00:00Pinakawala ng isang endangered o nanganganib na maubos na uri ng pagong na natagpuan ng mga mangisda sa Pudtol, Apayaw,
00:08para mapanatiling ligtas ang naturang hayop, Apayaw, LGU,
00:13idinekla ng protected area ang ilog kung saan nakita ang pagong.
00:17Si Jezreel Kate Lapizar ng PTB Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:24We declare this place a sanctuary, a protected refuge where this species can live, feed, breathe, and recover without fear.
00:37Pangako ito ng Lokal na Pamahalaan ng Pudtol sa pagkakadeklara sa bahagi ng Apayaw River sa San Antonio, Pudtol, Apayaw,
00:45bilang protected area sa pamamagitan ng lapat.
00:49Kasabay ito ng ceremonial releasing sa Critically Endangered Cantor's Giant Softshell Turtle
00:55na tagpuan ng mga mangingisda ang naturang pagong na pinangalan ng Malaya o Maraya sa Apayaw River
01:02kusa itong itinurn over sa mga kinauukulan kung saan sinuri at ginamot ang kanyang mga tinamong sugat.
01:09At nang makumpirmang na sa mabuti na itong kalusugan, pinakawalan at naibalik na ito sa ilog.
01:20Mas maganda po na mapakawalan siya kasi syempre mas stressful po sa wildlife na incaptivity.
01:27Yung injury naman po, okay na po iyon. Wala na pong problema.
01:32Pinainspect naman po namin sa veterinary ulit pagdating po dito.
01:36Dahil posibleng marami pa itong kaparehong pagong sa ilog, hiniling nila ang tulong ng Central Office para sa Habitat Assessment
01:43at Population Survey sa lugar
01:45para mapag-alaman kung ilan ang kapareho ni Malaya na nasa Apayaw River.
01:50Ang pagkakatagpo sa naturang pagong ay ikinalugod ng mga taga-Apayaw.
01:55Bilang isang biosphere reserve, ang mismong nakita na yan na turtle is a good indicator ng ating lugar na siya
02:03ay habitable
02:04and in good source pa ng mga living organisms including yung mga flora and fauna.
02:10Ayon pa sa kanila, ang naturang insidente ay paalala sa kahalagahan ng pagpapanatilid sa kalinisan at pangangalaga sa anumang anyong
02:18tubig maging sa kapaligiran.
02:21Pangako naman ng pamahalaang panlalawigan ng Apayaw na makikiisa sila sa munisipyo ng Pudol
02:27sa pangangalaga sa naideklarang protected sanctuary at sa kahabaan ng Apayaw River para sa mga katulad ni Malaya na naninirahan
02:35dito.
02:35For us, provincial government, syempre we have to make sure that we come up with policies to protect that certain
02:47species.
02:47Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments