00:00Kinoopiska ang nasa dalawang tonelada na mishandled frozen meat at kilo-kilo ng karne na manok na hindi dumaan sa
00:06inspection sa isang palengke sa Pasay.
00:08Babala ng mga otoridad, hindi ligtas kainin ang mga ganito dahil posibleng kontaminado.
00:13May unang balita si Jomer Apresto.
00:18Tune-tonelada ang mishandled na frozen meat ang nakumpiska ng mga tauha ng National Meat Inspection Service at PNPC IDG
00:25sa isang palengke sa Pasay City kaninang madaling araw.
00:28Nagsagawa sila ng routine inspection particular sa mga frozen na karne matapos makatanggap ng reklamo mula sa ilang concerned citizen
00:36na may mga stall owner o mano na hindi tamang pagtitinda at pag-ahandle sa karne.
00:40Tumamban sa mga otoridad ang ilang frozen na karne na nagtutubig na at hindi nakalagay sa tamang lalagyan.
00:46Makikita nyo po dito sa loob po ng palengke na karamihan po ng ating mga frozen meat ay nakadisplay po
00:53under ambient temperature.
00:55Yan po ay pinagbabawal doon po sa ating administrative order number 6 series of 2012.
01:03Ang stall owner na ito nasita ng NMIS dahil pinaghalo-umano sa lalagyan ang frozen at mga fresh na karne.
01:13Ayon sa NMIS, dapat ay nasa chiller o ice bed ang mga ganitong karne at nasa tamang freezing temperature katulad
01:19ang mga nasa supermarket.
01:21Sa ganitong paraan kasi, may iwasan ang kontaminasyon na posibleng magdulot ng sakit sa isang tao na kakain ito.
01:27Ayon naman sa isa sa mga nagtitinda, mahigit tatlong taon na siyang nagtitinda ng frozen na karne at wala pa
01:32raw siyang nakukuhang reklamo mula sa kanyang mga customer.
01:36Sapat lang din daw ang mga kinukuha niyang frozen na karne para mapaubos kada araw.
01:40Handa rin naman daw siyang sumunod sa itinakda ng NMIS pero problema niya ang chiller.
01:45Wala nga kami mapaglagyan ng chiller eh kasi masikip din yung pwesto namin.
01:50Sabi ng NMIS, bukod sa dalawang tonelada ng frozen meat, mayroon ding halos 300 hot meat na chicken ang kanilang
01:56nakumpiska.
01:57Ito yung mga karne ng manok na hindi dumaan sa inspeksyon ng NMIS kaya hindi raw masisigurong kaligtasan ng mga
02:03tao na kakain ito.
02:05Pusibleng magmulta at makulong ang mga stall owners na mapatutunayang may paglabag.
02:09Kung administrative ang kanilang case, administrative charge, mayroon po sila for the first offense 200,000 po ang penalty.
02:20Ngayon kung bakasuan naman po siya ng criminal, criminal liability, mayroon po kasamang pagkakulong yan na not less than 6
02:29months and 1 day.
02:31Ayon sa Pasay City Veterinary Office, nakatakda sila makipagpulong sa mga stall owners dito sa nasabing pamilihan
02:37para masolusyonan na ang problema sa mga chiller at magkaroon ng maayos na sistema kung paano ihahandle ang mga frozen
02:44na karne.
02:45At yan ang unang balita ko po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
03:01Sampai jumpa!
Comments