00:00Pinagbabaril ng dalawang nakamotorsiklo ang isang kotse ang nakaparada sa Taguig.
00:04Walang tao sa loob ng kotse kaya't walang nasaktan sa insidente.
00:08May unang balita si Von Aquino.
00:12Sa kuha ng CCTV, makikita ang dalawang magkaangkas na suspect na lumiko patungong Sampaguita Street, Barangay Pembo, Taguig.
00:19Huminto sila at bumaba ang angkas.
00:22Lumapit sa puting kotse.
00:24Pinagbabaril ito at tumakas.
00:28Ayon sa Taguig City Police, labindalawang basyo ng bala ang nakuha sa crime scene.
00:32Matagal na umanong nakaparada ang kotse nang nakabukas ang hood nito.
00:36Nasa tapat ito ng bahay ng kaanak na may-ari ng sasakyan.
00:39Pero walang may-ari ng kotse sa lugar nang mangyari ang insidente.
00:44Naghihintay lang po ako ng masasakyan.
00:46Tapos bigla na lang po may nagputukan na maraming beses at saka po nagtakbuan po yung mga tao.
00:53Siguro kasi wala nga po pagpaparikan dun sa kanila.
00:55Yung sa bahay ng asawa niya, ito talaga.
00:57Sa kanila naman po ito.
00:59Kaya siguro diyan po ito yung pinaparikan.
01:01Maaring ang ating mga sospek ay may matinding galit sa biktima o sa may-ari ng sasakyan.
01:07Pusibli po na tinakot lang.
01:09Yung sasakyan lang po talaga yun ang pinagbabaril po ng ating mga sospek.
01:13Tinutugis na ng mga pulis sa mga salarin na maaharap sa reklamong alarm and scandal.
01:18Kung may pagbabanta sa buhay na may-ari ng sasakyan.
01:22Kung talaga po may grave threat po sa kanya, pas po yung grave threat, then malicious mischief.
01:27At kung may makuhaan po natin ng baril po ang ating mga sospek, ay maari po sila kasuan ng RA
01:35-1059 mom.
01:35Sinusubukan pa namin punin ang panig ng may-ari ng sasakyan.
01:39Itong unang balita, Von Aquino para sa GMA Integrated News.
01:44Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:47Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments