Skip to playerSkip to main content
Aired (February 1, 2026): BABALA: Sensitibo ang video na inyong mapapanood.

SASAKYAN NG ALKALDE NG MAGUINDANAO DEL SUR, IN-AMBUSH AT TINARGET NG HOMEMADE NA RPG O ROCKET-PROPELLED GRENADE!

Nagmistulang war zone ang isang kalsada sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nang ang SUV ng alkalde, in-ambush! Ang armas na ginamit sa pananambang, DIY o homemade na RPG o rocket-propelled grenade!

Ang sakay ng SUV, ang kasalukuyang alkalde ng Shariff Aguak… si Mayor Akmad “Mitra” Ampatuan Sr. himalang nakaligtas!

Sino ang nasa likod ng pananambang sa Mayor? Ano ang kanyang motibo? Panoorin ang video. #KMJS

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Ang RPG or Rocket Propelled Grenade, karaniwang sandata sa gyera laban sa mga tanki, pero ito rin ngayon ang ginamit na pang-ambush sa isang mayor.
00:16Sa videong ito, makikita ang pagliko ng isang SUV sa kalsadang ito sa Sharif Aguac Maguindanao del Sur umaga nitong January 25.
00:32Sa kuha naman ang isa pang CCTV, ang lalaking itong nakachinelas bumaba sa minivan. May isinampang kung anong mahabang bagay sa kanyang balikat, lumuhod at tsaka ito pinaputok.
00:46Ang SUV, inambush! Nabalot ng makapal na usok ang kalsada. Ang armas kasi na ginamit sa pananambang o ambush, DIY o homemade na RPG o Rocket Propelled Grenade.
01:07Malakas masyaro, malakas ang apoy. Pati yung mga kahoy na yan, hindi ganyan sa parang manasunog yung dahon.
01:11Pero dahil bulletproof ang SUV, nakaabante pa ito.
01:20Inambus, inambus!
01:22Natakot din kami. Nung marinig namin yun, bigla ka kami tumakbo. Mayirat na. Baka madami tayo.
01:30Ang sakay ng SUV, walang iba kundi ang kasalukuyang mayor ng Sharif Aguac, si Mayor Ahmad Mitra Ampatuan Sr.
01:40na himalang nakaligtas.
01:42Nasira yung sasakyan niya. Si Mayor wala ang sugat. Mapalad siya at hindi siya tinamahan.
01:46Parang eksena sa video game sa estilo ng ginawang pag-ambush.
01:52Pero hindi ito laro, kundi realidad.
01:56Nang patuloy na nangyayaring karahasan sa ilang bahagi ng Mindanao.
02:01Pauwi na raw sana noon si Mayor Mitra nung nangyayari ang pag-ambush sa kanila.
02:17Kasi prepare ko yung Ramadan namin dito na magdating.
02:22Ginating na ko yung mosque. Kasi magdagay kami ng mga solar light.
02:28Mabilis lang naman daw sana ang kanilang biyahe.
02:31Nasa 30 meters lang kasi ang layo ng pinuntahan niyang mosque mula sa kalsada pa uwi sa kanilang bahay.
02:38Pero habang binabaybay daw nila ang kalsada,
02:41si Mayor Mitra na nakaupo sa tabi mismo ng kanyang driver,
02:46kinutuban na raw.
02:47Yung paggamot sa akin mga tendes na maraming na ako narinig.
02:51Balita-balita lang eh. Minsan nakita ng mga CCTV namin dyan na yung ban na pa ganyan-ganyan.
02:57Hanggang nangyayari na nga ang pananambak.
03:00Ginating na ko sa side mirror yung ban na yung naputi.
03:03Nakita ko na bumaba yung bumanat sa amin.
03:06Hindi ko pa natapos yung pagsabi ko ng bilisan mo, pumutok na.
03:11Sa sobrang impact, pati sa loob, kahit si boss di ko na makita dahil sa usok eh.
03:15Tapos sabi ni boss, ano yun? Sabi ko, yun. Binoon ba tayo, boss?
03:19Si Butch, agad na iniabante ang SUV,
03:23papunta sa tapat ng bahay ng pamangkin ni Mayor Mitra.
03:27Pero hindi pa man sila nakakalayo.
03:29Pinaulanan daw sila ng armalight.
03:36Sinarget nila ako.
03:37Kinatamaan man yung sasakyan ko doon.
03:38Magkita rin doon sa kilid niya na natamaan ng mga armalight.
