Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Update naman tayo sa situasyon sa Navotas, kung saan umabot hanggang bewang ang baha.
00:04Bewa ng balita live si Bea Pinlak.
00:06Bea.
00:11Igan wala ng ulan, pero pabugso-bugso pa rin ang malakas na hampas ng hangin dito sa Navotas ngayong umaga.
00:18Bagamat bahagyan ang humupa ang baha rito, patuloy itong namemerwisyo.
00:22At umabot nga ng bewang kaninang madaling araw yung baha at pinasok na ang maraming bahay dito sa Navotas.
00:30Hindi nakatulog ng mahimbing ang maraming residente sa Barangay Bagong Bayan North sa Navotas gaya ni Nanay Antonia.
00:40Nakayapak na niyang sinuong ang baha para lumikas kasama ang kanyang asawa at walong taong gulang nilang anak na kailangan nilang isugod sa ospital.
00:49Di bali nag-iirap kami basta wala lang sakit ko eh.
00:53Nakaraan pong bagyo ganito rin po, sinugod ko siya.
00:56Kanina naman nagsusuka siya.
00:58Kaya parang naalarman na rin ako bumaba na kami.
01:02Eh sabay naman patay yung kuryente.
01:04Kaya nangangapa kami sa daan.
01:07Magdamagan ang pagtaas ng baha sa C4 Road sa Navotas.
01:10Nagdilim pa sa kalsada nang mawalan ng kuryente sa buong lungsod bandang alas 12 ng hating gabi.
01:17Sabi ng DRRMO ng lungsod, sinabayan kasi ng high tide ang pabugso-bugsong buhos ng ulan na dala ng bagyong uwan.
01:25Ayon sa Navotenyo Emergency Team, bumigay rin ang dike na humaharang sa ilog sa barangay Bagong Bayan South.
01:32As of 12.40am kanina, mahigit sanlibong pamilya o halos 6,000 individual na ang lumikas sa buong lungsod.
01:39Anong nagising ako, pasok na yung tubig sa bahay ko.
01:46Ginawa ko, kinuha ko na itong aso at trasigil para pangalaboy ko.
01:51Pagpapayaan ko na yun, gamit lang yun.
01:54Malagay, pangalaboy at itong hayop.
01:56Pero may ilang residente na nanatili pa rin sa kanilang mga bahay para isalba ang kanilang mga gamit at alagang hayop.
02:03Kasabay ng pagtaas ng baha, kinailangan na rin i-rescue ang ilang na-stranded na residente.
02:22Nagsilutangan din ang basura, pati patay na daga.
02:25Naging hamon sa maraming motorista ang pagtawid sa bahang umabot ng hanggang dibdib.
02:31Hindi na naglakas loob ang ilan, lalo na't maraming sasakyan ang tumirik sa gitna ng kalsada.
02:36Kala kong baba lang eh. May pasok ako na bukasan, hindi kami pwedeng hindi pumasok eh.
02:42Gawa ng rain or shine kami. Waterproof ba kumbaga.
02:45Igan sa ngayon, wala pa rin kuryente sa buong lungsod ng Navotas.
02:55Puspusan din yung kanilang paglinis sa mga nabarah ng basura na drainage para yan makatulong sa paghupa ng baha.
03:02Yan ang unang balita mula rito sa Navotas.
03:05Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.
03:08Igan, mauna ka sa mga balita.
03:10Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:13para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended