00:00Assistance at deployment naman ng NCRPO sa kasalukuyang transport strike dito sa Metro Manila.
00:04Ating pag-uusapan kasama si Police Major Hazel Asilo,
00:08ang tagapagsalita ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
00:12Major Asilo, magandang tanghali po. Welcome po dito sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:17Yes po, magandang tanghali po, sir.
00:22At na-deploy ang halos 10,000 NCRPO personnel para tiyakin ang kaligtasan sa transport strike ngayong araw.
00:31Mayroon po tayong malinaw na deployment plan, yung ating po kung nasa 10,000 or 9,979 na mga kapulisan,
00:39ay dineploy po natin sa ibang-ibang post gaya ng fixed visibility, yung ating mobile motorcycle at foot patrol,
00:46ganun din po sa traffic assistance, sa ating checkpoints, CDM, meron tayong reserve force,
00:51ganun din po yung drone operators para ma-check po natin yung mga areas na kinakaidangan natin bigyan ng police
00:56assistance.
00:57Ito po ay para masiguro na mayroon tayong mga personnel sa bawat bahagi ng National Capital Region.
01:02Meron po tayong Central Operations Center na nagpong-monitor at nagbibigay ng real-time instructions.
01:08Ang backup unit po ay may field commander at malinaw po ang ating chain of command.
01:12May mga nakastandby din po tayong CDM at augmentation units para mabilis pong madagdagan ang pwersa kung kinakailangan.
01:19Okay. Medyo saan-saan po nakadeploy itong ating pwersa at ano po yung mga priority na ruta natin o lugar
01:26na binabantayan ninyo sa ngayon dito sa NCR?
01:29Kasi I believe sa Laguna po meron din pong naging abiso ng transport strike para mag-suspin din ang klase
01:35yung dalawigan ng Laguna.
01:37Pero dito po sa NCR, ano po yung mga lugar na prioridad natin bantayan?
01:42Dito po sa atin sa Metro Manila, nakadeploy po ating kapulisan sa ilang critical points dahil po ng Bonifacio Monument.
01:49As a shrine, meron po tayo sa Petron Mandaluyong, sa DOTR San Juan, meron tayo sa Menjola, sa U.S.
01:56Embassy.
01:57Ganon din sa Pandacan Oil Depot, sa JP Laurel Nagtahan, sa Liwasang Bonifacio, itong ating Paco Rotonda Terminal,
02:06Kartilya ng Katipunan at Natividad Lopez dito sa may bandang ermita.
02:10So may mga areas po tayong priority gaya ng EDSA, C5, Rojas Boulevard, Taft Avenue, Espanya, Commonwealth at Quezon Avenue.
02:19Pati na rin po yung ating mga MRT at LRT stations at mga major terminals kung saan doon po tayo
02:24nakatoon
02:25ang pinakamalaking bilang po ng ating foot patrols para mapanitili po natin ang dalawigan ng tao, ganon din po ng
02:31mga sasakyan.
02:32Okay. Major, nahintindihan natin, nakarapatin ito ng mga grupo na ipahayag yung kanilang saloobin,
02:38pero ano po ba yung mga senaryo na iniiwasan natin kaya natin binabantayan itong kanilang aktividad?
02:46So iniiwasan po natin kasi na magkaroon po ng issue or magkaroon ng gulo yung ating mga nagrarally,
02:52yung ating mga nagpoprotesta at yung ating mga kababayan lalo po yung mga commuters na naaapekto.
02:58Dahil alam naman po natin na kapag hindi agad nakasakay or malilate na itong ating mga commuters na ito,
03:04umiinit po ang ulo kagaya ng mga sasakyan natin na magkukos, nagkukos, halimbawa po sila ng traffic.
03:10So yan po yung iniiwasan natin yung magkaroon ng escalation or magkaroon ng gulo sa magkabilang panig.
03:15Yung ating mga commuters, yung ating mga nagmamaneo ng sasakyan,
03:19ganon din po itong ating mga nagkakandak ng kanilang mga protest rallies.
03:22So ito po mga kapulisan natin ay nakakalat, hindi lamang po i-ensure na magiging mapayapa po yung ginagawa nilang
03:29mga kilos protesta,
03:30ganon din po para siguraduhin na mapapanatili po natin yung peace and order doon sa mga areas na nagkakaroon po
03:37tayo ng mga protesta.
03:38Okay, medyo anong may papayo natin doon sa iba mga grupo na nagpoprotesta at pinipilit yung kanilang kapwa driver na
03:45sumali sa kanilang strike?
03:49Sa ating mga kababayan, lalo po dun sa mga nandiyan na sa mga nagrarally na at pinipilit yung mga ibang
03:56mga drivers na makilawok sa kanila,
03:58saan, bigyan na po natin ang karapatan ng bawat isa.
04:02Kung sila po ay mas pinili po nila na magmaneho or magbiyahe ngayong araw na ito,
04:09pagbigyan na po natin, iwasan po natin na magkaroon pa ng lalong gulog dahil po sa pagpipilit natin na yung
04:16ating mga kasamahan ay sumama doon sa ating mga pinaglalaban.
04:19Lahat naman po tayo ngayon ay naiintindihan kung ano po yung sitwasyon na pinagdadaanan ng bawat isa.
04:25Kaya po sana igalang po natin ang karapatan ng bawat isa na sundin at gawin kung ano yung tingin nila
04:31na tama para sa kanilang mga sarili.
04:33Okay Major, kumustayan din po namin yung inyong koordinasyon sa ibang ahensya gaya ng MMDA para masiguro nga po maayos.
04:40Ito namang daloy ng trapiko.
04:46Araw-araw po at real-time ang ating koordinasyon sa MMDA, ganun din po sa LTFRB, sa DOTR, ganun din
04:52po sa ating mga local government units.
04:55Mayroon po tayong shared operations at situation briefings para iisa po yung hawak natin na information.
05:01Kasama din po dito ang ating mga plano ng rerouting, counterflows kapag kinakailangan at ang paglalabas po ng traffic advisories
05:09para maiwasan po natin ang gridlock at mabilis po natin ma-redirect ang mga motorista kung kinakailangan.
05:15Okay. Major, sakasakali pong tumagal itong transfer strike o mas lumalapay yung sitwasyon, huwag naman sana.
05:20Ano-ano po yung inyong mahakbang para umagapay sa mga commuter lalo na sa mga may-stranded na pasahero?
05:29Para po tulungan yung ating mga nastranded na pasahero, kami po sa NCRPO ay nagsagawa ng libreng sakay sa mga
05:36piling ruta at designated pick-up points para madala po agad ang mga pasahero sa pinakamalapit na terminal or transfer
05:42point.
05:43Kasama rin po ang assistance, ang pag-coordinate para sa temporary shelter at medical aid kung kinakailangan.
05:49At kung may emergency man po o kailangan ng tulong, maaari po silang magtungo sa mga assistance desk sa pinakamalapit
05:55po na terminal at police stations.
05:57Or maaari din po silang tumawag sa 911 para i-report po ang anumang insidente.
06:02Okay. At paano po tinitiyak ng ating mga civil disturbance management personnel na sila ay handa na humarap sa anumang
06:10sitwasyon? Are we going to be implementing maximum tolerance pa rin po? Tama po ba?
06:16Yes po. Ang ating po mga CDM contingents ay dumaan sa pre-deployment briefings, ganun din po equipment checks, ganun
06:23din at pati scenario rehearsals.
06:25Mayroon po silang mga dalang protective gear at non-letal crowd control equipment at may on-call legal advisors po
06:32at human right observers
06:33para siguraduhin pong naaayon sa batas at karapatang pantao ang bawat hakbang na gagawin ng ating mga CDM contingents.
06:40Mahigpit din po natin sinusunod ang police operational procedures kung saan bawat aksyon ay may dokumentasyon at chain of command
06:48ang ipinatutupad.
06:49Ang prinsipi ng maximum tolerance ay hindi po nawawala.
06:52Ibig sabihin po nito, inuuna po natin ang de-eskalation at paggamit ng pinakamababang puwersang kinakailangan bago po tayo magpatupad
07:00ng mas matinding hakbang.
07:02Alright, mensahe nyo na lang po, Majors, sa publiko ngayong araw para mapanatiling kalmado ng ating mga kababayan
07:08na lalo na mayroong mga nakaambang strike.
07:13Sa ating mga kababayan, planuhin po natin ang ating biyahe ng maaga kung pwede po ay gumamit ng alternatibong guta
07:20o ibang mode ng transportation kagaya po ng tren.
07:23Palagi po makinig sa instructions ng mga police at traffic enforcers
07:27at i-report agad ng anumang insidente sa pinakamalapit na pulisya.
07:31Huwag po kayong mag-alangan na lumapit sa ating mga kapulisan.
07:34Kung kailangan po ninyo ng impormasyon o ng tulong, kami po ay nandito upang masiguro ang inyong kaligtasan.
07:42On that note, maraming maraming salamat po sa inyong oras at sa impormasyon.
07:45Police Major Hazel Asilo, ang tagapagsalita ng NCRPO.
Comments