03:43Kaya nga nagkatago ko doon sa loob.
03:45Ang Mayor, pinalibutan ng mga rumesponding residente.
03:56Agad din siyang isinakay sa isang pickup truck pa uwi sa kanyang bahay.
04:01Dito mismong pumarada yung minivan.
04:04At saka nung makita nilang paparating na yung convoy ni Mayor,
04:07agaran silang bumaba at dito nilang kinatatayuan ko.
04:09Dito nila pinasabugan yung convoy ni Mayor.
04:11More or less, mga 20 meters yung layo ng suspect natin mula sa convoy ni Mayor.
04:15Kung makikita po ninyo, ito po yung crater kung saan sumabog yung RPG.
04:19Yung buhok dito na nasunog lahat ito, pati mga miniluatar doon na basagi.
04:24Mga salamin, saka isang itong taingat ko na isa, hindi masyado makarinig.
04:30Bagamat walang matinding pinsala na tinamo si Mayor Mitra at ang kanyang driver na si Butch,
04:36ang kanya namang sibilyan na bodyguard at military escort na kasama rin sa kanyang convoy,
04:42kapwa na sugatan at nagpapagaling ngayon sa ospital.
04:46Nakikita ko lang yun dyan sa mga ibang bansa.
04:48Parang ginagamit sa mga World War II.
04:50Talagang mamamatay kami.
04:52Hanggang ngayon na trauma ko.
04:54Nasa kustudiya na ngayon ng Sheriff Aguac Municipal Police
04:58ang mga sasakyan ni Mayor Mitra.
05:00Tingnan mo, nabutas.
05:03Ay, uta naman, Mayor.
05:04Butas, tingnan.
05:06Diyan tumama.
05:06Kung hindi bulletproof sinakyan ko, malamang patay na ako.
05:10Hindi pa ako mayor, hindi pa ako ako na yan.
05:12I-eximate ko dyan mga 1.8.
05:15He got lucky lang na yung RPG na ginamit sa kanya is not the high caliber.
05:19It didn't take a direct hit.
05:21Kaya ganun lang yun ang nangyari.
05:22Usually, yung vulnerable parts talaga sa armored car is the windows.
05:26Of course, it's made up of glass.
05:27Unlike this one, it's made up of metal na ballistic plate.
05:30Yung tires, nilalagyan natin ng run-flat inserts yan.
05:33It's like a small wheel na nila attach to the rims
05:38para makatakbo pa rin siya kahit flat.
05:39Makikita nyo, meron siyang hole dito.
05:41This is used for counter-attack naman.
05:43Yung mga gustong pumalag.
05:45Pero ang malaking tanong ngayon,
05:47sino ang nasa likod ng pananambang sa Mayor?
05:52Ano ang motibo?
05:53Ang grupo na ng ambush kina Mayor Mitra Ampatuan,
06:04tinugis ng mga otoridad.
06:07Makalipas ang isang oras,
06:09napaslang sa pagtugis ang nagpasabog ng RPG
06:13na kinilalang si alias Rap Rap
06:16at dalawa pang kasama niya.
06:17Habang ang dalawang iba pa nitong kasama,
06:20nakatakas at nananatiling at large.
06:25Sa investigation natin,
06:27gun for hire ito.
06:28May tinitiklan po ba tayong political clan war na angulo?
06:31So far, kasama yan sa investigahan natin.
06:34Hawak na rin ng mga otoridad
06:36ang DIY o homemade na RPG.
06:40Ito yung ginamit ni Rap Rap,
06:43pag ambush,
06:44dito sa ating mayor ng Sheriff Atwa.
06:46This RPG will be turned over sa ating forensic group
06:50at sila yung mag-i-evaluate.
06:52Ang itsuran yan ay parang puso ng saging yung bala niya eh.
06:55Tapos more or less,
06:57o less than a meter yung length ng tubo niya.
06:59Pag tumama yan,
07:00yung sambulat niya ay parang granada.
07:02Hindi natin matukoy kung saan nagmula.
07:04RPG is mostly used for guerrilla warfare,
07:07asymmetric warfare.
07:08Yung damage po na na-inflict ng RPG,
07:11napakatindi.
07:12Dito sa bayan ng Saripagwag at saka ibang munisipyo,
07:17dami na gumawa ng RPG.
07:19Hindi makontrol saan nila nakuha yung mga bala na original.
07:23Kasi yung inibanat sa akin, original na bala yun.
07:25Ang nangyaring ambush nitong January 25,
07:30hindi na raw bago kay Mayor Mitra Ampatuan.
07:34Taong 2010,
07:35na-biktima rin siya ng pagsabog ng isang motor sa kalsada.
07:39December 2014,
07:41inatake naman ang kanyang convoy ng mga armadong lalaki
07:44sa barangay Makasampin sa bayan ng Gindulungan.
07:48Ito yung matamaan sa akin.
07:49Ito hanggang dito, naputuloy ito.
07:51Ito stainless na ito.
07:52Pati yung dito ko, natamaan din.
07:54Taong 2019,
07:58muli na naman daw siyang inambush sa Sheriff Agua
08:01kung saan dalawa sa kanyang mga kasama
08:03ang sinawimpalan.
08:06Ang tila walang patid na pagtatangka
08:09sa buhay ng Mayor,
08:10posible raw na nag-ugat sa kanyang naging papel
08:14sa itinuturing na isa sa pinakamadugong krimen
08:17sa kasaysayan ng Pilipinas,
08:20ang Maguindanao Massacre taong 2009.
08:22Sa 57 natagpo ang bangkay,
08:2628 ang tiga media.
08:29Sa buong mundo,
08:31ito ang pinakamarahas na pag-atake sa mga journalist.
08:35Si Mayor Mitra Ampatuan,
08:37pinsan ng itinurong mastermind
08:39sa Maguindanao Massacre,
08:41ang nooy mayor ng datuunsay
08:44na si Andal Ampatuan Jr.
08:46Naging state witness si Mayor Mitra Ampatuan
09:02laban sa kanyang mga kaanak.
09:04Matagal pa na na politika ito eh.
09:06Yung Maguindanao Massacre,
09:08yun ang matindi na nangyari sa pamilya namin.
09:10Kasi kahit walang kasalanan doon,
09:12pwede ka nila kasuan.
09:14Ayaw nila doon,
09:15ako yung magsasalita
09:16na ituro ko sila.
09:18Hindi ko man sila inituro.
09:19Sa akin lang,
09:20masyafety ko yung ibang pamilya doon
09:22na walang kasalanan.
09:23Pinagalitan ako,
09:24bakit daw ako tumistigo?
09:26Doon na yung magsimula yung naambus ako.
09:28Hindi na po ba kayo nagkayos
09:29ng iba pong nakagalit sa inyo?
09:31Hindi na,
09:32kaya makakumpiansya pa ako.
09:34Baka maulit pa yung mga ambus-ambus.
09:36Tingnan mo yung nangyari.
09:37This is already the fourth time
09:38na nangyari siya.
09:39So meaning to say,
09:40orchestrated talaga yung mga attempts
09:43na patayin itong si Mayor Ampatuan.
09:53Ang titignan din natin dito is
10:04paano nagkakaroon ng proliferation
10:06ng mga ganitong klase
10:08na mga military-grade weapons
10:10like RPG dito sa lugar.
10:12Yung BARM actually has been advocating
10:15for systemic peace efforts
10:17for a very long time.
10:18Pero kung may mga kaguluhan
10:20kagaya nito,
10:20it really undermines the effort
10:22for long-lasting peace.
10:23Pinukon din na po ng Pangulo
10:25ang nangyari niyan.
10:25Dahil sa kanya pong pag-uutos
10:27at direktiba,
10:28agad-agad din pong kumilos
10:29ang DILG,
10:30pati po ang PNP.
10:32Ako,
10:32wala kong agimat.
10:33Ang agimat ko siya ala.
10:35Panahon muna na mamatay ka
10:36kahit siyang ka magdago,
10:37patay ka talaga.
10:40Hindi ito eksena sa laro.
10:43Isa itong paalala
10:45kung gaano kalapit ang karahasan
10:48sa kapangyarihan.
10:52Thank you for watching,
10:56mga kapuso.
10:57Kung nagustuhan niyo po
10:59ang videong ito,
11:00subscribe na
11:01sa GMA Public Affairs
11:03YouTube channel.
11:04And don't forget
11:05to hit the bell button
11:07for our latest updates.
11:08Thank you for watching,
11:09and we'll see you next time.
11:10Thank you for watching,
11:11and we'll see you next time.
Comments

Recommended