- 5 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Transport holiday ang isinalubong ng isang grupo sa ikatlong round ng mega oil price hike na ipatutupad bukas.
P18 ang taas sa kada litro ng diesel habang hanggang P8/L sa gasolina kaya sasampa na rin sa P100/L ang gas.
May hiwalay pang transport strike na ikakasa sa Huwebes at Biyernes.
Pero muling pagdidiin ng Malacañang, hindi pa maituturing na oil crisis ang sitwasyon sa bansa kundi price disruption.
Hindi rin anila dina-downplay ng pamahalaan ang sitwasyon at patuloy na humahanap ng iba pang paraan.
Kabilang diyan ang pansamantalang pagpayag sa pag-import ng Euro 2 petroleum products kahit dati nang ipinagbawal dahil mas marumi at mas nakadudulot ng polusyon.
Nagsimula na rin ang 50% discout sa LRT-2 at MRT-3.
May pakonswelo rin na discount sa toll.
Gayunman, muli na namang bumulusok sa bagong record low ang palitan ng piso kontra dolyar.
Nagsara 'yan sa P60.30=$1 ngayong March 23, 2026.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
P18 ang taas sa kada litro ng diesel habang hanggang P8/L sa gasolina kaya sasampa na rin sa P100/L ang gas.
May hiwalay pang transport strike na ikakasa sa Huwebes at Biyernes.
Pero muling pagdidiin ng Malacañang, hindi pa maituturing na oil crisis ang sitwasyon sa bansa kundi price disruption.
Hindi rin anila dina-downplay ng pamahalaan ang sitwasyon at patuloy na humahanap ng iba pang paraan.
Kabilang diyan ang pansamantalang pagpayag sa pag-import ng Euro 2 petroleum products kahit dati nang ipinagbawal dahil mas marumi at mas nakadudulot ng polusyon.
Nagsimula na rin ang 50% discout sa LRT-2 at MRT-3.
May pakonswelo rin na discount sa toll.
Gayunman, muli na namang bumulusok sa bagong record low ang palitan ng piso kontra dolyar.
Nagsara 'yan sa P60.30=$1 ngayong March 23, 2026.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:01Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Sa asang pa na rin, sa isang daang piso kada litro ang presyo ng gasolina,
00:11habang mas mahal pa rin ang diesel.
00:13Kaya, mauulit sa Weves at Bernes ang tigil pasada ng iba't ibang grupo.
00:18Kanina, maraming na-stranded dahil sa protesta, at nakatutok live si Ian Cruz.
00:24Ian.
00:27Yes, Mel, Emil, Vicky, pangatung linggo na bukas ng Mega Oil Price Hike
00:33kung saan inaasahang maaring sumipa na sa 100 pesos ang kada litro ng gasolina
00:38sa ilang mga gas station.
00:40Kaya naman dito sa ating kinaroonan, malapit sa Munoz, Quezon City,
00:44ay pila-pila na ang mga motorsiklo at mga sakyan
00:47para habang mas mura pa ang gasolina, ay makapag-full tank na sila.
00:52Inaasahan naman na sunod-sunod na kilos protesta
00:55ang isa sa gawa ng mga transport groups.
00:59Prison and the beast!
01:01Iba pa! Iba pa!
01:02Lunes na lunes pero naka-transport holiday
01:05ang Alliance of Concerned Transport Organizations o ACTO
01:09at iba pang transport groups sa iba-ibang panig ng bansa.
01:13Salubong nila yan sa ikatlong round ng Mega Oil Price Hike
01:16na ipatutupad bukas.
01:18Hanggang 18 piso ang increase sa litro ng diesel.
01:22Hanggang 8 piso naman sa litro ng gasolina.
01:25Kaya tulad ng diesel,
01:27lalagpas na rin sa 600 piso ang litro ng gasolina
01:29sa ilang gasolinahan.
01:31Kailangan po makarating po sa ating presidente
01:34ang aming hinahing
01:35at hindi po para
01:37kasi hindi pa po kami nakakausap na ating presidente
01:40yung transport sectors.
01:42Kailangan po natin dito yung concrete solution
01:45ng ating presidente Marcos.
01:47Kabilang sa hiling nila
01:48ang moratorium
01:49o pansamantalang
01:51tigil sa paniningil sa utang nila
01:52para sa mga binili nilang modern cheapneys.
01:56Sana po may medyo
01:57may 3 months mo kami makuha dito
02:00or 6 months.
02:01Sa gitna ng transport holiday,
02:04may mga nahirapang sumakay
02:06tulad ni Mary Jane na umabot ng 45 minuto
02:10bago nakasakay.
02:19May mga strande din sa Pampanga
02:22dahil sa tigil pasada
02:24ng mga UV Express.
02:32Hiwalay pa yan sa ikakasanamang
02:34transport strike sa Webes
02:35at Biyernes
02:37ng bagong buong alyansa
02:38ng transport sector na
02:40Noto Oil Price High Coalition.
02:42Bukong sa mga tsuper ng jeepney
02:44ay lalahok din ang driver
02:45ng UV Express,
02:46bus,
02:47TNVS,
02:48motorcycle taxi drivers,
02:51tricycle,
02:51at delivery services.
02:54Kabilang sa hiling nila
02:55ang pagtanggal sa mga buwi sa langis,
02:57rollback sa presyo nito,
02:59pagbasura ng Oil Deregulation Law
03:01at taas pamasahe.
03:03Hindi po natin makikita yung response
03:05ng gobyerno.
03:07Dahil nga yung response nga,
03:08binawi na yung gagapiso eh.
03:10Mag-motorcade po
03:11at mag-unity ride
03:12yung ating mga kapatid na riders
03:14sa kalsada
03:15para ipahayag yung kanyang disgusto.
03:18Hindi po pwedeng sabihin
03:20na itiniming ito
03:22dahil itinulak po ito
03:24ng pagiging pabaya
03:25ng gobyerno natin.
03:27Presyo na ang lamis!
03:29Dito pa!
03:30Dito pa!
03:30Ang grupong manibela nga,
03:32baka mauna na
03:33ang tigil pasada.
03:35Baka sa miyertoles pa lang
03:37umpisahan na namin.
03:39Ngayong araw,
03:41marami na ang tumigil sa amin
03:43dahil hindi na talaga
03:45kayang bumiyahe.
03:46Una nang sinabi ng palasyon
03:48na ginagawa ng gobyerno
03:49ang lahat
03:49para ibsan ang epekto
03:51ng gyera sa Middle East.
03:56Vicky,
03:57ayon sa mga transport groups,
03:58particular nga ang ngapiston,
04:00kung lilinggo-lingguhin
04:01ang Mega Oil Price Hike,
04:02sila rin
04:02ay hindi magsasawa
04:03sa pagpaprotesta
04:04para protektahan
04:06ang kapakanan
04:07na mga motorista.
04:08Yan ang latest
04:08mula rito sa Quezon City.
04:09Balik sa'yo,
04:10Vicky.
04:11Maraming salamat sa'yo,
04:12Ian Cruz.
04:13Sa kabila na'y
04:15katlong Mega Oil Price Hike,
04:18iginit ng Malacanang
04:19na hindi pa maituturing
04:20na oil crisis
04:22ang sitwasyon sa bansa.
04:24Hindi pa rin hawak
04:25ng Pangulo
04:26para malagdaan
04:27ang panukalang
04:28bigyan siya
04:29ng emergency powers
04:30para pababain
04:31o suspendihin
04:33ang excise tax
04:34sa langis.
04:35Ang dahilan
04:36sa pagtutok
04:37ni Ivan Mayrina.
04:41Halos mapad na pa
04:43na ang mga chuper
04:43sa taasang presyo
04:44ng diesel ngayon
04:45na sa unang pagkakataon
04:47ay lagpas
04:48isang daang piso na
04:49kada litro.
04:50At bunsod
04:51ng mga Mega Oil Price Hike,
04:53nagtaasa na rin
04:53ang bilihin.
04:55Pero kung ang palasyon
04:56tatanungin,
04:57hindi pa umano
04:58maituturing na
04:58oil crisis
04:59ang sitwasyon sa bansa
05:00at ang tawag dito
05:01ng Malacanang
05:02price disruption.
05:04May dalawang klase po
05:05ng krisis
05:06sa supply
05:07at sa presyo.
05:09So ngayon po
05:10kung pag-uusapan po
05:10natin ang supply
05:11ay wala po tayong
05:12sasabihin krisis
05:13pagdating sa supply.
05:15Maybe
05:15meron pong
05:16price disruption
05:17dahil nga po
05:18sa nangyayaring
05:19oil crisis
05:20sa Middle East.
05:22Katwira ni Palas Press
05:23Officer Undersecretary
05:24Claire Castro,
05:25may supply pa rao
05:26kasi ang bansa.
05:28Basihan niya
05:28ang sinabi ni Energy
05:29Secretary Sharon Garin
05:30na may tuturing
05:31ang supply crisis
05:32kung mas konti
05:33na sa minimum requirement
05:34na labing limang
05:35araw ang supply
05:36at kung tumanggi
05:37nang mag-deliver
05:38ang supplier
05:38ng bansa.
05:39Sabi ng Department
05:40of Energy
05:41as of March 20
05:42nasa mahigit
05:4345 days pa
05:44ang ating supply
05:45ng diesel
05:45habang mahigit
05:4653 days
05:47sa gasolina.
05:48May mga
05:49nag-call out po
05:50sa inyo
05:50for downplaying
05:52the situation
05:53gaya po niyan
05:53hindi natin
05:54sila sa ating
05:55oil crisis
05:55in pricing
05:56but a mere
05:57price disruption.
06:00May mga
06:01nagsasabi po
06:02na mas maganda
06:03siguro
06:03sabihin ng gobyerno
06:05ang tunay
06:06na sitwasyon
06:06and not downplay.
06:07How do you respond
06:08to that?
06:08May mga papayang
06:09ginadownplay.
06:10Ito po kasi
06:11itong sitwasyon.
06:12Nagsusunita po
06:13ang pamahalaan
06:14sa utos
06:15ng Pangulo
06:15na dapat
06:16hindi magkulang
06:17ang supply
06:18ng produktong
06:20petroyo.
06:20Pero sa tiging ni na Botas Representative Toby Tiyanko,
06:23Nababahala ako doon sa sinabi niya kasi parang ang pananaw ko talagang nasa krisis na tayo at dapat gumawa ng
06:33paraan para maibsan yung epekto sa ating mga kababayan.
06:38Ang problema if Yusek Lair says wala pa tayo sa krisis, eh parang ang hirap naman yung sitwasyon natin.
06:44Sabi ni Castro, may binubuo ng Crisis Committee ang Pangulo para masigurong sapat ang supply ng pagkain at produktong petrolyo.
06:51Bago pa po may nagsuggest na gumawa ng Crisis Committee, nagutos na po ang Pangulo na maggawa officially ng Crisis
07:03Committee.
07:04So hintayin na lamang po natin ang dokumento ifina-finalize na po.
07:09Hinihintay rin ngayon ang pagsuspindi o pagbabawas ng Pangulo sa Excise Tax Salangis.
07:13Mag-iisang linggo na, wala nang ipasa ng Kamara at Senado ang panukala para dito.
07:17Pero hanggang ngayon, hindi pahawak ng Pangulo ang panukala para sa anyang firma ng tuluyan ng mai sa batas.
07:24The President wants it to be enforced immediately.
07:29The only reason that he could not do it because the bill has not been reached the President as of
07:38now.
07:39So there is no reason for him to sign.
07:42So after that, maybe after signing, he will immediately make an order either to reduce or to suspend the Excise
07:53Tax.
07:54Nang tanungin si Sen. President Tito Soto, wala pang enrolled bill sa kanya at hinihintay pa itong ipadala ng Kamara.
08:00Hinihingan pa namin ang tugon ng Kamara.
08:02Hanggang 10 piso kada litro ng gasolina at 6 piso sa kada litro ng diesel ang maaaring matapyas kapag sinuspindi
08:10ang Excise Tax.
08:11Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok, 24 Horas.
08:17Para sumapat ang supply ng langis, pansamantala na rin pinayagan ang pag-import ng Euro 2 Petroleum Products kahit dati
08:25na itong ipinagbawal dahil mas marumi at mas nakadudulot ng polusyon.
08:30Bahagi po ito ng mga hakbang ng gobyerno para makalikom ng dagdag na supply.
08:35At nakatutok si Mav Gonzalez.
08:40Sa gitna ng gyera sa Middle East, siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos na may sapat na supply ng langis sa
08:46bansa.
08:47Ayon sa Department of Energy, may supply pa tayo ng langis hanggang Abril.
08:51May required sila na 15 days pero ang capacity nila siguro 40.
08:59So they have to replenish every 40 days, let's say.
09:02So we have more than enough time to order the next batch.
09:09Para masiguro ang supply ng langis sa bansa, pansamantala ang pinayagan ng DOE ang pag-import ng Euro 2 Petroleum
09:16Products.
09:16Pero ang pwede lang gumamit nito ay yung mga sasakyang gawa noong 2015 o mas lumapah.
09:22Mga traditional jeepney, power plants, generators at marine at shipping industry.
09:27Mas mura pero mas mataas ang emisyon ng Euro 2 kumpara sa Euro 4 na standard ngayon sa Pilipinas.
09:34Mataas ang sulfur content ng Euro 2 kaysa sa Euro 4.
09:38Ang mas mataas na sulfur content, mas nakakadumi at nakakasira ng makina.
09:43Mas nakakapagdulot din ito ng polusyon.
09:45Pero dahil sa anilay extraordinary circumstances sa Middle East na nakaapekto sa petroleum markets,
09:51kinakailangang magpatupad ng temporary regulatory measures para masiguro ang sapat na supply
09:57at magkaroon ng access sa mas maraming uri ng produktong petrolyo.
10:01Pero sa tingin ng energy expert na si Atty. Noel Baga,
10:04bagaman makakatulong ito sa supply ng langis, hindi ito sapat.
10:08Lalo't patuloy pa rin sumisirit ang presyo ng produktong petrolyo.
10:12Very helpful ito sa oil industry natin para mas may leeway ang ating oil companies na mag-import ng oil.
10:19Even though dirtier oil siya, pero para may leeway siya na mas marami siyang ma-import para sa energy security.
10:24Ngunit hindi sapat ito para i-address ang oil crisis.
10:28Ayon sa Center for Energy Research and Policy o SERP,
10:31nasa 60 araw ang reserba ng langis ng Pilipinas,
10:35higit na mas mababa sa reserba ng ibang bansa sa Asia.
10:38Tulad ng Japan na 250 days ang reserba ng langis,
10:42mungkahi ng SERP, dapat magkaroon ng Strategic Petroleum Reserve ang Pilipinas.
10:46Tulad noong 1970s hanggang 1980s na pinapatakbo ng Philippine National Oil Company.
10:53Mas maganda rao kung nasa pang isang taon ang reserba.
10:56Napaka-thin margin lang nung 60 days.
10:58Mas mabuti talaga kung meron tayong Strategic Petroleum Reserve na i-establish yung gobyerno
11:04para meron tayong mas pang matagalan na supply ng langis.
11:08It will be established by the government at kung may oil crisis,
11:11pwedeng ibenta ng gobyerno yung langis na ito at subsidized prices
11:15ang mababang halaga sa taong bayan.
11:18Si Sen. Cheese Escudero,
11:20naghainan ng panukalang batas na layong magtayo ng sariling crude oil tank storage facility ang gobyerno
11:26para maging panangga sakaling magkaroon ng geopolitical crisis,
11:30magkaproblema sa supply o magkaroon ng biglang pagtaas ng presyo.
11:34Sa ilalim ng panukala, kayang mag-imbak ng pasilidad ng supply na pang 90 hanggang 180 days
11:40na pangangailangan ng buong bansa.
11:42Sa gitna naman ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa,
11:45lumabas sa monitoring ng PNP sa mahigit 14,000 gas stations
11:50na mahigit 400 gas stations na ang nagsara.
11:53Dinirekta na po natin ito sa Department of Energy para sila po ang indetermine
11:57kung ang naturang pagsasara ng 400 may kaugnayan sa possible hoarding na nasabi mga gas stations.
12:03Sabi ng PNP, may dalawang kaso ng naisan pa,
12:07hoarding at profiteering sa magkahihwalay na lugar sa Eastern Samar.
12:11Ayon sa PNP, nagmumonitor sila bilang bahagi ng kanilang paghahanda
12:15kung magkaaberya sakaling magka-oil crisis.
12:18Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
12:22Simula na ang 50% discount sa pamasahe ng LRT2 at MRT3
12:29pero hindi pa tiyak kung hanggang kailan.
12:32Malaking tulong yan, lalo't may mga dating nagdadala ng sasakyan
12:37na nagtitre na rin ngayon.
12:39Nakatutok si Maris Umali.
12:44May mga suki ng MRT3 namang tikpang makaiwan ng sukli.
12:48Marami pa kasi hindi nakakaalam na 50% ang discount sa pamasahe simula ngayong araw.
12:54Dito po sa fair matrix ng MRT3 na nakapaskil na rito sa Teller,
12:59ang dating P28 na end-to-end na pamasahe mula North Avenue
13:03hanggang Taft Avenue ay naging P14 na lamang.
13:07Yung P24 ay naging P12 na lang, yung P20 naging P10 na lang.
13:13Pinakamababang singil ay P6.
13:15Dahil sa 50% discount, kapantay na ng lahat ng mga estudyante, senior citizen at PWD
13:21ang pamasahe ng lahat ng mga karaniwang pasahero.
13:25Malaking bagay yan sa nursing assistant na si Marites,
13:29lalo't nagmahal ang singil ng iba niyang sinasakyan.
13:31Meron na sa tricycle, 20, nagiging 25 na ngayon.
13:35Sa bus, 50, nagiging 55.
13:39Pag-aircon, naging 60, 55 to 60.
13:42Tulong din yan sa mga nagtitrend na lang
13:44imbis na mag-drive sa EDSA para makatipid ng gas.
13:48From Noobaliches to Pasay, dalawang araw kulang ang full tank yan.
13:52So ngayon nag-MRT na kayo?
13:54Ang laki ng linahawa, laki ng dagdag sa pang-araw-araw na budget ko sa transportation.
14:04Ang mawawalang kita ng MRT pupunan ng dagdag subsidiya mula sa kaban ng bayan.
14:09Kaya ang tanong, hanggang kailan ang discount ng MRT-3?
14:12Mag-aantay tayo ng abito sa presidente kung hanggang kailan ito.
14:1750% din ang discount ng LRT-2 para rin sa lahat ng pasahero.
14:2135 million pesos kada buwan ang mababawas sa kita nito,
14:25na sasaluhin din ang gobyerno.
14:27Wala silang kailangan ipakita,
14:29pero yung kung nalininawin ko, yung naka-50% na ngayon,
14:32like yung mga estudyante, senior citizen, PWDs.
14:3650% na sila, so wala nang further discount yun.
14:39Malaking bagay sa amin yung tipid na yun.
14:42For me, it's a good thing po,
14:44since nagtas na po talaga yung presyo ng gas.
14:47Sa single journey ticket,
14:488 pesos hanggang 18 pesos depende sa destinasyon,
14:52habang sa stored value card o BIP card,
14:54ay mula 6 pesos and 50 centavos hanggang 16 pesos and 50 centavos.
14:58Sa kabila ng hiling ng isang mambabatas na ilibre na ang pamasahe sa trend,
15:03hanggang 50% discount lang sa ngayon,
15:05ang pinatutupad ng MRT-3 at LRT-2.
15:07Sa ngayon po, yan po ang ating guidance,
15:1050% discount across the board.
15:13So, yun po ang ating pinai-implement sa ngayon.
15:17Ang LRT-1 naman, na pinatatakbo ng isang pribadong kumpanya,
15:21wala pang anunsyo kung magkakaroon ng katulad na diskwento.
15:25Para sa GMA Integrated News,
15:26Mariz Umali, Nakatutok, 24 Oras.
15:30Pinagkakandaan ng mga otoridad
15:32ang pusibling dagsa pa rin ng mga bibyake sa Semana Santa
15:35sa kabila ng makal na gasolina at diesel.
15:38Pakonswelo sa ngayon ang diskwento sa toll.
15:41Nakatutok si Rafi Tima.
15:46Nagaanda na ang pamunuan ng North Luzon Expressway o NLEX
15:49para sa nalalapit na mahal na araw.
15:51Ipapatigil muna ang mga construction at road improvements doon simula March 27.
15:56Inaasahan kasing dagsa pa rin ng mga uuwi sa kanilang mga probinsya
15:59pero hindi na ganun kadami gaya ng mga nakarang taon
16:01dahil na rin sa taas ng presya ng krudo.
16:04Maraming bumaba po yung total volume po natin
16:07pero sa tingin po namin makakaranas pa rin po tayo ng pagkonges
16:12during yung rush hours at saka yung mga days na nakikita natin
16:17lalong-lalo na po yung uwian po sa Merkoles Santo ng hapon hanggang gabi
16:22at ganun din po yung sa Webes ng umaga.
16:24Ang Department of Transportation naghahanda na rin para sa Semana Santa.
16:2920% ang pagtaas sa bilang ng pasahero ang inaasahan.
16:32Right now we have sufficient personnel to deploy.
16:36We will be on 24-7 making sure that our passengers are safe and secure.
16:41In case lang meron pong magsamantala o magtaas ng pamasahe po
16:46or kung hindi man mali yung kanilang servisyo,
16:49alam niyo po, isumbong niyo agad po sa site.
16:52We will file cases po doon sa mga involved na personnel.
16:57Ayon sa pamunuan ng North Tucson Expressway o NLEX,
17:00pansin nga nila ang pag-uba ng volume ng mga sasakyan
17:02wala nang tumasang presya ng langis.
17:05Nangunguna po yung government na yung offices ngayon is 4-day work week na lang po.
17:10So that's also one factor kung bumaba po yung volume po namin dito sa NLEX and NSETEX.
17:18Para gumaan naman ang pasani ng mga motorista,
17:21ngayong araw ipinatupad na ang toll discount sa mga expressway.
17:24Unang nag-anunsyo ang Metro Pacific Tollways Corporation noong nakarang linggo
17:28na magkakaroon ng Kabyahe Rebate Program kung saan babalik sa dating rate ang kanilang toll rate.
17:33Para sa mga piningsasakyan sa loob ng dalawang buwan,
17:36makikinabang dito ang mga Class 2 Public Utility Buses,
17:39Modernized Jeepneys at Class 3 Vehicles na dadaan sa NLEX, SCTEX at CAVITEX.
17:44Ibababa ulit yung toll rate to the level po nang bago kami mag-increase this year.
17:51So that's about for NLEX is from 12 pesos to 72 pesos depending on yung entry at saka yung class
18:00ng sasakyan.
18:01Ang operator ng SLEX at Star Tollway na ganun syo na rin ang rebate program na nagsimula ngayong araw.
18:06Balik din sa lumang rate ang mga sasakyan sakop ng programa tulad ng mga Public Utility Jeeps at UV Express,
18:12Public Utility Buses at Modern Jeepney at mga cargo trucks at trailers.
18:17Sa SLEX, mula 13 hanggang 39 pesos ang matitipid depende sa class at biyahe.
18:239 pesos hanggang 26 pesos naman ang matitipid na mga bibiyahe sa Star Tollway kada biyahe depende sa class at
18:29destinasyon.
18:30Ayon sa Department of Transportation, magkakaroon din ang discounted toll rate sa Manila Cavite Toll Expressway,
18:36R1 Expressway Extension at Muntinlupa Cavite Expressway.
18:39Malaki raw ang pasasalamat ng DOTR sa mga toll operator dahil malaking tulong ito para sa mga PUV drivers na
18:46hirap na dahil sa taas ng langis.
18:49Para sa GMI Integrated News, Rafi Tima nakatutok, 24 oras.
18:55Bumulusok pang lalo sa 60 pesos and 30 centavos ang palitan ng piso at dolyar ngayong araw.
19:02Nakatutok si Maki Pulido.
19:07Bagong record low ang halaga ng piso matapos itong kumina pa ng 20 centavos.
19:13Nagsara ang palitan ngayong araw sa 60 pesos and 30 centavos kada dolyar.
19:19Paliwanag ng isang ekonomista, resulta ito ng patuloy na pressure sa Philippine Peso
19:23dahil malaki ang demand sa U.S. Dollars na pambili ng nagmamahal na petrolyo sa world market.
19:30Palagay ko hindi na yan bababa pa sa katulad nung dati na nasa 57, 58.
19:36Malaki ang demand natin sa dolyar kasi kailangan natin bumili ng petrolyo sa mas mataas na presyo.
19:43Mula ng sumiklabang gulo sa Middle East, bumaba na ang Philippine Stock Exchange ng mahigit 500 points.
19:50It's a natural reaction to uncertainty with what prices in the commodities market are also showing.
19:58Maybe it's really a knee-jerk reaction. It's not driven by fundamentals.
20:03It's driven by the reaction knee-jerk of a lot of the investors.
20:07So as long as we're good in terms of the macro fundamentals.
20:11Ayon sa financial analyst na si Jonathan Rabelas,
20:15ang pagbenta ng stocks kung may masamang pangyayari, walang epekto sa kita ng mismong kumpanya.
20:20Mas aalalahanin daw ng mga negosyo, halimbawa ang pagmahal ng transportasyon at kuryente na epekto ng gera sa ekonomiya.
20:28Walang effect sa kanila yun.
20:29Kumbaga, yung pera na, yung nilis nila, ang ginagamit na yan ng kumpanya,
20:36nakuha na nila yung pera na yan.
20:38Yung binibenta lang is the ownership na meron.
20:41Pero mga foreign investor na may balak mamuhunan ang negosyo sa bansa,
20:45maaaring ipagpaliban muna ito o kaya umatras kung tumagal pa ang gulo, ayon kay Leco.
20:51Maaaring ring umatras ang mga foreign investor na kasalukuyan nang namumuhunan sa bansa,
20:56pero hindi raw ito agaran.
20:57Ang mga foreign investors ay mag-iisip din, paano yung magiging cost of production nila dito sa Pilipinas.
21:05Ang unang-unang titignan nila dyan is yung kanilang gastos sa utilities.
21:10Tataas ba ang sinil sa kuryente? Tataas ba ang sinil sa tubig?
21:16Gano'ng kataas ang naabuti ng pagtaas ng presyo ng petrolyo?
21:20Bandato ng Banko Sentral ng Pilipinas ang pag-stabilize ng halaga ng piso
21:24at kontroli ng inflation o bilis ng pagmahal ng presyo ng bilihin
21:28sa pamamagitan ng pag-issue ng mga pulisiya.
21:32Inaabangan ang desisyon ng Monetary Board na sa April 23 pa ang nakatakdang meeting.
21:37Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katuto, 24 Oras.
Comments