Skip to playerSkip to main content
Big-time rollback sa presyo ng petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo. Ayon sa Energy Department, posibleng epekto ito ng midterm election results sa Amerika. Pero magtuluy-tuloy naman kaya ang bawas-presyo?




Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:03Big time rollback sa presyo ng petrolyo ang sasalubo sa mga motorista sa susunod na linggo.
00:09Ayon po sa Energy Department, posibleng efekto ito ng midterm election results sa Amerika.
00:14Pero magtuloy-tuloy man.
00:17Ito kaya'y matutuloy itong bawas presyo?
00:19Saksi, si Bernadette Reyes.
00:25Aarangkada na sa susunod na linggo ang good news na hinihintayin ng mga motorista.
00:30Malaki ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
00:33Sa pagtataya ng Department of Energy, Oil Industry Management Bureau,
00:37ahabot sa 14 pesos ang posibleng bawas presyo sa kada litro ng gasolina,
00:425 pesos sa kada litro ng diesel,
00:44at 5 pesos and 20 centavos sa kada litro ng kerosene.
00:47Base pa lang yan sa apat na araw na trading sa world market,
00:51kaya maaari pang mabago ang mga numero.
00:54Pero ngayon pa lang, may mga kumpanya nang nag-anunsyo ng bawas presyo.
00:58Sana, tuloy-tuloy na para makaking maayos na yung kinikita ng mga driver.
01:05Kung kumukonsumo ka ng gasolina ng ilan litro sa isang araw,
01:09ilang pesos din po yung mas-save nyo.
01:11Ibang may lalo na, magpapasun.
01:13Ayon kay DOE OIMB Director Atty. Rino Abad,
01:16posibleng epekto ito ng midterm election results sa Amerika.
01:20Wala namang ibang faktor na sinasabi talaga sa mga market analysis,
01:25kundi yung disappointing results ng midterm election against the Trump administration.
01:31Nakuha kasi ng Democratic Party ang majority ng U.S. Congress
01:35laban sa mga Republican na partido ni U.S. President Donald Trump.
01:39Ang sinasabi kasi sa market report, itong decline down ng price is primarily a repricing event
01:46dahil dun sa expectation of possible end to the U.S.-Iran conflict.
01:51Dahil nga dun sa parang nawalan ng lakas ang authority ni President Trump
01:57to control all sectors, primarily yung Congress.
02:00September 3 pa, huling naging mas mababa sa $100 per barrel ang Dubai crude oil price.
02:06Pero ilang oras matapos ang election sa Amerika,
02:09bumaba ito sa $94.3 per barrel.
02:13Pati halaga ng piso, unti-unting nakakabawi kontra Lulia.
02:16Kumpara sa 64 level na record low noong Oktubre,
02:20lumakas ang halaga ng piso at bumalik sa 63 level.
02:23Kapag bumaba yung presyo ng langis sa world market,
02:27maaari kasing mabawasan yung ginatawag natin import bill.
02:30Bababa yung pangangailangan natin sa dolyar.
02:34So kapag hindi na tayo masyadong nangangailangan ng mas maraming dolyar,
02:38nakakatulong kasi ito para mabawasan yung presyo sa piso.
02:42Pero ayon kay dating Banko Central ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Ginigundo,
02:47maaaring pansamantala ang nangyayari sa merkado.
02:50Yung knee-jerk reaction ng merkado ito.
02:53Unang-una, yung pagbaba ng langis sa Middle East.
02:57Sa akin ay maaaring magandang balita yan,
03:00pero it is still temporary and uncertain.
03:03Hindi pa na so-solve ang pinaka-basic problem sa Middle East.
03:07Kaya maaaring magbago yan yung sinasabi natin
03:11ng pangyayari kay President Trump.
03:14Again, nakadepende yan sa talagang magiging aksyon
03:17ng mga Democrats sa Amerika.
03:20Kinakailangan magiging mabisa silang counterweight upang sa ganon
03:25ay may saayos din ang ekonomiya ng Amerika.
03:28Isa pang hamon ang kinaharap ng mga Pilipino.
03:31Sa pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority,
03:35bahagyang tumas ang unemployment rate sa Pilipinas noong Setiembre,
03:38na umabot sa 5.4% mula sa 5.3% noong Agosto.
03:44Ibig sabihin, gumami ang bilang ng mga Pilipinong edad 15 pataas
03:48na walang trabaho.
03:492.86 million yan noong Setiembre,
03:52kumpara sa 2.77 million noong Agosto.
03:56Ayon sa PSA, pangunahing dahilan nito
03:58ang pagpasok ng mga bagong graduates sa Labor Force.
04:02Marami na rin kabataan ang gumagraduate
04:05at hindi naman agad nagkakaroon ng trabaho
04:08dahil most probably ang kanilang mga natutunan
04:12ay hindi angkop
04:14o wala pang ganong karaming negosyo
04:18na maaaring tumanggap sa kanila.
04:20Gumagawa na rin ang paraan, ang malakanya.
04:22Nandyan po ang panukala ng Pangulo
04:25at isinasagawa ngayon.
04:26Yung tinatawag natin, pag-develop sa workforce.
04:32Nandyan po yung upskilling, reskilling
04:35for digital and AI.
04:38Jobs skills matching.
04:40Ayon sa isang manpower services company,
04:43asahan ang pagdami ng trabaho ngayong magpapasko.
04:46Base raw sa kanilang karanasan,
04:49dalawang pong porsyeto ang ikinataas ng job opportunities
04:51tuwing kapaskuhan,
04:53lalo sa retail at merchandising sector.
04:55Pag-December hiring, meron kami yung kinakandak dyan.
04:59And then, yung mga sampling activity,
05:02yung client na pinapatupad.
05:04So, nag-hired kami ng mga seasonal sampler,
05:07brand ambassador.
05:08So, by December, makikita rin talaga
05:11na medyo nag-increase yung demand.
05:14Ako si Brunaga Treyas,
05:16ang inyong saksi.

Recommended