Skip to playerSkip to main content
Aired (March 15, 2026): ELECTRIC VEHICLES NGA BA ANG PRAKTIKAL NA ALTERNATIBO PARA MAKATIPID ANG MGA MOTORISTA SA GITNA NG MAHAL NA GASOLINA?

Ang malawakang taas-presyo sa produktong petrolyo, resulta ng umiigting na sigalot sa Middle East.

At dahil hindi pa tiyak kung kailan babalik sa normal ang presyo ng langis, ang ating mga kababayan, kanya-kanyang diskarte ngayon para makatipid.

Ang isa mga nakikitang solusyon ng iba, ang paggamit ng mga dumaraming sasakyan ngayon na hindi nakadepende sa gasolina! Mga EV o Electric Vehicle na vhina-charge lang na parang gadget o cellphone.

Pero ligtas ba ito? Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:04Alas hindi na matanaw ang dulo ng pila sa ilang mga gasolinahan nitong lunes, bisperas ng mega oil price hike.
00:15Maraming nagpa-full tank bago magmahal ng 7 to 38 pesos kada litro ang mga produktong petrolyo.
00:25Atikin mo lang kahit mababa pa ng kaunti.
00:27Ang malawakang taas presyo sa mga produktong petrolyo, resulta ng umiigting na gera sa Middle East.
00:38At dahil hindi patiya kung kailan babalik sa normal, ang presyo ng langis ang ating mga kababayan kanya-kanyang diskarte
00:48ngayon para makatipid.
00:52May ihihigpit pa ba ang ating mga sinturon?
00:56Baka dapat imbes na de gasolina, i-o electric cars na.
01:04Ang isa sa mga nakikitang solusyon ng ilan, ang paggamit ng mga dumaraming sasakyan ngayon na hindi de gasolina.
01:13Ichi na charge ang mga ito na parang gadget o cellphone.
01:18At kapag full tank, este full charge na, pwede nang umarangkada.
01:24Mga EV o electric vehicle.
01:29Pero karamihan sa mga electric vehicle sa merkado, milyones naman ang halaga.
01:36Di hamak ding mas mahal sa mga de gasolina.
01:42Pero meron din daw na hindi inaabot ng milyones ang presyo.
01:55Sa showroom na ito, sa Giginto, Bulacan, naka-display ang iba't ibang mga EV na ibinibenta ng dealer na si
02:04Jasper.
02:06Bali, ito po lahat is galing po sa China.
02:09Ang best seller sa mga ito, ang mga cute na cute na kotseng ito.
02:16Pero wag daw ang mga itong ismulin.
02:19Kasya kasi rito, ang apat hanggang limang mga pasahero.
02:24Ito ang mini electric car o e-car.
02:27Tama-tama ito sa mga, yung mga maliliit lang yung parking space dahil maliit siya.
02:32Tapos madaling isingit, madaling ipark.
02:348 feet ma'am yung haba niya and 4 feet yung lapad.
02:37Ganyan lang siya ma'am itulak, parang laruan lang. Napakagaan.
02:40Sa halagang 130,000 ma'am, naka-e-car ka na.
02:43Hindi tulad ng ibang mga EV na kailangan pang dalhin sa mga charging station,
02:48ang mini e-car ni Jasper pwede raw i-charge diretsyo na mismo sa mga power outlet sa bahay.
02:56Ang charger kasi nito, parang sa laptop lang.
03:01Sa charger naman po, meron siyang indicator.
03:03Imiilaw po siya ng red pag charging at nagigreen naman po pag full charge na.
03:08I-chinacharge sa loob ng 8 hanggang 10 oras ang isang mini e-car.
03:14Ang cost lang po niya sa isang full charge is nasa 25 to 30 pesos.
03:18Tapos aabot na po siya ng 35 to 40 kilometers.
03:25Sa kanyang dashboard, sir, ang makikita po is yung kanyang speedometer, voltmeter, battery bars,
03:32and then meron din siyang reverse camera monitor na dito rin makikita sa kanyang panel.
03:37Sa pag-release po ng handbrake, is need lang po napakaanang madiin yung brake.
03:41Pwede na po natin ilipat sa drive button.
03:44And then pag nakalipat po sa drive, pagtapak po sa accelerator, pwede na siyang paanda rin.
03:49Ah, usual po yung mga bumibili sa amin ng mga e-car is ginagamit lang po along barangay roads, subdivision.
03:55Nagbibenta rin si Jasper ng mga tinatawag na solar mini e-car.
04:00Bukod sa pwede itong isaksak sa power outlet, meron din itong built-in na solar panels.
04:08Kapag iminamaneho ito, natirik ang araw, kusa na itong nagchacharge.
04:13Kaya, mas tipid!
04:16Ang negosyante mulang Malolos na si Lourdes, solar mini e-car, ang minamaneho sa tuwing pinupuntahan niya ang kanyang mga
