Skip to playerSkip to main content
Ikinatuwa ng mga motorista ang bahagyang pagluwag sa daloy ng trapiko sa ilang lansangan ngayong unang linggo ng implementasyon ng 4-day workweek sa ilang opisina. Pero sa Maynila, nabigla ang mga hindi alam ang anunsyo nang abutan nilang sarado ang ilang tanggapan.
Nakatutok live si Oscar Oida. Oscar?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ikinatuwa ng mga motorista ang bahagyang pagluwag sa daloy ng trapiko sa ilang lansangan
00:05ngayong unang linggo ng implementasyon ng 4-day workweek sa ilang opisina.
00:11Pero sa Maynila, nabigla ang mga hindi alam ang anunsyon ng abutan nilang sarado ang ilang tanggapan.
00:18Nakatutok live si Oscar Oya.
00:21Oscar!
00:25Yes, Vicky, magkakahalo nga ang reaksyon ng ating mga kapuso sa ipinapatupad na 4-day workweek.
00:32May mga nainis, may mga nalito at meron din namang mga natuwa.
00:41Nitong lunes, sinimulan ng Manila City Hall na magpatupad sila ng 4-day workweek
00:47upang makatulong sa pagtitipid ng krudo at kuryente sa gitna ng mga mega oil price hike.
00:54Lunes hanggang Muebes na lang ang pasok ng mga taga-munisipyo
00:58mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
01:01Wala namang pasok kapag biyernes,
01:04liban sa mga essential services and units.
01:07Kaya ang mga hindi alam ang anunsyo ng lokal na pamalaan
01:11na gulat ng datnang sarado ang mga tanggapan.
01:15Masayang naman yung lakad namin, bayad pa kami ng parking.
01:18Eh sana matubos namin.
01:20Hindi namin alam, masabi everyday naman meron kami nga na eh, tubos eh.
01:25Ang ilan niya, kung di daw nag-half day sa trabaho,
01:28eh nagsara pa ng negosyo matapos ng sana ang kinakailangang transaksyon.
01:34Galing po ako ng trabaho, tapos may dala akong requirement.
01:38Sabi daw, balik lang daw po ako after 2 weeks.
01:40Kaya po, dumaan po ako dito pero hindi ko alam na sarado.
01:44May itindahan ako.
01:46So ngayon sinara ko siya para lang ma...
01:48Para for solo parent po sana.
01:50Kasi every year niririnyo po.
01:52Eh, uwi na lang ako.
01:54Yung gano'n na nga lang.
01:55Sayang yung lakad.
01:56Sabi, lunis daw po.
01:59Bukod sa Maynila,
02:00may ilan pang lokal na pamahalaan
02:02na nagpatupad ng 4-day workweek.
02:04Ganon din ang ilang ahensya at tanggapan ng pamahalaan.
02:08Sa Philippine Statistics Authority,
02:11bagaman ipinatutupad rin ang 4-day workweek sa ilang departamento
02:14at ang ilan ay naka-work from homework setup
02:17na nanatiling bukas ang tanggapan nito
02:20para sa Civil Registration,
02:22National ID Services,
02:24at Legal Services.
02:26Ilan pa sa mga ahensya ng gobyerno
02:28na nagpapatupad na ng 4-day work
02:30ang MIAA, MMDA, GSIS, SSS, Supreme Court.
02:37Pero kung may naidulot man daw
02:39ng mabuti ang 4-day workweek,
02:42paniwala ng ilang mga motorista,
02:44ito ay ang bahagyang pagluwag
02:45sa daloy ng trapiko sa ilang lansangan.
02:49Kahit aro ng BMS
02:51sa may kahabaan ng Espanya sa Maynila,
02:55magkabilang lean,
02:56light to moderate na traffic
02:57ang namasdan kanina.
02:59Ganon din sa Maytaft Avenue,
03:01lalo na sa bahaging Quirino Avenue.
03:04Sa Quezon City nga kaninang umaga,
03:06nadama rin ang mga motorista
03:08ang pagluwag ng daloy ng trapiko.
03:11Kitang kita, talaga na umuunti yung daloy ng trapiko.
03:14So tingin mo, okay na ituloy na lang ito?
03:17Sana, hopefully, para mabawasan talaga.
03:20Sobrang traffic talaga dito,
03:21lalo na sa EDSA.
03:22So kung magtutuloy-tuloy ito,
03:24mas maganda.
03:26Kasi po, lalo na po sa 4-day,
03:27kasi tapos siguro yung mga tao po,
03:29natuto na rin po dahil sa pagtaasang gasolina.
03:32Umiwas din po sila sa gasolina.
03:34Sa may Southbound Lane ng EDSA,
03:37mula kamuni hanggang Kubaw,
03:39nakarniway bumper to bumper tuwing umaga.
03:41Kanina,
03:42etuloy-tuloy ang daloy.
03:45Ganon din sa Quezon Boulevard
03:47at Quezon City Memorial Circle.
03:49Iko-kumpara mo ha,
03:51from the previous traffic situation last week,
03:53nung hindi pa nagsisimula yung 4-day work week,
03:56itong Monday na significant din,
03:58napansin natin,
03:59lumawag yung traffic po natin.
04:02Dahil nga,
04:03yung 4-day work week
04:05na pinapatapad ng
04:08all government offices,
04:10so yun ang primary,
04:12lalo na ngayon itong Friday.
04:13Pero kapuna-puna namang
04:15sa ilang lugar,
04:16particular yung mga malapit sa mall,
04:19matindi pa rin
04:20ang build-up ng traffic.
04:26Samantala Vicky,
04:27sa ngayon,
04:28dito sa naroroona natin
04:29sa paligid ng Manila City Hall,
04:31particular dito sa may Antonio Villegas
04:33sa canto ng N.A. Lopez,
04:35ay nanatili pa naman maayos
04:37ang daloy ng trafico,
04:38maluwag pa rin.
04:39Bagamat ayon sa pakipag-usap natin
04:41sa MMDA kanina,
04:42ay wala pa naman datos
04:44na nagsasabi daw
04:45na kumonti nga
04:46ang bilang ng mga sakyan
04:47bumabiyay sa Metro Manila
04:49kasabay nga
04:50ng pinapatuwad na
04:514-day work week
04:53at pagtaas
04:55ng presyo
04:56ng mga bilihing krudo.
04:58Vicky?
04:59Maraming salamat sa iyo,
05:01Oscar Oida.
Comments

Recommended