00:00Dalapdo sa buong katawan ng isang lalaki masabugan ng liquefied petroleum gas o LPG sa Pandakan, Maynila.
00:07Lagi una ka sa balita ni Jomer Apresto, exclusive!
00:15Payapa pa ang paligid sa bahagi ng Acacia Street sa baragay 871 sa Pandakan, Maynila,
00:21pasado alas 5 ng madaling araw kahapon.
00:24Pero makalipas lang ang ilang saglit,
00:30Matatanaw ang isang tao na tumatakbo habang nasusunog ang kanyang katawan.
00:36Lapnos ang balat ng 41 anyos na si Anisete Benito matapos siyang masabugan ng LPG.
00:42Nangyari ito habang naghahanda siya ng lulutuing pambentang almusal.
00:46Kamit ang fire extinguisher ng barangay, dali-dali raw nilang sinubukang apulahin ang apoy.
00:52Agad din daw pinuntahan at ginising ng biktima ang dalawa niyang anak.
00:55Kumuha siya ng kumot para basain, para maano yung kanan.
01:00Matakpan, para ang dalawang bata, para maitawid niya palabas.
01:04Nagtulong-tulong po yung mga tao rito.
01:06Kumuha ng tubig, lapunan, tapos pa yung disir.
01:10Matapos makalabas ng bahay ang kanyang mga anak,
01:13sakto namang nabagsakan ang nasusunog na lona ang katawan ng biktima
01:16kaya nadagdagan pa lalo ang lapnos sa kanyang balat.
01:20Agad namang isinakay sa mobil ng barangay ang biktima papunta sa paggamutan.
01:25Pero sabi ng anak ng biktima, hindi agad tinanggap sa ospital ang kanyang tatay.
01:30Bakit niyo po hindi tinanggap? Kung kailan?
01:33Critical na po.
01:35Nakita niyo naman po yung kalagayan ng tatay ko noon.
01:38Sobrang putlanan noon.
01:40Ba't din niyo tinanggap?
01:41Din niyo man lang po binigay ng first aid.
01:44Kunsa niyo po mangyari yun.
01:47Palit po tayo ng sitwasyon.
01:49Tinanggap naman ang biktima sa Philippine General Hospital
01:51at makalipas ang labing isang oras na operasyon,
01:54stable na ang kanyang kondisyon.
01:57Kinailangang bendahan ang kanyang buong katawan.
02:00Sinubukan namin makipag-ugnayan sa ospital na sinasabing hindi tumanggap sa biktima
02:05pero wala pa silang opisyal na pahayag.
02:08Base sa Republic Act 8344,
02:10maaaring patawan ng parusa o penalty ang isang ospital
02:13na hindi tumanggap o hindi nagbigay ng karampatang lunas
02:16sa isang pasyente sa emergency cases.
02:19Nananawagi naman ng tulong sa lokal na pamahalaan ng pamilya ng biktima
02:22para sa pambili niya ng mga gamot.
02:25Patuloy ang investigasyon sa sanhi ng pagsabog ng LPG.
02:29Ito ang unang balita.
02:30Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:34Igan, mauna ka sa mga balita.
02:36Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:39para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
02:46Patuloy ang pag-pitys.