Skip to playerSkip to main content
  • 8 minutes ago
Panayam kay Small Business Corporation-Innovation and Advocacy Group Head Wally Don Calderon ukol sa inilunsad na OFW Negosyo Fund at iba pang update sa programa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa puntong ito, alamin naman natin ang inilunsad na OFW Negosyo Fund at iba pang updates at programa
00:05kasama si Sir Wally Don Calderon, Innovation and Advocacy Group, Head ng Small Business Corporation.
00:11VP Wally, magandang tanghali po. Welcome sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:17Magandang tanghali, Joshua. At kay Direk Sherrill, magandang tanghali rin.
00:21VP, inilunsad po ng DTI sa pamagitan ng SB Corp ang 2 billion pesos na OFW Negosyo Fund
00:28na ipatutupad ng SB Corp, ano po ang pangunahing layunin nito, ng programang ito, para sa mga OFW?
00:36Tama, Joshua. Ito yung contribution ng Department of Trade and Industry sa pamumuno ni Secretary Chris Roque.
00:46Kami po ay under ng DTI. Kami ang financing arm.
00:50So, alam naman po natin na may nangyayaring krisis ngayon sa Middle East, sa Iran.
00:56So, ito po ang kaagyat na kasagutan o contribution ng DTI, SB Corp, para makatulong po tayo sa mga naapektuhan
01:06nating mga kababayan na OFWs at ang kanila mga pamilya.
01:10Ang OFW Negosyo Fund ay pautang.
01:14Ito ay pasimulang tulong, financing. Kung gusto pong magtayo ng negosyo, dahil po apektado at kailangan na pong bumalik dito
01:23sa atin,
01:24nung kapatid nating OFW, pwedeng-pwede pong lumapit sa amin para po mabigyan ng seed money or kapital para matayo
01:32po ang kanilang negosyo.
01:34Sir Wally, pwede po nyo po bang ibahagi sa amin kung paano po makaka-avail ng loan ng isang OFW
01:41sa ilalim ng programang ito at ano yung mga pangunahing requirements para makapag-apply?
01:48Ah, yun. Salamat, Director Cheryl. Ah, yung pag-apply, yun yung kagandahan sa aming programa.
01:57Ah, mobile app lang po ang kailangan i-download ng isang gustong maka-access ng samutsaring programa ng SB Corp.
02:06So, dito po yung kapatid nating OFW na gustong magtayo ng negosyo, download lang po yung app, tapos po napaka
02:15-basic po ng mga requirements.
02:17Ah, ah, grupo lang po yan, apat. Ah, government ID, ah, business registration, ibig sabihin po po yung mayor's permit
02:27niya, bank account,
02:28so may bank account details po, yung bank account number and yung pangalan na mag-a-appear, yung borrower po,
02:35at litrato po nung negosyo.
02:36Yun lang po, lahat po yan, ah, ah, i-scan lang po o pipicturean gamit ang telepono at i-upload
02:43doon po sa mobile app.
02:44Ah, nakapag-apply na po ang isang gustong mag-access ng financing sa amin.
02:51So, completely online po or through the phone na lang po, hawak-hawak na telepono, makakapag-apply na po ang
02:58ating mga kapatid na OFWs.
03:01Okay. Ah, ito po, yung pag-utang po ng SB Corp, ang, ang pinakamaliit pong amount na pwedeng mahiram sa
03:08amin ay 30,000 pesos,
03:09at depende po sa pangangailangan at kakayahan ng negosyong na itayo na o itatayo,
03:16pwede po kami na magpautang up to 20 million pesos, ganun po kalawak.
03:22Kasi po, ang spectrum ng tinutulungan ng small business corporation ay micro, small, and medium enterprises.
03:29So, kahit po yung napakaliit at yung medyo lumalaki na pong negosyo, kaya po naming bigyan ng assistance sa financing.
03:38Okay. Sir Wally, nabanggit mo kanina doon, dyan sa may app, isa sa mga requirements, yung larawan ng negosyo.
03:43Paano kung wala pa silang picture ng business din na, paano kung magbubukas pala o maglatayo pala ng negosyo,
03:50dyan din ba sa app sila mag-a-apply?
03:55Ah, yes. Sorry, Julius. Kung yung completely mag-start up ang tawag natin, hindi namin kasama sa requirement ang letrato
04:05ng negosyo, definitely.
04:07So, yun, magiging tatlo na lang ang kanyang requirements, yung ID, bank, account, at yung mayor's permit.
04:13So, tatlo lang pag ikaw ay, syempre, hindi ka pala nakakapagtayo ng negosyo.
04:20Yung tatlong requirements lang yun, ang kailangan mong i-upload.
04:23Okay. Nasa magkano ang interest ito, Sir Wally?
04:26Ah, say for example, ah, they max out yung amount na 20 million pesos na pautang.
04:32Nasa magkano ang interest na inaasahan nila dito?
04:35Sa kasakali?
04:36Oo. Sa lahat ng programa namin, ah, Julius, ah, nang cha-charge lang kami ng 1% per month
04:43based on the diminishing balance na interest.
04:46So, sa aming pagkakalkula, ah, hindi ito 12% per annum.
04:53Dahil diminishing balance, sumusuma ito ng 6.7% per annum.
04:58So, sa isang illustration, for example, ah, 100,000 na loan,
05:03ang magiging interest nito pagkaraan ng isang buong taon na pagbabayad,
05:096,000 pesos lang, 6,700.
05:11Kaya, yung sinabi kong computation, 6.7% lang ang actual interest cost
05:18na aming, ah, pinapataw sa aming mga programa.
05:22All across ito sa lahat ng programa ng SB Corp, Julius.
05:27Sir, sinabi ng DTI na hindi na kailangan ng collateral
05:31para sa mga loan na hanggang 5 million pesos.
05:34Paano po masisiguro na magiging responsable at sustainable pa rin
05:38ang paggamit ng pondo?
05:42Ah, yes, Director Sherry.
05:44Yeah, actually, yan ang hope namin, ang DTI na, ano,
05:48na ang aming papautangin ay magbabayad.
05:51Dahil, ah, limitado nga rin ang pondo,
05:54nais namin mapaikot ito at makapagbayad.
05:57Mapautang din ang ibang nangailangan.
05:59Sa amin bilang financing institution,
06:02meron naman tayong, at lalo na gobyerno,
06:05may safeguards tayo na nai-institutionalize.
06:09So, tinatawag namin account management ang tawag dito.
06:13So, ang aming mga borrowers,
06:16meron naman talagang nakatayanan na ito na amortization,
06:21at ang aming account officers ay masigasig naman na magre-remind
06:27sa ating mga borrowers na kayo'y responsibilidad na magbayad.
06:32At madadag ko lang na-connected din dito sa iyong katanungan.
06:36Ang additional requirement nga pala,
06:39sa, na hindi ko nabanggit kanina,
06:42pag ang loan amount ay higit na sa 100,000,
06:45kami humihingi na ng post-dated checks
06:48sa aming mga borrowers.
06:50So, ito isang paraan nung, ah,
06:53madali na rin yung pagbabayad,
06:55at nai-insure din nga yung pagbabayad ng aming mga borrowers.
06:58Okay. Sir, si Joshua Pulit ng PTV.
07:01Sir, since kasi simula pa lamang po ng implementasyon ng programa,
07:04ano po yung inyong mensahe sa mga OFW
07:07na kakababayan natin na interesado
07:08pero nag-aalinlangan pa rin pumasok sa pagnenegosyo dito sa Pilipinas?
07:14Ayun, Julius.
07:16Gusto ko lang imbitahan yung lahat ng OFW na nakikinig ngayon.
07:22Maraming programa ang gobyerno.
07:25Sa DTI pa lang ang aming mother agency.
07:28Marami silang suporta para sa nagnanais
07:31o meron na talagang nasimulang negosyo.
07:34Meron diya ang training program,
07:37ang KMME,
07:38merong shared services facilities,
07:40ang DTI.
07:41At ang iba pang ahensya ng gobyerno,
07:43lalo na ngayon,
07:44meron ng standing order ng ating Pangulo
07:46na talagang dapat the whole of government ang pagtutulong.
07:50So, sa mga nakikinig na mga OFWs,
07:54kung kayo naman po ay talagang nagnanais na na bumalik dito sa atin sa Pilipinas
08:00at magsimula ng panibagong pagkakakitaan,
08:05makakaasa po kayo na meron mga programa ang gobyerno.
08:09Lahat nung nabanggit ko,
08:10tapos kami po sa DTI,
08:12Small Business Corporation,
08:14pag kayo po ay disidido na
08:16at nakabuelo na po na gusto nyo pong magtayo ng negosyo,
08:20nandito po kami para sa inyong pangangailangan ng karagdagang kapital.
08:24Napakadali po ng proseso,
08:27mobile app lang po,
08:28wala pong maraming requirements,
08:31kaya po ang garantiya po namin,
08:34nandito po kami para kaagyat yung pagtulong ng gobyerno sa inyo.
08:39At sana po,
08:40i-maximize nyo po itong programa ng gobyerno
08:44para po mapaulad nyo po ang inyong kabuhayan,
08:47pati po ang inyong pamilya
08:48at hindi nyo na kailangan po bumalik sa ibang bansa
08:51na ngayon nga po mayroong problema na sa Middle East.
08:55Ayun lang, Julius.
08:57At salamat.
08:58Sir, para naman po sa iba pa nating mga kababayan
09:01na apektado rin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis
09:04at iba pang suliranin,
09:06ano po yung kasalukuyang programa ng SB Corp
09:09na maaaring makatulong sa ngayon sa ating mga kababayan,
09:13lalo na po yung mga gustong magsimula ng negosyo?
09:18Ayun, Director Cheryl,
09:19i-grupo na 10, no?
09:22Sa aming existing borrowers,
09:24meaning meron na kaming humigit-kumulang
09:2880,000 na napautang na malilit na negosyante.
09:31So, lalo na kung existing
09:34at merong good repayment track record sa amin,
09:38maaari rin silang umutang uli
09:40ng karagdagang kapital
09:41kung ito'y kailangan nila
09:43dahil nga medyo nag-i-struggle ang negosyo
09:46dahil mataas ang bilihin.
09:48Para naman po doon sa,
09:49kahit hindi po OFW,
09:52kasama po sa event na nilaunch
09:56ng aming butihing sekretary,
09:58Chris Rocky kahapon,
09:59meron din pong
10:02pautang na Women's Enterprise Fund.
10:05So, yung mga kababayan po nating kababaihan
10:08na nag-negosyo,
10:09pwede rin pong lumapit sa amin.
10:11Meron din po kami mga financing options sa kanila.
10:14Meron din pong
10:16exporters business expansion financing
10:19na nilaunch kahapon.
10:203 billion po ang inallocate
10:22ng gobyerno dito,
10:25ng aming butihing sekretary.
10:26So, in-announce din po namin
10:28kung kayo po'y
10:29kahit maliit
10:31o malaking kumpanyang
10:33tumitingin na mag-modernize,
10:35mag-expand ng inyong operation
10:37at ma-penetrate ang export market po natin.
10:40Pwede rin po kayong lumapit sa amin
10:42at pwede rin po kaming
10:44tumulong ng financing sa inyo.
10:46On that note,
10:47maraming maraming salamat po
10:48sa inyong oras
10:49at sa informasyon
10:49Sir Wally Don Calderon,
10:51Innovation and Advocacy Group,
10:53head ng Small Business Corporation.
10:55Thank you, Paul.
Comments

Recommended