Skip to playerSkip to main content
Sa Part 2 ng panayam ng GMA Integrated News sa Pilipinong nag-espiya para sa China, ikinuwento niyang bukod sa mga misyon sa West Philippine Sea, hiningan siya ng impormasyon tungkol sa Balikatan Exercises ng Pilipinas at Amerika.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa part 2 ng panayam natin sa Pilipinong nag-espia para sa China,
00:05ikinwento niyang bukod sa mga misyon sa West Philippine Sea,
00:08ay hiningan siya ng impormasyon tungkol sa balikatang exercises ng Pilipinas at Amerika.
00:14Ang pagpapanggap ng kanyang kausap, kaya siya nagtiwala sa pagtutok ni Chino Gaston.
00:23Sa kauna-unahang TV interview ni alias Danny, isa sa tatlong Pinoy na nabukong nang-espia para sa China,
00:30sinabi niya noong una, ang pagkakaalam niya, isang journalist sa Amerika ang kausap niyang kumihingi sa kanyang ng impormasyon.
00:37Kasi sir, ang ano nila is media sila sir. So iniisip ko noon, siyempre as a media, mas gugustuin mo
00:44mas nauuna sa balita.
00:45Ikinwento niya sa amin ang mga classified information na hinahanap ng kanyang handler na kinilalang si alias Peter,
00:52isang Koreyano umanong nakabasi sa Amerika.
00:55Hindi lang daw impormasyon tungkol sa mga rotation and resupply mission o rore
00:58ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.
01:02Humingi din ito ng impormasyon tungkol sa balikatang exercises,
01:06ang taonang pagsasanay na ginagawa kasama ang mga sundalong Amerikano.
01:10Interesada sir sa balikatang. Balikatang kayo sir, ando yung mga posisyon.
01:16Sobrang delikada na yun. Pero hindi ko sir, ibinigay.
01:20Hindi ko mga joint sale.
01:22Kasi doon sa balikatang sir, nung nakita ko yung document,
01:25ando yung lahat ng posisyon, yung mga koordinates.
01:30Delikada na yun sir para sa akin na ibigay pa.
01:33Isa sa venue ng balikatang exercises, ang karagatan ng Pilipinas kasama ang West Philippine Sea.
01:39May pagkakataon ring nakakasama ang tropa na mga kaalyadong bansa gaya ng Australia at Japan.
01:46Isa sa layunin ay patibayin ang kakayahan na magsanib puwersa para madipensahan ang teritoryo at protektahan ang karagatan ng Pilipinas.
01:55Nahuli si Danny noong June 2025.
01:58Ito ang tatlong cases na ito, took thousands of man-hours. Maraming trabaho ito. Aabangan mo yung tao, etc.
02:05Sabi ni Danny, nag-alok pa daw anya noon ang kanyang handler na ipasusundo siya nang matiktika na ng gobyerno
02:12ang kanilang spy operation.
02:13Tatakot pa rin naman ako sir. Kasi yun niya, di ko alam kung anong pwedeng gawin nila. Kasi siyempre yung
02:23pagsabi niya sa akin nang ipapadalang tao, alam ko na sir na malaki yung organization nila.
02:30Mula noon, pinili na ni Danny na manatili sa kustudiya ng AFP sa isang secure military facility.
02:36Kilala na ng AFP ang handler na si alias Peter. Bilang isang Chinese na pumasok sa Pilipinas noong December 2024.
02:43Sa isang counterintelligence operation noong 2025, sinubukan pang himukin si Peter na bumalik ng bansa.
02:50Tinatry ko sana sir, pabalikin siya dito. Noong time mayroon na hawak na ako nila sir ng AFP.
02:59Kaso sinubayan niya ako na delikado daw para sa akin, nampipag-meet ulit ako sa kanya.
03:04Siguro sir, aram niya na rin na gano'n na. Pero nagbukot sa pangangin siya.
03:09Babala ng AFP maging mapanuri kung may mga alok ng trabahong mag-research para sa nagpapakilalang mamamahayag o researcher mula
03:18sa ibang bansa.
03:19Kabilang sa mga palatandaan, ang bayad sa impormasyong madali namang mahanap sa internet,
03:24labis na kabaitan ng foreigner at kahanda magbigay ng dagdagbayad at ang paggamit na mga hindi karaniwang program o application
03:33para't yaking sikreto ang pinapadalang impormasyon.
03:36Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
Comments

Recommended