ang walang kain at walang inumin.
01:45Kung kaya't malaki ang tulong ng gabay ng magulang, lalo na sa pag-a-adjust sa gutom, oras at disiplina
01:52habang bata pa.
01:53Masaya kasi natutunan siya mag-fasting.
01:56Kasi sa aming mga Muslim, yan ang pinaka-espesyal sa buhay namin na pagdating ng Ramadan al-Mubarak, kailangan talaga
02:04mag-fasting.
02:05Ang Ramadan ay higit pa sa pag-iwas sa pagkain at pag-inom sa loob ng takdang panahon.
02:10Ito rin ay panahon ng pag-iwas ng masamang gawain at paglalaan ng oras sa panalangin.
02:15At sa pagdating ng iftar, sa ilang komunidad, pagkakataon din ito para makapagbahagi sa kapwa at nagbibigay ng libring pagkain
02:23para sa iftar.
02:24Lalo na sa mga nangangailangan at mga naubutan sa labas na wala pang hawak na pagkain.
02:29Ayon sa Al-Qidma Foundation, bahagi ito ng pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad tuwing Ramadan.
02:36Bilang pahiwating po at aral sa pagkakaisa ng komunidad at pagmamahalan at pagsunod po sa mga otos ng ating mahal
02:44na propita Muhammad SAW.
02:46Minsan po yung dumadaan dito na hindi handa magkain talaga ng mga travelers o walang handang hawak na pagkain, doon
02:55po namin i-initribute dito sa aming lugar.
02:58Pumaabot sa halos 300 mga tao ang nabibigyan ng libring pagkain kada araw at nabibigyan rin nila pati na rin
03:05ang mga non-Muslim na napapadaan sa lugar.
03:08Pero bukod sa pagbabahagi ng pagkain, may mas malalim pang kahulugan ang iftar sa Islam.
03:14Ayon kay Manila Golden Mosque Administrator Mohamed Erzad Maliki, sa oras ng adhan sa paglubog ng araw, dito pinapayagang mag
03:22-break ng fast at kasama rito ang pasasalamat matapos ang isang araw ng pagtitiis.
03:44Dito rin mas nagiging mahalaga ang pagunawa at respeto sa mga kapatid na Muslim sa panahon ng kanilang pag-aayuno.
03:51At sa bawat oras matapos lumubog ang araw, hindi lang pagbabasag ayuno ang nangyayari, kundi pati pagkakapit-bisig ng isang
04:00komunidad para sa isang pananampalataya.
04:03Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended