00:00Mga bagong programa ng Small Business Corporation ating alamin, kasama si Sir Robert C. Bastillo,
00:06ang President at CEO ng Small Business Corporation. Sir Robert, magandang tanghali po.
00:11Magandang tanghali, Comjun and Asset Joey.
00:14Una po sa lahat, ano-ano po ba ang mga bagong programa ng SB Corp na inilunsad ngayong taon para sa maliliit na negosyo?
00:22Bago ang lahat, Comjun na is kumbanggitin na ang Small Business Corporation ay isang government financing institution
00:29na nasa ilalim ng Administrative Supervision ng DTI.
00:33Kaya ang aming chair ay ang Secretary ng DTI na si Secretary Roque.
00:39Sa ilalim po ng pamahalaan ng ating Pangulong BBM at lalo po nung nagsimula ang maging aming kasalukuyang sekretary,
00:50anin na po ang nailunsad natin na bagong programa ng SB Corp.
00:55Ito ay pinangungunahan ng Enterprise Rehabilitation Financing na inilunsad at about this time last year
01:02para po yan sa mga nasalanta ng bagyo ng mga maliliit na negosyo para sila ay makabalik agad sa kanilang pagbibigay ng serviso sa ating taong bayan.
01:12Pangalawa po, ngayon taon na ito, yung tinatawag na Business Expansion Financing
01:16para sa mga nagsimula na inaka-ilang buwan na silang medyo successfully running pero kailangan na nila ng dagdag na puhunan.
01:25At yun po ay walang interest po yan, kasama na rin po ng ERF, walang interest po yan hanggang isang taon
01:32at pwede rin pong hindi magbayad agad ng principal.
01:35Ang susunod po yung franchise financing para naman sa mga may puhunan na gusto magsimula
01:42lalo na yung mga OFWs natin pero kailangan pa ng dagdag puhunan
01:47at gusto namin na matiyak na sila ay kikita agad.
01:51Kaya magandang ideya yung franchising na lamang kasi proven na po yung concept na yun.
01:57At meron din po tayong purchase order financing na tinatawag para naman sa mga nakakakuha ng malalaking order
02:04na hindi nila kayang tugunan agad.
02:08So yun, para sa kanila yun.
02:10And then, nito pong nakaraan lamang, September 1, inulunsad po natin sa pangunguna rin ng ating mahal na Pangulo
02:19at saka ng Secretary ng DOT at ng DTI, ang tinatawag nating Turismo Asenso Loan.
02:26Ito po naman ay para sa napakaraming mga tourism establishment sa buong bansa, lalo na po yung mga maliliit.
02:32At ito po ay ganun din po, wala rin po siyang interest for the first year at pwede rin po mag-avail ng grace period.
02:43At naglunsa din po tayo ng tinatawag nating women's fund.
02:48Nagtalaga po tayo ng 1 billion para matiyak na hindi po mauubosan ng pondo yung mga women-owned or women-managed enterprises sa buong Pilipinas.
02:59Sir, bakit ganito po yung mga naisipan yung programa na ilunsad ngayon?
03:05At paano po ito naiiba sa mga loan or assistance programs ng SB Corp in the past?
03:10Kasi po, DTI meron lang kaming multipurpose loan na tinatawag.
03:15Hindi po siya particular sa isang segment o isang grupo ng mga negosyante.
03:19Noong nag-takeover po si Secretary Cristina Roque, dahil naiintindihan po niya ng gusto ang pangailangan ng iba't-ibang klaseng negosyo,
03:29inudyukan po niya kami na maglunsad ng mga programang ito.
03:32At ito yung aalalay sa paglaki ng mga negosyong maliliit na nagsisimula ng lumago.
03:38Dahil kailangan natin lang suportahan that sila din ang magbibigay ng stronger economic backbone para sa ating bansa.
03:48So, bunsod po yan ang pangailangan na tulungan silang lumaki.
03:52Sino naman po ang pangunahing target beneficiaries ng mga bagong programang ito?
03:58At ano ang mga pangunahing requirements na dapat isumitid ng isang negosyante para makapag-apply?
04:03Okay po. Tulad ng sinabi ko yung Enterprise Rehabilitation Financing, ito po yung mga nasalanta ng bagyo o kalamidad na kailangan makabalik agad para sa kanila po yun.
04:14Yung namang Business Expansion Financing para sa mga nagsimula na na kailang buwan na successful na pero kulang ng puhunan.
04:22Yung namang Purchase Order, kasi marami po ng ano eh.
04:25Maliit lang sila pero nakakuha ng mga magagandang Purchase Order na wala pong nagpapahiram sa kanila.
04:30So kami po yun at yung franchising, yun nga, meron ng puhunan lalo na yung OFWs.
04:37At meron din po kami yung karamihan ng aming mga natutugunan ngayon, yung maliliit lang talaga, yung mga micro na tinatawag, marami po yun.
04:45Yun naman po ay yung kasalukuyang programa namin na multi-purpose loan.
04:50Kahit po 30,000, pwede sila manghiram.
04:54So, simple lamang po ang mga requirements kapag maliit lang hinihiram.
05:00Halimbawa, 100,000 and below lamang kahit na po barangay business, yung barangay micro enterprise business permit, yung BMBE.
05:12Kaya naman certification lamang ng barangay captain na nagdinegosyo na sila kahit po wala pang mayor's permit.
05:17Kasi mahirap po, maliit pa lang sila eh.
05:20Pagka lumalaki na, kailangan na ng mayor's permit.
05:22At sa pag-apply po, apat lang hinihingi muna namin yung ID, yung po proof na may bank account sila, yung po business permit nila, at saka yung litrato ng kanilang negosyo.
05:34Yun muna.
05:35At kapag malaki po yung hinihiram, milyon na hinihiram, ay medyo bibisitahin na po namin yun.
05:41At saka, hihingi ng ilan pang requirement like katibayan na ganito kadami ang sales sila, o kaya naman bank statement.
05:51Pero kapag kayo maliit lang, 100,000 hanggang 300,000, mabilis na po yun.
05:56Mabilis po yun.
05:58May credit scoring system kami na AI enabled.
06:02So, pag nag-apply po sila, alam na namin kung sila ay magbabayad o hindi.
06:06Alam na namin kung ano yung probability of past due or probability of default.
06:10So, within one day hanggang one week, kaya po nating approvan yung maliliit na loans.
06:16Supposing, Sir Robert, meron nung basic requirements na sinabi nyo, paano sila mag-a-apply?
06:21Meron bang online application o yung traditional pa rin na application process?
06:25Online na po tayo ngayon.
06:27Digital na po.
06:28So, meron kaming pinatawag na SB Corp Money App.
06:33Sa ngayon, wala pa siya sa Google Play Store.
06:36Parating pa lamang, pero pwede nila sa Chrome i-download.
06:40I-type lang po yung app.sbcorp.ph.
06:45Ulitin ko po, app.sbcorp.ph.
06:49Pagka tinipe yun, at in-enter, lalabas po yung landing application page.
06:55At pwede rin nila i-download doon.
06:57I-download nila para madaling lang ma-access.
07:00At may mga instructions po doon.
07:02Makakapili sila kung ano yung loan na babagay sa kanila.
07:05O gusto nila.
07:07At yun na, ang processing po niyan ay online halos.
07:12Pero pag malaki na po, tulad ng sinasabi ko, bibisitahin pa namin sila.
07:17Sir, ano naman ang mga hakbang na ginagawa ng SB Corp para matiyak na mabilis at transparent ang proseso ng application and approval?
07:25Katulad po nang binanggit ko, June, yung maliliit dahil kagyat nilang kailangan yung assistance.
07:32Yun po ay streamlined po yun.
07:35Meron kaming credit scoring system.
07:38At lalo na kapag sila ay nag-a-attend ang aming mga roadshows na ginaganap namin sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas,
07:44sa loob po na isang araw, meron pong approval na yun.
07:47At kapag malaki na po yun, dumadaan po talaga sa proseso yun.
07:52May checking talaga at saka may levels of approval po kami.
07:56At meron po kaming tracking.
07:58May system po kami.
07:59I-enhance namin na aming internal systems para natatrack po natin bawat account.
08:04So alam po natin kung gano'ng katagal.
08:06At nagabantay din po yung ease of doing business na law.
08:14Kailangan mabilis po ang ating pagresponde.
08:17So yung malalaking loans po within one month, yung maliliit po within one week, pipilitin po natin.
08:23Kailangan lang po magresponde sila.
08:25Kasi kapag meron pa kaming tinatanong o hinihingi, kailangan magresponde sila.
08:30Ang nagpapatagal po yun eh pag hindi sila nagra-respond.
08:33Paano naman naka-align, Sir Robert, yung mga programong nabanggit niyo
08:38sa mga prioridad po ng Administrasyong Bagong Pilipinas, lalo na patungkol sa MSME?
08:44Ang pagpapatatag po ng mga MSMEs ay sentro sa agenda ng ating mahal na Pangulo.
08:51At yung access, lalo na po yung access sa financing na mabilis.
08:56Ang direktiba po nga po niya ay palaganapin ang access sa financing.
09:02At iba pang servisyo ng DTI at ng SB Corp. sa buong bansa, lalo na may hirap na lugar na maabot.
09:09Kaya po nagpupunta kami doon, nagro-road show kami.
09:11At saka po pwede, kung kailangan po ng tulong ng mga tao, ng mga malilit na negosyo,
09:18meron pong mahigit 1,400 na negosyo centers ng DTI.
09:25Kasi katuwang po namin ang DTI sa lahat ng programa namin.
09:29So meron po pwede silang lumapit doon kung nahihirapan sila sa internet connectivity sa bahay nila.
09:34Pwede po silang pumunta doon sa mga negosyo centers.
09:37Meron din po sa bawat provincial office ng DTI.
09:40Meron kaming desk doon.
09:41At meron din po kaming regional offices sa Baguio, sa Metro Manila, sa Cebu, at saka sa Davao.
09:47So pwede po silang lumapit kung kailangan ng tulong.
09:52Sir, mensahin nyo na lang po sa mga malilit na negosyante na nais lumago,
09:56ngunit natatakot mag-loan o mag-avail ng mga government programs.
10:00Hinihikayat po po ang mga malilit na ating negosyo na lumapit po sa ating gobyerno.
10:05Huwag po silang matakot.
10:07At ginagawa natin ang lahat para maging simple ang proseso, ang mga requirements,
10:13para makatugon sa kagyat nilang pangangailangan.
10:16Kaya huwag silang matakot kung kailangan nila ng training para lumakas sa negosyo nila,
10:21nandyan po ang DTI.
10:22Kung kailangan nila ng pautang, andito po ang DTI SB Corp para alalayan sila.
10:29Bahagi po ito ng programa na ating Bagong Pilipinas.
10:33Kaya ano pang hinihintay ninyo?
10:35Lumaapit na kayo.
10:37Maraming salamat po sa inyong oras, Sir Robert Bastillo,
10:40ang President at CEO ng Small Business Corporation.
10:43Maraming salamat po.
10:44Thank you, Sir.
10:46Maraming salamat po.