Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang oil facilities sa Middle East o gitmang Silangan ang pinuntirya sa gitna ng mahigit isang linggo ng krisis doon.
00:07At sa gitna po nito, hinirang ang bagong supreme leader ng Iran.
00:11Saksi si Bea Pinlak.
00:17Nabalot ng makapal na usok ang Babco Oil Refinery na pangunahing oil refinery sa Bahrain.
00:23Dahil yan sa pagtama umano ng drone ng Iran sa gitna ng mahigit isang linggo ng gantihan ng mga missile
00:29at bomba sa pagitan ng Amerika, Israel at Iran.
00:37Apektado rin ng sigalot ang iba pang oil facilities sa Middle East.
00:41Sinuspindin ang Saudi Arabia ang output ng isa sa pinakamalaking refinery sa Middle East matapos itong tamaan umano ng drone
00:49ng Iran.
00:49Ang Kuwait Petroleum Corporation nagbawas ng oil output nitong Sabado dahil hindi makadaan ang mga barko sa Strait of Hormuz
00:58na dinadaanan ng one-fifth ng krudo at liquefied natural gas na kinokonsumo sa mundo.
01:04Dahil dyan, sumisipa ang presyo ng krudo sa world market.
01:09Sa kabisera ng Iran na Tehran, nagkasunog sa mga oil depot na tinamaan sa gitna ng airstrikes ng Israel.
01:16Ayon sa Iran, apat na empleyado ang patay.
01:20Giit ng Israel, ginagamit umano ang langis sa mga pag-atake ng Iran sa kanila.
01:27Sa Central Israel, isang naiulat na patay sa panibagong missile attack ng Iran.
01:37Umaaling-aungaw pa rin ang mga warning sirens sa iba pang bahagi ng Israel.
01:41Sa Lebanon, patuloy rin ang airstrikes ng Israel laban sa grupong Hezbollah na kaalyado ng Iran.
01:48Sa tala ng Health Ministry ng Lebanon, halos apat na raan na ang patay sa mga airstrikes ng Israel.
01:55Sa Iran, mahigit isang libu na ang nasawi ayon sa non-profit group na Red Crescent Society.
02:01Kasama rito ang mahigit isang daang anilay na patay nung tamaan ng missile ang isang paaralan noong February 28.
02:08Sa Israel, di bababa sa labing isang patay sa magkahihwalay na pag-atake kabilang ang isang Pilipina.
02:15Dalawa pang sundalo nilang nasawi sa Lebanon.
02:18Meron ding mga nasawi sa Iraq, UAE, Syria, Saudi Arabia, Bahrain, Kuwait at Oman.
02:25Inanunsyo na ng Iran ang magiging kapalit ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei
02:30na nasawi sa pag-atake ng Amerika at Israel noong February 28.
02:34Yan ang 56 na taong gulang na anak niyang si Mojtaba Khamenei na isa ring Shiite Cleric
02:40at napaulat na may suporta mula sa Security Forces at Business Network sa Iran.
02:45Dati nang sinabi ni US President Donald Trump na hindi magtatagal ang isang Iranian leader na hindi umano-aprubado ng
02:52Amerika.
02:53Sa isa pang panayam pagkatapos pangalanan ng bagong Supreme Leader ng Iran,
02:57sinabi ni Trump na tignan na lang kung ano ang mangyayari.
02:59Dagdag ni Trump, ang anumang pagtatapos sa gera ang magiging mutual decision nila
03:05ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
03:08Ang Israel naman, sinabi na dati na tatargetin nito kung sino man ang mapili na bagong Supreme Leader.
03:14Mula ng sumiklabang krisis, halos 400 OFW at 12 dependent nila
03:20ang napauwi sa Pilipinas mula sa gitnang silangan.
03:23Kabilang dito ang 70 OFW, kasama ang mga kaanak nila na dumating sa Naiya Terminal 3 kagabi.
03:30Galing UAE ang eroplanong sinakyan nila.
03:32Ang ilan sa mga OFW galing Bahrain at Saudi Arabia.
03:36The youngest that I saw was a month old baby.
03:39There are about 3 or 4 kids na nakita ko.
03:42And we met a couple, senior citizens who are parents of an OFW.
03:49So yun, counted yung dalawang yun as dependents.
03:51Para sa GMA Integrated News, ako si Bea Pinlac, ang inyong saksi.
03:58Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:00Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended