Skip to playerSkip to main content
Sa unang pagkakataon, umabot sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan ang sama-samang pagpapatrolya ng Pilipinas, Japan at Amerika sa West Philippine Sea.


Bumuntot naman ang isang barko ng China hanggang Batanes.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa unang pagkakataon ay umabot sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan
00:04ang sama-samang pagpapatrolyah ng Pilipinas, Japan at Amerika sa West Philippine Sea.
00:11Bumuntot naman ang isang barko ng China hanggang batanes.
00:15Nakatutok si Bea Pinlak.
00:20Mulahing papawid
00:26hanggang sa karagatan.
00:27Sanib pwersa sa pagpatrolyah at pagsasanay sa West Philippine Sea
00:31ang Pilipinas, Japan at Amerika
00:34para sa ikalabinlimang Multilateral Maritime Cooperative Activity o MMCA.
00:40Mas malawak ang sakop ng Multilateral Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea ngayon.
00:46Ito ang kauna-unahang beses na umabot sa hilagang bahagi ng batanes ang MMCA.
00:52Malapit po yan sa Bashi Channel.
00:54Ang Bashi Channel ang katubigang nasa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.
00:59Ayon sa Commanding Officer ng BRP Antonio Luna ng Philippine Navy,
01:03hindi dapat tignan na provocation o pang-uudyok ang isinagawang MMCA.
01:08Ang significance itong exercise na ito is naipakita natin kung gaano kalayo yung operational reach natin pagdating sa West Philippine
01:18Sea area.
01:19Hindi naman provocation yun kasi scheduled exercise ito at saka nasa loob naman tayo ng EEC ng Pilipinas at hindi
01:29naman maritime domain ng ibang bansa.
01:32So hindi ito provocation.
01:35Hinasa sa MMCA ang ibat-ibang kakayahan ng Armed Forces ng tatlong bansa,
01:41gaya ng sabay-sabay na paglipad ng mga aircraft malapit sa boundary ng Pilipinas at Taiwan
01:47at ang kalkuladong paglapag ng AW159 ng Philippine Navy sa umaandar na barko.
01:58Sinanay rin ang Pilipinas at Amerika ang paglipat o pag-resupply ng mga gamit sa barko
02:04at pagsagawa ng tactical maneuvers sa gitna ng paglalayag kung saan nakasama ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard.
02:12Mula una hanggang huling araw ng pagsasanay nila sa West Philippine Sea,
02:18kapansin-pansin sa di kalayuan ang barko ng People's Liberation Army Navy ng China.
02:24Hindi naman nila tayo binigyan ng radio challenge pero ganoon pa man,
02:31yung presence sila is illegal pa rin kasi nasa loob sila ng EEC ng Philippines
02:38at sumunod sila hanggang Batanes.
02:41Yung dito sa Batanes hindi naman siya normal.
02:44Pag ganyan na exercise at sumunod sila, isa para sa akin hindi niya normal.
02:49Sinusubukan pa namin kuhanan ng pahayagang Chinese Embassy tungkol dito
02:54pero dati nang umalma ang China sa ganitong uri ng aktibidad sa West Philippine Sea.
02:59Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak, Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended