00:00Ikinasaan na ang gobyerno ng Pilipinas ang kauna-unahang chartered flight
00:05para sunduin ang mga OFW sa Middle East na gusto nang umuwi sa bansa.
00:10Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:15Sa gitna ng patuloy na gyera sa gitna ng Silangan,
00:19nakakasana ang pinakaunang chartered flight ng gobyerno para maiuwi sa Pilipinas
00:23ang mga Pilipinong nais nang bumalik sa bansa.
00:26Sa video ito, makikita na nagtitipo na ang mga Pilipino patungo sa airport para sa chartered flight.
00:33We have 480 passengers and 274 of them are OFWs and around, well, the balance, the rest are stranded Filipinos.
00:47At marami doon sa stranded Filipinos na hindi OFWs are seniors and children.
00:51Merong galing sa Kuwait, may galing sa UAE, may galing sa Bahrain.
00:55So itatawid pa yun. Pag iyon ay tinawid mo, napakarami pong susuungin na mga challenges yan.
01:02Yung exit permit na lang, tsaka yung entry permit ay napaka-importante.
01:07At dahil po maramadan ngayon, alam nyo naman pag ramadan walang pasok, so marami po talagang mga difficulties.
01:13Ayon pa sa DMW, nasa 1,000 Pinoy na ang nagpasabing gustong bumalik sa Pilipinas.
01:19Kaya maaasahan daw na masusundan pa ang ganitong chartered flight.
01:23Bukod pa sa pagtulong ng gobyerno na maisakay ang mga Pinoy sa commercial flight.
01:28Mula nung nagsimula yung gulo, lahat ng taong nag-call in.
01:32Yung mga nagsabi na kung may repack, I volunteer or I want to be included.
01:37So the flight, it's not, I think it's called a non-ticketed flight.
01:41So manifest lang, tapos binayaran ng government yung charter, the entire service.
01:48The charter service includes the plane and even the bus.
01:54Binabantayan din ang DMW ang mga seaman na nakadestino ngayon sa tinatawag na war-like areas sa gitna silangan.
02:03Kasama na rito ang mga seaman na sakay ng dalawang barko na tinamaan ng projectile malapit sa Strait of Hormuz
02:10na ayon sa DMW ay nadala na sa ligtas na lugar.
02:14Yung 21 at yung 17 ay nakababa ng matiwasay at secured and safe at sila po ngayon ay nasa port
02:23at takasalukuyan po silang hinohotel para for their eventual repatriation to the Philippines.
02:30Nakapag-contact na rin po sila sa kanikanilang pamilya at yung agency rin nila ay nakapagbigay na ng report
02:36at sila naman po ay inaalagaan.
02:38Sa isang press conference naman, sinabi ng Department of Foreign Affairs
02:42na nagkaroon ng Special Foreign Ministers Meeting ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
02:48Doon nanawagan sila para sa diplomasya at kapayapaan sa Middle East.
02:53Nagkaisa rin ang mga foreign ministers ng ASEAN na pagganahin ang mga mekanismo
02:58para mabawasan ang inaasang matinding epekto ng gyera sa supply ng langis.
03:04Magtutulungan din daw ang Pilipinas at mga kalapit bansa nito sa ASEAN para matulungan ang mga nationals ng isa't isa.
03:11Gaya halimbawa ng Singapore na nag-alok na magsakay ng mga Pilipino sa military plane nito palabas ng Saudi Arabia.
03:19They did not only offer that to the Philippines but they offered it to other ASEAN member states.
03:24And this is how it's being done in ASEAN.
03:27In the same situation, whenever we have the availability of seats in many of our attempts or missions
03:34to take care of our Filipinos abroad, we also offer it.
03:38And if there are seats available, we also offer this to our fellow ASEAN member states.
03:43Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Comments