00:00Kasabay ng patuloy na tensyon sa Middle East, panibagong batch ng repatriated OFWs at kanilang mga pamilya ang ligtas na
00:09nakabalik ng Pilipinas ngayong araw.
00:11Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:15Panibagong batch ng mga repatriated overseas Filipino workers at kanilang mga dependent ang dumating sa Pilipinas ngayong hapon mula sa
00:22Damam, sa gitna ng nananatiling pangamba sa gitnang silangan.
00:26Sa 166 na repatriates na ng Gulf Air Flight GF-154, 16 ay pawang mga dependent.
00:34Lumapag ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang alauna-bente ngayong hapon matapos maantala ng halos dalawang
00:43oras.
00:44The ceasefire had just been announced so we're still in that stage where the Filipinos wanting to come home experienced
00:51the attacks.
00:53So they are still determined to come home. So we're still in that transitional phase and hopefully the ceasefire holds
01:01of course.
01:02Lubos na nagpapasalamat si Neri sa tulong ng pamahalaan kasama ng ginang ang kanyang dalawang anak sa pag-uwi.
01:08They're very quick, they're very quick, they're very quick. When we went to the embassy, they're very organized and very
01:15friendly sila.
01:17Tsaka gusto talaga na niya mag-assist. And then at the same time, nung nagpumunta kami doon, organized.
01:25Si Wowa naman, itinuturing na pahinga mula sa magulong sitwasyon ang pagbalik bansa.
01:29Nako, mamamatay na ako sa nervyo. Sobra ang takot namin lahat. Nung buti nga, noong nagpasabog ng sunod-sunod, nasa
01:39hotel na ako.
01:41Eh ang bahay namin malapit sa refinery, eh yun ang pinapasabog.
01:46Paliwanag ng DMW, kailangang maging flexible ang pamahalaan sa paggamit ng chartered at commercial flights
01:52dahil mas mabilis makapagpapauwi ng mas maraming OFW ang chartered flights
01:57habang nagagamit din ang commercial flights kapag may available na upuan.
02:01Inaasahan naman na makakapag-uwi pa ng halos 3,000 mga OFW ang DMW sa mga susunod na linggo.
02:08Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments