Skip to playerSkip to main content
Hinabol at ilang beses na sinubukang harangin ng barko ng China ang barko ng Philippine Coast Guard sa bahagi ng West Philippine Sea. Sa gitna ‘yan ng mismong paghatid ng ayuda sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hinabol at ilang beses na sinubukang harangin ang barko ng China,
00:05ang barko ng Philippine Coast Guard sa bahagi ng West Philippine Sea.
00:10Sa gitna yan ang mismong maghatid ng ayuda sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.
00:17Nakatutok si AJ Gomez.
00:22Tatlong barko ng China Coast Guard ang agad namataan ng Philippine Coast Guard nitong Biyernes
00:27nang dumating kami rito sa Abad Santos Shoal, 30 nautical miles ang layo sa Sabina Shoal.
00:33Dituloy natupad ang planong salubungin ng PCG ang 20 Filipino fishing boats
00:37na hahatiran sana ng tulong sa Abad Santos Shoal.
00:40Sa halip, dumiretsyo na papuntang Sabina Shoal ang ilang mangingisdang Pinoy
00:44at doon na sinunda ng Coast Guard mag-aalas 2 ng hapon.
00:48Pero nagkat ang barko ng China sa daraanan ng barko ng Philippine Coast Guard
00:52at dumikit ng hanggang 300 yarda na lang.
00:55Tatlong beses ding nag-radio challenge ang China Coast Guard.
01:17Itinuloy ng Coast Guard ang misyon.
01:19Pero muling namataan ang barko ng China Coast Guard mag-aalas 5 ng hapon.
01:23Hinabol nito ang barko ng Philippine Coast Guard sa kanang bahagi nito.
01:27Hanggang sa ikat nito ang Philippine Coast Guard na napilitang huminto.
01:31You do not possess any legal authority to patrol within the Philippines Exclusive Economic Zone.
01:37You are directed to depart immediately and notify us of your intentions.
01:41Pasado alas 5 ng madaling araw ngayong Biyernes, December 12,
01:44na makarating itong vessel ng Philippine Coast Guard na aming sinasakyan dito sa Abad Santos Shoal,
01:49agad namataan ang PCG, ang tatlong vessel ng China Coast Guard.
01:53Sa mga punto pong ito ay pinalilibutan o pinaliligiran na po ng CCG,
01:58itong vessel ng PCG, gayon din ang vessel ng mga Pilipinong mangingisda.
02:05Sabado, pagsikat ng araw, ay nadagdagan pa ang barko ng China.
02:09Bukod sa apat na barko ng China Coast Guard, ay meron ding isang Chinese militia vessel.
02:13Pagpasado alas 7 po ng umaga, nang makita na po namin itong mga FFBs o Filipino Fishing Boats.
02:20Dito po yan sa Abad Santos Shoal.
02:22Dalawang po po yan, nabibigyan po ng supplies ng PCG.
02:27Habang abala sa pag-aabot ng tulong ang Philippine Coast Guard,
02:32dalawang Chinese aircraft ang nagpaikot-ikot sa himpapawid.
02:35Pagsapit ng hapon, nilaunch naman ang Philippine Coast Guard ang Islander 251
02:41para sa Maritime Domain Awareness Flight nito sa vicinity ng Abad Santos Shoal.
02:47Mag-aalas 7 po ng umaga ngayong linggo, December 14,
02:50sa pag-under po na sinasakyan namin PCG vessel.
02:53Dito po sa vicinity ng Abad Santos Shoal,
02:56ay nakalalapit po itong China Coast Guard vessel na 23520
03:00pero nang aabot po sa tinatayang 200 meters.
03:03Kung aatras po itong PCG vessel, ay aatras din po itong CCG vessel.
03:07Talaga pong malapitang minomonitor ng CCG.
03:10Ito pong PCG.
03:12Binabantayan ng PCG ang mga manging isda
03:14na di makaalis sa Abad Santos Shoal dahil sa manalakas na alon.
03:19Ayon sa PCG, kailanman ay di patitinag ang Pilipinas
03:23sa anumang pangaharas ng China, lalo na sa mga Pilipinong manging isda.
03:27Siniguro ng PCG, nakatuwang ang iba pang ahensya ng gobernador,
03:30na ipagpapatuloy ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
03:35Ang ating pong Philippine Coast Guard, despite of our limited assets,
03:38we're going to strategically deploy our vessels in those areas
03:42na alam natin pinupuntahan ng ating mga maing isda ng Pilipino.
03:46And despite of the bad weather condition, the harassment,
03:50the bullying na ginagawa ng China Coast Guard
03:52sa ating mga mas maliliit na Coast Guard vessel,
03:55it will not prevent us in ensuring the safety and security of our Filipino fishermen.
04:00Mula rito sa West Philippine Sea at para sa GMA Integrated News,
04:05EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended