- 11 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 1) Mag-amang natagpuang patay; Testigo ng depensa; Macbook para sa mga guro; Smuggled na agri products, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang gabi po, Luzon Resize at Mindanao.
00:05Ipinaglulok sa ngayon ng isang ina ang kalunus-lunus na pagkamatay ng kanyang mag-ama sa Cavite.
00:11Natagpuan kasing wala ng buhay at taddad ng saksa ka mga biktima sa laobismo na kanilang bahay.
00:16Hindi pa malinaw ang mitya ng krimen pero nakarinig daw ng komosyon mula sa dalawa ang ilang kapitbahay.
00:23Nakatutok si Bam Alegre.
00:29Dugoan at wala ng buhay na matagpuan ang mag-amang yan malapit sa banyo sa loob ng kanilang bahay sa
00:34General Mariano Alvarez Cavite nitong linggo na hapon.
00:37Nagtamo ng mga saksak sa katawan ng mag-ama.
00:40Nakuha rin sa tabi ng ama ang isang kitchen knife na hinihinalang ginamit sa krimen.
00:44Ito yung residential property kung saan natagpuan ang mag-ama.
00:48May nagpunta kasi silang kaanak dito para i-check kung bakit hindi na raw nagre-reply yung anak na mabahay
00:53sa kanyang ina.
00:53Kinatok nila yung bahay, walang sumasagot.
00:56Tinignan nila yung bintana at dito silang nakakita na merong signs ng foul play.
01:01Kaya perasahan na nila itong binuksan kaya makikita ninyo may takip yung bintana na kanilang sinira.
01:06Dito na nagtagpuan sa loob ang mga labi ng mag-ama na isinailalim na rin sa autopsy.
01:11Yung anak po na babae ay nasa panan po nung tatay and apparent po dun sa crime scene na may
01:23mga blood splatter po dun sa bandang abdomen po nung tatay at saka mukha nung batang babae.
01:30Pati po sa kamay ng batang babae. Meron din pong sugat sa kamay ng batang babae. Parang indicator na defensive
01:39wound.
01:41And may kitchen knife po na nakita dun sa katabi ng father. Bandang right hand po nung bata po.
01:49Sa resulta ng autopsy, hindi bababa sa labing isang saksak ang tinamon ng 22 years old na anak na babae.
01:55Habang hindi bababa sa labing tatlo ang tinamon ng kanyang ama na 48 years old.
01:59Sa investigasyon ng pulisya, walang indikasyon ng perasahan pagpasok sa bahay. Wala rin daw nawawalang gamit.
02:05May nakuha rin sa laysay ang pulisya sa kapit bahay na may narinig umano silang komosyon sa loob ng bahay.
02:10Hindi pa po ma-conclude o hindi pa po ma-sure po ang reason talaga. Pero may witness po kasi
02:20tayong nakadinig po sa pangyayari. Kapit bahay po ito.
02:23Katabi mismo po ng bahay nung narinig niya yung salita po ng bata. Pasigaw po yun na narinig niya.
02:29Ang pinaka word po dun is, Papa, tama na. Tama na Papa. Pasigaw po yun na nabanggit ng bata.
02:36And then kasunod po nun is, yung busis po ng lalaki. Pero hindi po clear yung pagkaka-rinig po ng
02:46witness.
02:48So parang may struggle po dun sa loob ng bahay.
02:52Nakaburol ngayon ng 22 years old na babae habang nakremate na ang kanyang ama. Labis ang hinagpis ng ina ng
02:57babae.
02:57Huli niya nakausap ang kanyang mag-ama noong Sabado ng gabi at wala raw indikasyon na may problema.
03:02Matapos sa mahigit isang dekadang trabaho sa Taiwan bilang OFW, nitong Abril lang siya naka-uwi ng Pilipinas para makasama
03:09ang anak.
03:09Wala raw siya sa kanilang tahanan na mangyari ang krimen dahil kakatanggap niya lang ng trabaho sa Metro Manila.
03:14Sobrang nagulat ako kasi ako kasi ang naging nanaw ko eh sa tagal kong art level yung 12 years.
03:21Wala namang ganyang mangyayari eh.
03:24Kumbaga wala sa isip ko kampante naman ako.
03:27Iiwan ko yung anak ko.
03:28Pero nabas maisip ko.
03:30Sobrang bigat kasi parang sa tagal lang kiniisip ko na hindi makasama yung anak ko.
03:37Tapos ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na asamong dalawa magbonging.
03:45Tapos lahat ng pangarap niya, wala ang pangarap niya eh.
03:49Hinihintay pa ng pulisya ang kompletong forensic report.
03:53Dama lalagre na katutok 24 oras.
04:01Ngayong day 41 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
04:07City Assessor naman ang Samal ang iniharap ng depensa.
04:11Pero sabi nito hindi niya matiyak kung ang property na nasa lugar niya
04:16sa isyang nakadeklara sa sal and ng bisik.
04:20Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
04:26Sa day 41 ng impeachment trial,
04:28tumutok ang abogado ni Vice President Sara Duterte
04:31sa isang property na ayon sa prosekusyon,
04:35hindi umano idiniklara ng bisi sa kanyang Statement of Assets,
04:38Liabilities and Net Worth o SALEN.
04:41Iniharap nila ang City Assessor ng Island Garden City of Samal o Igacos,
04:47Davao del Norte, upang patunayang idiniklara ng bisi ang naturang property.
04:52Yung kanina niyo pa pong binabanggit na ari-arian,
04:55ito po ba yung ari-arian na tinutukoy ng mga binanggit niyong dokumento kanina?
05:01Ito pong nakikita niyo sa SALEN ng ikalawang Pangulo?
05:06Based on the market value and assist value, your honor?
05:10Yes, your honor.
05:11Is that your only basis, sir?
05:13Magkatugma po sila, your honor.
05:15Pero sa cross-examination ng prosekusyon,
05:19inamin ng witness na hindi siya nakatitiyak dito.
05:22But you're not claiming that the same property indicated in that TCT
05:27is the very same property contained in that SALEN, correct?
05:31I'm not certain, sir.
05:33Magkatugma yung assessed value at saka yung fair market value?
05:37Yes, your honor.
05:38Maliban po doon, may iba pa buboka yung basihan para sabihin yan din yun.
05:42Wala po yung honor kasi hindi po nakalagay yung title number at saka yung ERP number po.
05:47Ilang property na nakadeklara sa SALEN ng BISE
05:50ang matatagpuan sa Samaloigacos, islang kilala sa White Sand Beach nito.
05:56Punto ng depensa,
05:58ang kinukwestiyong property na may laking 751 square meters
06:02nakalista sa SALEN
06:04at may adres na Barangay Matanos, Kaputian District.
06:08Yun nga lang, ayon na rin sa witness, walang Barangay Matanos sa Samal Island.
06:13Pati ako ho nalilito na.
06:15Paano po makakaroon ng titulo sa inyong syudad
06:19na nakalagay ay Barangay Matanos kung wala naman barangay na ganyan sa inyo?
06:25Sa tax mapping po, ang nakarehistro po is San Isidro.
06:28Kasi yung Matanos, ito po yung nakalagay sa title.
06:33Kinokomperman nyo ba na sityo yan ang Barangay San Remigio?
06:37I have no knowledge.
06:38Hindi nyo po alam.
06:39So, yung Matanos at saka San Isidro, magkaiba po yun.
06:43Wala po yung Matanos sa San Isidro.
06:45Nasa ibang barangay.
06:47May alok namang paliwanag ang abogado ng PSE.
06:51What the Register of Deeds of Samal City mentioned
06:54is that yung pong location ng TCT,
06:58na nakalagay sa TCT,
06:59hindi na po napapalitan yun kasi kailangan po ng court order.
07:02So, kahit magbago yung location ng actual property involved doon,
07:08hindi na po napapalitan talaga yun nasa TCT
07:10kasi unlike tax declaration which is within the control of the city assessor's office.
07:17Bukod sa lokasyon, sinabi ng prosecution na meron ding hindi pagtutugma
07:21sa halaga ng property at date of acquisition nito.
07:25Tanong naman ni Sen. Joel Villanueva,
07:28nasaan na raw kaya ang property na sinasabing hindi idinect na ra?
07:32Kung ito ay magkaibang property,
07:35meron na po ba kayong naiisip or sa inyong pananaw
07:39nasaan itong isang mga property na ito?
07:43Exactly kung nasaan ito.
07:45It is for the Vice President to know where this property is indicated
07:50but what we're certain is that this property indicated in the TCT,
07:56she did not declare it,
07:58which is a clear violation of the law of the Constitution
08:02which is an impeachable offense.
08:04Sa puntong ito, tumayo ang lead defense counsel na si Atty. Sheila Sison.
08:09Sabi niya, para o man o maipakita na magkaiba ang dalawang property,
08:14dapat nagsumiti ang prosecution ng mga dokumento kaugnay
08:18sa barangay Matanos property na nakadeklara sa SAL-M.
08:21Now, they're saying that it's the respondent's burden to prove
08:28that this real property declared in her SAL-M
08:35is not the same property registered with the city.
08:40That is not what we stated yun.
08:41It's hair-splitting. We all know that this is the same property.
08:45Whatever documents, I know he will object.
08:49If the prosecution is confident enough
08:52that there is another property existing,
08:55not covered by the documents presented by the two defense witnesses,
09:00they did not present it. Now, why?
09:03Because they know it's the same property.
09:06It's clear that good counsel missed the point by a mile.
09:10We never stated that it is the defense.
09:13She should prove that the existence of her properties.
09:20That was not our statement.
09:22Our statement is that the property covered by the subject transfer certificate of titles,
09:30insofar as we're concerned, we were already able to prove
09:33that that was not declared in the SAL-M.
09:36As I've mentioned a while ago, their witness even confirmed.
09:40Kaugnay naman sa pagharap kahapon ni Davao City Assessor Jaime Adalin sa Korte,
09:45sinabi ni Escudero na hindi pa nito isinusumite ang mga impormasyong hinihingi
09:50ng ilang senador gaya ng listahan ng lahat ng property ng BSE
09:54at kanyang mister sa Davao.
09:56Inutosan niya ang clerk of court na makipag-ugnayan dito.
10:00Sa pagpapatuloy ng trial ngayong araw, may paalala ang ilang senator-judge sa mga haharap na witness.
10:07Is it not we have penalties and sanctions against those who lie before the impeachment court?
10:17Will you please refresh my memory on this matter so that the witnesses and the prosecution
10:23and the defense will be reminded as well?
10:27They may be subject to contempt by the court, Your Honor.
10:33And in addition to that, may be subjected to cases of perjury
10:39should one be filed against him before the proper prosecutor's office and or courts of law
10:46because the statements given by any witness is under oath.
10:52Pinuntahan naman ng GMA Regional TV 1 Mindanao ang sinasabing property ni VP Sara sa Matina Crossing, Davao City.
11:00Matatanda ang inilabas ang prosecution ng ilang litrato ng property na ayon sa kanila
11:05ay hindi umano i-diniklara sa SAL-N.
11:07Pero hindi masagot ni Adalin kung ito nga ang property ng BSE.
11:12Hindi muna nagpa-unlock ng interview ang manager nito.
11:16Tinanong din ang news team ang pamunuan ng barangay pero hindi na muna sila nagpa-interview.
11:21Kinawestiyon din kasi sa impeachment court ang pag-convert ng residential property sa commercial
11:27pero sabi ng barangay, nasa jurisdiction ito ng City Planning Office.
11:32Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Oras.
11:36Nakatutulong ngayong may banta ng Super El Niño ang bagong water treatment plant sa Pasay.
11:42Kaya nitong linisin ang maruming tubig mula sa bahay para pwede na umunong inumin.
11:48Nakatutok si Marisol Abdurama.
11:53From this to this, sino mag-aakala na ang mga marumi at mabahong gamit ng tubig mula sa ating mga
12:01bahay
12:01ay pwede pang mapakinabangan at inumin?
12:07Ito ang wastewater na galing sa mga household dito sa Pasay City na kinakash dito sa new water treatment plants
12:14sa Pasay City.
12:15Kung makikita ninyo, dark brown na ang kulay ng tubig at actually meron siyang amoy.
12:20Ito ang tubig na sasailalim sa mahaba at mabusising proseso bago tuluyang maging potable o pwede nang inumin na tubig.
12:28Pagkatapos matreat, isasalang na ito sa filtration system.
12:31Ang trabaho nitong mga filtration system ay nagsasala ng ibang-ibang contaminants, bacteria at viruses na present sa tubig.
12:41Dito rin ini-inject ang disinfectant.
12:44Para masigurado na yung mga natitirang microorganism, bacteria ay kapatay.
12:51Ultrafiltration, trains.
12:52And then patadaanin po ulit sa panibagong series of processes para po masiguro po namin na ito po ay pwede
13:00naman po i-distribute sa mga customers and become potable water or naiinom po.
13:05In less than 2 hours, lumalabas na po yun doon sa aming planta.
13:09Ang tubig na naiproseso, pasok daw sa Philippine National Standards for Drinking Water.
13:14Sa ngayon, nakakapagproduce ang pasilidad na ito ng 4 milyong litro ng tubig kada araw.
13:20At sa susunod na buwan, kaya na na itong makagawa ng 12 milyong litro ng tubig kada araw.
13:26Kaya nga rin daw nitong suplayan ng inuming tubig, ang halos 85,000 na consumer sa Pasay, particular na sa
13:33Malibay at Marikaban area.
13:35Tamang-tama sa gitna ng banta ng matinding El Niño dahil may alternatibong pinagkukuhanan ng tubig.
13:41Pero ang tanong, may dagdag singil ba ito sa mga sinisabisyohan ng Maynilad?
13:46Technically yes, mayroon. Pero ano siya eh, kumbaga maliit pa siya kumpara po sa lahat ng mga na-invest na
13:51po ng Maynilad na alos hindi po siya directly mararamdaman.
13:56Sa kabila nito, apela pa rin ang mga otoridad sa publiko magtipid sa paggamit ng tubig dahil bawat patak ay
14:03mahalaga.
14:05Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Oras.
14:10Aabot sa mahigit 500 milyong pisong halaga ng gulay at iba pang agwe products ang nasabat sa isang warehouse sa
14:18Valanduela.
14:19Smuggled umano mga ito, kaya kinumpis ka. Nakatuto si Oscar Oida.
14:27May mga munggo, mani, luya. Pero ang pinakamarami, mga pulang sibuyas na aabot umano sa siyam napot siyam na libong
14:37sako.
14:38Ganyan kadami ang pinaniwala ang smuggled agricultural products na nasabat ng Bureau of Customs at National Bureau of Investigation sa
14:47warehouse na ito sa Valanduela City.
14:49Ang operasyon, umusbong mula sa intelligence report na nakalap ng NBI.
14:55Ito nga, may bumuto sa atin ng intelligence information na may actually hoarding ito, hino-hoard nila for siguro para
15:06sa kapaskuhan ito.
15:07Yun ang analysis namin ni Chief Pinawin at BOC.
15:13Minamonitor namin itong cold storage. Matagal na itong stock dito.
15:16So, if we inspect yung mga sako, parang medyo luma na. So, ang tingin namin, they are waiting for the
15:26best time na ilabas ito para mas mahal.
15:28Nang siya sa atin, ay wala o muna may pakitang kaukulang dokumento at permits ang mga kinatawan ng nasabing warehouse.
15:36Meron discrepancy. At yung mga carrots at yung mga luya na nakita namin na laman ng mga kahon sa markings
15:45pa lang, galing na ito ng ibang bansa.
15:47Subalit, wala maipakitang permits ang mga representante nitong warehouse.
15:53At ito ay galing sa iba't ibang bansa. China, Argentina, Australia, Indonesia, India, Myanmar at Egypt.
16:01Sa kabuan, aabot umano sa P524 million pesos ang halaga ng mga nasabing agricultural products.
16:08Kung ito ay naging legal sana, dapat na pagbayaran ito ay hindi bababa sa P168 million pesos.
16:17Hindi pa malinaw kung paano at kung kailan na ipasok sa bansa ang mga nasabing produkto.
16:22Di pa tinutukoy ang mga personalidad sa likod nito, pero nahaharap umano ang mga ito sa kasong paglabag sa Anti
16:29-Agricultural Economic Sabotage Act.
16:31Bibigyan natin due process. Ang mga may-ari ng itong warehouse na ito, yung management nila.
16:37Sa ngayon, sabi ng BOC, babantayan muna ng Philippine Coast Guard ang mga nakumpiskang produkto habang inihintay ang paliwanag ng
16:45may-ari.
16:46Oscar Oida, Nakatutok 24 Horas.
16:50Mula po sa kilalang brand ang karamihan sa mga laptop na sinimula nang ipamahagi ng Department of Education o DepEd.
16:57Sinagot ang palasyo mga pangambang makalyan sa may-sabing nakamura pa nga.
17:02Ibinigay man sa mga guro na nanatili ang government property.
17:06Nakatutok si Ivan Mairina.
17:12Mahigit dalawandaang guro sa Dagupan City ang buwena manong nabigyan ng mga laptop ng Department of Education o DepEd.
17:18Isa riyan si Teacher Aliza. Malaking tulong daw ang bagong MacBook nyo sa kanyang pagtuturo.
17:24Lalo pong mapadali ang ating trabaho o pagtuturo.
17:30Sa part po kasi ng laptop, kapag once na napuno na po yun, yes po, ano talagang as in,
17:36nahihirapan din po ang mga teacher, lalo na laging naglo-loading, laging as in talagang puno na.
17:43Mula ngayong buwan hanggang Marso sa susunod na taon,
17:46kabuang 231,000 na laptop ang ipamamahagi sa bansa sa ilalim ng computerization program ng DepEd.
17:53Mahigit 169,000 dyan ang MacBook Neo, habang mahigit 62,000 naman ay Windows-based.
18:00Nagbigay rin ang pamahalaan ng 3,646 MacBook Neo para sa mga administrative officers ng DepEd.
18:06Sosyal, kaya puno ng ilan, hindi kaya mahal.
18:10Ay kay Pangulong Bongbong Marcos, nakamura pa nga ang gobyerno.
18:15Mas mura ang bawat laptop kumpara sa karaniwang presyo nito sa merkado.
18:20Kasama din dito ang delivery, limang taon warranty, software at training.
18:26Dahil dito, nakatipid ang ating pamahalaan ng 1,400,000,000 piso.
18:32Ang anuman natipid ay mailalaan sa ibang pangangailangan natin sa edukasyon.
18:39E paano naman napunta sa kilalang brand ang transaksyon na ito ng gobyerno?
18:43Dito may proseso kung pinagdadaanan it and that's called the competitive bidding under the procurement law.
18:48Definitely, ang importante dyan, yung specs na maganda at pabor talaga sa ating mga educators.
18:55Sa kasalukuyan, may mahigit 800,000 guro sa bansa at hindi pa raw kakayanin ang 1 is so 1 o
19:02isang laptop bawat guro.
19:03Kaya naman sa guidelines ng DepEd, bibigyan prioridad ang mga guro na hindi pa nakatatanggap ng government-issued laptop.
19:10Paglilinaw nila, kahit inisyo sa guro, pag-aari pa rin niya ng kagawaran.
19:15E paano naman kung may guro na magbenta niyan?
19:18Government property ko yun. Pag binhente ho nila, babayaan ko nila yun.
19:21The IT officer, each school has an IT officer. So, siya yung parang kustodya.
19:26Patuloy na nangako ng support ang pangulo sa mga guro at sa sektor ng edukasyon.
19:31Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
19:35Simula na ngayong araw ang mega oil price rollback pero hindi raw ito ramdam ng ilang motorista sa ilang gasolinahan.
19:43Paalala po ng Department of Energy sa mga kumpanya ng langis,
19:46ipatupad ng buo ang bawas presyo dahil wala namang usapang uutay-utayin ito.
19:53Nakatutok si Dano Tingkungko.
19:58Simula na ngayong araw ang inanunsyo ng Department of Energy na halos 17 pisong rollback sa presyo kada litro ng
20:04gasolina.
20:05Mahigit 4 piso sa diesel at mahigit 3 piso sa kerosene.
20:09Pero ayon sa ilang nakausap naming motorista kanina, hindi raw yan ramdam sa ilang gasolinahan.
20:14Sa bandang Fairview, mayroon mga mas matataas pa rin po.
20:18Opo, medyo mataas pa rin po kumpara dito sa station na po, sir.
20:22Tinintay ko nga po talaga yung rollback para mga pagpagas eh.
20:24Sa ibang gasolin na parang hindi pa bumababa ng tuluyan.
20:28Nasa 77, di mo ramdam eh.
20:30Kaya ang DOE nagpaalala sa mga kumpanya ng langis.
20:33Buong ipatupad ang rollback kung ayaw nilang pagpaliwanagin kung bakit hindi sila dapat masita sa paglabag sa mandato ng oil
20:41deregulation law.
20:41Ini-stagger natin pag paakyat.
20:47Pero pag pababa, wala pong ganansya ang ating mga mamimili kung i-stagger natin ang decrease.
20:58Mandated po sa ngayong panahon ang mga adjustment.
21:02Ayon pa sa DOE, wala rin naging usapan o hiling mula sa mga oil company na utay-utayin ang rollback.
21:09Definitely, ang implementation would be a one-time implementation of decrease.
21:17Dahil dyan, pwede raw i-report ng publiko sa kagawaran kung may mga gasolinahang kulang ang ipinatutupad na rollback.
21:24Iimbisigahan daw nila ito at papatawa ng parusa kung mapapatunay ang lumabag.
21:29May provision ho dun sa oil deregulation law under emergency.
21:35Meron hong DOE may direct.
21:40Ito ho yung tinatawag na dinidirect ng DOE.
21:43Partly yung business nila in terms of the mandated adjustment.
21:48At may kasama hong penalty pag hindi ka sumunod dun sa provision na yan na ina-allow yung DOE to
21:59direct the operation.
22:01In this case, specifically, the implementation of the mandated price adjustment.
22:08Gusto ko namin maintindihan kung ano yung specific address ni IIM ng gasolin station para mapuntahan siya exactly at magkaroon
22:19ng investigation.
22:20Dahan na tingkoon ko na katutok 24 oras.
22:28Good evening mga kapuso!
22:30Focus na rin sa kanyang health si Will Ashley matapos mong ospital recently.
22:35Sa gitna naman ng showbiz commitments, deserve na deserve niya ang kanyang much-needed break sa Hong Kong with Mita
22:41Salamanca.
22:42Makichika kay Athena Imperial.
22:48Much-needed break achieved ni na Delivery Boy star Will Ashley kasama.
22:53Mita ang co-star at nililigawan niyang si Mika Salamanca sa kanilang recent Hong Kong trip.
22:59Break lang din talaga after sobrang busy ng schedule and sobrang stressful na mga nangyari.
23:07But yan, sobrang reset talaga.
23:09Pabalik namin parang okay, okay ang lahat.
23:12Ready to work, happy and ang dami namin mga positive talaga na minamanifest.
23:19Nang tanungin namin kung getting to know you trip pa rin nila ito ni Mika,
23:23Ilang beses na?
23:24Oo!
23:26Ilang beses na?
23:27Baga ano na yan?
23:28Bonding na.
23:28Banda mo, bala mo, bala mo yung label?
23:30Bonding na.
23:31Beliebal na?
23:32Tatanungin ko ulit siya.
23:34Sa ngayon, sabi ni Will, priority niya muna, ang good health.
23:38Lalot ka makailan lang ay na-hospital siya.
23:41Muntik na rin ako ma-admit so I had to stop and parang eat normal talaga.
23:45Na-sobrahan in terms of pagod tapos na-sobrahan sa diet.
23:52Kung baga naparami yung protein intake ko.
23:55Sa kabila niyan, tuloy-tuloy lang daw ang showbiz commitments ni Will
23:59at ngayon ay getting ready na siya para sa full swing promotion
24:03ng official entry ng GMA Pictures, GMA Public Affairs at Brightburn Entertainment
24:08sa 2026 Metro Manila Film Festival.
24:11Ang Amir.
24:13Nag-share din si Will kung paano niya hinahangaan ang kasama niya sa pelikulang si Dennis Trillo.
24:19Every time na nakikita ko siya, parang nakakilabot, nakaka-goosebumps kumbaga
24:23kasi kitang-kita mo talaga yung pagkaseryoso niya sa craft niya.
24:29Sa GMA Afternoon Drama Series namang Delivery Boy,
24:33nalalapit na kayang makilala ni Boy Ragasa ang totoo niyang tatay.
24:37May mga aksidente nang nangyayari.
24:39So, abangan pa nila yung mga revelations na mangyayari sa Delivery Boy
24:44kasi starting pa lang eh.
24:46Kisimula pa lang tayo.
24:47Kumbaga nagbibuild up pa lang talaga yung story na ito.
24:50Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings!