Skip to playerSkip to main content
Ingat mga Kapuso sa mga tinatanggap niyong tawag mula sa mga 'di kilalang numero at tawag ng mga posibleng "call bots," bukod sa pwede kayong ma-scam, posible ring i-record ang boses niyo at gayahin gamit ang AI para makapang-scam ng iba.
Nakatutok sa Darlene Cay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nako ingat po mga kapuso sa mga tinatanggap nyong tawag mula sa mga hindi kilalang numero at tawag ng mga
00:06posibleng call bots.
00:08Bukod sa pwede kayong mascam, e posible rin i-record ang boses nyo at gayahin gamit ang AI para makapang
00:15-scam ng iba.
00:17Nakatutok si Darlene Kai.
00:22Takot at galit ang naramdaman ng 25 taong gulang na si Camille nang tawagin ng isang unknown number na nagpakilalang
00:29kinatawa ng isang internet service provider.
00:31Isang buwan pa lang siya noon sa tinitirahan.
00:34Nakapagtaka na alam niya agad yung bagong address ko pero parang benefit of the doubt, tapos nagpakabit ako ng internet
00:40kaya meron siyang details ko.
00:41Tunog profesional pero duda pa rin siya kaya ni-record ang kanilang pag-uusap.
01:03Sa isang bahagi ng tawag, ilang beses inulit ng kausap ang tanong dahil hindi sinasagot ni Camille.
01:09Parehong tono at parehong pareho ang bawat salita.
01:13Duda niya, AI ito o bot.
01:16Takot siya dahil dati nang naskam ang kaanak.
01:19Tumawag po kami para i-welcome kayo.
01:21What's the purpose of this call?
01:22Tumawag po kami para i-welcome kayo.
01:24Ha ha ha.
01:26Daya na lang sa iba, hindi niya ko ma-scam.
01:28Sorry, hindi ko kayo marining ng maayos.
01:31Hindi malinaw kung scam mismo ang kausap ni Camille.
01:34Pero ayon sa Cybercrime Investigation Coordinating Center o CICC, meron talagang tinatawag na bot scams o paggamit ng mga scammer
01:42ng artificial intelligence.
01:43It's called an agentive AI.
01:45It mimics processes at meron din siyang recognition ng mga tanong.
01:50So then, ginagamitan din siya ng deep fake technology wherein yung parang boses, hindi na siya robotic, tao na siya.
01:57Bago nito ay kukuha ang scammers ng impormasyon tungkol sa mga bibiktimahin sa mga nahak na database sa mga pribadong
02:03kumpanya o ahensya ng gobyerno.
02:06Pag natawagan kayo ay saka kayo tatanong ng iba pang sensitibong impormasyon na pwede nang gamitin para magpanggap na kayo
02:13at ma-access ang inyong mga account.
02:15Lalo na doon sa pagtatransfer na funds, yung pagtatransfer na mga bank accounts here in the Philippines.
02:21Madalas tayong pinaalalahan na huwag magbibigay ng personal na impormasyon o OTP sa sino mang tumatawag.
02:26Pero ang nakababahala sa mga bot scammers na ito, maaaring sa simpleng pagsagot mo lang ng tawag ay nabiktima ka
02:34na.
02:34Gaya halimbawa ng paggamit nila ng boses mo.
02:37Dahil sa sagot mo sa bot, magagaya na ang boses mo gamit ang AI.
02:41Pati mga boses mo sa mga videos na pinupost online, pwede na rin gamitin para magaya ka.
02:47As the technology gets better, it's almost impossible to tell na if you're hearing someone, if that's really their authentic
02:57voice or it's an AI-generated voice.
03:00At pwede na iyang gamitin para maloko naman ang iyong mga kakilala, kaibigan o kaanak.
03:05Kaya iwasang sumagot sa mga hindi kilalang numero o kung hindi maiiwasan, huwag magbigay ng mga personal at sensitibong impormasyon.
03:13At kung duda, magsumbong sa CICC.
03:16Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended