00:00Pinahanda na ng kinaukulang ahensya ng gobyerno sa Baguio City ang mga hakbang para sa posibleng epekto ng El Niño.
00:07Samantala, patuloy ang paalala ng Health Services Office para makaiwas sa heat-related illnesses.
00:14Yan ang ulat ni Jess Real Kate Labisar ng PTV Cordillera.
00:21Pinaghahandaan na ng Baguio City LGU ang El Niño na posibleng magsimula sa buwan ng Hulyo.
00:27Ayon sa Baguio City Disaster Risk Reduction and Management Office, kasado na ang updated El Niño action plan ng Departamento.
00:36Kabilang sa paghahanda ang pag-monitor sa mga water supply ng lungsod,
00:41pakikipag-ugnayan sa iba't ibang mga kinauukulang ahensya at pagpapalakas sa kanilang information campaign upang maihanda ang publiko.
00:51We will empower ang ating mga barangay, specifically ang ating mga communities, kasi sila naman, hindi lang naman sa ngayong
00:57crisis,
00:58sa lahat ng mga endeavors, sa lahat ng mga response, sa community talaga man gagaling. Sila ang pinaka-first responders
01:04natin.
01:05Magsasagawa rin ng El Niño Action Plan Summit sa lungsod para sa mga kinakailangang hakbang upang makapaghanda sa anumang epekto
01:13ng El Niño
01:14at para maipaalala ang pagtitipid sa tubig at ibang resources.
01:19Humingi po kami ng tulong sa inyo and cooperation na malalagpasan natin ang crisis na ito kung tayo ay magtulong
01:28-tulong.
01:29Pinapaigting na rin ng Baguio City Health Services Office ang kanilang mga health advisories,
01:34lalo na ang pag-iwas sa heat-related illnesses, gaya ng heat exhaustion, heat stroke, sore eyes, conjunctivitis,
01:43maging ang mga skin diseases gaya ng rashes, tigdas at chicken pox na karaniwang inaapektuhan ang mga bata.
01:51Ipinapaalala ang kahalagahan ng pag-inom ng maraming tubig araw-araw, lalo na ngayong tag-init.
01:57Patuloy namang hinihikayat ng CHSO at CDRRMO ang pakikiisa ng mga residente sa Water Conservation Measures
02:05para makapaghanda para sa Super El Niño.
02:09Jezriel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments