00:00Semana Santa, sa darating na linggo, pero meron daw maasahang ginhawa.
00:04Matapos ang ilang linggong walang patid na mega oil price hike,
00:09sinabi ng isang oil industry source na posibleng magkaroon ng rollback.
00:14Pero para lang ito sa gasolina, dahil ang presyo ng diesel,
00:18inaasahan pa rin tuloy ang pagtaas.
00:20Nakatutok si Maki Pulido.
00:24Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang linggo,
00:27magkakaroon daw ng rollback sa presyo ng gasolina?
00:31Sabi kasi ng isang oil industry source,
00:34maaring asahan ang 1 to 2 pesos na pagbaba ng presyo sa susunod na linggo.
00:39Paliwanag niya, maaasahan ang rollback dahil bumaba na daw ng $4.88 ang kada bariles ng gasolina
00:46batay sa mean of flat Singapore o MOPS average.
00:49Dinagamit ang MOPS sa pagpresyo ng petrolyo sa Pilipinas.
00:53Pero may isa ring source mula sa isang oil company
00:56na nagsabi naman na hindi rollback kundi price hike
00:59ang maaasahan na pwede pang umabot ng 3 pesos kada litro.
01:03Pero pagdating sa diesel na gamit ng karamihan ng mga tsupers sa pampublikong sasakyan,
01:08tila wala pa rin patid ang pagtaas ng presyo.
01:11Pero ang pakonswelo, hindi na ito kasing taas kumpara sa mga nagdaang linggo.
01:16Sabi ng isang oil industry source,
01:18sa pump price, inaasahang tataas ang diesel ng 5 to 8 pesos kada litro sa darating na linggo.
01:24May isa pang source na nagsabing pwedeng umabot ang taas singil ng hanggang 11 pesos.
01:30Hanggang kagabi, tumaas kasi ang average na bentahan ng diesel sa mean of flat Singapore
01:35ng 14 dollars and 15 cents ang kada bariles.
01:38Ang ibig sabihin na mga presyong ito,
01:40para kay Jay na isang delivery truck rider,
01:43malaking bawas sa kita.
01:45Balak na kasing magbawas ng biyahe ng amo niya
01:47at magro-rotate na lamang ang mga driver.
01:50Pero biyahe lang po kami.
01:51So pag wala kaming biyahe, wala kaming kita.
01:54E buto yung bus namin mabait.
01:56Pinapabali-bali kami pag wala kaming biyahe.
01:58Pero bali pa rin yun.
01:59Pagdating ng araw, kakaltos pa rin sa seldo namin.
02:01Para sa GMA Integrated News,
02:03Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
Comments