Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Critical ngayon ang isang bata ang PWD sa Quezon City matapos masamugan ng paputok na napulot ng kanyang kalaro.
00:07Yan ang unang balita ni Rafi Tima.
00:12Makikita ang tatlong batang ito sa basketball court ng Baragay Pansol sa Quezon City.
00:17Maya-maya, ang isa sa mga bata may pinulot na tila pahabang bagay malapit sa isang tricycle.
00:22Saglit niya itong tinignan, itinaktak at sa isang punto, sinubukan pang sindihan.
00:27Nang walang mangyari, ipinasan niya ito sa kapwa bata na isang PWD.
00:32Umupo ang bata sa tricycle at sinindihan ito. Dito na ito sumabog.
00:39Dahan-dahan pang napahiga ang biktima. Ang isang bata agad nakatayo at naglakad palayo.
00:45Ang batang unang pumulot sa sumabog na bagay, nakalayo bago pa ang pagsabog.
00:50Ang biktima kinilalang si Ronron, labing tatlong taong gulang.
00:53Nagtamu siya ng matinding tama sa hita.
00:56Ang kanyang ama, agad tumakbo sa lugar matapos malaman ang nangyari.
00:59Nung makita ko yung anak ko, kasi tinakpan nila ng tela yung ano.
01:03Kaya nung ginanong ko, parang nanginig ako.
01:08Di ko alam ang gagawin ko.
01:09Iwinyan ako sa bahay, kaya ko to.
01:11Sabi ko, sabog yung hita mo, kaya mo?
01:14Oo, kaya ko.
01:16Iyon na yung sabi niya.
01:17Agad namang naisugod sa ospital si Ronron.
01:19Kahit dito sa loob ng ospital, tinatanong niya yung mga nakapaligid sa kanya, yung mong nurse.
01:25Sabi niya, Dok, ano? Mawamatay na ba ako?
01:28Critical ngayon ang kalagay ni Ronron matapos siya ilalim sa seri ng operasyon.
01:33Sasa ilalim sa lima pang operasyon para subukang maisalba ang kanyang dalawang paa.
01:37Ang kanyang ina, bukod sa panalangin para sa anak, may isa pang pakiusap.
01:41Sana yung nag-iwan ng paputok doon, makonsensya naman kayo.
01:47Yan, malestro, kinalak ko.
01:51Critical na ngayon.
01:54Ganito rin ang pakiusap ng ina ng batang na damay sa pagsabog.
01:57Pero yung mga irresponsable na tao, sana malasakit na lang para matapos na yung ganong klaseng mga insidente.
02:05Ayon sa isang opisyal ng barangay, designated fireworks area ang lugar pero nilinis naman daw ito matapos ang selebrasyon.
02:12Wala rin anilang ginamit na malakas na paputok sa kanilang selebrasyon.
02:16Base sa CCTV, posibleng fountain daw ang sumabog.
02:19Siguro, hindi siguro sumabog yung nag-fountain siya pero hindi siya sumabog.
02:24Hanggang sa nakita naman doon sa lugar, malinis na, hindi naman sukatakalain.
02:30Nandun pala sa ilalim, gilid ng tricycle, yung paputok at nakita ng bata.
02:36Patuloy na paalala ng otoridad, huwag na huwag pupulutin ang anumang bagay na ginamit itong pagsalubong ng bagong taon para iwas disgrasya.
02:44Yan ang unang balita. Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
02:49Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:53Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
03:00Kapuso, huwag magpapahuli sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended