Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Bago sa saksi, natagpuan sa loob ng nasunog na sasakyan ang sunog ding labi ng isang babae at isang lalaki
00:07sa Peñaranda, Nueve Ecija.
00:10At sa Peñaranda Police Station, bago mag-alas 11 kanina umaga, inireport sa kanila ang tungkol sa nasunog na sasakyan.
00:16Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima at hindi pa nagdibigay ng karagdagang detali ang mga polis habang gumugulong
00:23ang investigasyon.
00:28Mga kapuso, hanggang ngayong gabi, mahaba ang pila sa ilang gasolinahan bago ang big-time oil price hike.
00:36At sa isang gasolinahan sa bahagi ng East Avenue sa Quezon City, maraming motorista ang naghabol na magpakarga ng langis.
00:44At abot kalsada na rin ang pila ng mga sasakyan sa isa pang gasolinahan sa Congressional Avenue naman.
00:52Mahigit limampung gasolinahan ang pinagpapaliwanag ng DOE dahil nauna nang nagtaas presyo ng produktong petrolyo.
01:00At ilang gasolinahan naman ang naubusan na ng supply bago pa man ang itinakdang malakihang taas presyo.
01:07Saksi si Ian Cruz.
01:12Bula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao, pila ang mga sasakyan na naghabol para magpakarga ng langis.
01:20Sa gasolinahan ito sa Quezon City, umabot na sa labas ng kalsada ang pila ng mga sasakyan.
01:26Maraming naghabol dahil simula na bukas ang big-time oil price hike dulot ng gulo sa Middle East.
01:33Depende sa oil company, 17 pesos and 50 centavos hanggang 24 pesos and 25 centavos ang kabuang itataas ng kada
01:44litro ng diesel.
01:457 hanggang 13 pesos para sa gasolina at 32 hanggang 38 pesos and 50 centavos ang sa kerosene o gaas.
01:54Base sa pagsusuri ng GMA News Research sa datos mula sa DOE at mga oil company,
02:01mas mataas na ito kumpara sa oil price hike noong March 2022 kung kailan na itala ang highest OPH na
02:10isang bagsak.
02:11Pero hindi isang bagsak ang gagawin ngayon.
02:14Bulontaryo itong uutayin ng mga oil company ngayong buong linggo.
02:19Para pa konti-konti lang para maplano natin na maayos kung kailan tayo magpapagas.
02:24The rest, I'm inviting them all to also participate in this staggering of prices.
02:33Bukas pa dapat ang malakihang dagdag presyo pero may mga nagmahal na.
02:38Kaya pinagpapaliwanag sila ng Energy Department.
02:42Kanina, pinuntahan ng DOE ang isang gasolinahan sa Pasig na Sabado pa lang ay itinaas na sa 79 pesos ang
02:50litro ng diesel mula sa halos 52 pesos.
02:54Tumagin magbigay ng pahayag ang manager ng gasolinahan.
02:57Sinilbihan din ang SCO ang gasolinahan ito sa Fairview, Quezon City dahil umakyat sa 71 pesos ang litro ng diesel
03:05noong Sabado.
03:06Bali, nung arap po ngayon, matas po yung kuha ng amo namin po eh.
03:11Pero yung pagtas po niyan, hindi po namin alam, inuutosan lang po kami ng amo namin.
03:17Gayun din ang gasolinahan ito sa North Fairview, Quezon City na Sabado pa pumalo sa 72 pesos ang litro ng
03:25diesel.
03:26Tumagin magbigay ng pahayag ang manager nito.
03:2855 gasolinahan ang inisyuhan ng parehong order para ipaliwana kung bakit di dapat kansinahin ang kanilang Certificate of Compliance.
03:39Pag hindi po sila o hindi nakontento ang Department of Energy, sa kanilang mga reasons,
03:45magbibigay po tayo ng administrative na mga kaso kasama o hiwalay pa po dyan yung pwedeng ibigay na criminal case.
03:53Kasi kapag po napakita rito na sila po ay may mga fraudulent acts, maaari po silang makancelan ng permito sa
04:01kanilang mga transaksyon.
04:04Ang ibang gasolinahan naman, naubusan na rao ng supply, particular ang diesel.
04:09Marami pong nagpapakarga po, mga trucks, mga PUV, mga jeep.
04:15Sa iba na lang po kami, kung ano, mag-alban lang po ng medyo mababa po.
04:19Malaking kawalan po talaga yan, ang pagwalang diesel.
04:23Okay lang naman yan, pero ang masama is may mga nag-cohorde o may ibang gasolinahan na naghihintay ng akyat
04:32at ayaw mag-bend.
04:33So yun po yung mga kakasuhan po natin at ipapasara po ng BD.
04:39Pagtitiyak ni Energy Secretary Sharon Garin, may supply ng langis sa bansa hanggang sa katapusan ng Abril.
04:46We have enough supply until the end of April.
04:50Ang usual kasi na deliveries, ang capacity lang ng ating mga oil companies is around mga 15 days or more.
05:01Yun yung storage nila, kasi hindi naman ganun kalaki na they can store up to 200 days.
05:08So may required sila na 15 days, pero ang capacity nila siguro 40.
05:15So they have to replenish every 40 days, let's say.
05:20So we have more than enough time to order the next batch.
05:26Pero ang tanong ng marami, kung may imbak pa ng langis, bakit nga ba nagmamahal na ang presyo?
05:33It's the replacement cost. It's not when nila kinuha, when nila binili, or when nila na-receive.
05:40Kuni kung ano magkano na yung replacement.
05:42Imagine now, if we still stay with the price two weeks ago, wala sa pera pang bilhin ng bagong stock.
05:50Ayon sa DOE, madaragdagan pa ang supply ng produktong petrolyo.
05:55Mainam daw ito, sabi ng isang ekonomista, lalo't hindi alam kung hanggang kailan ang kaguluhan sa Middle East.
06:01Well, that's good, but ang safe talaga sana is 90 days as a rule, general rule sana.
06:09A country must have at least 90 days worth of oil reserves sana.
06:13There's a lot of uncertainty here.
06:16And yung uncertainty na yan has to do with how long mangyayari itong kaguluhan to.
06:24Pero babala ni Professor Peña Reyes, hindi lang ang presyo ng gasolina ang tataas
06:31dahil meron itong epekto sa presyo ng mga bilihin gaya ng transportasyon, pagkain, at iba pa.
06:38Sana daw, huwag itong mauwi sa stagflation o pinaghalong epekto ng stagnation at inflation
06:45o yung mabagal na paglago ng ekonomiya na sinabayan pa ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at
06:52mga servisyo.
06:53Kaya kailangan raw balansihin ng gobyerno ang pag-agapay sa krisis sa petrolyo habang tinitiyak
07:00na hindi nalulugmok ang mga nangangailangan, tulad ng hindi muna pagkataas ng interest rates
07:06at pagbibigay ayuda sa mga sektor na lubos na nangangailangan nito.
07:11Temporary targeted relief for the affected sectors, so transport vouchers, sa mga EUB driver,
07:20targeted cash transfers for the tourist households.
07:23Ayaw natin mangyari na mag-ease up pa tayo, pwedeng maging inflation lang yan.
07:28But if we tighten too much, that could also choke economic growth.
07:34So it's a delicate balancing act.
07:37Tayo natin mangyari na mag-ease up pa tayo, pwedeng maging inflation lang yan.
07:42But if we tighten too much, that could also choke economic growth.
07:48So it's a delicate balancing act.
07:50Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
07:57Nagpapagaling isang fratman sa ospital matapos malapnos ang balat niya sa sunog na sumiklab sa kanilang pagditipon.
08:02Naki-alam umano ang nakainom na biktima sa apoy sa ilalim ng mga food warmer, kaya nagkaroon po ng pagsabog.
08:09Saksi si Mark Salazar.
08:14Sumiklab ang sunog sa gitna ng anniversary celebration ng isang fraternity sa barangay Santa Monica de Validias, Quezon City.
08:22Ikinagunat ng mga bisita ang pagliyab sa may buffet table sa gitna ng kasiyahan.
08:27Alas 6 kagabi, tatlong fratmen ang sugatan.
08:31Isa sa kanila, napuruhan kaya na ospital.
08:35Nagpapagaling pa rin siya ngayon.
08:36Bigla na lang lumiyab, malakas. Tapos yung tao, nagpatakbo, maapoy.
08:42Inaampas na lang siya ng mga damit ng mga kasamahan niya para mamatay yung apoy.
08:45Huwag sumisigaw siya sir eh, tama tumatakbo eh.
08:47Kasi maapoy nga eh. Nakainom din yata yung tao.
08:50Opo kasi nagiinom sila ng gabi.
08:53Dagdag pa ni Michael, pinakialaman ng nakainom umano na biktima ang apoy sa ilalim ng food warmer.
08:59Iba kasi yung apoy niya eh. Hindi yung apoy na sasunog na kulay dilaw.
09:03Hindi eh. Kulay-blue yung apoy niya eh.
09:05Oo, kulay-blue apoy eh.
09:06May apoy pa raw yun. Tapos nilagyan nila ng liquid gel na ano.
09:11Parang ginagamit sa mga catering, di ba?
09:13Pag pinapapoy sa ilalim.
09:14Pag may iniinit na mga ulam, gano'n.
09:17Bigla daw po nilagyan.
09:18Ngayon, paglagay, bigla namang sumabog.
09:22Dalawa lang ata sila o tatlo.
09:24Kasi nandito sila, nasa agit na sila ng korte.
09:27Nagsasayawan yung mga kasamahan nila eh.
09:29Nagulat kami, bigla ang mapoy.
09:32Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang mga biktima.
09:35May iniwan namang paalala ang barangay chairman ng Santa Monica.
09:38Kailangan nga yan.
09:39Lalong-lalong na mainit, dapat talaga mag-iingat ngayon sa panahon na ito.
09:43Yung pag nagluluto, may kitchen na malayo sa mga flammable materials.
09:49And then huwag iiwanan na ang pagluluto especially.
09:54Ang apoy, anything na nag-aapoy, iiwanan basta-basta.
09:58Para sa Jemmy Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
10:05Pitong suspect na ang hawak ng mauturidad sa hazing na ikinamatay ng 19 anos na freshman maritime student sa Cavite.
10:13Ikuinento naman ang dalawang neophyte na kasama umunan ng biktima sa initiation rights, ang pinagdaan ng hirap sa kamay ng
10:19mga miyembro ng fraternity.
10:20Saksi, si Marisol Abderraman.
10:26Pinadelan po.
10:27Ganon din po, pinadel din po.
10:29Mismong mga kapa new fight ng freshman maritime student at si Mark Kenneth Alcedo ang kumumpirma sa dinanas na initiation
10:36rights sa Tawagama fraternity.
10:38March 1 daw na mangyari ang initiation sa Cavite.
10:42Nagnanana pa nga ang mga malalalim na sugat at namamaga pa.
10:45Ang halos kulit talong na kanilang mga hita.
10:47Kayo ang magkakasamang sa initiation.
10:51Kayong tatlo.
10:53Ang ginawa ba kay Kenneth?
10:55Same sa ginawa sa inyo?
10:56Aba.
10:57Labing walong miyembro rao ng Tawagama fee ang nandun.
11:00Lahat ba sila nagpadal sa inyong tatlo?
11:03Aba.
11:04Pero hindi para nakontento ang grupo.
11:06Bago kami matapos nun, last naming pinagsusuntok po kami.
11:11Nawala ng malay si Kenneth.
11:13Siniper po siya.
11:14Kasi po, nasa loob po kami ng bahay.
11:17Tapos nasa sala lang po ata yung sila.
11:21Para sa ama ni Kenneth, hindi basta-basta ang hazing ang ginawa sa kanyang anak.
11:25Kitang-kita sa lahat ng party.
11:28Kasi kung hindi mo makita ng marami, marami.
11:30Buti kung dito lang sa hita, pwede masabi natin na hazing lang yan.
11:34Eh lumalabas po marami sa baba.
11:37Dito, dito, ang dami.
11:39Kanina, sinampahan ng ama ni Kenneth ang labing apat na suspect na tukoy na ang pagkakakilanlan.
11:45Kabilang dito ang apat na sumuko kagabi sa General Trias Police.
11:49At isang sumuko naman sa Das Marinas Police noong Sabado sa pumagitan ni Mayor Jenny Barzaga.
11:55May isa pang suspect na sumuko sa CIDG-NCR sa Camp Kraming.
11:59Kaya aabot na sa pito ang kabuang bilang ng mga suspect na hawak ng mga otoridad.
12:05Tuloy naman ang apilan ng ama ni Kenneth at ng mga otoridad sa mga suspects.
12:09At maging sa pamunuan ng taogama fee na isuko na ang mga membrong sangkot sa insidente.
12:15Kung talagang makatawin yung fraternity nyo, maging patas kayo.
12:18Tulungan nyo yung mga kasama nyo na isuko.
12:22Diba? Tapos harapin nila.
12:24Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman ang inyong saksi.
12:31Ilang oil facilities sa Middle East o gitnang silangan ang pinuntirya sa gitna ng mahigit isang linggo ng krisis doon.
12:38At sa gitna po nito, hinirang ang bagong supreme leader ng Iran.
12:43Saksi si Bea Pinlak.
12:48Nabalot ng makapal na usok ang Babco Oil Refinery
12:52na pangunahing oil refinery sa Bahrain.
12:55Dahil yan sa pagtama umano ng drone ng Iran
12:57sa gitna ng mahigit isang linggo ng gantihan ng mga missile at bomba
13:02sa pagitan ng Amerika, Israel at Iran.
13:09Apektado rin ang sigalot ang iba pang oil facility sa Middle East.
13:13Sinuspin din ang Saudi Arabia ang output ng isa sa pinakamalaking refinery sa Middle East
13:18matapos itong tamaan umano ng drone ng Iran.
13:21Ang Kuwait Petroleum Corporation nagbawas ng oil output nitong Sabado
13:26dahil hindi makadaan ang mga barko sa Strait of Hormuz
13:30na dinadaanan ng one-fifth ng krudo at liquefied natural gas
13:34na kinokonsumo sa mundo.
13:36Dahil diyan, sumisipa ang presyo ng krudo sa world market.
13:40Sa kabisera ng Iran na Tehran,
13:43nagkasunog sa mga oil depot na tinamaan sa gitna ng airstrikes ng Israel.
13:48Ayon sa Iran, apat na empleyado ang patay.
13:52Giit ng Israel, ginagamit umano ang langis sa mga pag-atake ng Iran sa kanila.
13:59Sa Central Israel, isang naiulat na patay sa panibagong missile attack ng Iran.
14:09Umaaling-aungaw pa rin ang mga warning sirens sa iba pang bahagi ng Israel.
14:14Sa Lebanon, patuloy rin ang airstrikes ng Israel laban sa grupong Hezbollah na kaalyado ng Iran.
14:19Sa tala ng Health Ministry ng Lebanon, halos apat na raan na ang patay sa mga airstrikes ng Israel.
14:27Sa Iran, mahigit isang libo na ang nasawi ayon sa non-profit group na Red Crescent Society.
14:33Kasama rito ang mahigit isang daang anilay na patay nung tamaan ng missile ang isang paaralan noong February 28.
14:40Sa Israel, di bababa sa labing isang patay sa magkahiwalay na pag-atake kabilang ang isang Pilipina.
14:47Dalawa pang sundalo nila ang nasawi sa Lebanon.
14:50Meron ding mga nasawi sa Iraq, UAE, Syria, Saudi Arabia, Bahrain, Kuwait at Oman.
14:57Inanunsyo na ng Iran ang magiging kapalit ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei
15:02na nasawi sa pag-atake ng Amerika at Israel noong February 28.
15:06Yan ang 56 na taong gulang na anak niyang si Mojtaba Khamenei, na isa ring Shiite cleric,
15:12at napaulat na may suporta mula sa Security Forces at Business Network sa Iran.
15:17Dati nang sinabi ni U.S. President Donald Trump na hindi magtatagal ang isang Iranian leader na hindi umano-aprobado
15:23ng Amerika.
15:24Sa isa pang panayam pagkatapos pangalanan ng bagong Supreme Leader ng Iran,
15:29sinabi ni Trump na tignan na lang kung ano ang mangyayari.
15:32Dagdag ni Trump, ang anumang pagtatapos sa gera ang magiging mutual decision nila
15:36ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
15:40Ang Israel naman, sinabi na dati na tatargetin nito kung sino man ang mapili na bagong Supreme Leader.
15:45Mula ng sumiklabang krisis, halos 400 OFW at labindalawang dependent nila ang napauwi sa Pilipinas mula sa gitnang silangan.
15:55Kabilang dito ang 70 OFW kasama ang mga kaanak nila na dumating sa Naiya Terminal 3 kagabi.
16:02Galing UAE ang eroplanong sinakyan nila.
16:04Ang ilan sa mga OFW galing Bahrain at Saudi Arabia.
16:08The youngest that I saw was a month old baby.
16:11There are about 3 or 4 kids na nakita ko.
16:14And we met a couple, senior citizens, who are parents of an OFW.
16:20So yun, counted yung dalawang yun as dependents.
16:23Para sa GMA Integrated News, ako si Bea Pinlak, ang inyong saksi.
16:38COVID-19
16:39P
16:39Bye.
Comments

Recommended