00:01Nakakalula ang posibleng taas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
00:07Sa pagtataya ng oil industry sources, may 15 pesos ang imamahal ng kada litro sa diesel,
00:15habang lagpa 7 pesos naman ang sa kada litro ng gasolina.
00:20Epekto pa rin yan ng gulo sa Middle East, pero hindi pa naman daw pinal ang taas presyong iyan.
00:26Gayunpaman, sabi ng Energy Department, may kalakihan ang susunod na oil price hike.
00:32Ang konswelo, hindi raw yan magiging isang bagsakan.
00:36At yan po ang tinutuka ni Joseph Moro.
00:41Ihanda na ang inyong mga bulsa dahil ayon sa oil industry sources na nakausap ng GMA Integrated News,
00:48lampas 15 pesos kada litro ng diesel at lagpas 7 pesos naman sa kada litro ng gasolina
00:54ang pwede maging taas presyo sa susunod na linggo.
00:57Base raw yan sa unang tatlong araw ng trading ngayong linggo.
01:01Kaya posibleng hindi pa yan ang final na adjustment.
01:04Ayon sa oil industry sources, yan ay dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng kada bariles ng krudo
01:10sa pandayigdigang merkado dahil sa gera sa pagitan ng Amerika at Israel kontra Iran.
01:15Kahapon na sa $145 na ang kada bariles ng diesel
01:19at aabot na sa $100 ang kada bariles ng gasolina.
01:24Nakabantay ngayon ang Department of Energy sa presyuhan ng krudo sa world market.
01:28Bagaman tumanggi muna ito na magbigay ng tansya
01:31kung magkano ang itataas ng gasolina at diesel sa susunod na linggo.
01:35Ang mapso, tuloy-tuloy yan. Medyo may kataasang pero again, hindi ho yan ang inaasahan natin.
01:43Natatama sa akin dito sa Pampray.
01:46So, hintayin na lang talaga ang end of this week for Monday to be precise.
01:53For implementation on Tuesday?
01:54Para sa Tuesday. Mahirap po mag-pre-end tayo ngayon, malalabas sa media, matataranta ang tao.
02:00Okay.
02:01At the minimum gusto ho natin hindi makamitigate tayo sa price increase.
02:07Pagsisiguro ng pamahalaan, hindi naman daw isang bagsakan
02:10ang mararanasang taas presyo sa produktong petrolyo ng mga motorista
02:15kahit patumasang presyo niyan sa world market.
02:18May iba't iba rin na ayuda ang nakahanda ang pamahalaan.
02:21May consideration pa yan na pinag-uusapan with the oil company na pwede pang mag-implement
02:27ang staggered price increases. At the same time, marami pang iba like fuel discount.
02:33Okay.
02:34Ilalabas din ho natin yan. So, marami hong faktor na pwedeng mapag-usapan dyan.
02:39At magandang lang buuhin natin yung lahat ng strategies sa ilalabas para kumalma naman
02:46ang ating mga kababayan dyan.
02:48Ang Senado at Kamara gusto nang bigyan ng emergency power si Pangulong Bongbong Marcos
02:54para suspindihin ang excise tax sa buwis na ipinapataw sa mga produktong petrolyo
02:59para mabawasan kahit papano ang presyo nito.
03:02Sa kasulukuyan, nasa 10 piso kada litro ang ipinapataw na excise tax sa premium at unleaded gasoline
03:08habang nasa 6 pesos naman sa diesel.
03:11Sa panukalang batas, Sen. Bama Quino, bibigyang kapangyarihan ng Pangulo sa rekomendasyon
03:16ng Finance Secretary na suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo
03:21sa panahon ng national emergency o kailangan sa interes ng publiko.
03:25Pero babawihin agad ito kapag bumalik na sa dati ang sitwasyon.
03:30Sa bersyo naman ni Sen. Joel Villanueva, maaaring suspindihin o bawasan ang Pangulong excise tax
03:36kapag tumuntong o lumampas sa $80 ang kada barilis ng krudo.
03:41Naghahain na rin ang kaparehong panukalang batas si Marikina Rep. Miro Kimbo
03:45sa panukalang joint resolution naman ni Navotas Rep. Toby Chanco
03:50value-added tax o VAT naman sa mga produktong petrolyo
03:54ang gusto niyang bigyang kapangyarihan ng Pangulo na suspindihin.
03:57Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
04:06Miro Kimbo
Comments