00:00Para matulungan ng bawat pamilya sa Baguio City, nagsagawa ng Registration and Assessment for Eligibility para sa agarang distribusyon ng
00:07bigas sa lungsod.
00:08May report si Jezrel Kate Lapizar ng PCV Cordillera.
00:15Isinasagawa ang Registration and Assessment for Eligibility ng mga residente sa iba't ibang barangay sa lungsod ng Baguio
00:22para sa Rice Distribution Project ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office.
00:30Malaking tulong ang programa para kay Aling Dominga, kaya maaga itong pumila at nagparehistro.
00:37Pangdagdag sa pagkain sa araw-araw, lalo wala akong trabaho.
00:43Aabot sa 56 million pesos ang pondo ng programa na kaloob ng pambansang pamahalaan mula sa Local Government Support Fund
00:52Financial Assistance.
00:53Layon ng Rice Distribution Project na magkaloob ng agarang food relief sa mga indigent at vulnerable families sa lungsod
01:01sa kabila ng nagpapatuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
01:05Ang mga mabibigyan ay ang mga underprivileged sector or yung sana sa laylayan like yung mga low-income earners,
01:16mga indigent, like PWDs, senior citizens, solo parents, and of course we will include the minimum wage earners
01:26na ngayon ay affected masyado.
01:28Tsaka katulong yan, especially sa mga vulnerable sectors since affected yung income nila.
01:34At least yung food security nila, at least masave yung pambili nila sa other basic needs.
Comments