04:25tindahan sa Bukawi.
04:26From here sa Malolos, going to Bukawi and going back ulit.
04:31So, nakaka-30 kilometers na yun.
04:33Ito ay tumatakbo lang ng 52 to 53 kilometers per hour, kaya nasa gilid lang tayo para safety naman.
04:42Pagka ginagamit ko ito, itchacharge ko siya ng 6 hours.
04:46Pagka mainit while driving, nagkakarga pa rin yung solar power niya.
04:51Kaya hindi ako kabado. Malaki ang natitipid ko dito, lalo na ngayon.
04:56Pero pwede ba ang mga mini e-car sa mga long distance na road trip?
05:02Nasa kategory L6 po siya, sa mga low speed e-car po.
05:06Pwede po siya sa highway, basta nasa outermost lane lang, tapos may license.
05:11Hindi nga lang daw ang mga ito pwede pang gamitin sa mga expressway.
05:16Sa ngayon po, ang 400cc minimum requirement natin when it comes to expressway.
05:22Wala pa tayong direct equivalent mula sa engine displacement ng mga sakya natin, papunta ang electric power rating ng mga
05:28electric vehicles.
05:29Dahil limitado lang ang kayang takbuhin ang baterya ng isang EV,
05:34ang ibang mga driver, nagkakaroon daw ng tinatawag na range anxiety
05:40o yung takot na baka maubusan ang battery habang nasa biyahe.
05:4580% or more of your charging will be always at home charging stations.
05:49So it's being addressed already.
05:51Target of DOE, a 7,300 by 2028.
05:57Pero meron namang mga EV na heavy duty.
06:05Kagaya ng mga e-car na ibinibenta ni Kayla sa showroom na ito sa Kaloocan.
06:12Kaya raw nitong makipagsabayan sa mga sasakyan kahit pa sa highway o expressway.
06:18200 pesos lang yung full charge niya.
06:21170 kilometers na yung mapupuntahan mo.
06:24Siyempre pwede sa expressway.
06:26Pwede from here to Tagaytay.
06:28Kaya ang kaya po.
06:29Yun nga lang, mas mahal ito.
06:31Kumpara sa mga mini e-car.
06:34Bawat unit, pumapalo ng bahigit kalahating milyong piso.
06:38Ayan, ang ganda.
06:40At sa mga nagihigpit ng sinturon pero gusto pa rin makatipid sa gasolina, meron daw silang isa pang opsyon.
06:48E-bike na four doors.
06:51Ito ang three-wheel e-bike.
06:55Ang tiga-sampalok sa Maynila na si Sharon bumili ng three-wheel e-bike para gawing service.
07:03Para talaga sa apo kuyaan, naiiwan ko yung mga gamit kahit cellphone ko.
07:07Parang pag mag-100% po siya, kailangan nakablink po yan siya lahat.
07:12Iwan ko lang po siya dito, magdamag.
07:14Naka-close naman din po ito, hindi naman mawawala.
07:18Hindi naman po siya nag-overheat.
07:20Isang linggo, isang beses o dalawang beses siguro nasa 100 pesos, 200 pesos siguro.
07:25Sabihin na natin, sulit na ako doon.
07:27E magkano na ang gasolina natin ngayon?
07:30Maliliit itong mga sasakyan na ito.
07:32Pag hindi magandang class, pag nabanggayan o nag-short circuit, nangyayari din yan, hindi ba?
07:37Kailangan masusi yung pagtingin nyo.
07:38Tignan nyo yung dekalidad.
07:40Tignan mo kung may pyesa sila.
07:41Kumusta naman ang service nila?
07:43Kung wala silang ma-provide ng ganyan, medyo umiwas tayo sa ganong klase.
07:47Maging responsabling road users ang lahat.
07:50Sumunod sa mga traffic rules,
07:51i-register ang sakyan on time,
07:53at maging aware sa iba't-ibang mga limitasyon at regulasyon sa alsada.
07:56E-vehicles are always eco-friendly.
07:59But we need also to understand,
08:01yung pag-produce nito ay nangangailangan din ng fossil fuel.
08:04Long-term solution really is public transport.
08:07Gayong wala pa rin katiyakan
08:09kung hanggang kailan ang gera sa Middle East.
08:13At wala nang ihihigpit pa ang ating mga sinturon.
08:18Ano pa nga bang bago?
08:20Nasa atin ang remedyo
08:22at naghihintay pa rin
08:25ng pangmatagalan
08:28mga solusyon.
08:32Thank you for watching, mga kapuso.
08:35Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
08:38subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
08:42And don't forget to hit the bell button
08:45for our latest updates.
08:46gives me new updates.
08:47We love you,
Comments

Recommended