00:00Aasahan ngayong Abril sa Baguio City ang panibagong taas singil sa kuryente,
00:05bunsun na nagpapatuloy na kaguluhan sa gitnang silangan.
00:08Pagtitiyak ng Beneko, patuloy silang gagawa ng mga hakbang
00:12upang mabawasan at mapababa ang bayarin ng mga consumer.
00:16Si Jezreel Kate Lapizar ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:24Inanunsyo ng Bingget Electric Cooperative o Beneko
00:27ang posibleng panibagong pagtaas sa singil ng kuryente sa mga consumer sa Baguio City
00:33at lalawigan ng Bingget kasunod ng patuloy na pagmahal ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
00:39Ayon sa Beneko, ang pagtaas ng singil ay direktang epekto ng tumitingding krisis sa Middle East
00:45kung saan nagpapatuloy ang mga kaguluhan na nakaapekto sa supply at presyo ng krudo.
00:50Dahil dito, tumaas ang generation system charge at transmission system charge
00:56na ilan lamang sa mga bahagi ng electric bill.
00:59Ilan sa mga consumer ang nangangamba rito,
01:02ngunit Anil ay wala silang magagawa kundi ang tanggapin ito
01:05at maghigpit ng sinturon upang makasabay sa tumataas na gastusin.
01:10Wala, wala tayong magagawa talaga e.
01:23Ipinaliwanag ng kooperatiba na karamihan sa supply ng kuryente
01:26ay nakadepende sa mga planta na gumagamit ng fossil fuel na imported galing sa ibang bansa.
01:32Kaya't anumang paggalaw sa presyo ng langis,
01:35sa pandaigdigang merkado ay agad na nararamdaman sa singil ng kuryente.
01:39Generation system charge might increase by about 4 pesos by April.
01:46At hopefully, hindi worst case scenario na magpapatuloy pa rin yung sasusunod na mga buwan.
01:54Based on the initial computations na yung rates might,
02:00sabihin na natin, could jump from yung current na 8 pesos per kilowatt hour natin
02:06ay aakyat na ng 12 pesos per kilowatt hour by April.
02:12Dagdag pa ng Bineko na kung hindi tumigil ang pagtaas ng presyo ng langis,
02:16ay maaari pang umabot ng 16 pesos per kilowatt hour
02:20ang magiging singil sa kuryente batay sa kanilang projections.
02:24Bagamat limitado ang kanilang control sa generation system charge
02:28at transmission system charge, patuloy silang nagahanap ng paraan
02:32upang mapababa ang iba pang bayarin at mabawasan ang epekto sa mga consumer.
02:37I hope maintindihan po ng ating mga consumers na this is beyond Bineko already.
02:44Kasi this is a global na problema yung mga pangyayari, yung epekto ng Middle East War.
02:51Samantala, nananawagan ang kooperatiba sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente,
02:57lalo na sa gitna ng inaasahang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa mga susunod na buwan.
03:04Jezriel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments