Skip to playerSkip to main content
Nagbabadyang umabot ng P114/L ang presyo ng diesel dahil sa ikalawang round ng mega oil price hike na ipatutupad simula bukas.


Presyo sa Metro Manila at kalapit na mga lugar ‘yan at maaaring mas mahal pa kung sa malalayong lugar sa probinsya.


Nag-aalala na ang Energy Department dahil habang tumatagal ang giyera sa Gitnang Silangan ay maaaring tuloy sa pagsirit ang presyo ng langis.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagbabadyang umabot ng 114 piso kada litro ang presyo ng diesel
00:07dahil sa ikalawang round ng Mega Oil Prize hike na ipatutupad simula bukas.
00:14Presyo sa Metro Manila at kalapit na mga lugar yan
00:17at maaring mas mahal pa kung sa malalayong lugar sa provinsya.
00:21Nag-aalala na ang Energy Department dahil habang tumatagal ang gera sa gitnang silangan
00:26ay maaring tuloy sa pagsirit ang presyo ng langis.
00:30Nakatutok si Maki Pulido.
00:35Sa panibagong round ng Oil Prize hike ngayong linggo,
00:39inanunsyo ng Department of Energy na para sa diesel,
00:4220 pesos and 40 centavos hanggang 23 pesos and 90 centavos ang taas presyo bukas.
00:49Kaya ang presyo ng diesel aabot na ng hanggang 114 pesos ang kada litro
00:55depende kung nasaan ka at aling gasulinahan ka magpapakarga.
00:59Sa gasolina naman, 12 pesos and 90 centavos hanggang 16 pesos and 60 centavos ang dagdag singil.
01:07Kaya lalabas na 76 pesos and 30 centavos hanggang 91 pesos and 60 centavos ang kada litro nito.
01:15Papatak naman ang kada litro ng kerosene sa 91 pesos and 90 centavos hanggang 143 pesos and 79 centavos.
01:24Presyo sa Metro Manila at ibang syudad sa labas ng Metro Manila yan,
01:28maaaring mas mahal pa sa mas malalayong lugar sa probinsya.
01:32Pag mas malayo yung gas station, mas mahal siya.
01:35That's just how it is because there's additional transport, additional insurance.
01:40Mas na naman, eh, paano ba ito?
01:43Paano ba ito?
01:44Wala pa pampuntag.
01:46Wala na, makakay, sa linggo na lang ako siguro.
01:48Tigil na muna ako.
01:50Ang hirap na biyahe.
01:52Wala na pang uwi na pamilya.
01:54Hindi nagsushirt na ma'am sa boundary kasi
01:56maano,
01:58mataas ang gasolina.
02:00Titigil na nga ako sa pagtataksi.
02:02Limang araw na walang ginikita.
02:03Tatlong beses ngayong linggo,
02:06uutay-utayin ng Shell, Petron at Flying V
02:08ang dagdag singil.
02:10Dalawang beses naman ang Total at Sea Oil.
02:13Ang iba,
02:14naghabol ng magpagas ngayong araw.
02:16Magpo-full tank na ako
02:17para po makatipid.
02:18Kasi pataas pa ng pataas yan, ma'am.
02:20Yung kalahating tank ko,
02:21siguro magagas na ako mga 15 liters.
02:24Kung 15 times 20 pesos
02:26ang tataas bukas,
02:27so malaking tulong pa rin.
02:30So yun,
02:31nakakatipid na ang kaunti.
02:34Nag-aalala ang Department of Energy
02:37dahil habang tumatagal
02:38ang kiera sa Middle East,
02:40maaaring tuloy pa
02:41ang pagtaas
02:42ng presyo ng langis.
02:44What concerns me most
02:46is the war in Middle East.
02:48Because the longer it takes,
02:50di mo alam kung ano mangyayari.
02:53Kung sa presyo,
02:55aakyat siya.
02:5520% ng supply ng refined products
02:58o ang mismo diesel at gasolina
03:00inaangkat mula sa China
03:02na nagsabing hindi na muna
03:04sila magbebenta.
03:05Gayun din ang South Korea
03:06at Japan.
03:07Pero sabi ni Secretary Garin,
03:09kung hindi makuha
03:10sa pakiusap
03:11ang mga inaangkatang bansa,
03:13may iba pang mapagkukunan.
03:14Mas mahal nga lang.
03:15China or other countries
03:18that have banned,
03:19they allow naman.
03:22Some have exemptions
03:24to the banning.
03:27And even worst case,
03:29if they do close their doors
03:31on export,
03:32there are other suppliers.
03:34Isang halimbawa ang Russia
03:35na kinakausap na
03:36ng mga pribadong oil importer.
03:38Nabanggit din dati
03:40ang South America.
03:41Ngayong papasok na
03:42ang tag-init,
03:43tiniyak naman ni Garin
03:44na walang problema
03:45sa supply ng kuryente.
03:463% lang ng energy mix
03:48ng bansa
03:49ang umaasa sa langis.
03:51Wala pa rin daw
03:51inaasahang rotational brownout
03:53kahit sa mga off-grid areas,
03:55kung saan ang ilan
03:56sa mga nagsusupply
03:57ng kuryente
03:58ay pinatatakbo
03:59ng diesel.
04:00Para sa GMA Integrated News,
04:03Mackie Pulido Nakatuto,
04:0424 Horas.
Comments

Recommended