Skip to playerSkip to main content
Kahit tinangkang tabuyin, nakipagtapatan sa mga barko ng China ang mga barko ng Pilipinas. 'Yan ay sa gitna ng paghahatid nila ng ayuda sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kahit tinangkang tabuyin, nakipagtapatan sa mga barko ng China, mga barko ng Pilipinas.
00:07Yan sa gitna ng paghahatid nila ng ayuda sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.
00:14Nakatutog si Chino Gaston.
00:19Mistulang David and Goliath ang tapatan na mga barko malapit sa Bajo de Masinloc
00:24sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas kaninang umaga.
00:27Mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Philippine Coast Guard
00:32laban sa mas marami at mas malalaking patrol vessels ng China Coast Guard at People's Liberation Army Navy.
00:39Nasaksihan ng mga taga-medya ang mga pangyayari habang sakay ng Cessna Caravan aircraft ng BIFAR
00:44sa regular na maritime domain awareness flight sa lugar.
00:48Ilang beses ding nag-radio challenge ang isang Chinese warship na sinagot naman ng BIFAR aircraft.
00:57Salita ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
01:03na nagsasagawa ng maritime domain awareness flight sa may Bajo de Masinloc
01:08at sa pagkakataong ito kasabay tayo ng BIFAR.
01:11At dito natin nakita malapit sa Bajo de Masinloc ang ginagawang pagtatapoy ng China Coast Guard
01:17at paging ang kanila mga warship sa mga barko naman ng Philippine Coast Guard at BIFAR.
01:21Nagpunta roon ang apat na barko ng BIFAR at ang BRP Cape San Agustin ng PCG
01:28para sa regular na kadiwa para sa bagong bayaning manging isda program
01:32na naghahatid ng tulong sa mga manging isdang Pilipino.
01:35We were able to monitor two destroyer class PLA Navy and the other one,
01:43ito pa rin yung replenishment vessel na nakita natin for so many weeks already
01:49and there are also six China Coast Guard vessels.
01:52It has always been a David and Goliath battle.
01:56Despite of our size, despite of our limited number of assets,
02:00patuloy natin idinideploy ito at patuloy natin tinitindigan ng West Philippine Sea.
02:04Inikot din ang BIFAR aircraft ang buong bahura kung saan nakita muli
02:08ang mga kulay dilaw na boya sa labas at loob ng Bajo de Masinloc na nilagay ng China.
02:14Hanggang bukas mananatili ang mga barko ng BIFAR malapit sa Bajo de Masinloc
02:18para magbigay ng krudo, yelo, pagkain at iba pang supply sa mga manging isdang Pilipino.
02:25Samantala, sa nagtapos ng 9th Bilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas at Amerika,
02:31nagsagawa ng surveillance operations ang BRP Jose Rizal
02:35kasama ang USS Rafael Peralta ng Amerika.
02:40Kasama naman ang FA-50 jets ng Philippine Air Force sa Maritime Patrol
02:44ang P-8A Poseidon ng US Navy.
02:48Para sa GMA Integrated News,
02:50Sino gasto na katutok 24 oras?
Be the first to comment
Add your comment

Recommended