00:00Peke, ang notaryong inaalok ng isang grupo sa labas mismo ng isang opisina ng gobyerno sa Pasay.
00:08Apat ang arestado sa modus na gumagamit ng pangalan ng isang abogado at isang prosecutor.
00:14Nakatutok si John Consulta exclusive.
00:20Sa surveillance video ng NBI-OTCD, kita ang transaksyon sa isang tolda sa Pasay na nag-aalok ng notaryo
00:28mula sa pagtanggap ng kliyente hanggang sa pag-adala ng dokumento sa hiwalay na bahay para doon inotaryo nang maayabot na ang bayad.
00:41Arestado ang mga tagakuha ng mga magpapanotaryo sa tolda at mga hinihinalang mong ipirma sa kalapit na bahay na ito ng mga suspect.
00:50Sumulat sa atin yung executive judge ng Pasay City.
00:54Nag-request siya na hulihin itong ang mga nag-notaryo na mga peke naman.
01:04Nag-tayo talaga sila ng opisina sa labas ng isang government office.
01:08May ginagamit silang isang abogado na nung biniripika naman namin ay hindi po licensed as walang notaryal commission doon sa Pasay.
01:20At nung nag-testing nga kami ay hindi naman yung abogado mismo ang pumirma.
01:26Natuklasan din ang NBI na may pangtatak din ang grupo sa ilalim ng pangalan ng isang abogado na prosecutor ng DOJ kahit walang pahintulot mula sa kanya.
01:36Sa umpisa, tototanggi ang inabotang suspect sa nabistong modus.
01:41Nag-notary dito, hindi na lang yung tinatanggap.
01:44Pero nang ma-recover ng NBI ang mga pangtatak at iba pang ebedensya, nagbago na ang pahayag.
02:04Kumpiskado rin ang computer at mga gamit sa paggawa ng peking notaryo ng grupo.
02:09Patong-patong na reklamo ang kinakaharap ng apat na inaresto.
02:13Kinasuhan natin sila ng violation ng Article 172 which is falsification of public documents.
02:20Kinasuhan din natin sila ng Article 176 ng Revised Penal Code, yung possession ng mga instruments used in falsification.
02:30Kinasuhan din natin ng usurpation of official functions at saka kinasuhan din natin ng estapa.
02:36Babala ng NBI, may implikasyon kapag nagpanotaryo ng iba't-ibang dokumento sa peking notary public.
02:43Kung nagpanotaryo ka ng deed of sale, yung deed of sale mo ay hindi na siya legal.
02:52Hindi mo siya magagamit ngayon, itong deed of sale mo.
02:56Kung ano ka naman ng mga apidibit, hindi mo siya pwedeng gamitin, lalo na sa mga government offices.
03:01Parang lalabas, instead na ito ay isang public document, magiging private document na lang siya.
03:10Kasi hindi valid yung pag-notaryo ng mga dokumento na ito.
03:15Para sa GMA Integrated News, John Consulta, Nakatutok 24 Horas.