Skip to playerSkip to main content
Namataan ang dalawang barko ng China sa gitna ng sea exercises ng mga barko ng Pilipinas at India. Na-monitor din ang isang research vessel na pumasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas malapit sa Taiwan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Namataan ang dalawang barko ng China sa gitna ng sea exercises na mga barko ng Pilipinas at India.
00:06Na-monitor din ang isang research vessel na pumasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas malapit po sa Taiwan.
00:14Nakatutok si Chino Gaston.
00:18Ilang araw minonitor ng Philippine Coast Guard ang isang Chinese research vessel sa bandang Santaan na Cagayan.
00:25June 7 pa kasi ito pumasok sa Exclusive Economic Zone.
00:27Bagaman lumabas na ito kahapon na alarma ang Philippine Coast Guard dahil nagdag lang ito sa mga research ship ng China na pumasok sa EEZ.
00:37Ayon sa Coast Guard, hindi simpleng pagdaan lang ang ginagawa ng mga ito.
00:41Malayo sa West Philippine Sea at nasa kabila ng bansa, ang nasabing barko bagaman malapit sa Taiwan na inaangkin din ang China.
00:48Quite interesting is yung irregular speed niya. Sometimes it will increase speed and then eventually bumabagal.
00:56It's a bit suspicious kung bakit it took long for the Chinese research vessel na more than 48 hours niya bago tawin na ina.
01:04Nagpalipad ang PCG ng aeroplano at sinalin siyang naturang research vessel pero hindi ito sumagot.
01:09Sa ilalim ng doktrina ng Freedom of Navigation, pinahihintulutan ang pagdaan ng mga dayuhan barko sa EEZ ng isang bansa pero bawal ito magpatrolya, mangisda o magsagawa ng research o scientific studies.
01:22Kabilang sa posibilidad, ayon sa PCG, ang pagbagsak ng underwater drones.
01:27That is a possibility. Pwede niyang ibinagsak ito nung dumaan siya and then eventually nung bumalik, ay niretrieve niya naman yung mga drones na binagsak niya.
01:37Sinusubukan pa namin kuhanan ng pahayag ang Chinese Embassy tungkol sa mga hinalang ito.
01:42Samantala, dalawang Chiang Kai-class frigate ng Chinese Navy ang nadetect ng Philippine Air Force Patrol aircraft sa dulo ng EEZ ng Pilipinas kung saan nagtagpo ang mga barko ng Pilipinas at India kahapon.
01:53Ilang beses nag-radio challenge ang BRP Jose Rizal pero hindi a nila sumagot ang mga Chinese.
01:59Nagpalipad din ang Indian Navy ng helicopter para magsagawa ng aerial survey sa karagatan sa palibot na mga barko ng India at Pilipinas.
02:07Throughout that two days, sir, they were along with us but they are relatively far from us and we have been monitoring them.
02:15Tayo yung nagmamonitor sa kanila, sir, actually, sir. Not the other way around na tayo yung sinasyado nila.
02:20We are inside the exclusive economic zone of the Philippines.
02:24Hanggang kanina ay patuloy na nagmasid ang Chinese warships habang nagsasagawa ng replenishment at sea exercises ang mga barko ng India at Pilipinas.
02:33Dito, sinanay ang palitan ng supply ng mga crew ng dalawang barko gamit ang isang lubid habang naglalayag.
02:39Ang malapitang pagdikit ng INS Shakti ng Indian Navy at ng BRP Jose Rizal ng Philippine Navy ay bahagi lamang ng pagsasanay tungo sa panahon pwede nang mag-refuel ang mga barko ng Philippine Navy mula sa mga kalyadong bansa kahit nasa gitna pa ng karagatan.
02:56Kagaya ng Pilipinas, may territorial dispute din ang India sa China bagaman sa kanilang border area sa kalupaan.
03:03Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok? 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended